1Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Sostenes na ating kapatid,
1ܦܘܠܘܤ ܩܪܝܐ ܘܫܠܝܚܐ ܕܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܒܨܒܝܢܗ ܕܐܠܗܐ ܘܤܘܤܬܢܤ ܐܚܐ ܀
2Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga'y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:
2ܠܥܕܬܐ ܕܐܠܗܐ ܕܒܩܘܪܢܬܘܤ ܩܪܝܐ ܘܩܕܝܫܐ ܕܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܡܩܕܫܝܢ ܘܠܟܠܗܘܢ ܐܝܠܝܢ ܕܩܪܝܢ ܫܡܗ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܒܟܠ ܐܬܪ ܕܝܠܗܘܢ ܘܕܝܠܢ ܀
3Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.
3ܛܝܒܘܬܐ ܥܡܟܘܢ ܘܫܠܡܐ ܡܢ ܐܠܗܐ ܐܒܘܢ ܘܡܢ ܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
4Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo, dahil sa biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus;
4ܡܘܕܐ ܐܢܐ ܠܐܠܗܝ ܒܟܠܙܒܢ ܚܠܦܝܟܘܢ ܥܠ ܛܝܒܘܬܐ ܕܐܠܗܐ ܕܐܬܝܗܒܬ ܠܟܘܢ ܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
5Na kayo ay pinayaman sa kanya, sa lahat ng mga bagay sa lahat ng pananalita at sa lahat ng kaalaman;
5ܕܒܟܠ ܡܕܡ ܥܬܪܬܘܢ ܒܗ ܒܟܠ ܡܠܐ ܘܒܟܠ ܝܕܥܬܐ ܀
6Gaya ng pinagtibay sa inyo ang patotoo ni Cristo:
6ܐܝܟ ܕܤܗܕܘܬܗ ܕܡܫܝܚܐ ܐܫܬܪܪܬ ܒܟܘܢ ܀
7Ano pa't kayo'y hindi nagkulang sa anomang kaloob; na nagsisipaghintay ng paghahayag ng ating Panginoong Jesucristo;
7ܕܠܐ ܐܬܒܨܪܬܘܢ ܒܚܕܐ ܡܢ ܡܘܗܒܬܗ ܐܠܐ ܡܤܟܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܓܠܝܢܗ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
8Na siya namang magpapatibay sa inyo hanggang sa katapusan, upang huwag kayong mapagwikaan sa kaarawan ng ating Panginoong Jesucristo.
8ܕܗܘ ܢܫܪܪܟܘܢ ܥܕܡܐ ܠܐܚܪܝܬܐ ܕܕܠܐ ܪܫܝܢ ܬܗܘܘܢ ܒܝܘܡܗ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
9Ang Dios ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin.
9ܡܗܝܡܢ ܗܘ ܐܠܗܐ ܕܒܐܝܕܗ ܐܬܩܪܝܬܘܢ ܠܫܘܬܦܘܬܐ ܕܒܪܗ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܡܪܢ ܀
10Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.
10ܒܥܐ ܐܢܐ ܕܝܢ ܡܢܟܘܢ ܐܚܝ ܒܫܡܗ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܕܬܗܘܐ ܚܕܐ ܡܠܬܐ ܠܟܠܟܘܢ ܘܠܐ ܢܗܘܝܢ ܒܟܘܢ ܦܠܓܘܬܐ ܐܠܐ ܬܗܘܘܢ ܓܡܝܪܝܢ ܒܚܕܐ ܬܪܥܝܬܐ ܘܒܚܕ ܪܥܝܢܐ ܀
11Sapagka't ipinatalastas sa akin tungkol sa inyo, mga kapatid ko, ng mga kasangbahay ni Cloe, na sa inyo'y may mga pagtatalotalo.
11ܫܠܚܘ ܠܝ ܓܝܪ ܥܠܝܟܘܢ ܐܚܝ ܡܢ ܒܝܬ ܟܠܐܐ ܕܚܪܝܢܐ ܐܝܬ ܒܝܢܬܟܘܢ ܀
12Ibig ko ngang sabihin ito, na ang bawa't isa sa inyo ay nagsasabi, Ako'y kay Pablo; at ako'y kay Apolos; at ako'y kay Cefas; at ako'y kay Cristo.
12ܗܕܐ ܕܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܕܐܝܬ ܡܢܟܘܢ ܕܐܡܪ ܐܢܐ ܕܦܘܠܘܤ ܐܢܐ ܘܐܝܬ ܕܐܡܪ ܐܢܐ ܕܐܦܠܘ ܐܢܐ ܘܐܝܬ ܕܐܡܪ ܐܢܐ ܕܟܐܦܐ ܐܢܐ ܘܐܝܬ ܕܐܡܪ ܐܢܐ ܕܡܫܝܚܐ ܐܢܐ ܀
13Nabahagi baga si Cristo? ipinako baga sa krus si Pablo dahil sa inyo? o binautismuhan baga kayo sa pangalan ni Pablo?
13ܕܠܡܐ ܐܬܦܠܓ ܠܗ ܡܫܝܚܐ ܐܘ ܠܡܐ ܦܘܠܘܤ ܐܙܕܩܦ ܥܠ ܐܦܝܟܘܢ ܐܘ ܒܫܡܗ ܕܦܘܠܘܤ ܥܡܕܬܘܢ ܀
14Nagpapasalamat ako sa Dios na hindi ko binautismuhan ang sinoman sa inyo, maliban si Crispo at si Gayo;
14ܡܘܕܐ ܐܢܐ ܠܐܠܗܝ ܕܠܐܢܫ ܡܢܟܘܢ ܠܐ ܐܥܡܕܬ ܐܠܐ ܠܟܪܝܤܦܘܤ ܘܠܓܐܝܘܤ ܀
15Baka masabi ninoman na kayo'y binautismuhan sa pangalan ko.
15ܕܠܐ ܐܢܫ ܢܐܡܪ ܕܒܫܡܝ ܐܥܡܕܬ ܀
16At binautismuhan ko rin naman ang sangbahayan ni Estefanas: maliban sa mga ito, di ko maalaman kung may nabautismuhan akong iba pa.
16ܐܥܡܕܬ ܕܝܢ ܐܦ ܠܒܝܬܗ ܕܐܤܛܦܢܐ ܬܘܒ ܕܝܢ ܠܐ ܝܕܥ ܐܢܐ ܐܢ ܠܐܢܫ ܐܚܪܝܢ ܐܥܡܕܬ ܀
17Sapagka't hindi ako sinugo ni Cristo upang bumautismo, kundi upang mangaral ng evangelio: hindi sa karunungan ng mga salita baka mawalan ng kabuluhan ang krus ni Cristo.
17ܠܐ ܓܝܪ ܫܕܪܢܝ ܡܫܝܚܐ ܠܡܥܡܕܘ ܐܠܐ ܠܡܤܒܪܘ ܠܐ ܒܚܟܡܬ ܡܠܐ ܕܠܐ ܢܤܬܪܩ ܙܩܝܦܗ ܕܡܫܝܚܐ ܀
18Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas.
18ܡܠܬܐ ܓܝܪ ܕܙܩܝܦܐ ܠܐܒܝܕܐ ܫܛܝܘܬܐ ܗܝ ܠܢ ܕܝܢ ܠܐܝܠܝܢ ܕܚܝܝܢܢ ܚܝܠܐ ܗܝ ܕܐܠܗܐ ܀
19Sapagka't nasusulat, Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong, At isasawala ko ang kabaitan ng mababait.
19ܟܬܝܒ ܓܝܪ ܕܐܘܒܕ ܚܟܡܬܐ ܕܚܟܝܡܐ ܘܐܓܠܘܙ ܬܪܥܝܬܐ ܕܤܟܘܠܬܢܐ ܀
20Saan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid sa sanglibutang ito? hindi baga ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan?
20ܐܝܟܐ ܗܘ ܚܟܝܡܐ ܐܘ ܐܝܟܐ ܗܘ ܤܦܪܐ ܐܘ ܐܝܟܐ ܗܘ ܕܪܘܫܐ ܕܥܠܡܐ ܗܢܐ ܠܐ ܗܐ ܐܫܛܝܗ ܐܠܗܐ ܚܟܡܬܗ ܕܥܠܡܐ ܗܢܐ ܀
21Sapagka't yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral.
21ܡܛܠ ܓܝܪ ܕܒܚܟܡܬܗ ܕܐܠܗܐ ܠܐ ܝܕܥ ܥܠܡܐ ܒܚܟܡܬܐ ܠܐܠܗܐ ܨܒܐ ܐܠܗܐ ܕܒܫܛܝܘܬܐ ܕܟܪܘܙܘܬܐ ܢܚܐ ܠܐܝܠܝܢ ܕܡܗܝܡܢܝܢ ܀
22Ang mga Judio nga ay nagsisihingi ng mga tanda, at ang mga Griego ay nagsisihanap ng karunungan:
22ܡܛܠ ܕܝܗܘܕܝܐ ܐܬܘܬܐ ܫܐܠܝܢ ܘܐܪܡܝܐ ܚܟܡܬܐ ܒܥܝܢ ܀
23Datapuwa't ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus, na sa mga Judio ay katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan;
23ܚܢܢ ܕܝܢ ܡܟܪܙܝܢܢ ܡܫܝܚܐ ܟܕ ܙܩܝܦ ܬܘܩܠܬܐ ܠܝܗܘܕܝܐ ܘܠܐܪܡܝܐ ܫܛܝܘܬܐ ܀
24Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios.
24ܠܗܢܘܢ ܕܝܢ ܕܩܪܝܢ ܝܗܘܕܝܐ ܘܐܪܡܝܐ ܡܫܝܚܐ ܚܝܠܐ ܕܐܠܗܐ ܘܚܟܡܬܐ ܕܐܠܗܐ ܀
25Sapagka't ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao.
25ܡܛܠ ܕܫܛܝܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܚܟܝܡܐ ܗܝ ܡܢ ܒܢܝܢܫܐ ܘܟܪܝܗܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܚܝܠܬܢܝܐ ܗܝ ܡܢ ܒܢܝ ܐܢܫܐ ܀
26Sapagka't masdan ninyo ang sa inyo'y pagkatawag, mga kapatid, na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag:
26ܚܙܘ ܓܝܪ ܐܦ ܩܪܝܬܟܘܢ ܐܚܝ ܕܠܐ ܤܓܝܐܝܢ ܒܟܘܢ ܚܟܝܡܐ ܒܒܤܪ ܘܠܐ ܤܓܝܐܝܢ ܒܟܘܢ ܚܝܠܬܢܐ ܘܠܐ ܤܓܝܐܝܢ ܒܟܘܢ ܒܢܝ ܛܘܗܡܐ ܪܒܐ ܀
27Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas;
27ܐܠܐ ܓܒܐ ܐܠܗܐ ܠܤܟܠܘܗܝ ܕܥܠܡܐ ܕܢܒܗܬ ܠܚܟܝܡܐ ܘܓܒܐ ܟܪܝܗܘܗܝ ܕܥܠܡܐ ܕܢܒܗܬ ܠܚܝܠܬܢܐ ܀
28At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga:
28ܘܓܒܐ ܠܐܝܠܝܢ ܕܒܨܝܪ ܛܘܗܡܗܘܢ ܒܥܠܡܐ ܘܠܡܤܠܝܐ ܘܠܐܝܠܝܢ ܕܠܝܬ ܐܢܘܢ ܕܢܒܛܠ ܠܐܝܠܝܢ ܕܐܝܬܝܗܘܢ ܀
29Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios.
29ܕܠܐ ܢܫܬܒܗܪ ܟܠ ܒܤܪ ܩܕܡܘܗܝ ܀
30Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan:
30ܐܦ ܐܢܬܘܢ ܕܝܢ ܡܢܗ ܐܢܬܘܢ ܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܗܘ ܕܗܘܐ ܠܢ ܚܟܡܬܐ ܡܢ ܐܠܗܐ ܘܙܕܝܩܘܬܐ ܘܩܕܝܫܘܬܐ ܘܦܘܪܩܢܐ ܀
31Na, ayon sa nasusulat, Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon.
31ܐܝܟ ܕܟܬܝܒ ܕܡܢ ܕܡܫܬܒܗܪ ܒܡܪܝܐ ܢܫܬܒܗܪ ܀