Tagalog 1905

Spanish: Reina Valera (1909)

Proverbs

29

1Ang madalas na masaway na nagpapatigas ng kaniyang leeg, biglang mababali, at walang kagamutan.
1EL hombre que reprendido endurece la cerviz, De repente será quebrantado; ni habrá para él medicina.
2Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga.
2Cuando los justos dominan, el pueblo se alegra: Mas cuando domina el impío, el pueblo gime.
3Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama: nguni't ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik.
3El hombre que ama la sabiduría, alegra á su padre: Mas el que mantiene rameras, perderá la hacienda.
4Ang hari ay nagtatatag ng lupain sa pamamagitan ng kahatulan: nguni't ang humihingi ng suhol ay gumigiba.
4El rey con el juicio afirma la tierra: Mas el hombre de presentes la destruirá.
5Ang tao na kunwang pumupuri sa kaniyang kapuwa naglalagay ng bitag sa kaniyang mga hakbang.
5El hombre que lisonjea á su prójimo, Red tiende delante de sus pasos.
6Sa pagsalangsang ng masamang tao ay may silo: nguni't ang matuwid ay umaawit at nagagalak.
6En la prevaricación del hombre malo hay lazo: Mas el justo cantará y se alegrará.
7Ang matuwid ay kumukuhang alam sa bagay ng dukha: ang masama ay walang unawang makaalam.
7Conoce el justo la causa de los pobres: Mas el impío no entiende sabiduría.
8Ang mga mangduduwahaging tao ay naglalagay ng bayan sa liyab: nguni't ang mga pantas na tao ay nagaalis ng poot.
8Los hombres escarnecedores enlazan la ciudad: Mas los sabios apartan la ira.
9Kung ang pantas ay magkaroon ng pakikipagtalo sa isang mangmang, magalit man o tumawa, ang mangmang ay hindi magkakaroon ng kapahingahan.
9Si el hombre sabio contendiere con el necio, Que se enoje ó que se ría, no tendrá reposo.
10Ang mangbububo ng dugo ay nagtatanim sa sakdal: at tungkol sa matuwid, hinahanap nila ang kaniyang buhay.
10Los hombres sanguinarios aborrecen al perfecto: Mas los rectos buscan su contentamiento.
11Inihihinga ng mangmang ang buong galit niya: nguni't ang pantas ay nagpipigil at tumitiwasay.
11El necio da suelta á todo su espíritu; Mas el sabio al fin le sosiega.
12Kung ang puno ay nakikinig sa kabulaanan, lahat niyang mga lingkod ay masasama.
12Del señor que escucha la palabra mentirosa, Todos sus ministros son impíos.
13Ang dukha at ang mamimighati ay nagsasalubong; pinapagniningas ng Panginoon ang mga mata nila kapuwa.
13El pobre y el usurero se encontraron: Jehová alumbra los ojos de ambos.
14Ang hari na humahatol na tapat sa dukha, ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man.
14El rey que juzga con verdad á los pobres, Su trono será firme para siempre.
15Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan: nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina.
15La vara y la corrección dan sabiduría: Mas el muchacho consentido avergonzará á su madre.
16Pagka ang masama ay dumadami, pagsalangsang ay dumadami: nguni't mamamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal.
16Cuando los impíos son muchos, mucha es la prevaricación; Mas los justos verán la ruina de ellos.
17Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan; Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa.
17Corrige á tu hijo, y te dará descanso, Y dará deleite á tu alma.
18Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama: nguni't siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya.
18Sin profecía el pueblo será disipado: Mas el que guarda la ley, bienaventurado él.
19Ang alipin ay hindi masasaway ng mga salita: sapagka't bagaman nalalaman niya ay hindi siya makikinig.
19El siervo no se corregirá con palabras: Porque entiende, mas no corresponde.
20Nakikita mo ba ang tao, na nagmamadali sa kaniyang mga salita? May pagasa pa sa mangmang kay sa kaniya.
20¿Has visto hombre ligero en sus palabras? Más esperanza hay del necio que de él.
21Siyang maingat na nagpalaki ng kaniyang lingkod mula sa pagkabata, magiging anak niya siya sa kawakasan.
21El que regala á su siervo desde su niñez, A la postre será su hijo:
22Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan, at ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang.
22El hombre iracundo levanta contiendas; Y el furioso muchas veces peca.
23Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya: nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan.
23La soberbia del hombre le abate; Pero al humilde de espíritu sustenta la honra.
24Ang nakikisama sa isang magnanakaw ay nagtatanim sa kaniyang sariling kaluluwa: siya'y nakakarinig ng sumpa at hindi umiimik.
24El aparcero del ladrón aborrece su vida; Oirá maldiciones, y no lo denunciará.
25Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo: nguni't ang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay maliligtas.
25El temor del hombre pondrá lazo: Mas el que confía en Jehová será levantado.
26Marami ang nagsisihanap ng lingap ng pinuno: nguni't ang kahatulan ng tao ay nagmumula sa Panginoon.
26Muchos buscan el favor del príncipe: Mas de Jehová viene el juicio de cada uno.
27Ang di ganap na tao ay karumaldumal sa matuwid: at ang matuwid sa lakad ay karumaldumal sa masama.
27Abominación es á los justos el hombre inicuo; Y abominación es al impío el de rectos caminos.