1Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo;
1ܦܘܠܘܤ ܘܤܠܘܢܘܤ ܘܛܝܡܬܐܘܤ ܠܥܕܬܐ ܕܬܤܠܘܢܝܩܝܐ ܕܒܐܠܗܐ ܐܒܘܢ ܘܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
2Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.
2ܛܝܒܘܬܐ ܥܡܟܘܢ ܘܫܠܡܐ ܡܢ ܐܠܗܐ ܐܒܘܢ ܘܡܢ ܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
3Kami ay nararapat, mga kapatid, na mangagpasalamat na lagi sa Dios dahil sa inyo, gaya ng marapat, dahil sa ang inyong pananampalataya ay lumalaking lubha, at ang pagibig ng bawa't isa sa iba't iba sa inyong lahat ay sumasagana;
3ܠܡܘܕܝܘ ܠܐܠܗܐ ܒܟܠܙܒܢ ܚܝܒܝܢܢ ܥܠܝܟܘܢ ܐܚܝ ܐܝܟ ܡܐ ܕܘܠܐ ܕܝܬܝܪܐܝܬ ܪܒܝܐ ܗܝܡܢܘܬܟܘܢ ܘܤܓܐ ܚܘܒܐ ܕܟܠܟܘܢ ܕܟܠܢܫ ܠܘܬ ܚܒܪܗ ܀
4Ano pa't kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis;
4ܐܝܟ ܕܐܦ ܚܢܢ ܒܟܘܢ ܢܗܘܐ ܡܫܬܒܗܪܝܢ ܚܢܢ ܒܥܕܬܐ ܕܐܠܗܐ ܥܠ ܗܝܡܢܘܬܟܘܢ ܘܥܠ ܡܤܝܒܪܢܘܬܟܘܢ ܕܒܟܠܗ ܪܕܝܦܘܬܟܘܢ ܘܐܘܠܨܢܝܟܘܢ ܕܡܤܝܒܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܀
5Na isang tandang hayag ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo'y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito'y nangagbabata rin naman kayo:
5ܠܬܚܘܝܬܐ ܕܕܝܢܐ ܟܐܢܐ ܕܐܠܗܐ ܕܬܫܘܘܢ ܠܡܠܟܘܬܗ ܗܝ ܕܥܠ ܐܦܝܗ ܚܫܝܬܘܢ ܀
6Kung isang bagay na matuwid sa Dios na gantihin ng kapighatian ang mga pumipighati sa inyo,
6ܘܐܢ ܟܐܢܐ ܩܕܡ ܐܠܗܐ ܕܢܦܪܘܥ ܐܘܠܨܢܐ ܠܐܠܘܨܝܟܘܢ ܀
7At kayong mga pinighati ay bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapakahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy,
7ܘܠܟܘܢ ܕܡܬܐܠܨܝܬܘܢ ܢܚܐ ܥܡܢ ܒܓܠܝܢܗ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܕܡܢ ܫܡܝܐ ܥܡ ܚܝܠܐ ܕܡܠܐܟܘܗܝ ܀
8Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:
8ܡܐ ܕܥܒܕ ܬܒܥܬܐ ܒܓܘܙܠܐ ܕܢܘܪܐ ܡܢ ܗܢܘܢ ܕܠܐ ܝܕܥܘ ܠܐܠܗܐ ܘܡܢ ܗܢܘܢ ܕܠܐ ܐܫܬܘܕܥܘ ܠܤܒܪܬܗ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
9Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.
9ܕܗܢܘܢ ܒܕܝܢܐ ܢܬܦܪܥܘܢ ܐܒܕܢܐ ܕܠܥܠܡ ܡܢ ܦܪܨܘܦܗ ܕܡܪܢ ܘܡܢ ܫܘܒܚܐ ܕܚܝܠܗ ܀
10Pagka paririto siya upang luwalhatiin sa kaniyang mga banal, at upang siya'y maging kahangahanga sa lahat ng mga nagsisampalataya sa araw na yaon (sapagka't ang aming patotoo sa inyo ay pinaniwalaan).
10ܡܐ ܕܐܬܐ ܕܢܫܬܒܚ ܒܩܕܝܫܘܗܝ ܘܢܚܘܐ ܬܕܡܪܬܗ ܒܡܗܝܡܢܘܗܝ ܕܬܬܗܝܡܢ ܤܗܕܘܬܢ ܕܥܠܝܟܘܢ ܒܗܘ ܝܘܡܐ ܀
11Dahil din dito ay lagi naming idinadalangin kayo, upang kayo'y ariing karapatdapat ng ating Dios sa pagkatawag sa inyo, at ganaping may kapangyarihan ang bawa't nais sa kabutihan at gawa ng pananampalataya;
11ܡܛܠܗܢܐ ܒܟܠܙܒܢ ܡܨܠܝܢܢ ܥܠܝܟܘܢ ܕܢܫܘܝܟܘܢ ܐܠܗܐ ܠܩܪܝܢܟܘܢ ܘܢܡܠܝܟܘܢ ܟܠܗ ܨܒܝܢܐ ܕܛܒܬܐ ܘܥܒܕܐ ܕܗܝܡܢܘܬܐ ܒܚܝܠܐ ܀
12Upang ang pangalan ng ating Panginoong Jesus ay luwalhatiin sa inyo, at kayo'y sa kaniya, ayon sa biyaya ng ating Dios at ng Panginoong Jesucristo.
12ܕܢܫܬܒܚ ܒܟܘܢ ܫܡܗ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܐܦ ܐܢܬܘܢ ܒܗ ܐܝܟ ܛܝܒܘܬܗ ܕܐܠܗܢ ܘܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀