Tagalog 1905

Hebrew: Modern

Psalms

92

1Isang mabuting bagay ang magpapasalamat sa Panginoon, at umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:
1מזמור שיר ליום השבת טוב להדות ליהוה ולזמר לשמך עליון׃
2Upang magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga, at ng iyong pagtatapat gabigabi.
2להגיד בבקר חסדך ואמונתך בלילות׃
3Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio; na may dakilang tunog na alpa.
3עלי עשור ועלי נבל עלי הגיון בכנור׃
4Sapagka't ikaw, Panginoon, iyong pinasaya ako sa iyong gawa: ako'y magtatagumpay sa mga gawa ng iyong mga kamay.
4כי שמחתני יהוה בפעלך במעשי ידיך ארנן׃
5Kay dakila ng iyong mga gawa, Oh Panginoon! Ang iyong mga pagiisip ay totoong malalim.
5מה גדלו מעשיך יהוה מאד עמקו מחשבתיך׃
6Ang taong hangal ay hindi nakakaalam; ni nauunawa man ito ng mangmang.
6איש בער לא ידע וכסיל לא יבין את זאת׃
7Pagka ang masama ay lumilitaw na parang damo, at pagka gumiginhawa ang lahat na manggagawa ng kasamaan; ay upang mangalipol sila magpakailan man:
7בפרח רשעים כמו עשב ויציצו כל פעלי און להשמדם עדי עד׃
8Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay mataas magpakailan man.
8ואתה מרום לעלם יהוה׃
9Sapagka't, narito, ang mga kaaway mo, Oh Panginoon, sapagka't, narito, ang mga kaaway mo'y malilipol; lahat ng mga manggagawa ng kasamaan ay mangangalat.
9כי הנה איביך יהוה כי הנה איביך יאבדו יתפרדו כל פעלי און׃
10Nguni't ang sungay ko'y iyong pinataas na parang sungay ng mailap na toro: ako'y napahiran ng bagong langis.
10ותרם כראים קרני בלתי בשמן רענן׃
11Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway, narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin.
11ותבט עיני בשורי בקמים עלי מרעים תשמענה אזני׃
12Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma. Siya'y tutubo na parang cedro sa Libano.
12צדיק כתמר יפרח כארז בלבנון ישגה׃
13Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon; sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
13שתולים בבית יהוה בחצרות אלהינו יפריחו׃
14Sila'y mangagbubunga sa katandaan; sila'y mapupuspos ng katas at kasariwaan:
14עוד ינובון בשיבה דשנים ורעננים יהיו׃
15Upang ipakilala na ang Panginoon ay matuwid; siya'y aking malaking bato, at walang kalikuan sa kaniya.
15להגיד כי ישר יהוה צורי ולא עלתה בו׃