Tagalog 1905

Syriac: NT

Revelation

3

1At sa anghel ng iglesia sa Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Dios, at may pitong bituin: Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay.
1ܘܠܡܠܐܟܐ ܕܒܥܕܬܐ ܕܤܪܕܝܤ ܟܬܘܒ ܗܟܢܐ ܐܡܪ ܗܘ ܕܐܝܬ ܠܗ ܫܒܥ ܪܘܚܝܢ ܕܐܠܗܐ ܘܫܒܥܐ ܟܘܟܒܐ ܝܕܥ ܐܢܐ ܥܒܕܝܟ ܘܫܡܐ ܕܐܝܬ ܠܟ ܘܕܚܝܐ ܐܢܬ ܘܕܡܝܬܐ ܐܢܬ ܀
2Magpuyat ka, at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira, na malapit ng mamatay: sapagka't wala akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng aking Dios.
2ܘܗܘܝ ܥܝܪܐ ܘܩܝܡ ܕܫܪܟܐ ܕܐܝܠܝܢ ܕܥܬܝܕ ܗܘܝܬ ܠܡܡܬ ܠܐ ܓܝܪ ܐܫܟܚܬܟ ܕܡܫܡܠܝܢ ܥܒܕܝܟ ܩܕܡ ܐܠܗܐ ܀
3Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito'y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.
3ܐܬܕܟܪ ܐܝܟܢ ܫܡܥܬ ܘܢܤܒܬ ܐܙܕܗܪ ܘܬܘܒ ܘܐܢܕܝܢ ܠܐ ܬܬܥܝܪ ܐܬܐ ܐܢܐ ܥܠܝܟ ܐܝܟ ܓܢܒܐ ܘܠܐ ܬܕܥ ܐܝܕܐ ܫܥܬܐ ܐܬܐ ܥܠܝܟ ܀
4Nguni't mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi nangagdumi ng kanilang mga damit: at sila'y kasama kong magsisilakad na may mga damit na maputi; sapagka't sila'y karapatdapat.
4ܐܠܐ ܐܝܬ ܠܝ ܩܠܝܠ ܫܡܗܐ ܒܤܪܕܝܤ ܐܝܠܝܢ ܕܠܐ ܛܘܫܘ ܡܐܢܝܗܘܢ ܘܡܗܠܟܝܢ ܩܕܡܝ ܒܚܘܪܐ ܘܫܘܝܢ ܐܢܘܢ ܀
5Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel.
5ܕܙܟܐ ܗܟܢܐ ܡܬܥܛܦ ܡܐܢܐ ܚܘܪܐ ܘܠܐ ܐܠܚܐ ܫܡܗ ܡܢ ܤܦܪܐ ܕܚܝܐ ܘܐܘܕܐ ܒܫܡܗ ܩܕܡ ܐܒܝ ܘܩܕܡ ܡܠܐܟܘܗܝ ܀
6Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
6ܐܝܢܐ ܕܐܝܬ ܠܗ ܐܕܢܐ ܢܫܡܥ ܡܢܐ ܪܘܚܐ ܡܡܠܠ ܠܥܕܬܐ ܀
7At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman:
7ܘܠܡܠܐܟܐ ܕܥܕܬܐ ܕܦܝܠܕܠܦܝܐ ܟܬܘܒ ܗܟܢܐ ܐܡܪ ܩܕܝܫܐ ܫܪܝܪܐ ܗܘ ܕܐܝܬ ܠܗ ܩܠܝܕܐ ܕܕܘܝܕ ܐܝܢܐ ܕܦܬܚ ܘܠܝܬ ܕܐܚܕ ܘܐܚܕ ܘܠܝܬ ܕܦܬܚ ܀
8Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan.
8ܝܕܥ ܐܢܐ ܥܒܕܝܟ ܘܗܐ ܝܗܒܬ ܩܕܡܝܟ ܬܪܥܐ ܦܬܝܚܐ ܐܝܢܐ ܕܠܐ ܐܢܫ ܡܨܐ ܠܡܐܚܕܗ ܡܛܠ ܕܩܠܝܠ ܚܝܠܐ ܐܝܬ ܠܟ ܘܡܠܬܝ ܢܛܪܬ ܘܒܫܡܝ ܠܐ ܟܦܪܬ ܀
9Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila'y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig.
9ܘܗܐ ܝܗܒ ܐܢܐ ܡܢ ܟܢܘܫܬܐ ܕܤܛܢܐ ܡܢ ܐܝܠܝܢ ܕܐܡܪܝܢ ܥܠ ܢܦܫܗܘܢ ܕܝܗܘܕܝܐ ܐܢܘܢ ܘܠܐ ܐܝܬܝܗܘܢ ܐܠܐ ܡܕܓܠܝܢ ܗܐ ܐܥܒܕ ܠܗܘܢ ܕܢܐܬܘܢ ܘܢܤܓܕܘܢ ܩܕܡ ܪܓܠܝܟ ܘܢܕܥܘܢ ܕܐܢܐ ܐܚܒܬܟ ܀
10Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa.
10ܥܠ ܕܢܛܪܬ ܡܠܬܐ ܕܡܤܝܒܪܢܘܬܝ ܘܐܢܐ ܐܛܪܟ ܡܢ ܢܤܝܘܢܐ ܕܥܬܝܕ ܕܢܐܬܐ ܥܠ ܟܠܗ ܬܐܒܝܠ ܕܢܢܤܐ ܠܥܡܘܪܝܗ ܕܐܪܥܐ ܀
11Ako'y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong.
11ܐܬܐ ܐܢܐ ܡܚܕܐ ܐܚܘܕ ܗܘ ܡܐ ܕܐܝܬ ܠܟ ܕܠܐ ܐܢܫ ܢܤܒ ܟܠܝܠܟ ܀
12Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.
12ܘܕܙܟܐ ܐܥܒܕܗ ܥܡܘܕܐ ܒܗܝܟܠܐ ܕܐܠܗܐ ܘܠܒܪ ܠܐ ܢܦܘܩ ܬܘܒ ܘܐܟܬܘܒ ܥܠܘܗܝ ܫܡܐ ܕܐܠܗܝ ܘܫܡܐ ܕܡܕܝܢܬܐ ܚܕܬܐ ܐܘܪܫܠܡ ܐܝܕܐ ܕܢܚܬܐ ܡܢ ܐܠܗܝ ܘܫܡܐ ܕܝܠܝ ܚܕܬܐ ܀
13Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
13ܘܕܐܝܬ ܠܗ ܐܕܢܐ ܢܫܡܥ ܡܢܐ ܪܘܚܐ ܡܡܠܠ ܠܥܕܬܐ ܀
14At sa anghel ng iglesia sa Laodicea ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Siya Nawa, ng saksing tapat at totoo, ng pasimula ng paglalang ng Dios:
14ܘܠܡܠܐܟܐ ܕܥܕܬܐ ܕܠܐܝܕܝܩܝܐ ܟܬܘܒ ܗܟܢܐ ܐܡܪ ܐܡܝܢ ܤܗܕܐ ܡܗܝܡܢܐ ܘܫܪܝܪܐ ܘܪܫܝܬܐ ܕܒܪܝܬܗ ܕܐܠܗܐ ܀
15Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig o mainit man: ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit.
15ܝܕܥ ܐܢܐ ܥܒܕܝܟ ܠܐ ܩܪܝܪܐ ܐܢܬ ܘܠܐ ܚܡܝܡܐ ܕܘܠܐ ܗܘܐ ܕܐܘ ܩܪܝܪܐ ܬܗܘܐ ܐܘ ܚܡܝܡܐ ܀
16Kaya sapagka't ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa aking bibig.
16ܘܐܝܬܝܟ ܦܫܘܪܐ ܘܠܐ ܩܪܝܪܐ ܘܠܐ ܚܡܝܡܐ ܥܬܝܕ ܐܢܐ ܠܡܬܒܘܬܟ ܡܢ ܦܘܡܝ ܀
17Sapagka't sinasabi mo, Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad:
17ܡܛܠ ܕܐܡܪܬ ܕܥܬܝܪܐ ܐܢܬ ܘܥܬܪܬ ܘܥܠ ܡܕܡ ܠܐ ܤܢܝܩ ܐܢܐ ܘܠܐ ܝܕܥ ܐܢܬ ܕܐܢܬ ܗܘ ܡܚܝܠܐ ܘܕܘܝܐ ܘܡܤܟܢܐ ܘܥܪܛܠܝܐ ܀
18Ipinapayo ko sa iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy, upang ikaw ay yumaman: at ng mapuputing damit, upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran; at ng pangpahid sa mata, na ipahid sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita.
18ܡܠܟ ܐܢܐ ܠܟ ܕܬܙܒܢ ܡܢܝ ܕܗܒܐ ܕܒܚܝܪ ܡܢ ܢܘܪܐ ܕܬܥܬܪ ܘܡܐܢܐ ܚܘܪܐ ܠܡܬܥܛܦܘ ܘܠܐ ܬܬܓܠܐ ܒܗܬܬܐ ܕܥܪܛܠܝܘܬܟ ܘܫܝܦܐ ܟܚܘܠ ܕܬܚܙܐ ܀
19Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga'y magsikap, at magsisi.
19ܐܢܐ ܠܐܝܠܝܢ ܕܪܚܡ ܐܢܐ ܡܟܤ ܐܢܐ ܘܪܕܐ ܐܢܐ ܛܢ ܗܟܝܠ ܘܬܘܒ ܀
20Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko.
20ܗܐ ܩܡܬ ܥܠ ܬܪܥܐ ܘܐܩܘܫ ܐܢ ܐܢܫ ܫܡܥ ܒܩܠܝ ܘܢܦܬܚ ܬܪܥܐ ܘܐܥܘܠ ܘܐܚܫܡ ܥܡܗ ܘܗܘ ܥܡܝ ܀
21Ang magtagumpay, ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan.
21ܘܕܙܟܐ ܐܬܠ ܠܗ ܠܡܬܒ ܥܡܝ ܥܠ ܟܘܪܤܝܐ ܕܝܠܝ ܐܝܟܢܐ ܕܐܢܐ ܙܟܝܬ ܘܝܬܒܬ ܥܡ ܐܒܝ ܥܠ ܟܘܪܤܝܐ ܕܝܠܗ ܀
22Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
22ܡܢ ܕܐܝܬ ܠܗ ܐܕܢܐ ܢܫܡܥ ܡܢܐ ܪܘܚܐ ܡܡܠܠ ܠܥܕܬܐ ܀