1Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon: tayo'y magkaingay na may kagalakan sa malaking bato na ating kaligtasan.
1לכו נרננה ליהוה נריעה לצור ישענו׃
2Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat, tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
2נקדמה פניו בתודה בזמרות נריע לו׃
3Sapagka't ang Panginoon ay dakilang Dios, at dakilang Hari sa lahat ng mga dios,
3כי אל גדול יהוה ומלך גדול על כל אלהים׃
4Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa, ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.
4אשר בידו מחקרי ארץ ותועפות הרים לו׃
5Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa: at ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.
5אשר לו הים והוא עשהו ויבשת ידיו יצרו׃
6Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.
6באו נשתחוה ונכרעה נברכה לפני יהוה עשנו׃
7Sapagka't siya'y ating Dios, at tayo'y bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, kung inyong didinggin ang kaniyang tinig!
7כי הוא אלהינו ואנחנו עם מרעיתו וצאן ידו היום אם בקלו תשמעו׃
8Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba, gaya sa kaarawan ng Masa sa ilang:
8אל תקשו לבבכם כמריבה כיום מסה במדבר׃
9Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang, tinikman ako, at nakita ang gawa ko.
9אשר נסוני אבותיכם בחנוני גם ראו פעלי׃
10Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon, at aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso. At hindi naalaman ang aking mga daan:
10ארבעים שנה אקוט בדור ואמר עם תעי לבב הם והם לא ידעו דרכי׃
11Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot, na sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.
11אשר נשבעתי באפי אם יבאון אל מנוחתי׃