1At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita.
1Og hele jorden hadde ett tungemål og ens tale.
2At nangyari, na, sa kanilang paglalakbay sa silanganan, ay nakasumpong sila ng isang kapatagan sa lupain ng Sinar; at sila'y nanahan doon.
2Og da de drog frem mot øst, fant de en slette i landet Sinear, og de bosatte sig der.
3At nagsangusapang, Halikayo! tayo'y gumawa ng mga laryo, at ating lutuing mabuti. At inari nilang bato ang laryo at ang betun ay inaring argamasa.
3Og de sa til hverandre: Kom, la oss gjøre teglsten og brenne dem vel! Og de brukte tegl istedenfor sten, og jordbek istedenfor kalk.
4At nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa.
4Så sa de: Kom, la oss bygge oss en by med et tårn som når op til himmelen, og gjøre oss et navn, så vi ikke skal spres over hele jorden!
5At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog, na itinayo ng mga anak ng mga tao.
5Da steg Herren ned for å se byen og tårnet som menneskenes barn hadde begynt å bygge.
6At sinabi ng Panginoon, Narito, sila'y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at, ngayon nga'y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin.
6Og Herren sa: Se, de er ett folk, og ett tungemål har de alle; dette er det første de tar sig fore, og nu vil intet være umulig for dem, hvad de så får i sinne å gjøre.
7Halikayo! tayo'y bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita.
7La oss da stige ned der og forvirre deres tungemål, så den ene ikke forstår den andres tungemål!
8Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan, sa ibabaw ng buong lupa; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan.
8Så spredte Herren dem derfra over hele jorden, og de holdt op med å bygge på byen.
9Kaya ang pangalang itinawag ay Babel; sapagka't doon ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa: at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa.
9Derfor kalte de den Babel; for der forvirret Herren hele jordens tungemål, og derfra spredte Herren dem ut over hele jorden.
10Ito ang sali't saling lahi ni Sem. May isang daan taon si Sem at naging anak si Arphaxad, dalawang taon pagkatapos ng bahang gumunaw,
10Dette er historien om Sems ætt: Da Sem var hundre år gammel, fikk han sønnen Arpaksad to år efter vannflommen.
11At nabuhay si Sem, pagkatapos na maipanganak si Arphaxad, ng limang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
11Og efterat Sem hadde fått Arpaksad, levde han ennu fem hundre år og fikk sønner og døtre.
12At nabuhay si Arphaxad, ng tatlong pu't limang taon, at naging anak si Sala.
12Da Arpaksad var fem og tretti år gammel, fikk han sønnen Salah.
13At nabuhay si Arphaxad pagkatapos na maipanganak si Sala, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
13Og efterat Arpaksad hadde fått Salah, levde han ennu fire hundre og tre år og fikk sønner og døtre.
14At nabuhay si Sala ng tatlong pung taon, at naging anak si Heber:
14Da Salah var tretti år gammel, fikk han sønnen Eber.
15At nabuhay si Sala pagkatapos na maipanganak si Heber, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
15Og efterat Salah hadde fått Eber, levde han ennu fire hundre og tre år og fikk sønner og døtre.
16At nabuhay si Heber ng tatlong pu't apat na taon, at naging anak si Peleg:
16Da Eber var fire og tretti år gammel, fikk han sønnen Peleg.
17At nabuhay si Heber pagkatapos na maipanganak si Peleg, ng apat na raan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
17Og efterat Eber hadde fått Peleg, levde han ennu fire hundre og tretti år og fikk sønner og døtre.
18At nabuhay si Peleg ng tatlong pung taon, at naging anak si Reu:
18Da Peleg var tretti år gammel, fikk han sønnen Re'u.
19At nabuhay si Peleg pagkatapos na maipanganak si Reu, ng dalawang daan at siyam na taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
19Og efterat Peleg hadde fått Re'u, levde han ennu to hundre og ni år og fikk sønner og døtre.
20At nabuhay si Reu ng tatlong pu't dalawang taon, at naging anak si Serug:
20Da Re'u var to og tretti år gammel, fikk han sønnen Serug.
21At nabuhay si Reu pagkatapos na maipanganak si Serug, ng dalawang daan at pitong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
21Og efterat Re'u hadde fått Serug, levde han ennu to hundre og syv år og fikk sønner og døtre.
22At nabuhay si Serug ng tatlong pung taon, at naging anak si Nachor:
22Da Serug var tretti år gammel, fikk han sønnen Nakor.
23At nabuhay si Serug pagkatapos maipanganak si Nachor, ng dalawang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
23Og efterat Serug hadde fått Nakor, levde han ennu to hundre år og fikk sønner og døtre.
24At nabuhay si Nachor ng dalawang pu't siyam na taon, at naging anak si Thare:
24Da Nakor var ni og tyve år gammel, fikk han sønnen Tarah.
25At nabuhay si Nachor pagkatapos na maipanganak si Thare, ng isang daan at labing siyam na taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
25Og efterat Nakor hadde fått Tarah, levde han ennu hundre og nitten år og fikk sønner og døtre.
26At nabuhay si Thare ng pitong pung taon, at naging anak si Abram, si Nachor at si Haran.
26Da Tarah var sytti år gammel, fikk han sønnene Abram, Nakor og Haran.
27Ito nga ang mga lahi ni Thare. Naging anak ni Thare si Abram, si Nachor, at si Haran; at naging anak ni Haran si Lot.
27Dette er historien om Tarah og hans ætt: Tarah fikk sønnene Abram, Nakor og Haran. Og Haran fikk sønnen Lot.
28At namatay si Haran bago namatay ang kaniyang amang si Thare sa lupaing kaniyang tinubuan, sa Ur ng mga Caldeo.
28Og Haran døde hos sin far Tarah i sitt fedreland, i Ur i Kaldea.
29At nagsipagasawa si Abram at si Nachor: ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai; at ang pangalan ng asawa ni Nachor, ay Milca, anak ni Haran, ama ni Milca at ama ni Iscah.
29Og Abram og Nakor tok sig hustruer; Abrams hustru hette Sarai, og Nakors hustru hette Milka og var en datter av Haran, far til Milka og Jiska.
30At si Sarai ay baog; siya'y walang anak.
30Og Sarai var ufruktbar, hun hadde ikke noget barn.
31At ipinagsama ni Thare si Abram na kaniyang anak, at si Lot na anak ni Haran, na anak ng kaniyang anak, at si Sarai na kaniyang manugang, asawa ni Abram na kaniyang anak; at samasamang nagsialis sa Ur ng mga Caldeo upang magsipasok sa lupain ng Canaan, at nagsidating sila sa Haran, at nagsitahan doon.
31Og Tarah tok med sig Abram, sin sønn, og Lot, Harans sønn, sin sønnesønn, og Sarai, sin sønnekone, sin sønn Abrams hustru; og de drog ut sammen fra Ur i Kaldea for å reise til Kana'ans land, og de kom til Karan og bosatte sig der.
32At ang mga naging araw ni Thare ay dalawang daan at limang taon: at namatay si Thare sa Haran.
32Og Tarahs dager blev to hundre og fem år; så døde Tarah i Karan.