1Dahil dito, akong si Pablo, na bilanggo ni Cristo Jesus dahil sa inyong mga Gentil,
1ܡܛܠ ܗܢܐ ܐܢܐ ܦܘܠܘܤ ܐܤܝܪܐ ܐܢܐ ܕܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܥܠ ܐܦܝܟܘܢ ܥܡܡܐ ܀
2Kung tunay na inyong narinig yaong pagiging katiwala sa biyaya ng Dios na sa akin ay ibinigay sa ikagagaling ninyo;
2ܐܢ ܫܡܥܬܘܢ ܡܕܒܪܢܘܬܐ ܕܛܝܒܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܕܐܬܝܗܒܬ ܠܝ ܒܟܘܢ ܀
3Kung paanong sa pahayag ay ipinakilala sa akin ang hiwaga, gaya ng isinulat ko nang una sa ilang salita.
3ܕܒܓܠܝܢܐ ܐܬܝܕܥ ܠܝ ܐܪܙܐ ܐܝܟܢܐ ܕܟܬܒܬ ܠܟܘܢ ܒܙܥܘܪܝܬܐ ܀
4Sa pamamagitan niyaon, sa pagbasa ninyo, ay inyong mapagtatalastas ang aking pagkakilala sa hiwaga ni Cristo;
4ܐܝܟ ܡܐ ܕܡܫܟܚܝܬܘܢ ܟܕ ܩܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܡܤܬܟܠܘ ܝܕܥܬܝ ܕܒܐܪܙܗ ܕܡܫܝܚܐ ܀
5Na nang ibang panahon ay hindi ipinakilala sa mga anak ng mga tao, na gaya ngayon na ipinahayag sa kaniyang mga banal na apostol at propeta sa Espiritu;
5ܗܘ ܕܒܕܪܐ ܐܚܪܢܐ ܠܐ ܐܬܝܕܥ ܠܒܢܝܢܫܐ ܐܝܟ ܕܗܫܐ ܐܬܓܠܝ ܠܫܠܝܚܘܗܝ ܩܕܝܫܐ ܘܠܢܒܝܘܗܝ ܒܪܘܚ ܀
6Na ang mga Gentil ay mga tagapagmana, at mga kasangkap ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio,
6ܕܢܗܘܘܢ ܥܡܡܐ ܒܢܝ ܝܪܬܘܬܗ ܘܫܘܬܦܐ ܕܦܓܪܗ ܘܕܡܘܠܟܢܐ ܕܐܬܝܗܒ ܒܗ ܒܝܕ ܐܘܢܓܠܝܘܢ ܀
7Na dito'y ginawa akong ministro, ayon sa kaloob ng biyayang yaon ng Dios na sa akin ay ibinigay ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan.
7ܗܘ ܕܐܢܐ ܗܘܝܬ ܡܫܡܫܢܗ ܐܝܟ ܡܘܗܒܬܐ ܕܛܝܒܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܕܐܬܝܗܒܬ ܠܝ ܡܢ ܡܥܒܕܢܘܬܐ ܕܚܝܠܗ ܀
8Sa akin, na ako ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo;
8ܠܝ ܕܙܥܘܪܐ ܐܢܐ ܕܟܠܗܘܢ ܩܕܝܫܐ ܐܬܝܗܒܬ ܛܝܒܘܬܐ ܗܕܐ ܕܐܤܒܪ ܒܥܡܡܐ ܥܘܬܪܗ ܕܡܫܝܚܐ ܗܘ ܕܠܐ ܡܬܥܩܒ ܀
9At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay;
9ܘܐܢܗܪ ܠܟܠܢܫ ܐܝܕܐ ܗܝ ܡܕܒܪܢܘܬܐ ܕܐܪܙܐ ܗܘ ܕܟܤܐ ܗܘܐ ܡܢ ܥܠܡܐ ܒܐܠܗܐ ܕܟܠ ܒܪܐ ܀
10Upang ngayo'y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios,
10ܕܒܝܕ ܥܕܬܐ ܬܬܝܕܥ ܚܟܡܬܗ ܕܐܠܗܐ ܡܠܝܬ ܦܘܪܫܢܐ ܠܐܪܟܘܤ ܘܠܫܘܠܛܢܐ ܕܒܫܡܝܐ ܀
11Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin:
11ܗܝ ܕܥܬܕ ܗܘܐ ܡܢ ܥܠܡܐ ܘܥܒܕܗ ܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܡܪܢ ܀
12Na sa kaniya'y mayroon tayong lakas ng loob at pagpasok na may pagasa sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa kaniya.
12ܗܘ ܕܒܗ ܐܝܬ ܠܢ ܦܪܗܤܝܐ ܘܩܪܝܒܘܬܐ ܒܬܘܟܠܢܐ ܕܗܝܡܢܘܬܗ ܀
13Kaya nga ipinamamanhik ko na huwag kayong manglupaypay sa mga kapighatian ko dahil sa inyo, na pawang kapurihan ninyo.
13ܡܛܠ ܗܢܐ ܫܐܠܢܐ ܕܠܐ ܬܡܐܢ ܠܝ ܒܐܘܠܨܢܝ ܕܥܠ ܐܦܝܟܘܢ ܕܗܕܐ ܗܝ ܬܫܒܘܚܬܟܘܢ ܀
14Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama,
14ܘܟܐܦܢܐ ܒܘܪܟܝ ܠܘܬ ܐܒܘܗܝ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
15Na sa kaniya'y kumukuha ng pangalan ang bawa't sangbahayan sa langit at sa lupa,
15ܗܘ ܕܡܢܗ ܡܫܬܡܗܐ ܟܠ ܐܒܗܘܬܐ ܕܒܫܡܝܐ ܘܒܐܪܥܐ ܀
16Upang sa inyo'y ipagkaloob niya, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob;
16ܕܢܬܠ ܠܟܘܢ ܐܝܟ ܥܘܬܪܐ ܕܬܫܒܘܚܬܗ ܕܒܚܝܠܐ ܬܫܬܪܪܘܢ ܒܪܘܚܗ ܕܒܒܪܢܫܟܘܢ ܕܠܓܘ ܀
17Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya; upang kung kayo'y magugat at magtumibay sa pagibig.
17ܢܥܡܪ ܡܫܝܚܐ ܒܗܝܡܢܘܬܐ ܘܒܠܒܘܬܟܘܢ ܒܚܘܒܐ ܟܕ ܢܗܘܐ ܫܪܝܪ ܥܩܪܟܘܢ ܘܫܬܐܤܬܟܘܢ ܀
18Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim,
18ܕܬܫܟܚܘܢ ܠܡܕܪܟܘ ܥܡ ܟܠܗܘܢ ܩܕܝܫܐ ܡܢܘ ܪܘܡܐ ܘܥܘܡܩܐ ܘܐܘܪܟܐ ܘܦܬܝܐ ܀
19At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios.
19ܘܬܕܥܘܢ ܪܒܘܬܐ ܕܝܕܥܬܐ ܕܚܘܒܗ ܕܡܫܝܚܐ ܘܬܬܡܠܘܢ ܒܟܠܗ ܡܘܠܝܐ ܕܐܠܗܐ ܀
20Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin,
20ܠܗܘ ܕܝܢ ܕܡܨܐ ܒܚܝܠܐ ܝܬܝܪ ܡܢ ܟܠ ܠܡܥܒܕ ܠܢ ܘܝܬܝܪ ܡܢ ܡܐ ܕܫܐܠܝܢܢ ܘܪܢܝܢܢ ܐܝܟ ܚܝܠܗ ܕܡܤܬܥܪ ܒܢ ܀
21Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya nawa.
21ܠܗ ܬܫܒܘܚܬܐ ܒܥܕܬܗ ܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܒܟܠܗܘܢ ܕܪܐ ܕܥܠܡܝ ܥܠܡܝܢ ܐܡܝܢ ܀