Tagalog 1905

Spanish: Reina Valera (1909)

Job

6

1Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi,
1Y RESPONDIO Job y dijo:
2Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, at ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama.
2Oh si pesasen al justo mi queja y mi tormento, Y se alzasen igualmente en balanza!
3Sapagka't ngayo'y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: kaya't ang aking pananalita ay napabigla.
3Porque pesaría aquél más que la arena del mar: Y por tanto mis palabras son cortadas.
4Sapagka't ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin, ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa; ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin.
4Porque las saetas del Todopoderoso están en mí, Cuyo veneno bebe mi espíritu; Y terrores de Dios me combaten.
5Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo? O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain?
5¿Acaso gime el asno montés junto á la hierba? ¿Muge el buey junto á su pasto?
6Makakain ba ng walang asin ang matabang? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog?
6¿Comeráse lo desabrido sin sal? ¿O habrá gusto en la clara del huevo?
7Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa; mga karumaldumal na pagkain sa akin.
7Las cosas que mi alma no quería tocar, Por los dolores son mi comida.
8Oh mangyari nawa ang aking kahilingan; at ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi!
8Quién me diera que viniese mi petición, Y que Dios me otorgase lo que espero;
9Sa makatuwid baga'y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako; na bitawan ang kaniyang kamay, at ihiwalay ako!
9Y que pluguiera á Dios quebrantarme; Que soltara su mano, y me deshiciera!
10Kung magkagayo'y magtataglay pa ako ng kaaliwan; Oo, ako'y makapagbabata sa mga walang awang sakit; sapagka't hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal.
10Y sería aún mi consuelo, Si me asaltase con dolor sin dar más tregua, Que yo no he escondido las palabras del Santo.
11Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay? At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis?
11¿Cuál es mi fortaleza para esperar aún? ¿Y cuál mi fin para dilatar mi vida?
12Ang akin bang tibay ay tibay ng mga bato? O ang akin bang laman ay tanso?
12¿Es mi fortaleza la de las piedras? ¿O mi carne, es de acero?
13Di ba ako'y walang sukat na kaya, at ang karunungan ay lumayo sa akin?
13¿No me ayudo cuanto puedo, Y el poder me falta del todo?
14Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan; kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat.
14El atribulado es consolado de su compañero: Mas hase abandonado el temor del Omnipotente.
15Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis, na parang daan ng mga batis na nababago;
15Mis hermanos han mentido cual arroyo: Pasáronse como corrientes impetuosas,
16Na malabo dahil sa hielo, at siyang kinatunawan ng nieve:
16Que están escondidas por la helada, Y encubiertas con nieve;
17Paginit ay nawawala: pagka mainit, ay nangatutunaw sa kanilang dako.
17Que al tiempo del calor son deshechas, Y en calentándose, desaparecen de su lugar;
18Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw; nagsisilihis sa ilang at nawawala.
18Apártanse de la senda de su rumbo, Van menguando y piérdense.
19Minasdan ng mga pulutong na mula sa Tema, hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa Seba.
19Miraron los caminantes de Temán, Los caminantes de Saba esperaron en ellas:
20Sila'y nangapahiya, sapagka't sila'y nagsiasa; sila'y nagsiparoon at nangatulig.
20Mas fueron avergonzados por su esperanza; Porque vinieron hasta ellas, y halláronse confusos.
21Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala; kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot.
21Ahora ciertamente como ellas sois vosotros: Que habéis visto el tormento, y teméis.
22Sinabi ko baga: Bigyan mo ako? O, Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pag-aari?
22¿Os he dicho yo: Traedme, Y pagad por mí de vuestra hacienda;
23O, Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway? O, tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati?
23Y libradme de la mano del opresor, Y redimidme del poder de los violentos?
24Turuan mo ako, at ako'y mamamayapa; at ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan.
24Enseñadme, y yo callaré: Y hacedme entender en qué he errado.
25Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran! Nguni't anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo?
25Cuán fuertes son las palabras de rectitud! Mas ¿qué reprende el que reprende de vosotros?
26Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita? Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin.
26¿Pensáis censurar palabras, Y los discursos de un desesperado, que son como el viento?
27Oo, kayo'y magsasapalaran sa ulila, at ginawa ninyong kalakal ang inyong kaibigan.
27También os arrojáis sobre el huérfano, Y hacéis hoyo delante de vuestro amigo.
28Ngayon nga'y kalugdan mong lingapin ako; sapagka't tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap.
28Ahora pues, si queréis, mirad en mí, Y ved si miento delante de vosotros.
29Kayo'y magsibalik isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kalikuan; Oo, kayo'y magsibalik uli, ang aking usap ay matuwid.
29Tornad ahora, y no haya iniquidad; Volved aún á considerar mi justicia en esto.
30May di ganap ba sa aking dila? Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay?
30¿Hay iniquidad en mi lengua? ¿No puede mi paladar discernir las cosas depravadas?