1At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
1主はモーセに言われた、
2Iutos mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupain ng Canaan, (na ito ang lupaing mahuhulog sa inyo na pinakamana, ang lupain ng Canaan ayon sa mga hangganan niyaon),
2「イスラエルの人々に命じて言いなさい。あなたがたがカナンの地にはいるとき、あなたがたの嗣業となるべき地はカナンの地で、その全域は次のとおりである。
3At inyong hahantungan ang dakong timugan mula sa ilang ng Zin hanggang sa gilid ng Edom, at ang inyong hangganang timugan ay magiging mula sa dulo ng Dagat na Alat sa dakong silanganan:
3南の方はエドムに接するチンの荒野に始まり、南の境は、東は塩の海の端に始まる。
4At ang inyong hangganan ay paliko sa dakong timugan sa sampahan ng Acrabbim, at patuloy hanggang sa Zin: at ang mga labasan niyaon ay magiging sa dakong timugan ng Cades-barnea; at mula rito ay pasampa sa Hasar-addar, at patuloy sa Asmon:
4その境はアクラビムの坂の南を巡ってチンに向かい、カデシ・バルネアの南に至り、ハザル・アダルに進み、アズモンに及ぶ。
5At ang hangganan ay paliko mula sa Asmon hanggang sa batis ng Egipto, at ang magiging mga labasan niyaon ay sa dagat.
5その境はまたアズモンから転じてエジプトの川に至り、海に及んで尽きる。
6At ang magiging inyong hangganang kalunuran ay ang malaking dagat at ang baybayin niyaon: ito ang magiging inyong hangganang kalunuran.
6西の境はおおうみとその沿岸で、これがあなたがたの西の境である。
7At ito ang magiging inyong hangganang hilagaan mula sa malaking dagat ay inyong gagawing palatandaan ang bundok ng Hor:
7あなたがたの北の境は次のとおりである。すなわちおおうみからホル山まで線を引き、
8Mula sa bundok ng Hor ay inyong gagawing palatandaan ang pasukan ng Hamath; at ang magiging mga labasan ng hangganan ay sa Sedad;
8ホル山からハマテの入口まで線を引き、その境をゼダデに至らせ、
9At ang magiging hangganan ay palabas sa Ziphron, at ang magiging mga labasan niyaon, ay ang Hasar-enan: ito ang magiging inyong hangganang hilagaan.
9またその境はジフロンに進み、ハザル・エノンに至って尽きる。これがあなたがたの北の境である。
10At inyong gagawing palatandaan ang inyong hangganang silanganan mula sa Hasar-enan hanggang Sepham:
10あなたがたの東の境は、ハザル・エノンからシパムまで線を引き、
11At ang hangganan ay pababa mula sa Sepham hanggang sa Ribla, sa dakong silanganan ng Ain; at ang hangganan ay pababa at abot hanggang sa gilid ng dagat ng Cinnereth sa dakong silanganan:
11またその境はアインの東の方で、シパムからリブラに下り、またその境は下ってキンネレテの海の東の斜面に至り、
12At ang hangganan ay pababa sa Jordan, at ang magiging mga labasan niyaon ay abot sa Dagat na Alat: ito ang magiging inyong lupain, ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot.
12またその境はヨルダンに下り、塩の海に至って尽きる。あなたがたの国の周囲の境は以上のとおりである」。
13At iniutos ni Moises sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Ito ang lupain na inyong mamanahin sa pamamagitan ng sapalaran, na iniutos ng Panginoon na ibigay sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi;
13モーセはイスラエルの人々に命じて言った、「これはあなたがたが、くじによって継ぐべき地である。主はこれを九つの部族と半部族とに与えよと命じられた。
14Sapagka't ang lipi ng mga anak ni Ruben ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ang lipi ng mga anak ni Gad ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay nagsitanggap na, at gayon din naman ang kalahating lipi ni Manases ay nagsitanggap na ng kanilang mana:
14それはルベンの子孫の部族とガドの子孫の部族とが共に父祖の家にしたがって、すでにその嗣業を受け、またマナセの半部族もその嗣業を受けていたからである。
15Ang dalawang lipi na ito, at ang kalahating lipi ay nagsitanggap na ng kanilang mana sa dako roon ng Jordan sa dakong silanganan ng Jerico, sa dakong sinisikatan ng araw.
15この二つの部族と半部族とはエリコに近いヨルダンのかなた、すなわち東の方、日の出る方で、その嗣業を受けた」。
16At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
16主はまたモーセに言われた、
17Ito ang mga pangalan ng mga lalake na magbabahagi ng lupain sa inyo na pinakamana: si Eleazar na saserdote, at si Josue na anak ni Nun.
17「あなたがたに、嗣業として地を分け与える人々の名は次のとおりである。すなわち祭司エレアザルと、ヌンの子ヨシュアとである。
18At maglalagay kayo ng isang prinsipe sa bawa't lipi, upang magbahagi ng lupain na pinakamana.
18あなたがたはまた、おのおの部族から、つかさひとりずつを選んで、地を分け与えさせなければならない。
19At ito ang mga pangalan ng mga lalake: sa lipi ni Juda, ay si Caleb na anak ni Jephone.
19その人々の名は次のとおりである。すなわちユダの部族ではエフンネの子カレブ、
20At sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay si Samuel na anak ni Ammiud.
20シメオンの子孫の部族ではアミホデの子サムエル、
21Sa lipi ni Benjamin, ay si Elidad na anak ni Chislon.
21ベニヤミンの部族ではキスロンの子エリダデ、
22At sa lipi ng mga anak ni Dan, ay ang prinsipe Bucci na anak ni Jogli.
22ダンの子孫の部族ではヨグリの子つかさブッキ、
23Sa mga anak ni Jose: sa lipi ng mga anak ni Manases, ay ang prinsipe Haniel na anak ni Ephod:
23ヨセフの子孫、すなわちマナセの部族ではエポデの子つかさハニエル、
24At sa lipi ng mga anak ni Ephraim, ay ang prinsipe Chemuel na anak ni Siphtan.
24エフライムの子孫の部族ではシフタンの子つかさケムエル、
25At sa lipi ng mga anak ni Zabulon, ay ang prinsipe Elisaphan na anak ni Pharnach.
25ゼブルンの子孫の部族ではパルナクの子つかさエリザパン、
26At sa lipi ng mga anak ni Issachar, ay ang prinsipe Paltiel na anak ni Azan.
26イッサカルの子孫の部族ではアザンの子つかさパルテエル、
27At sa lipi ng mga anak ni Aser, ay ang prinsipe Ahiud na anak ni Selomi.
27アセルの子孫の部族ではシロミの子つかさアヒウデ、
28At sa lipi ng mga anak ni Nephtali, ay ang prinsipe Pedael na anak ni Ammiud.
28ナフタリの子孫の部族では、アミホデの子つかさパダヘル。カナンの地でイスラエルの人々に嗣業を分け与えることを主が命じられた人々は以上のとおりである」。
29Ito yaong mga inutusan ng Panginoon na bumahagi ng mana sa mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan.
29カナンの地でイスラエルの人々に嗣業を分け与えることを主が命じられた人々は以上のとおりである」。