1Nang unang taon nga ni Ciro na hari sa Persia, upang ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias ay maganap, kinilos ng Panginoon ang diwa ni Ciro na hari sa Persia, na siya'y nagtanyag sa kaniyang buong kaharian, at isinulat din naman, na sinasabi,
1Pirmaisiais persų karaliaus Kyro metais, kad įvyktų Jeremijo paskelbtas Viešpaties žodis, Viešpats paragino persų karalių Kyrą, kad jis paskelbtų visoje karalystėje žodžiu ir raštu:
2Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia, Ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit, ang lahat na kaharian sa lupa; at ibinilin niya sa akin na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda.
2“Taip sako persų karalius Kyras: ‘Viešpats, dangaus Dievas, atidavė man visas žemės karalystes; Jis pavedė man atstatyti Jo namus Jeruzalėje, kuri yra Jude.
3Sinoman sa inyo sa kaniyang buong bayan, sumakaniya nawa ang kaniyang Dios, at umahon siya sa Jerusalem, na nasa Juda, at itayo ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (siya'y Dios,) na nasa Jerusalem.
3Kas iš jūsų yra iš Jo tautos, jo Dievas tebūna su juo ir tegrįžta jis į Jeruzalę, kuri yra Jude, ir tegul stato Viešpaties, Izraelio Dievo, kuris yra Jeruzalėje, namus.
4At sinomang naiwan sa alinmang dako na kaniyang pinakikipamayanan, tulungan siya ng mga lalake sa kaniyang kinaroroonan ng pilak, at ng ginto, at ng mga pag-aari, at ng mga hayop, bukod sa kusang handog sa bahay ng Dios na nasa Jerusalem.
4Visose vietose, kur jis begyventų, pasilikusieji žmonės tepadeda jam sidabru ir auksu, manta ir gyvuliais bei laisvos valios auka Dievo namams Jeruzalėje’ ”.
5Nang magkagayo'y nagsibangon ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Juda at Benjamin, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, sa makatuwid baga'y lahat na ang diwa'y kinilos ng Dios na magsiahong itayo ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem.
5Tuomet Judo ir Benjamino šeimų vyresnieji, kunigai, levitai ir visi, kurių dvasia buvo Dievo sužadinta, pakilo eiti statyti Viešpaties namų Jeruzalėje.
6At lahat na nangasa palibot nila ay nangagpatibay sa kanilang mga kamay ng mga sisidlang pilak, ng ginto, ng mga pag-aari, at ng mga hayop, at ng mga mahalagang bagay, bukod pa sa lahat na kusang inihandog.
6Visi aplinkiniai gyventojai juos parėmė sidabriniais ir auksiniais indais, manta, gyvuliais ir brangiomis dovanomis.
7Inilabas din naman ni Ciro na hari ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon na inilabas ni Nabucodonosor sa Jerusalem, at inilagay sa bahay ng kaniyang mga dios;
7Karalius Kyras atidavė Viešpaties namų reikmenis, kuriuos Nebukadnecaras buvo atgabenęs iš Jeruzalės ir padėjęs savo dievo namuose.
8Sa makatuwid baga'y yaong mga inilabas ni Ciro na hari sa Persia sa pamamagitan ng kamay ni Mitridates na tagaingat-yaman, at mga binilang kay Sesbassar, na prinsipe sa Juda.
8Persų karalius Kyras juos perdavė per savo iždininką Mitredatą, kuris juos suskaitė ir atidavė Judo kunigaikščiui Šešbacarui:
9At ito ang bilang ng mga yaon: tatlong pung pinggang ginto, at isang libong pinggang pilak, dalawang pu't siyam na sundang;
9trisdešimt auksinių dubenų, tūkstantį sidabrinių dubenų, dvidešimt devynis peilius,
10Tatlong pung mangkok na ginto, mga mangkok na pilak na ikalawang ayos ay apat na raan at sangpu, at ang ibang mga sisidlan ay isang libo.
10trisdešimt auksinių taurių, keturis šimtus dešimt sidabrinių taurių ir tūkstantį kitokių indų.
11Lahat na sisidlang ginto at pilak ay limang libo at apat na raan. Ang lahat ng mga ito ay ipinaahon ni Sesbassar, nang silang sa pagkabihag ay ipagahong mula sa Babilonia hanggang sa Jerusalem.
11Visų auksinių ir sidabrinių indų buvo penki tūkstančiai keturi šimtai. Visa tai paėmė Šešbacaras, belaisviams grįžtant iš Babilono į Jeruzalę.