1At sinabi ni Eliseo, Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon, ganito ang sabi ng Panginoon: Bukas sa may ganitong oras, ang isang takal ng mainam na harina ay maipagbibili ng isang siklo, at ang dalawang takal ng sebada ay ng dalawang siklo, sa pintuang-bayan ng Samaria.
1Tada Eliziejus sakė: “Klausykite Viešpaties žodžio: ‘Rytoj tuo laiku Samarijos vartuose smulkių miltų sykelis kainuos vieną šekelį ir du miežių sykeliai vieną šekelį’ ”.
2Nang magkagayo'y ang punong kawal na pinangangapitan ng hari ay sumagot sa lalaki ng Dios, at nagsabi, Narito, kung ang Panginoo'y gagawa ng mga dungawan sa langit, mangyayari ba ito? At kaniyang sinabi, Narito, makikita mo yaon ng iyong mga mata, nguni't hindi ka kakain niyaon.
2Tuomet vyras, į kurio ranką karalius remdavosi, sakė Dievo vyrui: “Jei Viešpats atidarytų dangaus langus, ar galėtų taip įvykti?” Jis atsakė: “Tu tai matysi savo akimis, bet nevalgysi to”.
3Mayroon ngang apat na may ketong sa pasukan ng pintuang-bayan: at sila'y nagsangusapan. Bakit nauupo tayo rito hanggang sa tayo'y mamatay?
3Keturi raupsuoti vyrai buvo prie miesto vartų. Jie kalbėjosi: “Ar mes čia sėdėsime, kol mirsime?
4Kung ating sabihin, Tayo'y magsisipasok sa bayan, ang kagutom nga'y nasa bayan, at tayo'y mamamatay roon: at kung tayo'y magsisitigil ng pagkaupo rito, tayo'y mamamatay rin. Ngayon nga'y halina, at tayo'y lumapit sa hukbo ng mga taga Siria: kung tayo'y iligtas nilang buhay, tayo'y mabubuhay; at kung tayo'y patayin nila, mamamatay lamang tayo.
4Jei eisime į miestą, ten siaučia badas ir mes mirsime ten, o jei čia sėdėsime, taip pat mirsime. Taigi eikime į sirų stovyklą. Jei jie paliks mus gyvus, gyvensime, o jei jie mus nužudys, mirsime”.
5At sila'y nagsitindig pagtatakip silim, upang magsiparoon sa kampamento ng mga taga Siria: at nang sila'y magsidating sa pinakamalapit na bahagi ng kampamento ng mga taga Siria, narito, walang tao roon.
5Prieblandoje jie pakilo eiti į sirų stovyklą. Priėję prie stovyklos, jie pamatė, kad ten nebuvo nė vieno žmogaus.
6Sapagka't ipinarinig ng Panginoon sa hukbo ng mga taga Siria ang hugong ng mga karo, at ang huni ng mga kabayo, sa makatuwid baga'y ang hugong ng malaking hukbo: at sila'y nagsangusapan. Narito, inupahan ng hari ng Israel laban sa atin ang mga hari ng mga Hetheo, at ang mga hari ng mga taga Egipto, upang magsidaluhong sa atin.
6Viešpats padarė, kad sirų kariuomenė girdėjo vežimų ir žirgų kanopų bildesį, didelės kariuomenės garsus. Sirai kalbėjosi: “Tikrai, Izraelio karalius pasamdė prieš mus hetitų ir egiptiečių karalius”.
7Kaya't sila'y nagsitindig, at nagsitakas sa pagtatakip silim, at iniwan ang kanilang mga tolda, at ang kanilang mga kabayo, at ang kanilang mga asno, at ang buong kampamento, na gaya ng dati, at nagsitakas dahil sa kanilang buhay.
7Jie skubėdami pakilo prieblandoje ir, palikę palapines, žirgus, asilus ir visa, kas stovykloje buvo, bėgo, gelbėdami savo gyvybes.
8At nang ang mga may ketong na ito'y magsidating sa pinakamalapit na bahagi ng kampamento, sila'y nagsipasok sa isang tolda, at nagsikain at nagsiinom, at nagsipagdala mula roon ng pilak, at ng ginto, at ng bihisan, at nagsiyaon at itinago; at sila'y bumalik, at pumasok sa ibang tolda, at nagdala rin mula roon, at nagsiyaon at itinago.
8Raupsuotieji atėjo į stovyklą. Įėję į vieną palapinę, valgė, gėrė ir, pasiėmę sidabro, aukso bei drabužių, paslėpė. Po to jie sugrįžo, įėjo į kitą palapinę ir, išnešę iš ten, taip pat paslėpė.
9Nang magkagayo'y nagsangusapan sila. Hindi mabuti ang ginagawa natin: ang araw na ito ay araw ng mabubuting balita, at tayo'y tumatahimik: kung tayo'y magsipaghintay ng hanggang sa pagliliwayway sa kinaumagahan, parusa ang aabot sa atin: ngayon nga'y halina, tayo'y magsiyaon at ating saysayin sa sangbahayan ng hari.
9Tada jie sakė vienas kitam: “Negerai darome, nes šita diena yra geros naujienos diena. Jei mes delsime ir lauksime iki aušros, ištiks mus nelaimė. Tad dabar eikime ir praneškime karaliaus namiškiams”.
10Sa gayo'y nagsiparoon sila, at nagsitawag sa tagatanod-pinto ng bayan: at kanilang isinaysay sa kanila, na sinasabi, Kami ay nagsiparoon sa kampamento ng mga taga Siria, at, narito, walang lalake roon ni tinig man ng lalake, kundi mga nakataling kabayo, at mga asnong nangakatali, at ang mga tolda na gaya ng dati.
10Sugrįžę jie pranešė miesto vartų sargybai: “Buvome nuėję į sirų stovyklą; ten nėra nė vieno žmogaus, tik pririšti žirgai ir asilai, ir palapinėse viskas kaip buvo”.
11At tinawag niya ang mga tagatanod-pinto; at kanilang sinaysay sa sangbahayan ng hari sa loob.
11Vartų sargyba pranešė tą žinią karaliaus namams.
12At ang hari ay bumangon sa gabi, at nagsabi sa kaniyang mga lingkod, Ipakikita ko sa inyo ngayon kung ano ang ginawa ng mga taga Siria sa atin. Kanilang talastas na tayo'y gutom; kaya't sila'y nagsilabas ng kampamento upang magsipangubli sa parang, na nagsasabi, Pagka sila'y nagsilabas sa bayan, ating kukunin silang buhay at papasok tayo sa bayan.
12Karalius, naktį atsikėlęs, sakė savo tarnams: “Aš jums pasakysiu, ką sirai padarė. Jie žino, kad mes alkani. Taigi jie išėjo iš stovyklos ir pasislėpė atvirame lauke, sakydami: ‘Jie išeis iš miesto, tada mes juos gyvus suimsime ir įsiveršime į miestą’ ”.
13At isa sa kaniyang mga lingkod ay sumagot, at nagsabi, Isinasamo ko sa inyo na kunin ng ilan ang lima sa mga kabayong nalabi, na natira sa bayan (narito, sila'y gaya ng buong karamihan ng Israel na natira roon; narito, sila'y gaya ng buong karamihan ng Israel na nalipol:) at tayo'y magsugo at ating tingnan.
13Vienas iš jo tarnų tarė karaliui: “Leisk paimti likusius mieste penkis žirgus, nes jie yra likę mieste, kaip ir visa Izraelio daugybė, pasiųskime vyrus ir ištirkime”.
14Sila nga'y nagsikuha ng dalawang karo na may mga kabayo; at ang hari ay nagsugo na pinasundan ang hukbo ng mga taga Siria, na nagsabi, Kayo ay yumaon at tingnan ninyo.
14Jie pakinkė žirgus į du vežimus, ir karalius pasiuntė juos paskui sirų kariuomenę, sakydamas: “Eikite ir pažiūrėkite”.
15At kanilang sinundan sila hanggang sa Jordan; at, narito, ang buong daa'y puno ng mga kasuutan at ng mga kasangkapan na mga inihagis ng mga taga Siria sa kanilang pagmamadali. At ang mga sugo ay nagsibalik at nagsaysay sa hari.
15Jie sekė juos iki Jordano; visas kelias buvo pilnas drabužių ir ginklų, kuriuos sirai skubėdami išmėtė. Pasiuntiniai sugrįžo ir pranešė karaliui.
16At ang bayan ay lumabas, at sinamsaman ang kampamento ng mga taga Siria. Sa gayo'y ang takal ng mainam na harina ay naipagbili ng isang siklo, at ang dalawang takal ng sebada ay isang siklo, ayon sa salita ng Panginoon.
16Tada žmonės ėjo ir plėšė sirų stovyklą. Sykelis smulkių miltų arba du sykeliai miežių kainavo vieną šekelį, kaip Viešpats buvo sakęs.
17At inihabilin ng hari sa punong kawal na pinangangapitan niya, ang katungkulan sa pintuang-bayan: at niyapakan siya ng bayan sa pintuang-bayan, at siya'y namatay na gaya ng sinabi ng lalake ng Dios, na nagsalita nang lusungin siya ng hari.
17Karalius pavedė vyrui, į kurio ranką jis remdavosi, prižiūrėti vartus, bet žmonės jį sumindžiojo vartuose ir jis mirė, kaip Dievo vyras buvo sakęs, kai pas jį buvo atėjęs karalius.
18At nangyari, gaya ng sinabi ng lalake ng Dios sa hari, na sinasabi, Ang dalawang takal ng sebada ay maipagbibili isang siklo, at ang isang takal ng mainam na harina ay isang siklo, mangyayari bukas sa may ganitong oras sa pintuang-bayan ng Samaria;
18Kai Dievo vyras sakė karaliui: “Du sykeliai miežių arba vienas sykelis smulkių miltų kainuos vieną šekelį rytoj apie šitą laiką Samarijos vartuose”,
19At ang punong kawal na yaon ay sumagot sa lalake ng Dios, at nagsabi, Ngayon, narito, kung ang Panginoon ay gagawa ng mga dungawan sa langit, mangyayari ba ang gayong bagay? At kaniyang sinabi, Narito, makikita mo yaon ng iyong mga mata, nguni't hindi ka kakain niyaon:
19tas vyras sakė Dievo vyrui: “Jei Viešpats atidarytų dangaus langus, ar galėtų taip įvykti?” Pranašas atsakė: “Tu tai matysi savo akimis, tačiau nevalgysi”.
20Nangyari ngang gayon sa kaniya; sapagka't niyapakan siya ng bayan sa pintuang-bayan, at siya'y namatay.
20Taip ir atsitiko. Žmonės jį mirtinai sumindžiojo vartuose.