Tagalog 1905

Syriac: NT

Revelation

1

1Ang Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali: at kaniyang ipinadala at ipinaalam sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan;
1ܓܠܝܢܐ ܕܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܕܝܗܒ ܠܗ ܐܠܗܐ ܠܡܚܘܝܘ ܠܥܒܕܘܗܝ ܡܐ ܕܝܗܝܒ ܠܡܗܘܐ ܒܥܓܠ ܘܫܘܕܥ ܟܕ ܫܠܚ ܒܝܕ ܡܠܐܟܗ ܠܥܒܕܗ ܝܘܚܢܢ ܀
2Na sumaksi sa salita ng Dios, at sa patotoo ni Jesucristo, sa lahat ng mga bagay na nakita niya.
2ܗܘ ܕܐܤܗܕ ܠܡܠܬܐ ܕܐܠܗܐ ܘܠܤܗܕܘܬܗ ܕܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܟܠ ܡܐ ܕܚܙܐ ܀
3Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't ang panaho'y malapit na.
3ܛܘܒܘܗܝ ܠܡܢ ܕܩܪܐ ܘܠܐܝܠܝܢ ܕܫܡܥܝܢ ܡܠܐ ܕܢܒܝܘܬܐ ܗܕܐ ܘܢܛܪܝܢ ܐܝܠܝܢ ܕܟܬܝܒܢ ܒܗ ܙܒܢܐ ܓܝܪ ܩܪܒ ܀
4Si Juan sa pitong iglesia na nasa Asia: Biyaya ang sumainyo nawa, at kapayapaang mula doon sa kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating; at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan;
4ܝܘܚܢܢ ܠܫܒܥ ܥܕܬܐ ܕܒܐܤܝܐ ܛܝܒܘܬܐ ܠܟܘܢ ܘܫܠܡܐ ܡܢ ܗܘ ܕܐܝܬܘܗܝ ܘܐܝܬܘܗܝ ܗܘܐ ܘܐܬܐ ܘܡܢ ܫܒܥ ܪܘܚܐ ܐܝܠܝܢ ܕܩܕܡ ܟܘܪܤܝܗ ܀
5At mula kay Jesucristo na siyang saksing tapat, na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo;
5ܘܡܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܤܗܕܐ ܡܗܝܡܢܐ ܒܘܟܪܐ ܕܡܝܬܐ ܘܪܫܐ ܕܡܠܟܐ ܕܐܪܥܐ ܗܘ ܕܡܚܒ ܠܢ ܘܫܪܐ ܠܢ ܡܢ ܚܛܗܝܢ ܒܕܡܗ ܀
6At ginawa tayong kaharian, mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa.
6ܘܥܒܕ ܠܢ ܡܠܟܘܬܐ ܟܗܢܝܬܐ ܠܐܠܗܐ ܘܐܒܘܗܝ ܘܠܗ ܬܫܒܘܚܬܐ ܘܐܘܚܕܢܐ ܠܥܠܡ ܥܠܡܝܢ ܐܡܝܢ ܀
7Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.
7ܗܐ ܐܬܐ ܥܡ ܥܢܢܐ ܘܢܚܙܝܢܝܗܝ ܟܠ ܥܝܢܐ ܘܐܦ ܐܝܠܝܢ ܕܕܩܪܘܗܝ ܘܢܪܩܕܢ ܥܠܘܗܝ ܟܠ ܫܪܒܬܐ ܕܐܪܥܐ ܐܝܢ ܘܐܡܝܢ ܀
8Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.
8ܐܢܐ ܐܠܦ ܘܬܘ ܐܡܪ ܡܪܝܐ ܐܠܗܐ ܗܘ ܕܐܝܬܘܗܝ ܘܐܝܬܘܗܝ ܗܘܐ ܘܐܬܐ ܗܘ ܕܐܚܝܕ ܟܠ ܀
9Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus, ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos, dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus.
9ܐܢܐ ܝܘܚܢܢ ܗܘ ܐܚܘܟܘܢ ܘܒܪ ܫܘܬܦܟܘܢ ܒܐܘܠܨܢܐ ܘܒܡܤܝܒܪܢܘܬܐ ܕܒܝܫܘܥ ܗܘܝܬ ܒܓܙܪܬܐ ܕܡܬܩܪܝܐ ܦܛܡܘܤ ܡܛܠ ܡܠܬܐ ܕܐܠܗܐ ܘܡܛܠ ܤܗܕܘܬܐ ܕܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
10Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.
10ܘܗܘܝܬ ܒܪܘܚ ܒܝܘܡܐ ܕܚܕܒܫܒܐ ܘܫܡܥܬ ܡܢ ܒܤܬܪܝ ܩܠܐ ܪܒܐ ܐܝܟ ܫܝܦܘܪܐ ܀
11Na nagsasabi, Ang iyong nakikita, ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa pitong iglesia: sa Efeso, at sa Smirna, at sa Pergamo, at sa Tiatira, at sa Sardis, at sa Filadelfia, at sa Laodicea.
11ܕܐܡܪ ܐܝܠܝܢ ܕܚܙܝܬ ܟܬܘܒ ܒܟܬܒܐ ܘܫܕܪ ܠܫܒܥ ܥܕܬܐ ܠܐܦܤܘܤ ܘܠܙܡܘܪܢܐ ܘܠܦܪܓܡܘܤ ܘܠܬܐܘܛܝܪܐ ܘܠܤܪܕܝܤ ܘܠܦܝܠܕܠܦܝܐ ܘܠܠܕܝܩܝܐ ܀
12At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto:
12ܘܗܦܟܬ ܠܡܕܥ ܩܠܐ ܐܝܢܐ ܕܡܠܠ ܥܡܝ ܘܟܕ ܥܛܦܬ ܚܙܝܬ ܫܒܥ ܡܢܪܢ ܕܕܗܒܐ ܀
13At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto.
13ܘܒܡܨܥܬܐ ܕܡܢܪܬܐ ܐܝܟ ܕܡܘܬܐ ܕܒܪܢܫܐ ܘܠܒܝܫ ܐܦܘܕܐ ܘܐܤܝܪ ܨܝܕ ܬܕܘܗܝ ܐܤܪܐ ܕܕܗܒܐ ܀
14At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy;
14ܪܫܗ ܕܝܢ ܘܤܥܪܗ ܚܘܪ ܐܝܟ ܥܡܪܐ ܘܐܝܟ ܬܠܓܐ ܘܥܝܢܘܗܝ ܐܝܟ ܫܠܗܒܝܬܐ ܕܢܘܪܐ ܀
15At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig.
15ܘܪܓܠܘܗܝ ܒܕܡܘܬܐ ܕܢܚܫܐ ܠܒܢܝܐ ܕܡܚܡ ܒܐܬܘܢܐ ܘܩܠܗ ܐܝܟ ܩܠܐ ܕܡܝܐ ܤܓܝܐܐ ܀
16At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.
16ܘܐܝܬ ܠܗ ܒܐܝܕܗ ܕܝܡܝܢܐ ܫܒܥܐ ܟܘܟܒܝܢ ܘܡܢ ܦܘܡܗ ܢܦܩܐ ܪܘܡܚܐ ܚܪܝܦܬܐ ܘܚܙܬܗ ܐܝܟ ܫܡܫܐ ܡܚܘܝܐ ܒܚܝܠܗ ܀
17At nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako'y ang una at ang huli,
17ܘܟܕ ܚܙܝܬܗ ܢܦܠܬ ܥܠ ܪܓܠܘܗܝ ܐܝܟ ܡܝܬܐ ܘܤܡ ܥܠܝ ܐܝܕܗ ܕܝܡܝܢܐ ܠܡܐܡܪ ܠܐ ܬܕܚܠ ܕܐܢܐ ܐܝܬܝ ܩܕܡܝܐ ܘܐܚܪܝܐ ܀
18At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades.
18ܘܕܚܝ ܘܕܡܝܬܐ ܗܘܝܬ ܘܗܐ ܚܝܐ ܐܝܬܝ ܠܥܠܡ ܥܠܡܝܢ ܐܡܝܢ ܘܐܝܬ ܠܝ ܩܠܝܕܐ ܕܡܘܬܐ ܘܕܫܝܘܠ ܀
19Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating;
19ܟܬܘܒ ܗܟܝܠ ܡܐ ܕܚܙܝܬ ܘܐܝܠܝܢ ܕܐܝܬܝܗܝܢ ܘܥܬܝܕܢ ܠܡܗܘܐ ܒܬܪ ܗܠܝܢ ܀
20Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia.
20ܐܪܙܐ ܕܫܒܥܐ ܟܘܟܒܝܢ ܐܝܠܝܢ ܕܚܙܝܬ ܥܠ ܝܡܝܢܝ ܘܫܒܥ ܡܢܪܬܐ ܫܒܥܐ ܟܘܟܒܝܢ ܡܠܐܟܐ ܕܫܒܥ ܥܕܬܐ ܐܝܬܝܗܘܢ ܘܡܢܪܬܐ ܫܒܥ ܕܕܗܒܐ ܐܝܠܝܢ ܕܚܙܝܬ ܫܒܥ ܐܢܝܢ ܥܕܬܐ ܀