Tagalog 1905

Norwegian

Psalms

147

1Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios; sapagka't maligaya, at ang pagpuri ay nakalulugod.
1Lov Herren! For det er godt å lovsynge vår Gud, det er liflig, lovsang sømmer sig.
2Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem; kaniyang pinipisan ang mga natapon na Israel.
2Herren bygger Jerusalem, de bortdrevne av Israel samler han.
3Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
3Han helbreder dem som har et sønderknust hjerte, og forbinder deres smertefulle sår.
4Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin; siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
4Han fastsetter stjernenes tall, han gir dem alle navn.
5Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan; ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
5Vår Herre er stor og rik på kraft; på hans forstand er det intet mål.
6Inaalalayan ng Panginoon ang maamo: kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
6Herren holder de saktmodige oppe, bøier de ugudelige ned til jorden.
7Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
7Svar Herren med takksigelse, lovsyng vår Gud til citar,
8Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap. Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa, na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
8ham som dekker himmelen med skyer, som lager regn for jorden, som lar gress spire frem på fjellene!
9Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain. At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
9Han gir feet dets føde, ravneungene som roper.
10Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo: siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
10Han har ikke lyst til hestens styrke, han har ikke behag i mannens ben.
11Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
11Herren har behag i dem som frykter ham, som venter på hans miskunnhet.
12Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem; purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
12Pris Herren, Jerusalem, lov din Gud, Sion!
13Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan; kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
13For han har gjort dine portstenger faste, han har velsignet dine barn i dig.
14Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan; kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
14Han er den som gir dine grenser fred, metter dig med den beste hvete.
15Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa; ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
15Han er den som sender sin tale til jorden; såre hastig løper hans ord.
16Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa; siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
16Han er den som gir sne som ull, strør ut rim som aske.
17Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo: sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
17Han kaster sin is ut som småstykker; hvem kan stå for hans kulde?
18Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw: kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
18Han sender sitt ord og smelter dem; han lar sin vind blåse, da rinner vannene.
19Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob, ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
19Han kunngjorde Jakob sitt ord, Israel sine bud og sine lover;
20Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa: at tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman. Purihin ninyo ang Panginoon.
20så har han ikke gjort mot noget hedningefolk, og lover* kjenner de ikke. Halleluja! / {* d.e. Guds lover.}