Tagalog 1905

Spanish: Reina Valera (1909)

Job

37

1Oo, dahil din dito'y nanginginig ang aking puso, at napapabago sa kaniyang kinaroroonang dako.
1A ESTO también se espanta mi corazón, Y salta de su lugar.
2Dinggin ninyo oh dinggin ang hiyaw ng kaniyang tinig, at ang sigaw na lumalabas sa kaniyang bibig.
2Oid atentamente su voz terrible, y el sonido que sale de su boca.
3Kaniyang ipinadadala sa silong ng buong langit, at ang kidlat niya'y sa mga wakas ng lupa.
3Debajo de todos los cielos lo dirige, Y su luz hasta los fines de la tierra.
4Sumunod nito'y isang hugong na dumadagundong; siya'y kumukulog ng hugong ng kaniyang karilagan: at hindi tumitigil doon kung naririnig ang kaniyang tinig.
4Después de ella bramará el sonido, Tronará él con la voz de su magnificencia; Y aunque sea oída su voz, no los detiene.
5Ang Dios ay kumukulog na kagilagilalas ng kaniyang tinig; dakilang mga bagay ang ginawa niya, na hindi natin matalastas.
5Tronará Dios maravillosamente con su voz; El hace grandes cosas, que nosotros no entendemos.
6Sapagka't sinabi niya sa nieve, Lumagpak ka sa lupa; gayon din sa ambon, at sa bugso ng kaniyang malakas na ulan,
6Porque á la nieve dice: Desciende á la tierra; También á la llovizna, Y á los aguaceros de su fortaleza.
7Tinatatakan niya ang kamay ng bawa't tao: upang maalaman ng lahat ng mga tao na kaniyang nilalang.
7Así hace retirarse á todo hombre, Para que los hombres todos reconozcan su obra.
8Kung gayo'y nagsisipasok ang mga hayop sa mga lungga, at namamalagi sa kanilang mga tahanan.
8La bestia se entrará en su escondrijo, Y estaráse en sus moradas.
9Mula sa timog nanggagaling ang bagyo: at ang ginaw ay mula sa hilagaan.
9Del mediodía viene el torbellino, Y el frío de los vientos del norte.
10Sa pamamagitan ng hinga ng Dios ay nayayari ang hielo: at ang kaluwangan ng tubig ay naiipit.
10Por el soplo de Dios se da el hielo, Y las anchas aguas son constreñidas.
11Oo, kaniyang nilalagyan ang masinsing ulap ng halomigmig; kaniyang pinangangalat ang alapaap ng kaniyang kidlat:
11Regando también llega á disipar la densa nube, Y con su luz esparce la niebla.
12At pumipihit sa palibot sa pamamagitan ng kaniyang patnubay, upang kanilang gawin ang anomang iutos niya sa kanila, sa ibabaw ng balat ng sanglibutang natatahanan:
12Asimismo por sus designios se revuelven las nubes en derredor, Para hacer sobre la haz del mundo, En la tierra, lo que él les mandara.
13Maging sa saway, o maging sa kaniyang lupain, o maging sa kaawaan ay pinalilitaw niya.
13Unas veces por azote, otras pos causa de su tierra, Otras por misericordia las hará parecer.
14Dinggin mo ito, Oh Job: Tumigil ka, at bulayin ang kagilagilalas na mga gawa ng Dios.
14Escucha esto, Job; Repósate, y considera las maravillas de Dios.
15Nalalaman mo ba kung paanong pinararatangan sila ng Dios, at pinasisilang ang kidlat ng kaniyang alapaap?
15¿Supiste tú cuándo Dios las ponía en concierto, Y hacía levantar la luz de su nube?
16Nalalaman mo ba ang mga pagtitimbang ng mga alapaap, ang kagilagilalas na mga gawa niya na sakdal sa kaalaman?
16¿Has tú conocido las diferencias de las nubes, Las maravillas del Perfecto en sabiduría?
17Paanong umiinit ang inyong mga suot, pagka tumatahimik ang lupa sa pamamagitan ng hanging timugan?
17¿Por qué están calientes tus vestidos Cuando se fija el viento del mediodía sobre la tierra?
18Mailalatag mo ba na kasama niya ang langit, na matibay na gaya ng isang salaming binubo?
18¿Extendiste tú con él los cielos, Firmes como un espejo sólido?
19Ituro mo sa amin kung anong aming sasabihin sa kaniya; sapagka't hindi namin maayos ang aming pananalita dahil sa kadiliman.
19Muéstranos qué le hemos de decir; Porque nosotros no podemos componer las ideas á causa de las tinieblas.
20Sasaysayin ba sa kaniya na ako'y magsasalita? O iisipin ba ng isang tao na siya'y sasakmalin.
20¿Será preciso contarle cuando yo hablaré? Por más que el hombre razone, quedará como abismado.
21At ngayo'y hindi nakikita ng mga tao ang makinang na liwanag na nasa mga langit: nguni't ang hangin ay dumadaan, at pinapalis ang mga yaon.
21He aquí aún: no se puede mirar la luz esplendente en los cielos, Luego que pasa el viento y los limpia,
22Karilagang ginto ay nagmumula sa hilagaan; may taglay ang Dios na kakilakilabot na karilagan.
22Viniendo de la parte del norte la dorada claridad. En Dios hay una majestad terrible.
23Tungkol sa Makapangyarihan sa lahat, hindi natin mauunawa; siya'y marilag sa kapangyarihan; at sa kahatulan at saganang kaganapan siya'y hindi pipighati.
23El es Todopoderoso, al cual no alcanzamos, grande en potencia; Y en juicio y en multitud de justicia no afligirá.
24Kinatatakutan nga siya ng mga tao: hindi niya binibigyang pitagan ang sinomang pantas sa puso.
24Temerlo han por tanto los hombres: El no mira á los sabios de corazón.