Tagalog 1905

Syriac: NT

Ephesians

2

1At kayo'y binuhay niya, nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,
1ܘܐܦ ܠܟܘܢ ܕܡܝܬܝܢ ܗܘܝܬܘܢ ܒܚܛܗܝܟܘܢ ܘܒܤܟܠܘܬܟܘܢ ܀
2Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway;
2ܒܗܠܝܢ ܕܡܢ ܩܕܝܡ ܗܠܟܬܘܢ ܗܘܝܬܘܢ ܒܗܝܢ ܐܝܟ ܥܠܡܝܘܬܗ ܕܥܠܡܐ ܗܢܐ ܘܐܝܟ ܨܒܝܢܗ ܕܪܝܫ ܫܘܠܛܢܐ ܕܐܐܪ ܘܕܪܘܚܐ ܗܕܐ ܕܡܬܚܦܛܐ ܒܒܢܝܐ ܕܠܐ ܡܬܛܦܝܤܢܘܬܐ ܀
3Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba:
3ܒܗܢܘܢ ܥܒܕܐ ܕܐܦ ܚܢܢ ܐܬܗܦܟܢ ܒܗܘܢ ܡܢ ܩܕܝܡ ܒܪܓܝܓܬܐ ܕܒܤܪܢ ܘܥܒܕܝܢ ܗܘܝܢ ܨܒܝܢܐ ܕܒܤܪܢ ܘܕܬܪܥܝܬܢ ܘܒܢܝܐ ܗܘܝܢ ܕܪܘܓܙܐ ܡܠܝܐܝܬ ܐܝܟ ܫܪܟܐ ܀
4Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin,
4ܐܠܗܐ ܕܝܢ ܕܥܬܝܪ ܒܪܚܡܘܗܝ ܡܛܠ ܚܘܒܗ ܤܓܝܐܐ ܕܐܚܒܢ ܀
5Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas),
5ܟܕ ܡܝܬܝܢ ܗܘܝܢ ܒܚܛܗܝܢ ܐܚܝܢ ܥܡ ܡܫܝܚܐ ܘܒܛܝܒܘܬܗ ܦܪܩܢ ܀
6At tayo'y ibinangong kalakip niya, at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus:
6ܘܐܩܝܡܢ ܥܡܗ ܘܐܘܬܒܢ ܥܡܗ ܒܫܡܝܐ ܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
7Upang sa mga panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus:
7ܕܢܚܘܐ ܠܥܠܡܐ ܕܐܬܝܢ ܪܒܘܬܐ ܕܥܘܬܪܐ ܕܛܝܒܘܬܗ ܘܒܤܝܡܘܬܗ ܕܗܘܬ ܥܠܝܢ ܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
8Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;
8ܒܛܝܒܘܬܗ ܗܘ ܓܝܪ ܐܬܦܪܩܢ ܒܗܝܡܢܘܬܐ ܘܗܕܐ ܠܐ ܗܘܬ ܡܢܟܘܢ ܐܠܐ ܡܘܗܒܬܐ ܗܝ ܕܐܠܗܐ ܀
9Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.
9ܠܐ ܡܢ ܥܒܕܐ ܕܠܐ ܐܢܫ ܢܫܬܒܗܪ ܀
10Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.
10ܒܪܝܬܐ ܚܢܢ ܓܝܪ ܕܝܠܗ ܕܐܬܒܪܝܢ ܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܠܥܒܕܐ ܛܒܐ ܗܢܘܢ ܕܡܢ ܩܕܝܡ ܛܝܒ ܐܠܗܐ ܕܒܗܘܢ ܢܗܠܟ ܀
11Kaya nga alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay:
11ܡܛܠ ܗܕܐ ܗܘܝܬܘܢ ܥܗܕܝܢ ܕܐܢܬܘܢ ܥܡܡܐ ܡܢ ܩܕܝܡ ܕܒܤܪ ܗܘܝܬܘܢ ܘܡܬܩܪܝܢ ܗܘܝܬܘܢ ܥܘܪܠܘܬܐ ܡܢ ܗܝ ܕܡܬܩܪܝܐ ܓܙܘܪܬܐ ܘܐܝܬܝܗ ܥܒܕ ܐܝܕܝܐ ܒܒܤܪܐ ܀
12Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan.
12ܘܐܝܬܝܟܘܢ ܗܘܝܬܘܢ ܒܗܘ ܙܒܢܐ ܕܠܐ ܡܫܝܚܐ ܘܢܘܟܪܝܝܢ ܗܘܝܬܘܢ ܡܢ ܕܘܒܪܐ ܕܐܝܤܪܝܠ ܘܐܟܤܢܝܐ ܗܘ ܠܕܝܬܩܐ ܕܡܘܠܟܢܐ ܘܕܠܐ ܤܒܪ ܗܘܝܬܘܢ ܘܕܠܐ ܐܠܗ ܒܥܠܡܐ ܀
13Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo.
13ܗܫܐ ܕܝܢ ܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܐܢܬܘܢ ܕܡܢ ܩܕܝܡ ܪܚܝܩܝܢ ܗܘܝܬܘܢ ܩܪܝܒܐ ܗܘܝܬܘܢ ܒܕܡܗ ܕܡܫܝܚܐ ܀
14Sapagka't siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,
14ܗܘܝܘ ܓܝܪ ܫܝܢܢ ܗܘ ܕܥܒܕ ܬܪܬܝܗܝܢ ܚܕܐ ܘܫܪܐ ܤܝܓܐ ܕܩܐܡ ܗܘܐ ܒܡܨܥܬܐ ܀
15Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;
15ܘܒܥܠܕܒܒܘܬܐ ܒܒܤܪܗ ܘܢܡܘܤܐ ܕܦܘܩܕܐ ܒܦܘܩܕܢܘܗܝ ܒܛܠ ܕܠܬܪܝܗܘܢ ܢܒܪܐ ܒܩܢܘܡܗ ܠܚܕ ܒܪܢܫܐ ܚܕܬܐ ܘܥܒܕ ܫܝܢܐ ܀
16At upang papagkasunduin silang dalawa sa isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, na sa kaniya'y pinatay ang pagkakaalit.
16ܘܪܥܝ ܠܬܪܝܗܘܢ ܒܚܕ ܦܓܪ ܥܡ ܐܠܗܐ ܘܒܙܩܝܦܗ ܩܛܠ ܒܥܠܕܒܒܘܬܐ ܀
17At siya'y naparito at ipinangaral ang kapayapaan sa inyong nalalayo, at ang kapayapaan sa nangalalapit:
17ܘܐܬܐ ܤܒܪ ܫܠܡܐ ܠܟܘܢ ܠܪܚܝܩܐ ܘܠܩܪܝܒܐ ܀
18Sapagka't sa pamamagitan niya tayo'y may pagpasok sa isang Espiritu rin sa Ama.
18ܡܛܠ ܕܒܗ ܗܘ ܗܘܐ ܠܢ ܩܘܪܒܐ ܠܬܪܝܢ ܒܚܕܐ ܪܘܚ ܠܘܬ ܐܒܐ ܀
19Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo'y mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios,
19ܡܟܝܠ ܠܐ ܗܘܝܬܘܢ ܐܟܤܢܝܐ ܘܠܐ ܬܘܬܒܐ ܐܠܐ ܒܢܝ ܡܕܝܢܬܐ ܕܩܕܝܫܐ ܘܒܢܝ ܒܝܬܗ ܕܐܠܗܐ ܀
20Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok;
20ܘܐܬܒܢܝܬܘܢ ܥܠ ܫܬܐܤܬܐ ܕܫܠܝܚܐ ܘܕܢܒܝܐ ܘܗܘ ܗܘܐ ܪܝܫ ܩܪܢܐ ܕܒܢܝܢܐ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
21Na sa kaniya'y ang buong gusali, na nakalapat na mabuti, ay lumalago upang maging isang templong banal sa Panginoon;
21ܘܒܗ ܡܬܪܟܒ ܟܠܗ ܒܢܝܢܐ ܘܪܒܐ ܠܗܝܟܠܐ ܩܕܝܫܐ ܒܡܪܝܐ ܀
22Na sa kaniya'y itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu.
22ܟܕ ܐܦ ܐܢܬܘܢ ܒܗ ܡܬܒܢܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܡܥܡܪܐ ܕܐܠܗܐ ܒܪܘܚ ܀