Tagalog 1905

Syriac: NT

2 Corinthians

6

1At yamang kalakip niyang gumagawa ay ipinamamanhik din namin sa inyo na huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Dios na walang kabuluhan.
1ܘܐܝܟ ܡܥܕܪܢܐ ܒܥܝܢܢ ܡܢܟܘܢ ܕܠܐ ܬܤܬܪܩ ܒܟܘܢ ܛܝܒܘܬܐ ܕܐܠܗܐ ܕܩܒܠܬܘܢ ܀
2(Sapagka't sinasabi niya, Sa panahong ukol kita'y pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kita'y sinaklolohan: Narito, ngayon ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan):
2ܐܡܪ ܓܝܪ ܕܒܙܒܢܐ ܡܩܒܠܐ ܥܢܝܬܟ ܘܒܝܘܡܐ ܕܚܝܐ ܥܕܪܬܟ ܗܐ ܗܫܐ ܙܒܢܐ ܡܩܒܠܐ ܘܗܐ ܗܫܐ ܝܘܡܐ ܕܚܝܐ ܀
3Na di nagbibigay ng kadahilanang ikatitisod sa anoman, upang ang aming ministerio ay huwag mapulaan;
3ܠܡܐ ܒܡܕܡ ܬܬܠܘܢ ܠܐܢܫ ܥܠܬܐ ܕܬܘܩܠܬܐ ܕܠܐ ܢܗܘܐ ܡܘܡܐ ܒܬܫܡܫܬܢ ܀
4Datapuwa't sa lahat ng mga bagay ay ipinagkakapuri namin ang aming sarili, gaya ng mga ministro ng Dios, sa maraming pagtitiis, sa mga kapighatian, sa mga pangangailangan, sa mga paghihinagpis,
4ܐܠܐ ܒܟܠ ܡܕܡ ܢܚܘܐ ܢܦܫܢ ܕܡܫܡܫܢܐ ܚܢܢ ܕܐܠܗܐ ܒܡܤܝܒܪܢܘܬܐ ܤܓܝܐܬܐ ܒܐܘܠܨܢܐ ܒܐܢܢܩܤ ܒܚܒܘܫܝܐ ܀
5Sa mga latay, sa mga pagkabilanggo, sa mga kaguluhan, sa mga gawa, sa mga pagpupuyat, sa mga pagaayuno;
5ܒܢܓܕܐ ܒܐܤܘܪܐ ܒܫܓܘܫܝܐ ܒܠܐܘܬܐ ܒܫܗܪܐ ܒܨܘܡܐ ܀
6Sa kalinisan, sa kaalaman, sa pagpapahinuhod, sa kagandahang-loob, sa Espiritu Santo, sa pagibig na hindi pakunwari,
6ܒܕܟܝܘܬܐ ܒܝܕܥܬܐ ܒܢܓܝܪܘܬ ܪܘܚܐ ܒܒܤܝܡܘܬܐ ܒܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܒܚܘܒܐ ܕܠܐ ܢܟܠܐ ܀
7Sa salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Dios; sa pamamagitan ng mga sandata ng katuwiran sa kanan at sa kaliwa,
7ܒܡܠܬܐ ܕܩܘܫܬܐ ܒܚܝܠܐ ܕܐܠܗܐ ܒܙܝܢܐ ܕܙܕܝܩܘܬܐ ܕܒܝܡܝܢܐ ܘܒܤܡܠܐ ܀
8Sa pamamagitan ng karangalan at ng kasiraang puri, sa pamamagitan ng masamang ulat at ng mabuting ulat; gaya ng mga magdaraya gayon ma'y mga mapagtapat;
8ܒܫܘܒܚܐ ܘܒܨܥܪܐ ܒܩܘܠܤܐ ܘܒܓܘܢܝܐ ܐܝܟ ܡܛܥܝܢܐ ܘܫܪܝܪܐ ܀
9Waring hindi mga kilala, gayon ma'y mga kilalang mabuti; tulad sa nangaghihingalo, at narito, kami ay nangabubuhay; gaya ng mga pinarurusahan, at hindi pinapatay;
9ܐܝܟ ܠܐ ܝܕܝܥܐ ܘܝܕܝܥܝܢܢ ܐܝܟ ܡܝܬܝܢܢ ܘܗܐ ܚܝܝܢ ܚܢܢ ܐܝܟ ܕܡܬܪܕܝܢܢ ܘܠܐ ܡܝܬܝܢܢ ܀
10Tulad sa nangalulungkot, gayon ma'y laging nangagagalak; tulad sa mga dukha, gayon ma'y nangagpapayaman sa marami; gaya ng walang anomang pag-aari, gayon ma'y mayroon ng lahat ng mga bagay.
10ܐܝܟ ܕܟܪܝܐ ܠܢ ܘܒܟܠܙܒܢ ܚܕܝܢܢ ܐܝܟ ܡܤܟܢܐ ܘܠܤܓܝܐܐ ܡܥܬܪܝܢܢ ܐܝܟ ܕܡܕܡ ܠܝܬ ܠܢ ܘܟܠ ܡܕܡ ܐܚܝܕܝܢܢ ܀
11Ang aming bibig ay bukas para sa inyo, Oh mga taga Corinto, ang aming puso ay lumalaki.
11ܦܘܡܢ ܦܬܝܚ ܗܘ ܠܘܬܟܘܢ ܩܘܪܢܬܝܐ ܘܠܒܢ ܪܘܝܚ ܀
12Hindi kayo nangakasisikip sa amin, kundi nangasisikipan kayo sa inyong sariling pagibig.
12ܠܐ ܐܠܝܨܝܬܘܢ ܒܢ ܐܠܝܨܝܬܘܢ ܕܝܢ ܒܪܚܡܝܟܘܢ ܀
13Kaya nga bilang ganti sa gayong bagay (nangungusap akong gaya sa aking mga anak), ay mangagsilaki naman kayo.
13ܐܝܟ ܕܠܒܢܝܐ ܕܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܦܘܪܥܘܢܝ ܚܘܒܠܝ ܕܠܘܬܟܘܢ ܘܪܘܚܘ ܚܘܒܟܘܢ ܠܘܬܝ ܀
14Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?
14ܘܠܐ ܬܗܘܘܢ ܒܢܝ ܙܘܓܐ ܠܐܝܠܝܢ ܕܠܐ ܡܗܝܡܢܝܢ ܐܝܕܐ ܓܝܪ ܫܘܬܦܘܬܐ ܐܝܬ ܠܙܕܝܩܘܬܐ ܥܡ ܥܘܠܐ ܐܘ ܐܝܢܐ ܚܘܠܛܢܐ ܐܝܬ ܠܢܗܝܪܐ ܥܡ ܚܫܘܟܐ ܀
15At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?
15ܐܘ ܐܝܕܐ ܫܠܡܘܬܐ ܐܝܬ ܠܡܫܝܚܐ ܥܡ ܤܛܢܐ ܐܘ ܐܝܕܐ ܡܢܬܐ ܐܝܬ ܠܕܡܗܝܡܢ ܥܡ ܕܠܐ ܡܗܝܡܢ ܀
16At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.
16ܐܝܕܐ ܕܝܢ ܐܘܝܘܬܐ ܐܝܬ ܠܗܝܟܠܗ ܕܐܠܗܐ ܥܡ ܕܫܐܕܐ ܐܢܬܘܢ ܕܝܢ ܗܝܟܠܗ ܐܢܬܘܢ ܕܐܠܗܐ ܚܝܐ ܐܝܟܢܐ ܕܐܡܝܪ ܕܐܥܡܪ ܒܗܘܢ ܘܐܗܠܟ ܒܗܘܢ ܘܐܗܘܐ ܐܠܗܗܘܢ ܘܗܢܘܢ ܢܗܘܘܢ ܠܝ ܥܡܐ ܀
17Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin,
17ܡܛܠ ܗܢܐ ܦܘܩܘ ܡܢ ܒܝܢܬܗܘܢ ܘܐܬܦܪܫܘ ܡܢܗܘܢ ܐܡܪ ܡܪܝܐ ܘܠܛܡܐܐ ܠܐ ܬܬܩܪܒܘܢ ܘܐܢܐ ܐܩܒܠܟܘܢ ܀
18At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.
18ܘܐܗܘܐ ܠܟܘܢ ܠܐܒܐ ܘܐܢܬܘܢ ܬܗܘܘܢ ܠܝ ܠܒܢܝܐ ܘܠܒܢܬܐ ܐܡܪ ܡܪܝܐ ܕܟܠ ܐܚܝܕ ܀