1At sinabi ng mga anak ng mga propeta kay Eliseo, Narito ngayon, ang dakong aming kinatitirahan sa harap mo ay totoong gipit sa ganang amin.
1Pranašų sūnūs sakė Eliziejui: “Vieta, kurioje gyvename, kaip matai, mums per ankšta.
2Isinasamo namin sa iyo na kami ay paparoonin sa Jordan, at kumuha roon ang bawa't isa ng sikang, at gumawa kami para sa amin ng isang dako roon, na aming matatahanan. At siya'y sumagot, Magsiyaon kayo.
2Leisk mums eiti prie Jordano, pasikirsti ten medžių ir pasistatyti namus”. Jis atsakė: “Eikite”.
3At sinabi ng isa, Isinasamo ko sa iyo na ikaw ay matuwa, at yumaon na kasama ng iyong mga lingkod. At siya'y sumagot, Ako'y yayaon.
3Vienas jų prašė pranašą eiti su jais. Jis atsakė: “Gerai, aš eisiu”.
4Sa gayo'y yumaon siyang kasama nila. At nang sila'y dumating sa Jordan, sila'y nagsiputol ng kahoy.
4Jis išėjo su jais. Atėję prie Jordano, jie kirto medžius.
5Nguni't samantalang ang isa'y pumuputol ng isang sikang, ang talim ng palakol ay nalaglag sa tubig: at siya'y sumigaw, at nagsabi, Sa aba ko, panginoon ko! sapagka't hiram.
5Vienam kertant medį, kirvio geležis įkrito į vandenį. Jis sušuko: “Vargas, šeimininke! Jį buvau pasiskolinęs!”
6At sinabi ng lalake ng Dios, Saan nalaglag? At itinuro niya sa kaniya ang dako. At siya'y pumutol ng isang patpat, at inihagis doon, at pinalutang ang bakal.
6Dievo vyras paklausė: “Kur jis įkrito?” Kai tas parodė vietą, pranašas nusipjovė lazdą, įmetė ją į tą vietą, ir kirvis iškilo.
7At kaniyang sinabi, Kunin mo. Sa gayo'y kaniyang iniunat ang kaniyang kamay, at kinuha.
7Tada tarė jis: “Pasiimk jį”. Vyras ištiesė ranką ir pasiėmė kirvį.
8Ang hari nga sa Siria ay nakipagdigma sa Israel; at siya'y kumuhang payo sa kaniyang mga lingkod, na nagsasabi, Sa gayo't gayong dako malalagay ang aking kampamento.
8Sirijos karalius kariavo su Izraeliu. Jis tarėsi su savo tarnais, sakydamas: “Tokioje ir tokioje vietoje bus mano stovykla”.
9At ang lalake ng Dios ay nagsugo sa hari sa Israel, na nagsasabi, Magingat ka na huwag dumaan sa dakong yaon; sapagka't doo'y lumulusong ang mga taga Siria.
9Dievo vyras pasiuntė pas Izraelio karalių, sakydamas: “Saugokis, neik pro tą vietą, nes ten sirai”.
10At nagsugo ang hari sa Israel sa dakong isinaysay sa kaniya ng lalake ng Dios at ipinagpauna sa kaniya; at siya'y lumigtas doon, na hindi miminsan o mamakalawa.
10Izraelio karalius pasiuntė į tą vietą, kurią jam nurodė Dievo vyras, ir saugojo ją. Taip jis saugojosi ne kartą ir ne du.
11At ang puso ng hari sa Siria ay nabagabag na mainam dahil sa bagay na ito; at kaniyang tinawag ang kaniyang mga lingkod, at sinabi sa kanila, Hindi ba ninyo ipakikilala sa akin kung sino sa atin ang sa hari sa Israel?
11Sirijos karalius dėl to labai nerimavo. Jis, pasišaukęs savo tarnus, tarė: “Sakykite, kas iš mūsų su Izraelio karaliumi?”
12At sinabi ng isa sa kaniyang mga lingkod, Hindi panginoon ko, Oh hari: kundi si Eliseo, na propeta na nasa Israel, ay nagsaysay sa hari sa Israel ng mga salita na iyong sinalita sa iyong silid na tulugan.
12Vienas iš jo tarnų tarė: “Nė vienas, mano valdove karaliau. Bet pranašas Eliziejus, kuris gyvena Izraelyje, praneša Izraelio karaliui tai, ką kalbi savo miegamajame”.
13At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon at tingnan mo kung saan siya nandoon, upang ako'y makapagpasundo at dalhin siya. At nasaysay sa kaniya, na sinabi, Narito, siya'y nasa Dothan.
13Jis įsakė savo vyrams: “Eikite ir sužinokite, kur jis yra, kad jį suimčiau”. Jam buvo pranešta: “Jis Dotane”.
14Kaya't siya'y nagsugo roon ng mga kabayo at mga karo, at ng isang malaking hukbo: at sila'y naparoon sa gabi, at kinubkob ang bayan sa palibot.
14Jis pasiuntė raitelių, kovos vežimų ir didelę kariuomenę, kurie nakčia apsupo miestą.
15At nang ang lingkod ng lalake ng Dios ay magbangong maaga, at maglabas, narito, isang hukbo na may mga kabayo at mga karo ay nakalibot sa bayan. At ang kaniyang lingkod ay nagsabi sa kaniya, Sa aba natin, panginoon ko! paano ang ating gagawin?
15Dievo vyro tarnas, anksti atsikėlęs ir išėjęs, pamatė kariuomenę su raiteliais ir kovos vežimais, kurie buvo apsupę miestą. Tarnas sakė jam: “Vargas, mano šeimininke! Ką dabar darysime?”
16At siya'y sumagot, Huwag kang matakot: sapagka't ang sumasaatin ay higit kay sa sumasa kanila.
16Eliziejus atsakė: “Nebijok, nes su mumis yra daugiau negu su jais”.
17At si Eliseo ay nanalangin, at nagsabi, Idinadalangin ko sa iyo, Panginoon, na idilat ang kaniyang mga mata, upang siya'y makakita. At idinilat ng Panginoon ang mga mata ng binata; at siya'y nakakita, at narito, ang bundok ay puno ng mga kabayo at ng mga karo ng apoy sa palibot ni Eliseo.
17Eliziejus meldėsi: “Viešpatie, atverk jo akis, kad matytų”. Viešpats atvėrė tarno akis, ir jis pamatė: štai kalnas buvo pilnas ugninių žirgų ir vežimų, supančių Eliziejų.
18At nang kanilang lusungin siya, ay nanalangin si Eliseo sa Panginoon, at nagsabi, Idinadalangin ko sa iyo, na bulagin mo ang bayang ito. At kaniyang binulag sila ayon sa salita ni Eliseo.
18Sirams artinantis prie jo, Eliziejus meldėsi: “Viešpatie, apakink juos”. Ir Jis apakino juos pagal Eliziejaus žodį.
19At sinabi ni Eliseo sa kanila, Hindi ito ang daan, o ang bayan man: sumunod kayo sa akin, at dadalhin ko kayo sa lalake na inyong hinahanap. At kaniyang pinatnubayan sila hanggang sa Samaria.
19Tada Eliziejus tarė jiems: “Čia ne tas kelias ir ne tas miestas. Sekite mane, ir aš jus nuvesiu pas tą vyrą, kurio ieškote”. Jis juos nuvedė į Samariją.
20At nangyari, nang sila'y magsidating sa Samaria, na sinabi ni Eliseo, Panginoon, idilat mo ang mga mata ng mga lalaking ito, upang sila'y makakita. At idinilat ng Panginoon ang kanilang mga mata, at sila'y nangakakita; at, narito, sila'y nangasa gitna ng Samaria.
20Jiems atėjus į Samariją, Eliziejus meldėsi: “Viešpatie, atverk jų akis, kad jie vėl matytų”. Viešpats atvėrė jų akis, ir jie pamatė esą Samarijos viduryje.
21At sinabi ng hari sa Israel kay Eliseo, nang makita niya sila, Ama ko, sasaktan ko ba sila? sasaktan ko ba sila?
21Izraelio karalius, juos pamatęs, klausė Eliziejų: “Mano tėve, ar juos užmušti?”
22At siya'y sumagot. Huwag mong sasaktan sila; sasaktan mo ba ang iyong binihag ng iyong tabak at ng iyong busog? maghain ka ng tinapay at tubig sa harap nila, upang kanilang makain at mainom, at magsiparoon sa kanilang panginoon.
22Eliziejus atsakė: “Neužmušk. Argi tu žudai tuos, kuriuos paimi į nelaisvę savo kardu ir lanku? Duok jiems duonos ir vandens, kad pavalgytų ir atsigertų, o tada tegul eina pas savo valdovą”.
23At ipinaghanda niya ng malaking pagkain sila: at nang sila'y makakain at makainom, kaniyang pinayaon sila, at sila'y nagsiparoon sa kanilang panginoon. At ang pulutong ng Siria ay hindi na naparoon pa sa lupain ng Israel.
23Jis jiems paruošė dideles vaišes, ir, jiems pavalgius bei atsigėrus, paleido juos grįžti pas savo valdovą. Nuo to laiko Sirijos būriai daugiau nebepuldinėjo Izraelio.
24At nangyari, pagkatapos nito, na pinisan ni Ben-adad na hari sa Siria, ang buo niyang hukbo, at umahon, at kinubkob ang Samaria.
24Kartą Sirijos karalius Ben Hadadas, surinkęs visą savo kariuomenę, atėjo ir apgulė Samariją.
25At nagkaroon ng malaking kagutom sa Samaria: at, narito, kanilang kinubkob, hanggang sa ang ulo ng isang asno ay naipagbili ng walong pung putol na pilak, at ang ikaapat na bahagi ng isang takal ng dumi ng kalapati ay ng limang putol na pilak.
25Tada kilo didelis badas Samarijoje. Jie laikė ją apgulę, kol asilo galva kainavo aštuoniasdešimt šekelių sidabro ir ketvirtis kabo balandžių mėšlo penkis šekelius sidabro.
26At pagdaraan sa kuta ng hari sa Israel, humiyaw ang isang babae sa kaniya, na nagsasabi, Saklolo, panginoon ko, Oh hari.
26Izraelio karaliui einant mūro siena, viena moteris sušuko: “Padėk, mano valdove karaliau!”
27At kaniyang sinabi, Kung hindi ka saklolohan ng Panginoon, sa ano kita sasaklolohan sa giikan ba, o sa ubasan.
27Jis atsakė: “Jei Viešpats tau nepadeda, kaip aš tau padėsiu? Iš klojimo ar iš vyno spaustuvo?”
28At sinabi ng hari sa kaniya, Anong nangyayari sa iyo? At siya'y sumagot, Sinabi ng babaing ito sa akin, Ibigay mo ang iyong anak, upang makain natin siya ngayon, at kakanin natin ang anak ko bukas.
28Karalius jos paklausė: “Ko norėtum?” Ji atsakė: “Šita moteris man sakė: ‘Suvalgykime tavo sūnų šiandien, o mano sūnų rytoj suvalgysime’.
29Sa gayo'y pinakuluan namin ang anak ko, at kinain namin siya: at sinabi ko sa kaniya sa sumunod na araw, Ibigay mo ang iyong anak, upang makain natin siya; at kaniyang ikinubli ang kaniyang anak.
29Išvirėme mano sūnų ir jį suvalgėme. O kai kitą dieną jai pasakiau, kad duotų savo sūnų suvalgyti, tai ji paslėpė jį”.
30At nangyari, nang marinig ng hari ang mga salita ng babae, na kaniyang hinapak ang kaniyang suot (nagdadaan nga siya sa kuta;) at ang bayan ay tumingin, at, narito, siya'y may magaspang na damit sa loob sa kaniyang katawan.
30Karalius, išgirdęs moters žodžius, persiplėšė drabužius. Jis ėjo per sieną, ir žmonės matė, kad jis po rūbais vilkėjo ašutinę ant kūno.
31Nang magkagayo'y kaniyang sinabi, Gawing gayon ng Dios sa akin, at lalo na, kung ang ulo ni Eliseo, na anak ni Saphat ay matira sa kaniya sa araw na ito.
31Jis tarė: “Tegul Dievas padaro man tai ir dar daugiau, jei Šafato sūnaus Eliziejaus galva šiandien pasiliks ant jo pečių”.
32Nguni't si Eliseo ay nakaupo sa kaniyang bahay, at ang mga matanda ay nagsiupo na kasama niya; at ang hari ay nagsugo ng isang lalake na mula sa harap niya: nguni't bago dumating ang sugo sa kinaroroonan niya, sinabi niya sa mga matanda, Hindi ba ninyo nakita kung paanong ang anak na ito ng isang mamamatay tao ay nagsugo sa akin na alisin ang aking ulo? masdan ninyo, pagdating ng sugo, sarhan ninyo ang pintuan, at itulak ninyo ang pinto laban sa kaniya: di ba ang ingay ng mga paa ng kaniyang panginoon sa likod niya?
32Karalius pasiuntė vyrą pas Eliziejų, kuris tuo laiku sėdėjo savo namuose su vyresniaisiais. Eliziejus tarė vyresniesiems, prieš pasiuntiniui ateinant: “Ar matote, šitas žmogžudžio sūnus pasiuntė vyrą, kad nukirstų man galvą? Pamatę pasiuntinį ateinant, užrakinkite duris ir tvirtai laikykite, nes ir jo valdovą tuoj pamatysite”.
33At samantalang siya'y nakikipagusap sa kanila, narito, nilusong siya ng sugo: at kaniyang sinabi, Narito, ang kasamaang ito'y mula sa Panginoon; bakit pa ako maghihintay sa Panginoon?
33Jam kalbant su jais, atėjo pasiuntinys ir tarė: “Šita nelaimė yra iš Viešpaties! Tai ko man dar laukti iš Viešpaties?”