1Pagka ikaw ay nauupong kumain na kasalo ng isang pangulo, kilanlin mong maigi siya na nasa harap mo;
1CUANDO te sentares á comer con algún señor, Considera bien lo que estuviere delante de ti;
2At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan, kung ikaw ay taong bigay sa pagkain.
2Y pon cuchillo á tu garganta, Si tienes gran apetito.
3Huwag kang mapagnais ng kaniyang mga masarap na pagkain; yamang mga marayang pagkain.
3No codicies sus manjares delicados, Porque es pan engañoso
4Huwag kang mainip sa pagyaman; tumigil ka sa iyong sariling karunungan.
4No trabajes por ser rico; Pon coto á tu prudencia.
5Iyo bang itititig ang iyong mga mata sa wala? Sapagka't ang mga kayamanan, ay tunay na nagsisipagpakpak, gaya ng aguila na lumilipad sa dakong langit.
5¿Has de poner tus ojos en las riquezas, siendo ningunas? Porque hacerse han alas, Como alas de águila, y volarán al cielo.
6Huwag mong kanin ang tinapay niya na may masamang mata, ni nasain mo man ang kaniyang mga masarap na pagkain:
6No comas pan de hombre de mal ojo, Ni codicies sus manjares:
7Sapagka't kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya: kumain ka at uminom ka, sabi niya sa iyo; nguni't ang puso niya ay hindi sumasaiyo.
7Porque cual es su pensamiento en su alma, tal es él. Come y bebe, te dirá; Mas su corazón no está contigo.
8Ang subo na iyong kinain ay iyong isusuka, at iyong iwawala ang iyong mga matamis na salita.
8Vomitarás la parte que tú comiste, Y perderás tus suaves palabras.
9Huwag kang magsalita sa pakinig ng mangmang; sapagka't kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita.
9No hables á oídos del necio; Porque menospreciará la prudencia de tus razones.
10Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa; at huwag mong pasukin ang mga bukid ng ulila:
10No traspases el término antiguo, Ni entres en la heredad de los huérfanos:
11Sapagka't ang kanilang Manunubos ay malakas; ipaglalaban niya ang kanilang usap sa iyo.
11Porque el defensor de ellos es el Fuerte, El cual juzgará la causa de ellos contra ti.
12Ihilig mo ang iyong puso sa turo, at ang iyong mga pakinig sa mga salita ng kaalaman.
12Aplica tu corazón á la enseñanza, Y tus oídos á las palabras de sabiduría.
13Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay.
13No rehuses la corrección del muchacho: Porque si lo hirieres con vara, no morirá.
14Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol.
14Tú lo herirás con vara, Y librarás su alma del infierno.
15Anak ko, kung ang iyong puso ay magpakapantas, ang puso ko'y matutuwa sa makatuwid baga'y ang akin:
15Hijo mío, si tu corazón fuere sabio, También á mí se me alegrará el corazón;
16Oo, ang aking puso ay magagalak pagka ang iyong mga labi ay nangagsasalita ng matuwid na mga bagay.
16Mis entrañas también se alegrarán, Cuando tus labios hablaren cosas rectas.
17Huwag managhili ang iyong puso sa mga makasalanan: kundi lumagay ka sa Panginoon buong araw:
17No tenga tu corazón envidia de los pecadores, Antes persevera en el temor de Jehová todo tiempo:
18Sapagka't tunay na may kagantihan; at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay.
18Porque ciertamente hay fin, Y tu esperanza no será cortada.
19Makinig ka, anak ko, at ikaw ay magpakapantas, at patnubayan mo ang iyong puso sa daan.
19Oye tú, hijo mío, y sé sabio, Y endereza tu corazón al camino.
20Huwag kang mapasama sa mga mapaglango; sa mga mayamong mangangain ng karne:
20No estés con los bebedores de vino, Ni con los comedores de carne:
21Sapagka't ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan: at ang antok ay magbibihis sa tao ng pagkapulubi.
21Porque el bebedor y el comilón empobrecerán: Y el sueño hará vestir vestidos rotos.
22Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka, at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y tumanda.
22Oye á tu padre, á aquel que te engendró; Y cuando tu madre envejeciere, no la menosprecies.
23Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili: Oo karunungan, at turo, at pag-uunawa.
23Compra la verdad, y no la vendas; La sabiduría, la enseñanza, y la inteligencia.
24Ang ama ng matuwid ay magagalak na lubos: at siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya.
24Mucho se alegrará el padre del justo: Y el que engendró sabio se gozará con él.
25Mangatuwa ang iyong ama at ang iyong ina, at magalak siyang nanganak sa iyo.
25Alégrense tu padre y tu madre, Y gócese la que te engendró.
26Anak ko, ibigay mo sa akin ang iyong puso, at malugod ang iyong mga mata sa aking mga daan.
26Dame, hijo mío, tu corazón, Y miren tus ojos por mis caminos.
27Sapagka't ang isang patutot ay isang malalim na lubak; at ang babaing di kilala ay makipot na lungaw.
27Porque sima profunda es la ramera, Y pozo angosto la extraña.
28Oo, siya'y bumabakay na parang tulisan, at nagdaragdag ng mga magdaraya sa gitna ng mga tao.
28También ella, como robador, acecha, Y multiplica entre los hombres los prevaricadores.
29Sinong may ay? sinong may kapanglawan? sinong may pakikipagtalo? sinong may daing? sino ang may sugat na walang kadahilanan? sino ang may maningas na mata?
29¿Para quién será el ay? ¿para quién el ay? ¿para quién las rencillas? ¿Para quién las quejas? ¿para quién las heridas en balde? ¿Para quién lo amoratado de los ojos?
30Silang nangaghihintay sa alak; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak.
30Para los que se detienen mucho en el vino, Para los que van buscando la mistura.
31Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro,
31No mires al vino cuando rojea, Cuando resplandece su color en el vaso: Entrase suavemente;
32Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas, at tumutukang parang ulupong.
32Mas al fin como serpiente morderá, Y como basilisco dará dolor:
33Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay, at ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay.
33Tus ojos mirarán las extrañas, Y tu corazón hablará perversidades.
34Oo, ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat, o parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan.
34Y serás como el que yace en medio de la mar, O como el que está en la punta de un mastelero.
35Kanilang pinalo ako, iyong sasalitain, at hindi ako nasaktan; kanilang hinampas ako, at hindi ko naramdaman: kailan gigising ako? aking hahanapin pa uli.
35Y dirás: Hiriéronme, mas no me dolió; Azotáronme, mas no lo sentí; Cuando despertare, aun lo tornaré á buscar.