1Datapuwa't si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote,
1ܫܐܘܠ ܕܝܢ ܥܕܟܝܠ ܡܠܐ ܗܘܐ ܠܘܚܡܐ ܘܚܡܬܐ ܕܩܛܠܐ ܥܠ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܕܡܪܢ ܀
2At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya'y makasumpong ng sinoman sa mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem.
2ܘܫܐܠ ܠܗ ܐܓܪܬܐ ܡܢ ܪܒ ܟܗܢܐ ܕܢܬܠ ܠܗ ܠܕܪܡܤܘܩ ܠܟܢܘܫܬܐ ܕܐܢ ܗܘ ܕܢܫܟܚ ܕܪܕܝܢ ܒܗܕܐ ܐܘܪܚܐ ܓܒܪܐ ܐܘ ܢܫܐ ܢܐܤܘܪ ܢܝܬܐ ܐܢܘܢ ܠܐܘܪܫܠܡ ܀
3At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit:
3ܘܟܕ ܐܙܠ ܗܘܐ ܘܫܪܝ ܡܡܛܐ ܠܕܪܡܤܘܩ ܡܢ ܬܚܝܬ ܫܠܝܐ ܐܙܠܓ ܗܘܐ ܥܠܘܗܝ ܢܘܗܪܐ ܡܢ ܫܡܝܐ ܀
4At siya'y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya'y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?
4ܘܢܦܠ ܥܠ ܐܪܥܐ ܘܫܡܥ ܩܠܐ ܕܐܡܪ ܠܗ ܫܐܘܠ ܫܐܘܠ ܡܢܐ ܪܕܦ ܐܢܬ ܠܝ ܩܫܐ ܗܘ ܠܟ ܠܡܒܥܛܘ ܠܥܘܩܤܐ ܀
5At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig:
5ܥܢܐ ܗܘ ܘܐܡܪ ܡܢ ܐܢܬ ܡܪܝ ܘܡܪܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܐܢܐ ܝܫܘܥ ܢܨܪܝܐ ܗܘ ܕܐܢܬ ܪܕܦ ܐܢܬ ܀
6Nguni't magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin.
6ܐܠܐ ܩܘܡ ܥܘܠ ܠܡܕܝܢܬܐ ܘܬܡܢ ܢܬܡܠܠ ܥܡܟ ܥܠ ܡܐ ܕܘܠܐ ܠܟ ܠܡܥܒܕ ܀
7At ang mga taong kasama niya sa paglalakad ay nangatilihan na hindi makapagsalita, na naririnig ang tinig, datapuwa't walang nakikitang sinoman.
7ܘܓܒܪܐ ܕܐܙܠܝܢ ܗܘܘ ܥܡܗ ܒܐܘܪܚܐ ܩܝܡܝܢ ܗܘܘ ܟܕ ܬܡܝܗܝܢ ܡܛܠ ܕܩܠܐ ܒܠܚܘܕ ܫܡܥܝܢ ܗܘܘ ܐܢܫ ܕܝܢ ܠܐ ܡܬܚܙܐ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܀
8At nagtindig sa lupa si Saulo; at pagkadilat ng kaniyang mga mata, ay di siya nakakita ng anoman; at kanilang inakay siya sa kamay at ipinasok siya sa Damasco.
8ܘܩܡ ܫܐܘܠ ܡܢ ܐܪܥܐ ܘܠܐ ܡܬܚܙܐ ܗܘܐ ܠܗ ܡܕܡ ܟܕ ܥܝܢܘܗܝ ܦܬܝܚܢ ܗܘܝ ܘܟܕ ܐܚܝܕܝܢ ܒܐܝܕܘܗܝ ܐܥܠܘܗܝ ܠܕܪܡܤܘܩ ܀
9At siya'y tatlong araw na walang paningin, at hindi kumain ni uminom man.
9ܘܠܐ ܡܬܚܙܐ ܗܘܐ ܠܗ ܬܠܬܐ ܝܘܡܝܢ ܘܠܐ ܐܟܠ ܘܠܐ ܐܫܬܝ ܀
10Ngayon nga'y may isang alagad sa Damasco, na nagngangalang Ananias; at sinabi sa kaniya ng Panginoon sa pangitain, Ananias. At sinabi niya, Narito ako, Panginoon.
10ܐܝܬ ܗܘܐ ܕܝܢ ܒܗ ܒܕܪܡܤܘܩ ܬܠܡܝܕܐ ܚܕ ܕܫܡܗ ܗܘܐ ܚܢܢܝܐ ܘܡܪܝܐ ܐܡܪ ܠܗ ܒܚܙܘܐ ܚܢܢܝܐ ܘܐܡܪ ܗܐ ܐܢܐ ܡܪܝ ܀
11At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Magtindig ka, at pumaroon sa lansangang tinatawag na Matuwid, at ipagtanong mo sa bahay ni Judas ang isa na nagngangalang Saulo, lalaking taga Tarso: sapagka't narito, siya'y nananalangin;
11ܘܡܪܢ ܐܡܪ ܠܗ ܩܘܡ ܙܠ ܠܫܘܩܐ ܕܡܬܩܪܐ ܬܪܝܨܐ ܘܒܥܝ ܒܒܝܬܐ ܕܝܗܘܕܐ ܠܫܐܘܠ ܕܐܝܬܘܗܝ ܡܢ ܛܪܤܘܤ ܡܕܝܢܬܐ ܗܐ ܓܝܪ ܟܕ ܗܘ ܡܨܠܐ ܀
12At nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Ananias na pumapasok, at ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya, upang tanggapin niya ang kaniyang paningin.
12ܚܙܐ ܒܚܙܘܐ ܠܓܒܪܐ ܕܫܡܗ ܚܢܢܝܐ ܕܥܠ ܘܤܡ ܥܠܘܗܝ ܐܝܕܐ ܐܝܟ ܕܢܬܦܬܚܢ ܥܝܢܘܗܝ ܀
13Nguni't sumagot si Ananias, Panginoon, nabalitaan ko sa marami ang tungkol sa taong ito, kung gaano karaming kasamaan ang ginawa niya sa iyong mga banal sa Jerusalem:
13ܘܐܡܪ ܚܢܢܝܐ ܡܪܝ ܫܡܥܬ ܡܢ ܤܓܝܐܐ ܥܠ ܓܒܪܐ ܗܢܐ ܕܟܡܐ ܒܝܫܬܐ ܐܤܒܠ ܠܩܕܝܫܝܟ ܒܐܘܪܫܠܡ ܀
14At dito siya'y may kapahintulutan ng mga pangulong saserdote na gapusin ang lahat ng mga nagsisitawag sa iyong pangalan.
14ܘܗܐ ܐܦ ܗܪܟܐ ܐܝܬ ܠܗ ܫܘܠܛܢܐ ܡܢ ܪܒܝ ܟܗܢܐ ܕܢܐܤܘܪ ܠܟܠܗܘܢ ܐܝܠܝܢ ܕܩܪܝܢ ܫܡܟ ܀
15Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Panginoon, Pumaroon ka: sapagka't siya'y sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng mga Gentil at ng mga hari, at ng mga anak ni Israel:
15ܘܐܡܪ ܠܗ ܡܪܝܐ ܩܘܡ ܙܠ ܡܛܠ ܕܡܐܢܐ ܗܘ ܠܝ ܓܒܝܐ ܕܢܫܩܘܠ ܫܡܝ ܒܥܡܡܐ ܘܒܡܠܟܐ ܘܒܝܬ ܒܢܝ ܐܝܤܪܝܠ ܀
16Sapagka't sa kaniya'y aking ipakikilala kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang tiisin dahil sa aking pangalan.
16ܐܢܐ ܓܝܪ ܐܚܘܝܘܗܝ ܟܡܐ ܥܬܝܕ ܠܡܚܫ ܡܛܠ ܫܡܝ ܀
17At umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya na sinabi, Kapatid na Saulo, ang Panginoon, sa makatuwid baga'y si Jesus, na sa iyo'y napakita sa daan na iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa akin, upang tanggapin mo ang iyong paningin, at mapuspos ka ng Espiritu Santo.
17ܗܝܕܝܢ ܚܢܢܝܐ ܐܙܠ ܠܒܝܬܐ ܠܘܬܗ ܘܤܡ ܥܠܘܗܝ ܐܝܕܐ ܘܐܡܪ ܠܗ ܫܐܘܠ ܐܚܝ ܡܪܢ ܝܫܘܥ ܫܕܪܢܝ ܗܘ ܕܐܬܚܙܝ ܠܟ ܒܐܘܪܚܐ ܟܕ ܐܬܐ ܐܢܬ ܐܝܟ ܕܢܬܦܬܚܢ ܥܝܢܝܟ ܘܬܬܡܠܐ ܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܀
18At pagdaka'y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis, at tinanggap niya ang kaniyang paningin; at siya'y nagtindig at siya'y binautismuhan;
18ܘܒܪ ܫܥܬܗ ܢܦܠ ܡܢ ܥܝܢܘܗܝ ܡܕܡ ܕܕܡܐ ܠܩܠܦܐ ܘܐܬܦܬܚ ܥܝܢܘܗܝ ܘܩܡ ܥܡܕ ܀
19At siya'y kumain at lumakas. At siya'y nakisamang ilang araw sa mga alagad na nangasa Damasco.
19ܘܩܒܠ ܤܝܒܪܬܐ ܘܐܬܚܝܠ ܘܗܘܐ ܝܘܡܬܐ ܠܘܬ ܬܠܡܝܕܐ ܗܢܘܢ ܕܐܝܬ ܗܘܘ ܒܕܪܡܤܘܩ ܀
20At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios.
20ܘܒܪ ܫܥܬܗ ܡܟܪܙ ܗܘܐ ܒܟܢܘܫܬܐ ܕܝܗܘܕܝܐ ܥܠ ܝܫܘܥ ܕܗܘܝܘ ܒܪܗ ܕܐܠܗܐ ܀
21At ang lahat ng sa kaniya'y nakarinig ay namangha, at nangagsabi, Hindi baga ito yaong sa Jerusalem ay lumipol sa mga nagsitawag sa pangalang ito? at sa ganitong nasa ay naparito siya, upang sila'y dalhing gapos sa harap ng mga pangulong saserdote.
21ܘܬܡܝܗܝܢ ܗܘܘ ܟܠܗܘܢ ܐܝܠܝܢ ܕܫܡܥܝܢ ܗܘܘ ܠܗ ܘܐܡܪܝܢ ܗܘܘ ܠܐ ܗܘܐ ܗܢܐ ܗܘ ܕܪܕܦ ܗܘܐ ܠܟܠܗܘܢ ܐܝܠܝܢ ܕܩܪܝܢ ܗܘܘ ܠܫܡܐ ܗܢܐ ܒܐܘܪܫܠܡ ܐܦ ܠܗܪܟܐ ܥܠܝܗ ܥܠ ܗܕܐ ܡܫܕܪ ܗܘܐ ܐܝܟ ܕܢܐܤܘܪ ܢܘܒܠ ܐܢܘܢ ܠܪܒܝ ܟܗܢܐ ܀
22Datapuwa't lalo nang lumakas ang loob ni Saulo, at nilito ang mga Judio na nangananahan sa Damasco, na pinatutunayan na ito ang Cristo.
22ܫܐܘܠ ܕܝܢ ܝܬܝܪ ܡܬܚܝܠ ܗܘܐ ܘܡܙܝܥ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܠܝܗܘܕܝܐ ܗܢܘܢ ܕܥܡܪܝܢ ܗܘܘ ܒܕܪܡܤܘܩ ܟܕ ܡܚܘܐ ܗܘܐ ܕܗܢܘ ܡܫܝܚܐ ܀
23At nang maganap ang maraming mga araw, ay nangagsanggunian ang mga Judio upang siya'y patayin:
23ܘܟܕ ܤܓܝܘ ܠܗ ܬܡܢ ܝܘܡܬܐ ܥܒܕܘ ܥܠܘܗܝ ܢܟܠܐ ܝܗܘܕܝܐ ܕܢܩܛܠܘܢܝܗܝ ܀
24Datapuwa't napagtalastas ni Saulo ang kanilang banta. At kanilang binantayan naman ang mga pintuang daan sa araw at gabi upang siya'y kanilang patayin:
24ܐܬܒܕܩ ܠܗ ܕܝܢ ܠܫܐܘܠ ܐܦܪܤܢܐ ܕܒܥܝܢ ܗܘܘ ܠܡܥܒܕ ܠܗ ܘܢܛܪܝܢ ܗܘܘ ܬܪܥܐ ܕܡܕܝܢܬܐ ܐܝܡܡܐ ܘܠܠܝܐ ܕܢܩܛܠܘܢܝܗܝ ܀
25Nguni't kinuha siya sa gabi ng kaniyang mga alagad, at siya'y ibinaba sa kuta na siya'y inihugos na nasa isang balaong.
25ܗܝܕܝܢ ܤܡܘܗܝ ܬܠܡܝܕܐ ܒܐܤܦܪܝܕܐ ܘܫܒܘܗܝ ܡܢ ܫܘܪܐ ܒܠܠܝܐ ܀
26At nang siya'y dumating sa Jerusalem, ay pinagsikapan niyang makipisan sa mga alagad: at silang lahat ay nangatakot sa kaniya, sa di paniniwala na siya'y alagad,
26ܘܐܙܠ ܠܗ ܠܐܘܪܫܠܡ ܘܨܒܐ ܗܘܐ ܠܡܬܢܩܦܘ ܠܬܠܡܝܕܐ ܘܟܠܗܘܢ ܕܚܠܝܢ ܗܘܘ ܡܢܗ ܘܠܐ ܡܗܝܡܢܝܢ ܗܘܘ ܕܬܠܡܝܕܐ ܗܘ ܀
27Datapuwa't kinuha siya ni Bernabe, at siya'y iniharap sa mga apostol, at sa kanila'y isinaysay kung paanong nakita niya sa daan ang Panginoon, at kinausap siya, at kung paanong siya'y nangaral sa Damasco na may katapangan sa pangalan ni Jesus.
27ܒܪܢܒܐ ܕܝܢ ܐܚܕܗ ܘܐܝܬܝܗ ܠܘܬ ܫܠܝܚܐ ܘܐܫܬܥܝ ܠܗܘܢ ܐܝܟܢܐ ܒܐܘܪܚܐ ܚܙܐ ܠܡܪܝܐ ܘܕܐܝܟܢܐ ܡܠܠ ܥܡܗ ܘܐܝܟܢܐ ܒܕܪܡܤܘܩ ܥܝܢ ܒܓܠܐ ܡܠܠ ܒܫܡܗ ܕܝܫܘܥ ܀
28At siya'y kasamasama nila, na pumapasok at lumalabas sa Jerusalem,
28ܘܥܐܠ ܗܘܐ ܥܡܗܘܢ ܘܢܦܩ ܒܐܘܪܫܠܡ ܀
29Na nangangaral na may katapangan sa pangalan ng Panginoon: at siya'y nagsalita at nakipagtuligsaan sa mga Greco-Judio; datapuwa't pinagpipilitan nilang siya'y mapatay.
29ܘܡܡܠܠ ܗܘܐ ܒܫܡܗ ܕܝܫܘܥ ܥܝܢ ܒܓܠܐ ܘܕܪܫ ܗܘܐ ܥܡ ܝܗܘܕܝܐ ܐܝܠܝܢ ܕܝܕܥܝܢ ܗܘܘ ܝܘܢܐܝܬ ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܨܒܝܢ ܗܘܘ ܠܡܩܛܠܗ ܀
30At nang maalaman ito ng mga kapatid, ay inihatid nila siya sa Cesarea, at siya'y sinugo nila sa Tarso.
30ܘܟܕ ܝܕܥܘ ܐܚܐ ܐܝܬܝܘܗܝ ܒܠܠܝܐ ܠܩܤܪܝܐ ܘܡܢ ܬܡܢ ܫܕܪܘܗܝ ܠܛܪܤܘܤ ܀
31Sa gayo'y nagkaroon ng kapayapaan ang iglesia sa buong Judea at Galilea at Samaria palibhasa'y pinagtibay; at, sa paglakad na may takot sa Panginoon at may kaaliwan ng Espiritu Santo, ay nagsisidami.
31ܒܪܡ ܕܝܢ ܥܕܬܐ ܕܒܟܠܗ ܝܗܘܕ ܘܒܓܠܝܠܐ ܘܒܫܡܪܝܢ ܐܝܬ ܗܘܐ ܒܗ ܫܠܡܐ ܟܕ ܡܬܒܢܝܐ ܗܘܬ ܘܪܕܝܐ ܒܕܚܠܬ ܐܠܗܐ ܘܒܒܘܝܐܐ ܕܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܤܓܝܐ ܗܘܬ ܀
32At nangyari, na sa paglalakad ni Pedro sa lahat ng dako, siya'y naparoon naman sa mga banal na nangananahan sa Lidda.
32ܘܗܘܐ ܕܟܕ ܡܬܟܪܟ ܗܘܐ ܫܡܥܘܢ ܒܡܕܝܢܬܐ ܢܚܬ ܐܦ ܠܘܬ ܩܕܝܫܐ ܕܥܡܪܝܢ ܒܠܘܕ ܡܕܝܢܬܐ ܀
33At doo'y natagpuan niya ang isang lalake na nagngangalang Eneas, na walo nang taong sumasabanig; sapagka't siya'y lumpo.
33ܘܐܫܟܚ ܓܒܪܐ ܚܕ ܕܫܡܗ ܐܢܝܤ ܕܪܡܐ ܗܘܐ ܒܥܪܤܐ ܘܡܫܪܝ ܫܢܝܢ ܬܡܢܐ ܀
34At sinabi sa kaniya ni Pedro, Eneas, pinagagaling ka ni Jesucristo: magtindig ka, at husayin mo ang iyong higaan. At pagdaka'y nagtindig siya.
34ܘܐܡܪ ܠܗ ܫܡܥܘܢ ܐܢܝܐ ܡܐܤܐ ܠܟ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܩܘܡ ܘܫܘܐ ܥܪܤܟ ܘܒܪ ܫܥܬܗ ܩܡ ܀
35At siya'y nakita ng lahat ng mga nangananahan sa Lidda at sa Sarona, at sila'y nangagbalik-loob sa Panginoon.
35ܘܚܙܐܘܗܝ ܟܠܗܘܢ ܕܥܡܪܝܢ ܒܠܘܕ ܘܒܤܪܘܢܐ ܘܐܬܦܢܝܘ ܠܘܬ ܐܠܗܐ ܀
36Ngayon ay may isang alagad sa Joppe na nagngangalang Tabita, na ang kahuluga'y Dorcas: ang babaing ito'y puspos ng mabubuting gawa at ng pagkaawang gawa na kaniyang ginagawa.
36ܐܝܬ ܗܘܐ ܕܝܢ ܬܠܡܝܕܬܐ ܚܕܐ ܒܝܘܦܐ ܡܕܝܢܬܐ ܕܫܡܗ ܗܘܐ ܛܒܝܬܐ ܗܕܐ ܥܬܝܪܐ ܗܘܬ ܒܥܒܕܐ ܛܒܐ ܘܒܙܕܩܬܐ ܕܥܒܕܐ ܗܘܬ ܀
37At nangyari nang mga araw na yaon, na siya'y nagkasakit, at namatay: at nang siya'y mahugasan na nila, ay kanilang ibinurol siya sa isang silid sa itaas.
37ܐܬܟܪܗܬ ܕܝܢ ܒܗܘܢ ܒܗܢܘܢ ܝܘܡܬܐ ܘܡܝܬܬ ܘܐܤܚܝܘܗ ܘܤܡܘܗ ܒܥܠܝܬܐ ܀
38At sapagka't malapit ang Lidda sa Joppe, pagkabalita ng mga alagad na si Pedro ay naroroon, ay nangagsugo sa kaniya ng dalawa katao, na ipinamamanhik sa kaniya, Huwag kang magluwat ng pagparito sa amin.
38ܘܫܡܥܘ ܗܘܘ ܬܠܡܝܕܐ ܕܫܡܥܘܢ ܒܠܘܕ ܗܘ ܡܕܝܢܬܐ ܗܝ ܕܐܝܬܝܗ ܥܠ ܓܢܒ ܝܘܦܐ ܘܫܕܪܘ ܗܘܘ ܠܘܬܗ ܓܒܪܐ ܬܪܝܢ ܕܢܒܥܘܢ ܡܢܗ ܕܠܐ ܬܡܐܢ ܠܗ ܕܢܐܬܐ ܨܐܕܝܗܘܢ ܀
39At nagtindig si Pedro at sumama sa kanila. At pagdating niya, ay inihatid nila sa silid sa itaas: at siya'y niligid ng lahat ng mga babaing bao, na nagsisitangis, at ipinakikita ang mga tunika at ang mga damit na ginawa ni Dorcas, nang ito'y kasama pa nila.
39ܘܩܡ ܫܡܥܘܢ ܐܙܠ ܥܡܗܘܢ ܘܟܕ ܐܬܐ ܐܤܩܘܗܝ ܠܥܠܝܬܐ ܘܟܢܫ ܩܡ ܠܗܝܢ ܚܕܪܘܗܝ ܟܠܗܝܢ ܐܪܡܠܬܐ ܟܕ ܒܟܝܢ ܘܡܚܘܝܢ ܠܗ ܟܘܬܝܢܝܬܐ ܘܡܪܛܘܛܐ ܗܠܝܢ ܕܝܗܒܐ ܗܘܬ ܠܗܝܢ ܛܒܝܬܐ ܟܕ ܚܝܐ ܀
40Datapuwa't pinalabas silang lahat ni Pedro, at lumuhod, at nanalangin; at pagbaling sa bangkay ay kaniyang sinabi, Tabita, magbangon ka. At iminulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro, ay naupo siya.
40ܫܡܥܘܢ ܕܝܢ ܐܦܩ ܠܟܠܗܘܢ ܐܢܫܐ ܠܒܪ ܘܩܥܕ ܥܠ ܒܘܪܟܘܗܝ ܘܨܠܝ ܘܐܬܦܢܝ ܠܘܬ ܫܠܕܐ ܘܐܡܪ ܛܒܝܬܐ ܩܘܡܝ ܗܝ ܕܝܢ ܦܬܚܬ ܥܝܢܝܗ ܘܟܕ ܚܙܬܗ ܠܫܡܥܘܢ ܝܬܒܬ ܀
41At iniabot ni Pedro sa kaniya ang kaniyang kamay, at siya'y itinindig; at tinawag ang mga banal at ang mga babaing bao, at siya'y iniharap niyang buhay.
41ܘܐܘܫܛ ܠܗ ܐܝܕܗ ܘܐܩܝܡܗ ܘܩܪܐ ܠܩܕܝܫܐ ܘܠܐܪܡܠܬܐ ܘܝܗܒܗ ܠܗܘܢ ܟܕ ܚܝܐ ܀
42At ito'y nabansag sa buong Joppe: at marami ang mga nagsisampalataya sa Panginoon.
42ܘܐܬܝܕܥܬ ܗܕܐ ܒܟܠܗ ܡܕܝܢܬܐ ܘܤܓܝܐܐ ܗܝܡܢܘ ܒܡܪܢ ܀
43At nangyari, na siya'y nanahang maraming mga araw sa Joppe, na kasama ni Simong mangluluto ng balat.
43ܗܘܐ ܕܝܢ ܒܗ ܒܝܘܦܐ ܝܘܡܬܐ ܠܐ ܙܥܘܪܝܢ ܟܕ ܫܪܐ ܗܘܐ ܒܝܬ ܫܡܥܘܢ ܒܘܪܤܝܐ ܀