1Namamanhik nga sa inyo akong bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag,
1ܒܥܐ ܐܢܐ ܗܟܝܠ ܡܢܟܘܢ ܐܢܐ ܐܤܝܪܐ ܒܡܪܢ ܕܬܗܠܟܘܢ ܐܝܟܢܐ ܕܝܐܐ ܠܩܪܝܢܐ ܕܐܬܩܪܝܬܘܢ ܀
2Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig;
2ܒܟܠܗ ܡܟܝܟܘܬ ܪܥܝܢܐ ܘܢܝܚܘܬܐ ܘܢܓܝܪܘܬ ܪܘܚܐ ܘܗܘܝܬܘܢ ܡܤܝܒܪܝܢ ܚܕ ܠܚܕ ܒܚܘܒܐ ܀
3Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan.
3ܘܗܘܝܬܘܢ ܚܦܝܛܝܢ ܠܡܛܪ ܐܘܝܘܬܐ ܕܪܘܚܐ ܒܚܙܩܐ ܕܫܠܡܐ ܀
4May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo;
4ܕܬܗܘܘܢ ܒܚܕ ܦܓܪܐ ܘܒܚܕܐ ܪܘܚܐ ܐܝܟ ܡܐ ܕܐܬܩܪܝܬܘܢ ܒܚܕ ܤܒܪܐ ܕܩܪܝܢܟܘܢ ܀
5Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo,
5ܚܕ ܗܘ ܓܝܪ ܡܪܝܐ ܘܚܕܐ ܗܝܡܢܘܬܐ ܘܚܕܐ ܡܥܡܘܕܝܬܐ ܀
6Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.
6ܘܚܕ ܐܠܗܐ ܐܒܐ ܕܟܠ ܘܥܠ ܟܠ ܘܒܝܕ ܟܠ ܘܒܟܠܢ ܀
7Datapuwa't ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo.
7ܠܚܕ ܚܕ ܡܢܢ ܕܝܢ ܐܬܝܗܒܬ ܛܝܒܘܬܐ ܐܝܟ ܡܫܘܚܬܐ ܕܡܘܗܒܬܗ ܕܡܫܝܚܐ ܀
8Kaya't sinasabi niya, Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag, At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.
8ܡܛܠ ܗܢܐ ܐܡܝܪ ܕܤܠܩ ܠܡܪܘܡܐ ܘܫܒܐ ܫܒܝܬܐ ܘܝܗܒ ܡܘܗܒܬܐ ܠܒܢܝܢܫܐ ܀
9(Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi siya'y bumaba rin naman sa mga dakong kalaliman ng lupa?
9ܕܤܠܩ ܕܝܢ ܡܢܐ ܗܝ ܐܠܐ ܐܢ ܕܐܦ ܢܚܬ ܠܘܩܕܡ ܠܬܚܬܝܬܗ ܕܐܪܥܐ ܀
10Ang bumaba ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.)
10ܗܘ ܕܢܚܬ ܗܘܝܘ ܗܘ ܕܐܦ ܤܠܩ ܠܥܠ ܡܢ ܟܠܗܘܢ ܫܡܝܐ ܕܢܫܠܡ ܟܠ ܀
11At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro;
11ܘܗܘ ܝܗܒ ܐܝܬ ܕܫܠܝܚܐ ܘܐܝܬ ܕܢܒܝܐ ܘܐܝܬ ܕܡܤܒܪܢܐ ܘܐܝܬ ܕܪܥܘܬܐ ܘܐܝܬ ܕܡܠܦܢܐ ܀
12Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo:
12ܠܓܡܪܐ ܕܩܕܝܫܐ ܠܥܒܕܐ ܕܬܫܡܫܬܐ ܠܒܢܝܢܐ ܕܦܓܪܐ ܕܡܫܝܚܐ ܀
13Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo:
13ܥܕܡܐ ܕܟܠܢ ܢܗܘܐ ܚܕ ܡܕܡ ܒܗܝܡܢܘܬܐ ܘܒܝܕܥܬܐ ܕܒܪܗ ܕܐܠܗܐ ܘܚܕ ܓܒܪܐ ܓܡܝܪܐ ܒܡܫܘܚܬܐ ܕܩܘܡܬܐ ܕܫܘܡܠܝܗ ܕܡܫܝܚܐ ܀
14Upang tayo'y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;
14ܘܠܐ ܢܗܘܐ ܝܠܘܕܐ ܕܡܙܕܥܙܥܝܢ ܘܡܫܬܢܝܢ ܠܟܠ ܪܘܚ ܕܝܘܠܦܢܐ ܢܟܝܠܐ ܕܒܢܝܢܫܐ ܗܢܘܢ ܕܒܚܪܥܘܬܗܘܢ ܡܨܛܢܥܝܢ ܕܢܛܥܘܢ ܀
15Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;
15ܐܠܐ ܗܘܝܢ ܫܪܝܪܝܢ ܒܚܘܒܢ ܕܟܘܠ ܡܕܡ ܕܝܠܢ ܢܪܒܐ ܒܡܫܝܚܐ ܕܗܘܝܘ ܪܫܐ ܀
16Na dahil sa kaniya'y ang buong katawan na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig.
16ܘܡܢܗ ܟܠܗ ܦܓܪܐ ܡܬܪܟܒ ܘܡܬܩܛܪ ܒܟܠ ܫܪܝܢ ܐܝܟ ܡܘܗܒܬܐ ܕܡܬܝܗܒܐ ܒܡܫܘܚܬܐ ܠܟܠ ܗܕܡ ܠܬܪܒܝܬܐ ܕܝܠܗ ܕܦܓܪܐ ܕܒܚܘܒܐ ܢܫܬܠܡ ܒܢܝܢܗ ܀
17Ito nga ang sinasabi ko, at sinasaksihan sa Panginoon, na kayo'y hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng mga Gentil, sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip,
17ܗܕܐ ܕܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܘܡܤܗܕ ܐܢܐ ܒܡܪܝܐ ܕܡܢ ܗܫܐ ܠܐ ܬܗܘܘܢ ܡܗܠܟܝܢ ܐܝܟ ܫܪܟܐ ܕܥܡܡܐ ܕܡܗܠܟܝܢ ܒܤܪܝܩܘܬ ܪܥܝܢܗܘܢ ܀
18Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;
18ܘܚܫܘܟܝܢ ܒܡܕܥܝܗܘܢ ܘܢܘܟܪܝܝܢ ܐܢܘܢ ܡܢ ܚܝܘܗܝ ܕܐܠܗܐ ܡܛܠ ܕܠܝܬ ܒܗܘܢ ܝܕܥܬܐ ܘܡܛܠ ܥܘܝܪܘܬ ܠܒܗܘܢ ܀
19Na sila sa di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman.
19ܗܢܘܢ ܕܦܤܩܘ ܤܒܪܗܘܢ ܘܐܫܠܡܘ ܢܦܫܗܘܢ ܠܦܚܙܘܬܐ ܘܠܦܘܠܚܢܐ ܕܟܠܗ ܛܢܦܘܬܐ ܒܝܥܢܘܬܗܘܢ ܀
20Nguni't kayo'y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo;
20ܐܢܬܘܢ ܕܝܢ ܠܐ ܗܘܐ ܗܟܢܐ ܝܠܦܬܘܢܝܗܝ ܠܡܫܝܚܐ ܀
21Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus.
21ܐܢ ܫܪܝܪܐܝܬ ܫܡܥܬܘܢܝܗܝ ܘܒܗ ܝܠܦܬܘܢ ܐܝܟ ܡܐ ܕܐܝܬܘܗܝ ܩܘܫܬܐ ܒܝܫܘܥ ܀
22At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;
22ܐܠܐ ܕܬܢܝܚܘܢ ܡܢܟܘܢ ܗܘܦܟܝܟܘܢ ܩܕܡܝܐ ܠܒܪܢܫܐ ܗܘ ܥܬܝܩܐ ܕܡܬܚܒܠ ܒܪܓܝܓܬܐ ܕܛܘܥܝܝ ܀
23At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,
23ܘܬܬܚܕܬܘܢ ܒܪܘܚܐ ܕܡܕܥܝܟܘܢ ܀
24At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.
24ܘܬܠܒܫܘܢ ܠܒܪܢܫܐ ܚܕܬܐ ܗܘ ܕܒܐܠܗܐ ܐܬܒܪܝ ܒܙܕܝܩܘܬܐ ܘܒܚܤܝܘܬܐ ܕܩܘܫܬܐ ܀
25Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y mga sangkap na isa't isa sa atin.
25ܡܛܠ ܗܢܐ ܐܢܝܚܘ ܡܢܟܘܢ ܟܕܒܘܬܐ ܘܡܠܠܘ ܩܘܫܬܐ ܐܢܫ ܥܡ ܩܪܝܒܗ ܗܕܡܐ ܚܢܢ ܓܝܪ ܚܕ ܕܚܕ ܀
26Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit:
26ܪܓܙܘ ܘܠܐ ܬܚܛܘܢ ܘܫܡܫܐ ܥܠ ܪܘܓܙܟܘܢ ܠܐ ܢܥܪܒ ܀
27Ni bigyan daan man ang diablo.
27ܘܠܐ ܬܬܠܘܢ ܐܬܪܐ ܠܐܟܠ ܩܪܨܐ ܀
28Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, upang siya'y may maibigay sa nangangailangan.
28ܘܐܝܢܐ ܕܓܢܒ ܗܘܐ ܡܟܝܠ ܠܐ ܢܓܢܘܒ ܐܠܐ ܢܠܐܐ ܒܐܝܕܘܗܝ ܘܢܦܠܘܚ ܛܒܬܐ ܕܢܗܘܐ ܠܗ ܠܡܬܠ ܠܡܢ ܕܤܢܝܩ ܀
29Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig.
29ܟܠ ܡܠܐ ܤܢܝܐ ܡܢ ܦܘܡܟܘܢ ܠܐ ܬܦܘܩ ܐܠܐ ܐܝܕܐ ܕܫܦܝܪܐ ܘܚܫܚܐ ܠܒܢܝܢܐ ܕܬܬܠ ܛܝܒܘܬܐ ܠܐܝܠܝܢ ܕܫܡܥܝܢ ܀
30At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng pagkatubos.
30ܘܠܐ ܬܗܘܘܢ ܡܥܝܩܝܢ ܠܪܘܚܐ ܩܕܝܫܬܐ ܕܐܠܗܐ ܕܐܬܚܬܡܬܘܢ ܒܗ ܠܝܘܡܐ ܕܦܘܪܩܢܐ ܀
31Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:
31ܟܠܗ ܡܪܝܪܘܬܐ ܘܚܡܬܐ ܘܪܘܓܙܐ ܘܪܘܒܐ ܘܓܘܕܦܐ ܢܫܬܩܠܢ ܡܢܟܘܢ ܥܡ ܟܠܗ ܒܝܫܘܬܐ ܀
32At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.
32ܘܗܘܝܬܘܢ ܒܤܝܡܝܢ ܚܕ ܠܘܬ ܚܕ ܘܡܪܚܡܢܝܢ ܘܗܘܝܬܘܢ ܫܒܩܝܢ ܚܕ ܠܚܕ ܐܝܟܢܐ ܕܐܠܗܐ ܒܡܫܝܚܐ ܫܒܩ ܠܢ ܀