Tagalog 1905

Syriac: NT

Acts

10

1At may isang lalake nga sa Cesarea, na nagngangalang Cornelio, senturion ng pulutong na tinatawag na pulutong Italiano.
1ܒܩܤܪܝܐ ܕܝܢ ܐܝܬ ܗܘܐ ܓܒܪܐ ܚܕ ܩܢܛܪܘܢܐ ܕܫܡܗ ܗܘܐ ܩܘܪܢܠܝܘܤ ܡܢ ܤܦܝܪܐ ܗܝ ܕܡܬܩܪܝܐ ܐܝܛܠܝܩܐ ܀
2Isang taong masipag sa kabanalan at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios.
2ܘܙܕܝܩ ܗܘܐ ܘܕܚܠ ܗܘܐ ܡܢ ܐܠܗܐ ܗܘ ܘܒܝܬܗ ܟܠܗ ܘܥܒܕ ܗܘܐ ܙܕܩܬܐ ܤܓܝܐܬܐ ܒܥܡܐ ܘܒܟܠܙܒܢ ܒܥܐ ܗܘܐ ܡܢ ܐܠܗܐ ܀
3Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio.
3ܗܢܐ ܚܙܐ ܡܠܐܟܐ ܕܐܠܗܐ ܒܚܙܘܐ ܓܠܝܐܝܬ ܠܐܦܝ ܬܫܥ ܫܥܝܢ ܒܐܝܡܡܐ ܕܥܠ ܠܘܬܗ ܘܐܡܪ ܠܗ ܩܘܪܢܠܝܐ ܀
4At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, Ang mga panalangin mo at ang iyong mga paglilimos ay nangapailanglang na isang alaala sa harapan ng Dios.
4ܘܗܘ ܚܪ ܒܗ ܘܕܚܠ ܘܐܡܪ ܡܢܐ ܡܪܝ ܘܐܡܪ ܠܗ ܡܠܐܟܐ ܨܠܘܬܟ ܘܙܕܩܬܟ ܤܠܩ ܠܕܘܟܪܢܐ ܩܕܡ ܐܠܗܐ ܀
5At ngayo'y magsugo ka ng mga tao sa Joppe, at ipagsama mo yaong Simon, na may pamagat na Pedro;
5ܘܗܫܐ ܫܕܪ ܓܒܪܐ ܠܝܘܦܐ ܡܕܝܢܬܐ ܘܐܝܬܐ ܠܫܡܥܘܢ ܕܡܬܩܪܐ ܟܐܦܐ ܀
6Siya'y nanunuluyan sa isa na Simong mangluluto ng balat, na ang kaniyang bahay ay nasa tabi ng dagat.
6ܗܐ ܫܪܐ ܒܒܝܬܗ ܕܫܡܥܘܢ ܒܘܪܤܝܐ ܗܘ ܕܐܝܬܘܗܝ ܥܠ ܝܕ ܝܡܐ ܀
7At nang umalis ang anghel na sa kaniya'y nagsalita, ay tumawag siya ng dalawa sa kaniyang mga alila, at ng isang kawal na masipag sa kabanalan sa mga nagsisipaglingkod sa kaniyang parati;
7ܘܟܕ ܐܙܠ ܠܗ ܡܠܐܟܐ ܕܡܠܠ ܥܡܗ ܩܪܐ ܬܪܝܢ ܡܢ ܒܢܝ ܒܝܬܗ ܘܦܠܚܐ ܚܕ ܕܕܚܠ ܠܐܠܗܐ ܐܝܢܐ ܕܡܬܕܢܐ ܗܘܐ ܠܗ ܀
8At nang maisaysay na sa kanila ang lahat ng mga bagay, sila'y sinugo niya sa Joppe.
8ܘܐܫܬܥܝ ܠܗܘܢ ܟܠܡܕܡ ܕܚܙܐ ܘܫܕܪ ܐܢܘܢ ܠܝܘܦܐ ܀
9Nang kinabukasan nga samantalang sila'y patuloy sa kanilang paglalakad, at nang malapit na sa bayan, si Pedro ay umakyat sa ibabaw ng bahay upang manalangin, nang may oras na ikaanim;
9ܘܠܝܘܡܐ ܐܚܪܢܐ ܟܕ ܗܢܘܢ ܪܕܝܢ ܒܐܘܪܚܐ ܘܩܪܝܒܝܢ ܠܡܕܝܢܬܐ ܤܠܩ ܫܡܥܘܢ ܠܐܓܪܐ ܕܢܨܠܐ ܒܫܬ ܫܥܝܢ ܀
10At siya'y nagutom at nagnais kumain: datapuwa't samantalang nangaghahanda sila, ay nawalan siya ng diwa;
10ܘܟܦܢ ܘܨܒܐ ܗܘܐ ܕܢܠܥܤ ܘܟܕ ܗܢܘܢ ܡܬܩܢܝܢ ܠܗ ܢܦܠ ܥܠܘܗܝ ܬܡܗܐ ܀
11At nakita niyang bukas ang langit, at may isang sisidlang bumababa, gaya ng isang malapad na kumot, na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa:
11ܘܚܙܐ ܫܡܝܐ ܟܕ ܦܬܝܚܝܢ ܘܡܐܢܐ ܚܕ ܟܕ ܐܤܝܪ ܒܐܪܒܥ ܩܪܢܢ ܘܕܡܐ ܗܘܐ ܠܟܬܢܐ ܪܒܐ ܘܫܐܒ ܗܘܐ ܡܢ ܫܡܝܐ ܥܠ ܐܪܥܐ ܀
12Na doo'y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit.
12ܘܐܝܬ ܗܘܐ ܒܗ ܟܠܗܝܢ ܚܝܘܬܐ ܕܐܪܒܥܬ ܪܓܠܐ ܘܪܚܫܐ ܕܐܪܥܐ ܘܦܪܚܬܐ ܕܫܡܝܐ ܀
13At dumating sa kaniya ang isang tinig, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain.
13ܘܩܠܐ ܐܬܐ ܠܗ ܕܐܡܪ ܫܡܥܘܢ ܩܘܡ ܟܘܤ ܘܐܟܘܠ ܀
14Datapuwa't sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; sapagka't kailan ma'y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal.
14ܘܫܡܥܘܢ ܐܡܪ ܚܤ ܡܪܝ ܕܡܡܬܘܡ ܠܐ ܐܟܠܬ ܟܠ ܕܡܤܝܒ ܘܛܡܐ ܀
15At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.
15ܘܬܘܒ ܕܬܪܬܝܢ ܙܒܢܝܢ ܩܠܐ ܗܘܐ ܠܘܬܗ ܐܝܠܝܢ ܕܐܠܗܐ ܕܟܝ ܐܢܬ ܠܐ ܬܤܝܒ ܀
16At ito'y nangyaring makaitlo: at pagdaka'y binatak sa langit ang sisidlan.
16ܗܕܐ ܕܝܢ ܗܘܬ ܬܠܬ ܙܒܢܝܢ ܘܐܬܥܠܝ ܠܗ ܡܐܢܐ ܠܫܡܝܐ ܀
17Samantalang natitilihang totoo si Pedro sa kaniyang sarili, kung ano ang kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita, narito, ang mga taong sinugo ni Cornelio, nang maipagtanong ang bahay ni Simon, ay nangagsitayo sa harapan ng pintuan.
17ܘܟܕ ܡܬܕܡܪ ܫܡܥܘܢ ܒܢܦܫܗ ܕܡܢܘ ܚܙܘܐ ܕܚܙܐ ܡܛܝܘ ܓܒܪܐ ܗܢܘܢ ܕܐܫܬܕܪܘ ܗܘܘ ܡܢ ܩܘܪܢܠܝܘܤ ܘܫܐܠܘ ܥܠ ܒܝܬܐ ܕܫܪܐ ܒܗ ܫܡܥܘܢ ܘܐܬܘ ܘܩܡܘ ܥܠ ܬܪܥܐ ܕܕܪܬܐ ܀
18At nangagsitawag at nangagtanong kung si Simon, na pinamagatang Pedro, ay nanunuluyan doon.
18ܘܩܪܝܢ ܗܘܘ ܬܡܢ ܘܡܫܐܠܝܢ ܕܐܢ ܫܡܥܘܢ ܕܡܬܩܪܐ ܟܐܦܐ ܗܪܟܐ ܫܪܐ ܀
19At samantalang iniisip ni Pedro ang tungkol sa pangitain, ay sinabi sa kaniya ng Espiritu, Narito, hinahanap ka ng tatlong tao.
19ܘܟܕ ܫܡܥܘܢ ܪܢܐ ܗܘܐ ܒܚܙܘܐ ܐܡܪ ܠܗ ܪܘܚܐ ܗܐ ܓܒܪܐ ܬܠܬܐ ܒܥܝܢ ܠܟ ܀
20Datapuwa't magtindig ka, at manaog ka, at sumama ka sa kanila, na huwag kang magalinlangan ng anoman: sapagka't sila'y aking sinugo.
20ܩܘܡ ܚܘܬ ܘܙܠ ܥܡܗܘܢ ܟܕ ܠܐ ܡܬܦܠܓ ܪܥܝܢܟ ܡܛܠ ܕܐܢܐ ܗܘ ܫܕܪܬ ܐܢܘܢ ܀
21At pinanaog ni Pedro ang mga tao, at sinabi, Narito, ako ang hinahanap ninyo: ano baga ang dahil ng inyong ipinarito?
21ܗܝܕܝܢ ܢܚܬ ܫܡܥܘܢ ܠܘܬ ܓܒܪܐ ܗܢܘܢ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܐܢܐ ܗܘ ܕܒܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܐܝܕܐ ܗܝ ܥܠܬܐ ܕܡܛܠܬܗ ܐܬܝܬܘܢ ܀
22At sinabi nila, Ang senturiong si Cornelio, na taong matuwid at matatakutin sa Dios, at may mabuting patotoo ng buong bansa ng mga Judio, ay pinagpaunawaan ng Dios sa pamamagitan ng isang banal na anghel na ikaw ay paparoonin sa kaniyang bahay, at upang makarinig sa iyo ng mga salita.
22ܐܡܪܝܢ ܠܗ ܓܒܪܐ ܚܕ ܕܫܡܗ ܩܘܪܢܠܝܘܤ ܩܢܛܪܘܢܐ ܟܐܢܐ ܕܕܚܠ ܡܢ ܐܠܗܐ ܘܡܤܗܕ ܥܠܘܗܝ ܟܠܗ ܥܡܐ ܕܝܗܘܕܝܐ ܐܬܐܡܪ ܠܗ ܒܚܙܘܐ ܡܢ ܡܠܐܟܐ ܩܕܝܫܐ ܕܢܫܕܪ ܢܥܠܟ ܠܒܝܬܗ ܘܢܫܡܥ ܡܠܬܐ ܡܢܟ ܀
23Kaya't sila'y pinapasok at pinatuloy sila. At nang kinabukasa'y nagbangon siya at umalis na kasama nila, at siya'y sinamahan ng ilang kapatid na mula sa Joppe.
23ܘܐܥܠ ܐܢܘܢ ܫܡܥܘܢ ܘܩܒܠ ܐܢܘܢ ܟܪ ܕܫܪܐ ܗܘܐ ܘܩܡ ܠܒܬܪܗ ܕܝܘܡܐ ܘܢܦܩ ܐܙܠ ܥܡܗܘܢ ܘܐܙܠܘ ܥܡܗ ܐܢܫ ܐܢܫ ܡܢ ܐܚܐ ܕܝܘܦܐ ܀
24At nang kinabukasa'y nagsipasok sila sa Cesarea. At sila'y hinihintay ni Cornelio, na tinipon nito ang kaniyang kamaganakan at ang kaniyang mga kaibigang minamahal.
24ܘܠܝܘܡܐ ܐܚܪܢܐ ܥܠ ܠܩܤܪܝܐ ܩܘܪܢܠܝܘܤ ܕܝܢ ܡܩܘܐ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܟܕ ܡܟܢܫܝܢ ܠܗ ܟܠܗܘܢ ܒܢܝ ܛܘܗܡܗ ܘܐܦ ܪܚܡܐ ܚܒܝܒܐ ܕܐܝܬ ܗܘܘ ܠܗ ܀
25At nangyari, na pagpasok ni Pedro, ay sinalubong siya ni Cornelio, at nagpatirapa sa kaniyang paanan, at siya'y sinamba.
25ܘܟܕ ܥܐܠ ܫܡܥܘܢ ܐܪܥܗ ܩܘܪܢܠܝܘܤ ܘܢܦܠ ܤܓܕ ܠܪܓܠܘܗܝ ܀
26Datapuwa't itinindig siya ni Pedro, na sinasabi, Magtindig ka; ako man ay tao rin.
26ܘܫܡܥܘܢ ܐܩܝܡܗ ܘܐܡܪ ܠܗ ܩܘܡ ܠܟ ܘܐܦ ܐܢܐ ܒܪܢܫܐ ܐܢܐ ܀
27At sa pakikipagsalitaan niya sa kaniya, ay pumasok siya, at kaniyang naratnan ang maraming nangagkakatipon:
27ܘܟܕ ܡܡܠܠ ܥܡܗ ܥܠ ܘܐܫܟܚ ܤܓܝܐܐ ܕܐܬܘ ܗܘܘ ܠܬܡܢ ܀
28At sinabi niya sa kanila, Nalalaman ninyo na hindi matuwid sa isang taong Judio na makisama lumapit sa isang taga ibang bansa; at gayon ma'y ipinakilala sa akin ng Dios, na sinomang tao'y huwag kong tawaging marumi o karumaldumal:
28ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܐܢܬܘܢ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܠܐ ܡܦܤ ܠܓܒܪܐ ܝܗܘܕܝܐ ܕܢܩܦ ܠܐܢܫܐ ܢܘܟܪܝܐ ܕܠܐ ܗܘܐ ܒܪ ܫܪܒܬܗ ܘܠܝ ܐܠܗܐ ܚܘܝܢܝ ܕܠܐ ܐܡܪ ܥܠ ܐܢܫ ܕܛܡܐ ܐܘ ܡܤܝܒ ܀
29Dahil din dito'y naparito akong hindi tumutol ng anoman, nang ako'y ipasundo. Itinatanong ko nga kung sa anong kadahilanan ipinasundo ninyo ako.
29ܡܛܠ ܗܢܐ ܥܬܝܕܐܝܬ ܐܬܝܬ ܟܕ ܫܕܪܬܘܢ ܒܬܪܝ ܒܪܡ ܡܫܐܠ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܡܛܠ ܡܢܐ ܫܕܪܬܘܢ ܒܬܪܝ ܀
30At sinabi ni Cornelio, May apat nang araw, hanggang sa oras na ito, na aking ginaganap ang pananalangin sa oras na ikasiyam sa bahay ko; at narito, tumindig sa harapan ko ang isang lalake na may pananamit na nagniningning,
30ܐܡܪ ܠܗ ܩܘܪܢܠܝܘܤ ܐܪܒܥܐ ܝܘܡܝܢ ܐܝܬ ܥܕܡܐ ܠܗܫܐ ܗܐ ܡܢ ܕܨܐܡ ܐܢܐ ܘܒܬܫܥ ܫܥܝܢ ܟܕ ܡܨܠܐ ܐܢܐ ܒܒܝܬܝ ܩܡ ܓܒܪܐ ܚܕ ܩܕܡܝ ܟܕ ܠܒܝܫ ܚܘܪܐ ܀
31At sinabi, Cornelio, dininig ang dalangin mo, at ang iyong mga paglilimos ay inaalaala sa paningin ng Dios.
31ܘܐܡܪ ܠܝ ܩܘܪܢܠܝܐ ܐܫܬܡܥܬ ܨܠܘܬܟ ܘܠܙܕܩܬܟ ܕܘܟܪܢܐ ܗܘܐ ܩܕܡ ܐܠܗܐ ܀
32Magsugo ka nga sa Joppe, at ipatawag mo si Simon, na pinamagatang Pedro; siya'y nanunuluyan sa bahay ni Simong mangluluto ng balat, na nasa tabi ng dagat.
32ܒܪܡ ܫܕܪ ܠܝܘܦܐ ܡܕܝܢܬܐ ܘܐܝܬܐ ܠܫܡܥܘܢ ܕܡܬܩܪܐ ܟܐܦܐ ܗܐ ܫܪܐ ܒܒܝܬܗ ܕܫܡܥܘܢ ܒܘܪܤܝܐ ܕܥܠ ܝܕ ܝܡܐ ܘܗܘ ܢܐܬܐ ܢܡܠܠ ܥܡܟ ܀
33Pagdaka nga'y nagsugo ako sa iyo; at mabuti ang ginawa mo't naparito ka. Ngayon nga'y kaming lahat ay nangaririto sa paningin ng Dios, upang dinggin ang lahat ng mga bagay na sa iyo'y ipinagutos ng Panginoon.
33ܘܒܪ ܫܥܬܗ ܫܕܪܬ ܠܘܬܟ ܘܐܢܬ ܫܦܝܪ ܥܒܕܬ ܕܐܬܝܬ ܘܗܐ ܚܢܢ ܟܠܢ ܩܕܡܝܟ ܘܨܒܝܢܢ ܕܢܫܡܥ ܟܠ ܡܐ ܕܐܬܦܩܕ ܠܟ ܡܢ ܠܘܬ ܐܠܗܐ ܀
34At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao:
34ܦܬܚ ܕܝܢ ܫܡܥܘܢ ܦܘܡܗ ܘܐܡܪ ܒܫܪܪܐ ܐܕܪܟܬ ܕܐܠܗܐ ܠܐ ܗܘܐ ܢܤܒ ܒܐܦܐ ܀
35Kundi sa bawa't bansa siya na may takot sa kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugodlugod sa kaniya.
35ܐܠܐ ܒܟܠܗܘܢ ܥܡܡܐ ܐܝܢܐ ܕܕܚܠ ܡܢܗ ܘܦܠܚ ܟܐܢܘܬܐ ܡܩܒܠ ܗܘ ܠܘܬܗ ܀
36Ang salita na kaniyang ipinadala sa mga anak ni Israel, na ipinangangaral ang evangelio ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo (siya'y Panginoon ng lahat:)
36ܡܠܬܐ ܓܝܪ ܕܫܕܪ ܠܒܢܝ ܐܝܤܪܝܠ ܘܤܒܪ ܐܢܘܢ ܫܠܡܐ ܘܫܝܢܐ ܒܝܕ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܗܢܘ ܡܪܝܐ ܕܟܠ ܀
37Talastas ninyo ang salitang ito na nahayag sa buong Judea, magbuhat sa Galilea, pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan;
37ܘܐܦ ܐܢܬܘܢ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܒܡܠܬܐ ܕܗܘܬ ܒܟܠܗ ܝܗܘܕ ܕܐܩܦܬ ܡܢ ܓܠܝܠܐ ܒܬܪ ܡܥܡܘܕܝܬܐ ܕܐܟܪܙ ܝܘܚܢܢ ܀
38Sa makatuwid baga'y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya'y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagka't sumasa kaniya ang Dios.
38ܥܠ ܝܫܘܥ ܕܡܢ ܢܨܪܬ ܕܐܠܗܐ ܡܫܚܗ ܒܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܘܒܚܝܠܐ ܘܗܘܝܘ ܕܡܬܟܪܟ ܗܘܐ ܘܡܐܤܐ ܠܗܢܘܢ ܕܐܬܢܟܝܘ ܡܢ ܒܝܫܐ ܡܛܠ ܕܐܠܗܐ ܗܘܐ ܥܡܗ ܀
39At mga saksi kami sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa lupain ng mga Judio, at sa Jerusalem; na siya nama'y kanilang pinatay, na siya'y ibinitin sa isang punong kahoy.
39ܘܚܢܢ ܤܗܕܘܗܝ ܥܠ ܟܠ ܡܐ ܕܥܒܕ ܒܟܠܗ ܐܪܥܐ ܕܝܗܘܕ ܘܕܐܘܪܫܠܡ ܠܗ ܠܗܢܐ ܬܠܐܘܗܝ ܝܗܘܕܝܐ ܥܠ ܩܝܤܐ ܘܩܛܠܘܗܝ ܀
40Siya'y muling binuhay ng Dios nang ikatlong araw, at siya'y itinalagang mahayag.
40ܘܠܗ ܐܩܝܡ ܐܠܗܐ ܠܬܠܬܐ ܝܘܡܝܢ ܘܝܗܒܗ ܕܢܬܚܙܐ ܥܝܢ ܒܓܠܐ ܀
41Hindi sa buong bayan, kundi sa mga saksi na hinirang ng Dios nang una, sa makatuwid baga'y sa amin, na nagsikain at nagsiinom na kasalo niya, pagkatapos na siya'y muling mabuhay sa mga patay.
41ܠܐ ܕܝܢ ܠܟܠܗ ܥܡܐ ܐܠܐ ܠܢ ܐܝܠܝܢ ܕܡܢ ܐܠܗܐ ܐܬܓܒܝܢ ܕܢܗܘܐ ܠܗ ܤܗܕܐ ܕܐܟܠܢ ܥܡܗ ܘܐܫܬܝܢ ܡܢ ܒܬܪ ܩܝܡܬܗ ܕܡܢ ܒܝܬ ܡܝܬܐ ܀
42At sa ami'y ipinagbilin niya na magsipangaral kami sa bayan, at saksihan na siya ang itinalaga ng Dios na maging Hukom ng mga buhay at ng mga patay.
42ܘܦܩܕܢ ܕܢܟܪܙ ܘܢܤܗܕ ܠܥܡܐ ܕܗܢܘ ܕܐܬܦܪܫ ܡܢ ܐܠܗܐ ܕܝܢܐ ܕܚܝܐ ܘܕܡܝܬܐ ܀
43Siya ang pinatotohanan ng lahat ng mga propeta, na ang bawa't sumasampalataya sa kaniya ay magkakamit ng kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.
43ܘܥܠܘܗܝ ܐܤܗܕܘ ܟܠܗܘܢ ܢܒܝܐ ܕܟܠܡܢ ܕܡܗܝܡܢ ܒܫܡܗ ܢܩܒܠ ܫܘܒܩܢ ܚܛܗܐ ܀
44Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita.
44ܘܟܕ ܗܘ ܫܡܥܘܢ ܡܡܠܠ ܗܘܐ ܗܠܝܢ ܡܠܐ ܐܓܢܬ ܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܥܠ ܟܠܗܘܢ ܕܫܡܥܝܢ ܗܘܘ ܡܠܬܐ ܀
45At silang sa pagtutuli na nagsisampalataya ay nangamanghang lahat na nagsiparoong kasama ni Pedro, sapagka't ibinuhos din naman sa mga Gentil ang kaloob na Espiritu Santo.
45ܘܬܡܗܘ ܘܬܗܪܘ ܐܚܐ ܓܙܝܪܐ ܗܢܘܢ ܕܐܬܘ ܥܡܗ ܕܐܦ ܥܠ ܥܡܡܐ ܡܘܗܒܬܐ ܕܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܐܫܬܦܥܬ ܀
46Sapagka't nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro,
46ܫܡܥܝܢ ܗܘܘ ܠܗܘܢ ܓܝܪ ܟܕ ܡܡܠܠܝܢ ܒܠܫܢ ܠܫܢ ܘܡܘܪܒܝܢ ܗܘܘ ܠܐܠܗܐ ܘܐܡܪ ܗܘܐ ܫܡܥܘܢ ܀
47Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin?
47ܕܠܡܐ ܡܝܐ ܡܫܟܚ ܐܢܫ ܟܠܐ ܕܠܐ ܢܥܡܕܘܢ ܗܢܘܢ ܕܗܐ ܩܒܠܘ ܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܐܝܟ ܡܐ ܕܚܢܢ ܀
48At inutusan niya sila na magsipagbautismo sa pangalan ni Jesucristo. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.
48ܗܝܕܝܢ ܦܩܕ ܠܗܘܢ ܕܢܥܡܕܘܢ ܒܫܡܗ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܘܒܥܘ ܡܢܗ ܐܝܟ ܕܢܩܘܐ ܠܘܬܗܘܢ ܝܘܡܬܐ ܀