Tagalog 1905

Syriac: NT

Romans

16

1Ipinagtatagubilin ko sa inyo si Febe na ating kapatid na babae, na lingkod sa iglesia na nasa Cencrea:
1ܡܓܥܠ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܝܢ ܠܦܘܒܐ ܚܬܢ ܕܐܝܬܝܗ ܡܫܡܫܢܝܬܐ ܕܥܕܬܐ ܕܩܢܟܪܐܘܤ ܀
2Upang tanggapin ninyo siya sa Panginoon, ayon sa nararapat sa mga banal, at tulungan ninyo siya sa anomang bagay na magiging kailangan niya sa inyo: sapagka't siya nama'y naging katulong ng marami, at ng aking sarili naman.
2ܕܬܩܒܠܘܢܗ ܒܡܪܢ ܐܝܟ ܕܙܕܩ ܠܩܕܝܫܐ ܘܒܟܠ ܨܒܘ ܕܒܥܝܐ ܡܢܟܘܢ ܬܩܘܡܘܢ ܠܗ ܡܛܠ ܕܐܦ ܗܝ ܩܝܘܡܬܐ ܗܘܬ ܠܤܓܝܐܐ ܐܦ ܠܝ ܀
3Batiin ninyo si Prisca at si Aquila na aking mga kamanggagawa kay Cristo Jesus,
3ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܦܪܝܤܩܠܐ ܘܕܐܩܠܤ ܦܠܚܐ ܕܥܡܝ ܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
4Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil:
4ܕܗܢܘܢ ܗܠܝܢ ܚܠܦ ܢܦܫܝ ܨܘܪܝܗܘܢ ܝܗܒܘ ܘܠܐ ܗܘܐ ܐܢܐ ܒܠܚܘܕܝ ܡܘܕܐ ܐܢܐ ܠܗܘܢ ܐܠܐ ܐܦ ܟܠܗܝܢ ܥܕܬܐ ܕܥܡܡܐ ܀
5At batiin ninyo ang iglesia na nasa kanilang bahay. Batiin ninyo si Epeneto na minamahal ko, na siyang pangunahing bunga ng Asia kay Cristo.
5ܘܗܒܘ ܫܠܡܐ ܠܥܕܬܐ ܕܐܝܬ ܒܒܝܬܗܘܢ ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܐܦܢܛܘܤ ܚܒܝܒܝ ܐܝܢܐ ܕܐܝܬܘܗܝ ܪܫܝܬܐ ܕܐܟܐܝܐ ܒܡܫܝܚܐ ܀
6Batiin ninyo si Maria, na lubhang nagpagal sa inyo.
6ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܡܪܝܐ ܐܝܕܐ ܕܤܓܝ ܠܐܝܬ ܒܟܘܢ ܀
7Batiin ninyo si Andronico at si Junias, na aking mga kamaganak, at mga kasama ko sa pagkabilanggo, na siyang mga bantog sa mga apostol, na sila nama'y nangauna sa akin kay Cristo.
7ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܐܢܕܪܘܢܝܩܘܤ ܘܕܝܘܢܝܐ ܐܚܝܢܝ ܕܗܘܘ ܫܒܝܐ ܥܡܝ ܘܝܕܝܥܝܢ ܐܢܘܢ ܒܫܠܝܚܐ ܘܒܡܫܝܚܐ ܩܕܡܝ ܗܘܘ ܀
8Batiin ninyo si Ampliato na aking minamahal sa Panginoon.
8ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܐܡܦܠܝܘܤ ܚܒܝܒܝ ܒܡܪܢ ܀
9Batiin ninyo si Urbano na aming kamanggagawa kay Cristo, at si Estaquis na minamahal ko.
9ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܐܘܪܒܢܘܤ ܦܠܚܐ ܕܥܡܢ ܒܡܫܝܚܐ ܘܕܐܤܛܟܘܤ ܚܒܝܒܝ ܀
10Batiin ninyo si Apeles na subok kay Cristo. Batiin ninyo ang mga kasangbahay ni Aristobulo.
10ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܐܦܠܐ ܓܒܝܐ ܒܡܪܢ ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܒܢܝ ܒܝܬܗ ܕܐܪܤܛܒܘܠܘܤ ܀
11Batiin ninyo si Herodion na aking kamaganak. Batiin ninyo ang mga kasangbahay ni Narciso, yaong nangasa Panginoon.
11ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܗܪܘܕܝܘܢ ܐܚܝܢܝ ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܒܢܝ ܒܝܬܗ ܕܢܪܩܤܘܤ ܐܝܠܝܢ ܕܐܝܬܝܗܘܢ ܒܡܪܢ ܀
12Batiin ninyo si Trifena at si Trifosa, na nangagpapagal sa Panginoon. Batiin ninyo si Persida na minamahal, na lubhang nagpagal sa Panginoon.
12ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܛܪܘܦܢܐ ܘܕܛܪܘܦܤܐ ܕܠܐܝܝܢ ܒܡܪܢ ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܦܪܤܤ ܚܒܝܒܬܝ ܐܝܕܐ ܕܤܓܝ ܠܐܝܬ ܒܡܪܢ ܀
13Batiin ninyo si Rufo na hinirang sa Panginoon, at ang kaniyang ina at akin.
13ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܪܘܦܤ ܓܒܝܐ ܒܡܪܢ ܘܕܐܡܗ ܕܝܠܗ ܘܕܝܠܝ ܀
14Batiin ninyo si Asincrito, si Flegonte, si Hermes, si Patrobas, si Hermas, at ang mga kapatid na kasama nila.
14ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܐܤܘܢܩܪܛܘܤ ܘܕܦܠܓܘܢ ܘܕܗܪܡܐ ܘܕܦܛܪܒܐ ܘܕܗܪܡܐ ܘܕܐܚܐ ܕܥܡܗܘܢ ܀
15Batiin ninyo si Filologo at si Julia, si Nereo at ang kaniyang kapatid na babae, at si Olimpas, at ang lahat ng mga banal na kasama nila.
15ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܦܝܠܠܓܘܤ ܘܕܝܘܠܝܐ ܘܕܢܐܪܘܤ ܘܕܚܬܗ ܘܕܐܠܘܡܦܐ ܘܕܟܠܗܘܢ ܩܕܝܫܐ ܕܥܡܗܘܢ ܀
16Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.
16ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܚܕ ܕܚܕ ܒܢܘܫܩܬܐ ܩܕܝܫܬܐ ܫܐܠܢ ܒܫܠܡܟܘܢ ܟܠܗܝܢ ܥܕܬܗ ܕܡܫܝܚܐ ܀
17Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at kayo'y magsilayo sa kanila.
17ܒܥܢܐ ܕܝܢ ܡܢܟܘܢ ܐܚܝ ܕܬܙܕܗܪܘܢ ܡܢ ܐܝܠܝܢ ܕܦܠܓܘܬܐ ܘܡܟܫܘܠܐ ܥܒܕܝܢ ܠܒܪ ܡܢ ܝܘܠܦܢܐ ܕܐܢܬܘܢ ܝܠܦܬܘܢ ܕܬܬܪܚܩܘܢ ܠܟܘܢ ܡܢܗܘܢ ܀
18Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.
18ܐܝܠܝܢ ܓܝܪ ܕܗܟܢܐ ܐܢܘܢ ܠܐ ܡܫܡܫܝܢ ܠܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܐܠܐ ܠܟܪܤܗܘܢ ܘܒܡܠܐ ܒܤܝܡܬܐ ܘܒܒܘܪܟܬܐ ܡܛܥܝܢ ܠܒܘܬܐ ܕܦܫܝܛܐ ܀
19Sapagka't ang inyong pagtalima ay naging bantog sa lahat ng mga tao. Kaya't nagagalak ako tungkol sa inyo: datapuwa't ibig ko na kayo'y maging marunong sa kabutihan, at musmos sa kasamaan.
19ܡܫܬܡܥܢܘܬܟܘܢ ܕܝܢ ܕܝܠܟܘܢ ܠܟܠ ܒܪܢܫ ܐܬܝܕܥܬ ܚܕܐ ܐܢܐ ܗܟܝܠ ܒܟܘܢ ܘܨܒܐ ܐܢܐ ܕܬܗܘܘܢ ܚܟܝܡܝܢ ܠܛܒܬܐ ܘܬܡܝܡܝܢ ܠܒܝܫܬܐ ܀
20At si Satanas ay dudurugin ng Dios ng kapayapaan sa madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa. Ang biyaya nawa ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo.
20ܐܠܗܐ ܕܝܢ ܕܫܠܡܐ ܢܫܚܩܝܘܗܝ ܒܥܓܠ ܠܤܛܢܐ ܬܚܝܬ ܪܓܠܝܟܘܢ ܛܝܒܘܬܗ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܬܗܘܐ ܥܡܟܘܢ ܀
21Binabati kayo ni Timoteo na aking kamanggagawa; at ni Lucio at ni Jason at ni Sosipatro, na aking mga kamaganak.
21ܫܐܠܝܢ ܒܫܠܡܟܘܢ ܛܝܡܬܐܘܤ ܦܠܚܐ ܕܥܡܝ ܘܠܘܩܝܘܤ ܘܐܝܤܘܢ ܘܤܘܤܝܦܛܪܘܤ ܐܚܝܢܝ ܀
22Akong si Tercio, na sumusulat ng sulat na ito, ay bumabati sa inyo sa Panginoon.
22ܫܐܠ ܐܢܐ ܒܫܠܡܟܘܢ ܐܢܐ ܛܪܛܝܘܤ ܕܟܬܒܬ ܐܓܪܬܐ ܒܡܪܢ ܀
23Binabati kayo ni Gayo na pinanunuluyanan ko, at ng buong iglesia. Binabati kayo ni Erasto na ingat-yaman ng bayan, at ng kapatid na si Cuarto.
23ܫܐܠ ܒܫܠܡܟܘܢ ܓܐܝܘܤ ܡܩܒܠܢܝ ܘܕܟܠܗ ܥܕܬܐ ܫܐܠ ܒܫܠܡܟܘܢ ܐܪܤܛܘܤ ܪܒܝܬܐ ܕܡܕܝܢܬܐ ܘܩܘܐܪܛܘܤ ܐܚܐ ܀
24Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyong lahat. Siya nawa.
24ܠܐܠܗܐ ܕܝܢ ܗܘ ܕܡܫܟܚ ܕܢܫܪܪܟܘܢ ܒܐܘܢܓܠܝܘܢ ܕܝܠܝ ܗܘ ܕܐܬܟܪܙ ܥܠ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܒܓܠܝܢܐ ܕܐܪܙܐ ܕܡܢ ܙܒܢܝ ܥܠܡܐ ܡܟܤܝ ܗܘܐ ܀
25At ngayon sa kaniya na makapangyarihan na sa inyo'y makapagpapatibay ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo, ayon sa pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan.
25ܐܬܓܠܝ ܕܝܢ ܒܙܒܢܐ ܗܢܐ ܒܝܕ ܟܬܒܐ ܕܢܒܝܐ ܘܒܦܘܩܕܢܗ ܕܐܠܗܐ ܕܠܥܠܡ ܐܬܝܕܥ ܠܟܠܗܘܢ ܥܡܡܐ ܠܡܫܡܥܐ ܕܗܝܡܢܘܬܐ ܀
26Datapuwa't nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Dios na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya:
26ܕܗܘܝܘ ܚܟܝܡܐ ܒܠܚܘܕܘܗܝ ܫܘܒܚܐ ܒܝܕ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܠܥܠܡܥܠܡܝܢ ܐܡܝܢ ܀
27Sa iisang Dios na marunong, sa pamamagitan ni Jesucristo, na sumasa kaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
27ܛܝܒܘܬܗ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܥܡ ܟܠܟܘܢ ܐܡܝܢ ܀