Tagalog 1905

Syriac: NT

Revelation

2

1Sa anghel ng iglesia sa Efeso ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto:
1ܘܠܡܠܐܟܐ ܕܒܥܕܬܐ ܕܐܦܤܘܤ ܟܬܘܒ ܗܟܢܐ ܐܡܪ ܗܘ ܕܐܚܝܕ ܫܒܥܐ ܟܘܟܒܝܢ ܒܐܝܕܗ ܗܘ ܕܡܗܠܟ ܒܝܢܬ ܡܢܪܬܐ ܕܕܗܒܐ ܀
2Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga nagpapanggap na apostol, at sila'y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan;
2ܝܕܥ ܐܢܐ ܥܒܕܝܟ ܘܥܡܠܟ ܘܡܤܝܒܪܢܘܬܟ ܘܕܠܐ ܡܨܝܬ ܠܡܛܥܢ ܠܒܝܫܐ ܘܢܤܝܬ ܠܐܝܠܝܢ ܕܐܡܪܝܢ ܢܦܫܗܘܢ ܕܫܠܝܚܐ ܐܝܬܝܗܘܢ ܘܠܝܬܝܗܘܢ ܘܐܫܟܚܬ ܐܢܘܢ ܕܓܠܐ ܀
3At may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan, at hindi ka napagod.
3ܘܡܤܝܒܪܢܘܬܐ ܐܝܬ ܠܟ ܘܛܥܢܬ ܡܛܠ ܫܡܝ ܘܠܐ ܠܐܝܬ ܀
4Nguni't mayroon akong laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong unang pagibig.
4ܐܠܐ ܐܝܬ ܠܝ ܥܠܝܟ ܕܚܘܒܟ ܩܕܡܝܐ ܫܒܩܬ ܀
5Kaya't alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka.
5ܐܬܕܟܪ ܡܢ ܐܝܟܐ ܢܦܩܬ ܘܥܒܕ ܥܒܕܐ ܩܕܡܝܐ ܘܐܢܕܝܢ ܠܐ ܐܬܐ ܐܢܐ ܥܠܝܟ ܘܡܙܝܥ ܐܢܐ ܡܢܪܬܟ ܐܠܐ ܬܬܘܒ ܀
6Nguni't ito'y nasa iyo, na iyong kinapopootan ang mga gawa ng mga Nicolaita, na kinapopootan ko naman.
6ܐܠܐ ܗܕܐ ܐܝܬ ܠܟ ܕܤܢܝܬ ܥܒܕܐ ܕܢܐܩܘܠܝܛܐ ܐܝܠܝܢ ܕܐܢܐ ܤܢܐ ܐܢܐ ܀
7Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios.
7ܗܘ ܕܐܝܬ ܠܗ ܐܕܢܐ ܢܫܡܥ ܡܢܐ ܪܘܚܐ ܡܡܠܠ ܠܥܕܬܐ ܘܠܕܙܟܐ ܐܬܠ ܡܢ ܩܝܤܐ ܕܚܝܐ ܠܡܐܟܠ ܗܘ ܕܐܝܬܘܗܝ ܒܦܪܕܝܤܐ ܕܐܠܗܐ ܀
8At sa anghel ng iglesia sa Smirna ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli, na namatay, at muling nabuhay:
8ܘܠܡܠܐܟܐ ܕܥܕܬܐ ܕܙܡܘܪܢܐ ܟܬܘܒ ܗܟܢܐ ܐܡܪ ܩܕܡܝܐ ܘܐܚܪܝܐ ܗܘ ܕܗܘܐ ܡܝܬܐ ܘܚܝܐ ܀
9Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng mga nagsasabing sila'y mga Judio, at hindi sila gayon, kundi isang sinagoga ni Satanas.
9ܝܕܥ ܐܢܐ ܐܘܠܨܢܟ ܘܡܤܟܢܘܬܟ ܐܠܐ ܥܬܝܪܐ ܐܢܬ ܘܠܓܘܕܦܐ ܕܡܢ ܐܝܠܝܢ ܕܐܡܪܝܢ ܢܦܫܗܘܢ ܝܗܘܕܝܐ ܝܗܘܕܝܐ ܟܕ ܠܐ ܐܝܬܝܗܘܢ ܐܠܐ ܟܢܘܫܬܐ ܕܤܛܢܐ ܀
10Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo'y masubok; at magkakaroon kayo ng kapighatiang sangpung araw. Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay.
10ܒܡܕܡ ܠܐ ܬܕܚܠ ܡܢ ܐܝܠܝܢ ܕܥܬܝܕ ܐܢܬ ܠܡܚܫ ܗܐ ܥܬܝܕ ܐܟܠܩܪܨܐ ܕܢܪܡܐ ܡܢܟܘܢ ܒܒܝܬ ܚܒܘܫܝܐ ܕܬܬܢܤܘܢ ܘܢܗܘܐ ܠܟܘܢ ܐܘܠܨܢܐ ܝܘܡܝܢ ܥܤܪܐ ܗܘܘ ܡܗܝܡܢܐ ܥܕܡܐ ܠܡܘܬܐ ܘܐܬܠ ܠܟܘܢ ܟܠܝܠܐ ܕܚܝܐ ܀
11Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ng ikalawang kamatayan.
11ܕܐܝܬ ܠܗ ܐܕܢܐ ܢܫܡܥ ܡܢܐ ܪܘܚܐ ܡܡܠܠ ܠܥܕܬܐ ܕܐܝܢܐ ܕܙܟܐ ܠܐ ܢܗܪ ܡܢ ܡܘܬܐ ܬܢܝܢܐ ܀
12At sa anghel ng iglesia sa Pergamo ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may matalas na tabak na may dalawang talim:
12ܘܠܡܠܐܟܐ ܕܒܥܕܬܐ ܕܦܪܓܡܐ ܟܬܘܒ ܗܟܢܐ ܐܡܪ ܗܘ ܕܐܝܬ ܠܗ ܚܪܒܐ ܚܪܝܦܬܐ ܕܬܪܝܢ ܦܘܡܝܗ ܀
13Nalalaman ko kung saan ka tumatahan, sa makatuwid baga'y sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas; at iniingatan mong matibay ang aking pangalan, at hindi mo ikinaila ang aking pananampalataya, kahit nang mga araw man ni Antipas na aking saksi, aking taong tapat, na pinatay sa gitna ninyo, na tinatahanan ni Satanas.
13ܝܕܥ ܐܢܐ ܐܝܟܐ ܥܡܪܬ ܐܬܪ ܕܟܘܪܤܝܗ ܕܤܛܢܐ ܘܐܚܝܕ ܐܢܬ ܒܫܡܝ ܘܒܗܝܡܢܘܬܝ ܠܐ ܟܦܪܬ ܘܒܝܘܡܬܐ ܐܬܚܪܝܬ ܘܤܗܕܐ ܕܝܠܝ ܡܗܝܡܢܐ ܡܛܠ ܕܟܠ ܤܗܕܐ ܕܝܠܝ ܡܗܝܡܢܐ ܐܝܢܐ ܕܡܢܟܘܢ ܐܬܩܛܠ ܀
14Datapuwa't mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo, sapagka't mayroon ka diyang ilan na nanghahawak sa aral ni Balaam, na siyang nagturo kay Balac na maglagay ng katisuran sa harapan ng mga anak ni Israel, upang magsikain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan, at makiapid.
14ܐܠܐ ܐܝܬ ܠܝ ܥܠܝܟ ܙܥܘܪܝܬܐ ܕܐܝܬ ܠܟ ܬܡܢ ܕܐܚܝܕܝܢ ܡܠܦܢܘܬܐ ܕܒܠܥܡ ܗܘ ܕܐܠܦ ܠܒܠܩ ܕܢܪܡܐ ܟܫܠܐ ܩܕܡ ܒܢܝ ܐܝܤܪܝܠ ܠܡܐܟܠ ܕܒܚܝ ܦܬܟܪܐ ܘܠܡܙܢܝܘ ܀
15Gayon din naman na mayroon kang ilan na nanghahawak sa aral ng mga Nicolaita.
15ܗܟܢܐ ܐܝܬ ܐܦ ܠܟ ܕܐܚܝܕܝܢ ܝܘܠܦܢܐ ܕܢܐܩܘܠܝܛܐ ܗܟܘܬ ܀
16Magsisi ka nga; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig.
16ܬܘܒ ܗܟܝܠ ܘܐܢܕܝܢ ܠܐ ܐܬܐ ܐܢܐ ܥܠܝܟ ܡܚܕܐ ܘܐܩܪܒ ܥܡܗܘܢ ܒܚܪܒܐ ܕܦܘܡܝ ܀
17Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago, at siya'y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap.
17ܘܕܐܝܬ ܠܗ ܐܕܢܐ ܢܫܡܥ ܡܢܐ ܪܘܚܐ ܡܡܠܠ ܠܥܕܬܐ ܕܠܕܙܟܐ ܐܬܠ ܡܢ ܡܢܢܐ ܗܘ ܕܡܛܫܝ ܘܐܬܠ ܠܗ ܚܘܫܒܢܐ ܚܘܪܐ ܘܥܠ ܚܘܫܒܢܐ ܫܡܐ ܚܕܬܐ ܕܟܬܒܐ ܕܠܐ ܐܢܫ ܝܕܥ ܐܠܐ ܗܘ ܕܢܤܒ ܀
18At sa anghel ng iglesia sa Tiatira ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios, na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli:
18ܘܠܡܠܐܟܐ ܕܒܥܕܬܐ ܕܒܬܐܘܛܝܪܐ ܟܬܘܒ ܗܟܢܐ ܐܡܪ ܒܪܗ ܕܐܠܗܐ ܗܘ ܕܐܝܬ ܠܗ ܥܝܢܐ ܐܝܟ ܫܠܗܒܝܬܐ ܕܢܘܪܐ ܘܪܓܠܘܗܝ ܐܝܟ ܢܚܫܐ ܠܒܢܝܐ ܀
19Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagibig, at pananampalataya at ministerio at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una.
19ܝܕܥ ܐܢܐ ܥܒܕܝܟ ܘܚܘܒܟ ܘܗܝܡܢܘܬܟ ܘܬܫܡܫܬܟ ܘܡܤܝܒܪܢܘܬܟ ܘܥܒܕܝܟ ܐܚܪܝܐ ܤܓܝܐܐ ܐܢܘܢ ܡܢ ܩܕܡܝܐ ܀
20Datapuwa't mayroon akong laban sa iyo, na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel, na nagpapanggap na propetisa; at siya'y nagtuturo at humihikayat sa aking mga lingkod upang makiapid, at kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan.
20ܐܠܐ ܐܝܬ ܠܝ ܥܠܝܟ ܤܓܝ ܕܫܒܩܬ ܠܐܢܬܬܟ ܐܝܙܒܠ ܗܝ ܕܐܡܪܐ ܥܠ ܢܦܫܗ ܕܢܒܝܬܐ ܗܝ ܘܡܠܦܐ ܘܡܛܥܝܐ ܠܥܒܕܝ ܠܡܙܢܝܘ ܘܡܐܟܠ ܕܒܚܝ ܦܬܟܪܐ ܀
21At binigyan ko siya ng panahon upang makapagsisi; at siya'y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid.
21ܘܝܗܒܬ ܠܗ ܙܒܢܐ ܠܬܝܒܘܬܐ ܘܠܐ ܨܒܝܐ ܠܡܬܒ ܡܢ ܙܢܝܘܬܗ ܀
22Narito, akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila'y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa.
22ܗܐ ܪܡܐ ܐܢܐ ܠܗ ܒܥܪܤܐ ܘܠܐܝܠܝܢ ܕܓܝܪܝܢ ܥܡܗ ܒܐܘܠܨܢܐ ܪܒܐ ܐܠܐ ܢܬܬܘܘܢ ܡܢ ܥܒܕܝܗܘܢ ܀
23At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako'y yaong sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at bibigyan ko ang bawa't isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.
23ܘܠܒܢܝܗ ܐܩܛܘܠ ܒܡܘܬܐ ܘܝܕܥܢ ܟܠܗܝܢ ܥܕܬܐ ܕܐܢܐ ܐܢܐ ܒܨܐ ܟܘܠܝܬܐ ܘܠܒܐ ܘܐܬܠ ܠܟܘܢ ܠܟܠܢܫ ܐܝܟ ܥܒܕܝܟܘܢ ܀
24Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila; hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan.
24ܠܟܘܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܫܪܟܐ ܕܒܬܐܘܛܝܪܐ ܟܠܗܘܢ ܐܝܠܝܢ ܕܠܝܬ ܠܗܘܢ ܝܘܠܦܢܐ ܗܢܐ ܐܝܠܝܢ ܕܠܐ ܝܕܥܘ ܥܡܝܩܬܗ ܕܤܛܢܐ ܐܝܟ ܕܐܡܪܝܢ ܠܐ ܐܪܡܐ ܥܠܝܟܘܢ ܝܘܩܪܐ ܐܚܪܢܐ ܀
25Gayon ma'y ang nasa inyo'y panghawakan ninyong matibay hanggang sa ako'y pumariyan.
25ܗܘ ܗܟܝܠ ܕܐܝܬ ܠܟܘܢ ܐܚܘܕܘ ܥܕܡܐ ܕܐܬܐ ܐܢܐ ܀
26At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa:
26ܘܕܙܟܐ ܘܢܛܪ ܥܒܕܝ ܐܬܠ ܠܗ ܫܘܠܛܢܐ ܥܠ ܥܡܡܐ ܀
27At sila'y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:
27ܠܡܪܥܐ ܐܢܘܢ ܒܫܒܛܐ ܕܦܪܙܠܐ ܘܐܝܟ ܡܐܢܝ ܦܚܪܐ ܬܫܚܩܘܢ ܗܟܢܐ ܓܝܪ ܘܐܢܐ ܢܤܒܬ ܡܢ ܐܒܝ ܀
28At sa kaniya'y ibibigay ko ang tala sa umaga.
28ܘܐܬܠ ܠܗ ܠܟܘܟܒ ܨܦܪܐ ܀
29Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
29ܕܐܝܬ ܠܗ ܐܕܢܐ ܢܫܡܥ ܡܢܐ ܪܘܚܐ ܡܡܠܠ ܠܥܕܬܐ ܀