1Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi,
1Y RESPONDIO Jehová á Job desde un torbellino, y dijo:
2Sino ito na nagpapadilim ng payo sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman?
2¿Quién es ése que oscurece el consejo Con palabras sin sabiduría?
3Bigkisan mo ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake: sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin.
3Ahora ciñe como varón tus lomos; Yo te preguntaré, y hazme saber tú.
4Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.
4¿Dónde estabas cuando yo fundaba la tierra? Házme lo saber, si tienes inteligencia.
5Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan?
5¿Quién ordenó sus medidas, si lo sabes? ¿O quién extendió sobre ella cordel?
6Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong naglagay ng batong panulok niyaon;
6¿Sobre qué están fundadas sus basas? ¿O quién puso su piedra angular,
7Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan?
7Cuando las estrellas todas del alba alababan, Y se regocijaban todos los hijos de Dios?
8O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat, nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata?
8¿Quién encerró con puertas la mar, Cuando se derramaba por fuera como saliendo de madre;
9Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon, at ang salimuot na kadiliman na pinakabalot niyaon,
9Cuando puse yo nubes por vestidura suya, Y por su faja oscuridad.
10At aking itinatag doon ang aking pasiya, at nilagyan ko ng mga halang at mga pinto,
10Y establecí sobre ella mi decreto, Y le puse puertas y cerrojo,
11At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni't hindi ka na lalagpas: at dito'y titigil ang iyong mga palalong alon?
11Y dije: Hasta aquí vendrás, y no pasarás adelante, Y ahí parará la hinchazón de tus ondas?
12Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan, at ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako;
12¿Has tu mandado á la mañana en tus días? ¿Has mostrado al alba su lugar,
13Upang humawak sa mga wakas ng lupa, at ang masasama ay maugoy doon?
13Para que ocupe los fines de la tierra, Y que sean sacudidos de ella los impíos?
14Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak; at lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan:
14Trasmúdase como lodo bajo de sello, Y viene á estar como con vestidura:
15At sa masama ay inalis ang kanilang liwanag, at ang mataas na kamay ay mababali.
15Mas la luz de los impíos es quitada de ellos, Y el brazo enaltecido es quebrantado.
16Pumasok ka ba sa mga bukal ng dagat? O lumakad ka ba sa mga landas ng kalaliman?
16¿Has entrado tú hasta los profundos de la mar, Y has andado escudriñando el abismo?
17Nangahayag ba sa iyo ang mga pintuan ng kamatayan? O nakita mo ba ang mga pinto ng anino ng kamatayan?
17¿Hante sido descubiertas las puertas de la muerte, Y has visto las puertas de la sombra de muerte?
18Iyo bang nabatid ang kaluwangan ng lupa? Ipahayag mo, kung iyong nalalamang lahat.
18¿Has tú considerado hasta las anchuras de la tierra? Declara si sabes todo esto.
19Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag, at tungkol sa kadiliman, saan nandoon ang dako niyaon;
19¿Por dónde va el camino á la habitación de la luz, Y dónde está el lugar de las tinieblas?
20Upang iyong madala sa hangganan niyaon, at upang iyong gunitain ang mga landas hanggang sa bahay niyaon?
20¿Si llevarás tú ambas cosas á sus términos, Y entenderás las sendas de su casa?
21Marahil nalalaman mo, sapagka't ikaw nga'y ipinanganak noon, at ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami?
21¿Sabíaslo tú porque hubieses ya nacido, O porque es grande el número de tus días?
22Pumasok ka ba sa mga tipunan ng nieve, o nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo,
22¿Has tú entrado en los tesoros de la nieve, O has visto los tesoros del granizo,
23Na aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan, laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma?
23Lo cual tengo yo reservado para el tiempo de angustia, Para el día de la guerra y de la batalla?
24Sa aling daan naghiwalay ang liwanag, o sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa?
24¿Por qué camino se reparte la luz, Y se esparce el viento solano sobre la tierra?
25Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig, o ng daanan ng kidlat ng kulog;
25¿Quién repartió conducto al turbión, Y camino á los relámpagos y truenos,
26Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao, sa ilang na doon ay walang tao.
26Haciendo llover sobre la tierra deshabitada, Sobre el desierto, donde no hay hombre,
27Upang busugin ang giba at sirang lupa; at upang pasibulin ang sariwang damo?
27Para hartar la tierra desierta é inculta, Y para hacer brotar la tierna hierba?
28May ama ba ang ulan? O sinong nanganak sa mga patak ng hamog?
28¿Tiene la lluvia padre? ¿O quién engendró las gotas del rocío?
29Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo? At ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino?
29¿De qué vientre salió el hielo? Y la escarcha del cielo, ¿quién la engendró?
30Ang mga tubig ay nakukubling gaya ng bato, at ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno.
30Las aguas se endurecen á manera de piedra, Y congélase la haz del abismo.
31Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na Pleyade, o makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion?
31¿Podrás tú impedir las delicias de las Pléyades, O desatarás las ligaduras del Orión?
32Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan? O mapapatnubayan mo ba ang Oso na kasama ng kaniyang mga anak?
32¿Sacarás tú á su tiempo los signos de los cielos, O guiarás el Arcturo con sus hijos?
33Nalalaman mo ba ang mga alituntunin ng langit? Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa?
33¿Supiste tú las ordenanzas de los cielos? ¿Dispondrás tú de su potestad en la tierra?
34Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap, upang takpan ka ng saganang tubig?
34¿Alzarás tú á las nubes tu voz, Para que te cubra muchedumbre de aguas?
35Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat, upang magsiyaon, at magsabi sa iyo: Nangarito kami?
35¿Enviarás tú los relámpagos, para que ellos vayan? ¿Y diránte ellos: Henos aquí?
36Sinong naglagay ng karunungan sa mga pinakaloob na bahagi? O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip?
36¿Quién puso la sabiduría en el interior? ¿O quién dió al entendimiento la inteligencia?
37Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan? O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit,
37¿Quién puso por cuenta los cielos con sabiduría? Y los odres de los cielos, ¿quién los hace parar,
38Pagka ang alabok ay napuputik, at ang mga bugal ay nanganinikit na maigi?
38Cuando el polvo se ha convertido en dureza, Y los terrones se han pegado unos con otros?
39Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae? O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon,
39(H39-1) ¿CAZARAS tú la presa para el león? ¿Y saciarás el hambre de los leoncillos,
40Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga, at nagsisitahan sa guwang upang bumakay?
40(H39-2) Cuando están echados en las cuevas, O se están en sus guaridas para acechar?
41Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya, pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios, at nagsisigala sa kakulangan ng pagkain.
41(H39-3) ¿Quién preparó al cuervo su alimento, Cuando sus pollos claman á Dios, Bullendo de un lado á otro por carecer de comida?