1Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios.
1ܡܛܠ ܕܐܝܬ ܠܢ ܗܟܝܠ ܗܠܝܢ ܡܘܠܟܢܐ ܚܒܝܒܝ ܢܕܟܐ ܢܦܫܢ ܡܢ ܟܠܗ ܛܡܐܘܬܐ ܕܒܤܪܐ ܘܕܪܘܚܐ ܘܢܦܠܘܚ ܩܕܝܫܘܬܐ ܒܕܚܠܬܐ ܕܐܠܗܐ ܀
2Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso: hindi namin inapi ang sinoman, hindi namin ipinasama ang sinoman, hindi namin dinaya ang sinoman.
2ܤܝܒܪܘܢ ܐܚܝܢ ܒܐܢܫ ܠܐ ܐܥܘܠܢ ܠܐܢܫ ܠܐ ܚܒܠܢ ܠܐܢܫ ܠܐ ܥܠܒܢ ܀
3Hindi ko sinasabi ito upang kayo'y hatulan: sapagka't sinabi ko na nang una, na kayo'y nasa aming mga puso upang magkasamang mamatay at magkasamang mabuhay.
3ܠܐ ܗܘܐ ܠܡܚܝܒܘܬܟܘܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܩܕܡܬ ܓܝܪ ܐܡܪܬ ܕܒܠܒܢ ܐܢܬܘܢ ܠܡܡܬ ܐܟܚܕܐ ܘܠܡܚܐ ܀
4Malaki ang katapangan ko ng pagsasalita sa inyo, malaki ang aking kapurihan dahil sa inyo: ako'y puspos ng kaaliwan, nananagana sa katuwaan sa lahat ng aming kapighatian.
4ܦܪܗܤܝܐ ܤܓܝܐܬܐ ܐܝܬ ܠܝ ܠܘܬܟܘܢ ܘܤܓܝ ܐܝܬ ܠܝ ܒܟܘܢ ܫܘܒܗܪܐ ܘܡܠܐ ܐܢܐ ܒܘܝܐܐ ܘܤܘܓܐܐ ܡܬܝܬܪܐ ܒܝ ܚܕܘܬܐ ܒܟܠܗܘܢ ܐܘܠܨܢܝ ܀
5Sapagka't nagsidating man kami sa Macedonia ang aming laman ay hindi nagkaroon ng katiwasayan, kundi sa lahat kami ay pinipighati; sa labas ay mga pagbabaka, sa loob ay mga katakutan.
5ܐܦ ܡܢ ܕܐܬܝܢ ܓܝܪ ܠܡܩܕܘܢܝܐ ܐܦܠܐ ܚܕ ܢܝܚ ܗܘܐ ܠܦܓܪܢ ܐܠܐ ܒܟܠ ܡܕܡ ܐܬܐܠܨܢ ܡܢ ܠܒܪ ܩܪܒܐ ܘܡܢ ܠܓܘ ܕܚܠܬܐ ܀
6Gayon man ang Dios na umaaliw sa mabababang-loob, ay kami'y inaliw sa pamamagitan ng pagdating ni Tito;
6ܐܠܐ ܐܠܗܐ ܗܘ ܕܡܒܝܐ ܠܡܟܝܟܐ ܒܝܐܢ ܒܡܐܬܝܬܗ ܕܛܛܘܤ ܀
7At hindi lamang sa kaniyang pagdating, kundi naman sa kaaliwan ng inialiw sa kaniya dahil sa inyo, nang sa amin ay ibalita niya ang inyong pananabik, ang inyong kalumbayan, ang inyong pagmamalasakit dahil sa akin; ano pa't ako'y lubha pang nagalak.
7ܘܠܐ ܒܠܚܘܕ ܒܡܐܬܝܬܗ ܐܠܐ ܐܦ ܒܢܝܚܗ ܗܘ ܕܐܬܢܝܚ ܒܟܘܢ ܤܒܪܢ ܓܝܪ ܥܠ ܚܘܒܟܘܢ ܕܠܘܬܢ ܘܥܠ ܐܒܠܟܘܢ ܘܛܢܢܟܘܢ ܕܥܠ ܐܦܝܢ ܘܟܕ ܫܡܥܬ ܚܕܘܬܐ ܤܓܝܐܬܐ ܗܘܬ ܠܝ ܀
8Sapagka't bagaman ako'y nakapagpalumbay sa inyo sa aking sulat, ay hindi ko dinaramdam: bagama't aking dinamdam (sapagka't akin ngang natatalastas na ang sulat na yaon ay nakapagpalumbay sa inyo, bagama't sa maikling panahon lamang),
8ܕܐܦܢ ܐܟܪܝܬ ܠܟܘܢ ܒܐܓܪܬܐ ܠܐ ܬܘܝܐ ܠܝ ܢܦܫܝ ܐܦܢ ܬܘܝܐ ܗܘܬ ܚܙܐ ܐܢܐ ܓܝܪ ܕܗܝ ܐܓܪܬܐ ܐܦܢ ܕܫܥܬܐ ܐܟܪܝܬ ܠܟܘܢ ܀
9Ngayo'y nagagalak ako, hindi dahil sa inyong pagkalumbay, kundi dahil sa inyong mga pagkalumbay na ikapagsisisi; sapagka't kayo'y pinalumbay sa paraang ukol sa Dios, upang sa anoman ay huwag kayong mangagkaroon ng kalugihan dahil sa amin.
9ܐܠܐ ܚܕܘܬܐ ܤܓܝܐܬܐ ܥܒܕܬ ܠܝ ܠܐ ܥܠ ܕܟܪܝܬ ܠܟܘܢ ܐܠܐ ܡܛܠ ܕܟܪܝܘܬܟܘܢ ܠܬܝܒܘܬܐ ܐܝܬܝܬܟܘܢ ܟܪܝܬ ܠܟܘܢ ܓܝܪ ܒܕܐܠܗܐ ܐܝܟܢܐ ܕܒܡܕܡ ܠܐ ܬܚܤܪܘܢ ܡܢܢ ܀
10Sapagka't ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot: datapuwa't ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay.
10ܟܪܝܘܬܐ ܓܝܪ ܕܡܛܠ ܐܠܗܐ ܬܘܬ ܢܦܫܐ ܥܒܕܐ ܕܠܐ ܗܦܟܐ ܘܡܦܢܝܐ ܠܚܝܐ ܟܪܝܘܬܐ ܕܝܢ ܕܥܠܡܐ ܡܘܬܐ ܗܘ ܥܒܕܐ ܀
11Narito nga, ito rin ang inyong ikinalulumbay na mula sa Dios, gaanong sikap na pagiingat ang sa inyo'y ginawa, oo't gaanong pagtatanggol ng inyong sarili, oo't gaanong pagkagalit, oo't gaanong katakutan, oo't gaanong pananabik, oo't gaanong pagmamalasakit, oo't gaanong paghihiganti! Sa lahat ay napakita kayong dalisay sa bagay na ito.
11ܗܐ ܓܝܪ ܗܝ ܗܕܐ ܕܐܬܬܥܝܩܬܘܢ ܡܛܠ ܐܠܗܐ ܟܡܐ ܐܥܒܕܬ ܒܟܘܢ ܚܦܝܛܘܬܐ ܘܡܦܩ ܒܪܘܚܐ ܘܪܘܓܙܐ ܘܕܚܠܬܐ ܘܚܘܒܐ ܘܛܢܢܐ ܘܬܒܥܬܐ ܘܒܟܠܡܕܡ ܚܘܝܬܘܢ ܢܦܫܟܘܢ ܕܕܟܝܢ ܐܢܬܘܢ ܒܗ ܒܨܒܘܬܐ ܀
12Kaya nga, bagama't ako'y sumulat sa inyo, ay hindi dahil doon sa gumawa ng kamalian, ni dahil doon sa nagbata ng kamalian, kundi upang maihayag sa inyo ang inyong masikap na pagiingat sa amin sa harapan ng Dios.
12ܬܗܘܐ ܕܝܢ ܗܕܐ ܕܟܬܒܬ ܠܟܘܢ ܕܠܐ ܗܘܐ ܡܛܠ ܡܤܟܠܢܐ ܐܦ ܠܐ ܡܛܠ ܗܘ ܡܢ ܕܡܤܟܠ ܒܗ ܐܠܐ ܡܛܠ ܕܬܬܝܕܥ ܩܕܡ ܐܠܗܐ ܚܦܝܛܘܬܟܘܢ ܕܡܛܠܬܢ ܀
13Kaya't kami'y pawang nangaaliw: at sa aming pagkaaliw ay bagkus pang nangagalak kami dahil sa kagalakan ni Tito, sapagka't ang kaniyang espiritu ay inaliw ninyong lahat.
13ܡܛܠ ܗܢܐ ܐܬܒܝܐܢ ܘܥܡ ܒܘܝܐܢ ܝܬܝܪܐܝܬ ܚܕܝܢ ܒܚܕܘܬܗ ܕܛܛܘܤ ܕܐܬܢܝܚܬ ܪܘܚܗ ܥܡ ܟܠܟܘܢ ܀
14Sapagka't kung ako ay nagmapuri ng anoman sa kaniya dahil sa inyo, ay hindi ako nahiya; datapuwa't kung paanong sinabi namin ang lahat ng mga bagay sa inyo sa katotohanan, ay gayon din naman ang aming pagmamapuri na ginawa ko sa harap ni Tito ay nasumpungang totoo.
14ܕܒܡܕܡ ܕܐܫܬܒܗܪܬ ܠܗ ܥܠ ܐܦܝܟܘܢ ܠܐ ܒܗܬܬ ܐܠܐ ܐܝܟ ܕܟܠ ܡܕܡ ܩܘܫܬܐ ܡܠܠܢ ܥܡܟܘܢ ܗܟܢܐ ܐܦ ܫܘܒܗܪܢ ܕܠܘܬ ܛܛܘܤ ܒܩܘܫܬܐ ܐܫܬܟܚ ܀
15At ang kaniyang pagibig ay lubha pang nanagana sa inyo, samantalang naaalaala niya ang pagtalima ninyong lahat, kung paanong siya'y tinanggap ninyo na may takot at panginginig.
15ܐܦ ܪܚܡܘܗܝ ܝܬܝܪܐܝܬ ܤܓܝܘ ܥܠܝܟܘܢ ܟܕ ܡܬܕܟܪ ܡܫܬܡܥܢܘܬܐ ܕܟܠܟܘܢ ܕܒܕܚܠܬܐ ܘܒܪܬܝܬܐ ܩܒܠܬܘܢܝܗܝ ܀
16Ako'y nagagalak na sa lahat ng mga bagay ay mayroon akong lubos na pagtitiwala sa inyo.
16ܚܕܐ ܐܢܐ ܕܒܟܠ ܡܕܡ ܬܟܝܠ ܐܢܐ ܥܠܝܟܘܢ ܀