Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

91

1Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.
1ישב בסתר עליון בצל שדי יתלונן׃
2Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, siya'y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan.
2אמר ליהוה מחסי ומצודתי אלהי אבטח בו׃
3Sapagka't kaniyang ililigtas ka sa silo ng paninilo, at sa mapamuksang salot.
3כי הוא יצילך מפח יקוש מדבר הוות׃
4Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang mga bagwis, at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka: ang kaniyang katotohanan ay kalasag at baluti.
4באברתו יסך לך ותחת כנפיו תחסה צנה וסחרה אמתו׃
5Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi, ni sa pana man na humihilagpos kung araw;
5לא תירא מפחד לילה מחץ יעוף יומם׃
6Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman, ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat.
6מדבר באפל יהלך מקטב ישוד צהרים׃
7Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, at sangpung libo sa iyong kanan; nguni't hindi lalapit sa iyo.
7יפל מצדך אלף ורבבה מימינך אליך לא יגש׃
8Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata, at iyong makikita ang ganti sa masama.
8רק בעיניך תביט ושלמת רשעים תראה׃
9Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan;
9כי אתה יהוה מחסי עליון שמת מעונך׃
10Walang kasamaang mangyayari sa iyo, ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda.
10לא תאנה אליך רעה ונגע לא יקרב באהלך׃
11Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.
11כי מלאכיו יצוה לך לשמרך בכל דרכיך׃
12Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
12על כפים ישאונך פן תגף באבן רגלך׃
13Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong: ang batang leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong mga paa.
13על שחל ופתן תדרך תרמס כפיר ותנין׃
14Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya: aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang naalaman ang pangalan ko.
14כי בי חשק ואפלטהו אשגבהו כי ידע שמי׃
15Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at pararangalan siya.
15יקראני ואענהו עמו אנכי בצרה אחלצהו ואכבדהו׃
16Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.
16ארך ימים אשביעהו ואראהו בישועתי׃