1Datapuwa't tungkol sa mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman.
1ܥܠ ܙܒܢܐ ܕܝܢ ܘܥܕܢܐ ܐܚܝ ܠܐ ܤܢܝܩܝܬܘܢ ܠܡܟܬܒ ܠܟܘܢ ܀
2Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi.
2ܐܢܬܘܢ ܓܝܪ ܫܪܝܪܐܝܬ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܝܘܡܗ ܕܡܪܢ ܐܝܟ ܓܢܒܐ ܒܠܠܝܐ ܗܟܢܐ ܐܬܐ ܀
3Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.
3ܟܕ ܢܐܡܪܘܢ ܕܫܠܡܐ ܗܘ ܘܫܝܢܐ ܘܗܝܕܝܢ ܡܢܫܠܝܐ ܢܩܘܡ ܥܠܝܗܘܢ ܐܒܕܢܐ ܐܝܟ ܚܒܠܐ ܥܠ ܒܛܢܬܐ ܘܠܐ ܢܡܕܘܢ ܀
4Nguni't kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw:
4ܐܢܬܘܢ ܕܝܢ ܐܚܝ ܠܐ ܗܘܝܬܘܢ ܒܚܫܘܟܐ ܕܗܘ ܝܘܡܐ ܐܝܟ ܓܢܒܐ ܢܕܪܟܟܘܢ ܀
5Sapagka't kayong lahat ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man;
5ܟܠܟܘܢ ܓܝܪ ܒܢܝ ܢܘܗܪܐ ܐܢܬܘܢ ܘܒܢܝ ܐܝܡܡܐ ܘܠܐ ܗܘܝܬܘܢ ܒܢܝ ܠܠܝܐ ܘܠܐ ܒܢܝ ܚܫܘܟܐ ܀
6Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi tayo'y mangagpuyat at mangagpigil.
6ܠܐ ܢܕܡܟ ܗܟܝܠ ܐܝܟ ܫܪܟܐ ܐܠܐ ܗܘܝܢ ܥܝܪܝܢ ܘܡܗܘܢܝܢ ܀
7Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi.
7ܐܝܠܝܢ ܓܝܪ ܕܕܡܟܝܢ ܒܠܠܝܐ ܗܘ ܕܡܟܝܢ ܘܐܝܠܝܢ ܕܪܘܝܢ ܒܠܠܝܐ ܗܘ ܪܘܝܢ ܀
8Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan.
8ܚܢܢ ܕܝܢ ܕܒܢܝ ܐܝܡܡܐ ܚܢܢ ܗܘܝܢ ܥܝܪܝܢ ܒܪܥܝܢܢ ܘܠܒܝܫܝܢ ܫܪܝܢܐ ܕܗܝܡܢܘܬܐ ܘܕܚܘܒܐ ܘܢܤܝܡ ܤܢܘܪܬܐ ܕܤܒܪܐ ܕܚܝܐ ܀
9Sapagka't tayo'y hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo,
9ܡܛܠ ܕܠܐ ܤܡܢ ܐܠܗܐ ܠܪܘܓܙܐ ܐܠܐ ܠܩܢܝܢܐ ܕܚܝܐ ܒܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
10Na namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya.
10ܗܘ ܕܡܝܬ ܥܠ ܐܦܝܢ ܕܐܢ ܥܝܪܝܢܢ ܘܐܢ ܕܡܟܝܢܢ ܐܟܚܕܐ ܥܡܗ ܢܚܐ ܀
11Dahil dito kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.
11ܡܛܠ ܗܢܐ ܒܝܐܘ ܚܕ ܠܚܕ ܘܒܢܘ ܚܕ ܠܚܕ ܐܝܟܢܐ ܕܐܦ ܥܒܕܝܬܘܢ ܀
12Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo;
12ܒܥܝܢܢ ܕܝܢ ܡܢܟܘܢ ܐܚܝ ܕܗܘܝܬܘܢ ܝܕܥܝܢ ܠܐܝܠܝܢ ܕܠܐܝܢ ܒܟܘܢ ܘܩܝܡܝܢ ܒܐܦܝܟܘܢ ܒܡܪܢ ܘܡܠܦܝܢ ܠܟܘܢ ܀
13At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.
13ܕܗܘܘ ܚܫܝܒܝܢ ܠܟܘܢ ܒܚܘܒܐ ܝܬܝܪܐ ܘܡܛܠ ܥܒܕܗܘܢ ܐܫܬܝܢܘ ܥܡܗܘܢ ܀
14At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, alalayan ang mga mahihina, at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat.
14ܒܥܝܢܢ ܕܝܢ ܡܢܟܘܢ ܐܚܝ ܪܕܘ ܠܡܤܟܠܢܐ ܘܠܒܒܘ ܠܙܥܘܪܝ ܢܦܫܐ ܘܤܒܘ ܛܥܢܐ ܕܡܚܝܠܐ ܘܐܓܪܘ ܪܘܚܟܘܢ ܠܘܬ ܟܠܢܫ ܀
15Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.
15ܘܐܙܕܗܪܘ ܕܠܡܐ ܐܢܫ ܡܢܟܘܢ ܒܝܫܬܐ ܚܠܦ ܒܝܫܬܐ ܢܦܪܘܥ ܐܠܐ ܒܟܠܙܒܢ ܗܪܛܘ ܒܬܪ ܛܒܬܐ ܠܘܬ ܚܕܕܐ ܘܠܘܬ ܟܠܢܫ ܀
16Mangagalak kayong lagi;
16ܗܘܘ ܚܕܝܢ ܒܟܠܙܒܢ ܀
17Magsipanalangin kayong walang patid;
17ܘܡܨܠܝܢ ܕܠܐ ܫܠܘܐ ܀
18Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.
18ܘܒܟܠ ܡܕܡ ܗܘܘ ܡܘܕܝܢ ܗܢܘ ܓܝܪ ܨܒܝܢܗ ܕܐܠܗܐ ܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܒܟܘܢ ܀
19Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu;
19ܪܘܚܐ ܠܐ ܬܕܥܟܘܢ ܀
20Huwag ninyong hamakin ang mga panghuhula;
20ܢܒܝܘܬܐ ܠܐ ܬܤܠܘܢ ܀
21Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;
21ܟܠܡܕܡ ܒܩܘ ܘܕܫܦܝܪ ܐܚܘܕܘ ܀
22Layuan ninyo ang bawa't anyo ng masama.
22ܘܡܢ ܟܠ ܨܒܘ ܒܝܫܐ ܥܪܘܩܘ ܀
23At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.
23ܗܘ ܕܝܢ ܐܠܗܐ ܕܫܠܡܐ ܢܩܕܫܟܘܢ ܓܡܝܪܐܝܬ ܠܟܠܟܘܢ ܘܟܠܗ ܪܘܚܟܘܢ ܘܢܦܫܟܘܢ ܘܦܓܪܟܘܢ ܢܢܛܪ ܕܠܐ ܪܫܝܢ ܠܡܐܬܝܬܗ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
24Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.
24ܡܗܝܡܢ ܗܘ ܡܢ ܕܩܪܟܘܢ ܕܗܘ ܢܥܒܕ ܀
25Mga kapatid, idalangin ninyo kami.
25ܐܚܝ ܨܠܘ ܥܠܝܢ ܀
26Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng banal na halik.
26ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܐܚܝܢ ܟܠܗܘܢ ܒܢܘܫܩܬܐ ܩܕܝܫܬܐ ܀
27Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid ang sulat na ito.
27ܡܘܡܐ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܒܡܪܢ ܕܬܬܩܪܐ ܐܓܪܬܐ ܗܕܐ ܠܟܠܗܘܢ ܐܚܐ ܩܕܝܫܐ ܀
28Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.
28ܛܝܒܘܬܗ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܥܡܟܘܢ ܐܡܝܢ ܀