Tagalog 1905

Syriac: NT

Revelation

17

1At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig;
1ܘܐܬܐ ܚܕ ܡܢ ܫܒܥܐ ܡܠܐܟܐ ܕܐܝܬ ܥܠܝܗܘܢ ܫܒܥ ܙܒܘܪܝܢ ܘܡܠܠ ܥܡܝ ܠܡܐܡܪ ܬܐ ܒܬܪܝ ܐܚܘܝܟ ܕܝܢܐ ܕܙܢܝܬܐ ܕܝܬܒܐ ܥܠ ܡܝܐ ܤܓܝܐܐ ܀
2Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa, at ang mga nananahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid.
2ܕܥܡܗ ܙܢܝܘ ܡܠܟܝܗ ܕܐܪܥܐ ܘܪܘܝܘ ܟܠܗܘܢ ܥܡܘܪܝܗ ܕܐܪܥܐ ܡܢ ܚܡܪܐ ܕܙܢܝܘܬܗ ܀
3At ako'y kaniyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang: at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusong, na may pitong ulo at sangpung sungay.
3ܘܐܦܩܢܝ ܠܚܘܪܒܐ ܒܪܘܚ ܘܚܙܝܬ ܐܢܬܬܐ ܕܝܬܒܐ ܥܠ ܚܝܘܬܐ ܤܘܡܩܬܐ ܕܡܠܝܐ ܫܡܗܐ ܕܓܘܕܦܐ ܕܐܝܬ ܠܗ ܪܫܐ ܫܒܥܐ ܩܪܢܬܐ ܕܝܢ ܥܤܪ ܀
4At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid,
4ܘܐܢܬܬܐ ܐܝܬ ܗܘܐ ܕܡܥܛܦܐ ܐܪܓܘܢܐ ܘܙܚܘܪܝܬܐ ܕܡܕܗܒܢ ܒܕܗܒܐ ܘܟܐܦܐ ܛܒܬܐ ܘܡܪܓܢܝܬܐ ܘܐܝܬ ܠܗ ܟܤܐ ܕܕܗܒܐ ܥܠ ܐܝܕܗ ܘܡܠܐ ܛܡܐܘܬܐ ܘܤܘܝܒܐ ܕܙܢܝܘܬܗ ܀
5At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA.
5ܘܥܠ ܒܝܬ ܥܝܢܝܗ ܟܬܝܒ ܐܪܙܐ ܒܒܝܠ ܪܒܬܐ ܐܡܐ ܕܙܢܝܬܐ ܘܕܤܘܝܒܝܗ ܕܐܪܥܐ ܀
6At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga martir ni Jesus. At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas.
6ܘܚܙܝܬ ܐܢܬܬܐ ܕܪܘܝܐ ܡܢ ܕܡܐ ܕܩܕܝܫܐ ܘܡܢ ܕܡܐ ܕܤܗܕܘܗܝ ܕܝܫܘܥ ܘܐܬܕܡܪܬ ܕܘܡܪܐ ܪܒܐ ܟܕ ܚܙܝܬܗ ܀
7At sinabi sa akin ng anghel, Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng hayop na sinasakyan niya, na may pitong ulo at sangpung sungay.
7ܘܐܡܪ ܠܝ ܡܠܐܟܐ ܠܡܢܐ ܐܬܕܡܪܬ ܐܢܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟ ܪܐܙܐ ܕܐܢܬܬܐ ܘܕܚܝܘܬܐ ܕܛܥܝܢܐ ܠܗ ܕܐܝܬ ܠܗ ܫܒܥܐ ܪܫܝܢ ܘܥܤܪ ܩܪܢܢ ܀
8At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating.
8ܚܝܘܬܐ ܕܚܙܝܬ ܐܝܬܝܗ ܗܘܬ ܘܠܝܬܝܗ ܥܬܝܕܐ ܕܬܤܩ ܡܢ ܝܡܐ ܘܠܐܒܕܢܐ ܐܙܠܐ ܘܢܬܕܡܪܘܢ ܥܡܪܝ ܥܠ ܐܪܥܐ ܗܢܘܢ ܕܠܐ ܟܬܝܒܝܢ ܫܡܗܝܗܘܢ ܒܤܦܪܐ ܕܚܝܐ ܡܢ ܬܪܡܝܬܗ ܕܥܠܡܐ ܕܚܙܝܢ ܚܝܘܬܐ ܕܐܝܬܝܗ ܗܘܬ ܘܠܝܬܝܗ ܘܩܪܒܬ ܀
9Narito ang pagiisip na may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae:
9ܗܪܟܐ ܗܘܢܐ ܠܕܐܝܬ ܠܗ ܚܟܡܬܐ ܫܒܥܐ ܪܫܝܢ ܫܒܥܐ ܐܢܘܢ ܛܘܪܝܢ ܐܝܟܐ ܕܝܬܒܐ ܐܢܬܬܐ ܥܠܝܗܘܢ ܀
10At sila'y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa'y narito, ang isa ay hindi pa dumarating; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon.
10ܘܡܠܟܐ ܫܒܥܐ ܐܢܘܢ ܚܡܫܐ ܢܦܠܘ ܘܚܕ ܐܝܬܘܗܝ ܗܘ ܐܚܪܢܐ ܠܐ ܥܕܟܝܠ ܐܬܐ ܘܡܐ ܕܐܬܐ ܩܠܝܠ ܝܗܝܒ ܠܗ ܠܡܟܬܪܘ ܀
11At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan.
11ܘܬܢܝܢܐ ܘܚܝܘܬܐ ܗܝ ܕܐܝܬܝܗ ܘܠܝܬܝܗ ܘܗܝ ܕܬܡܢܝܐ ܘܡܢ ܫܒܥܐ ܗܝ ܘܠܐܒܕܢܐ ܐܙܠܐ ܀
12At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop.
12ܘܥܤܪ ܩܪܢܢ ܕܚܙܝܬ ܥܤܪܐ ܡܠܟܝܢ ܐܢܘܢ ܐܝܠܝܢ ܕܡܠܟܘܬܐ ܠܐ ܥܕܟܝܠ ܢܤܒܘ ܐܠܐ ܫܘܠܛܢܐ ܐܝܟ ܡܠܟܐ ܚܕܐ ܫܥܬܐ ܫܩܠܝܢ ܥܡ ܚܝܘܬܐ ܀
13Ang mga ito ay may isang kaisipan, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop.
13ܗܠܝܢ ܚܕ ܨܒܝܢܐ ܐܝܬ ܠܗܘܢ ܘܚܝܠܐ ܘܫܘܠܛܢܐ ܕܝܠܗܘܢ ܠܚܝܘܬܐ ܝܗܒܝܢ ܀
14Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila'y dadaigin ng Cordero, sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari; at ng mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din.
14ܗܠܝܢ ܥܡ ܐܡܪܐ ܢܩܪܒܘܢ ܘܐܡܪܐ ܢܙܟܐ ܐܢܘܢ ܡܛܠ ܕܡܪܐ ܗܘ ܕܡܪܘܬܐ ܘܡܠܟ ܡܠܟܐ ܘܕܥܡܗ ܩܪܝܐ ܘܓܒܝܐ ܘܡܗܝܡܢܐ ܀
15At sinabi niya sa akin, Ang tubig na iyong nakita, na kinauupuan ng patutot, ay mga bayan, at mga karamihan, at mga bansa, at mga wika.
15ܘܐܡܪ ܠܝ ܡܝܐ ܕܚܙܝܬ ܕܥܠܝܗܘܢ ܝܬܒܐ ܙܢܝܬܐ ܥܡܡܐ ܘܟܢܫܐ ܘܐܡܘܬܐ ܘܠܫܢܐ ܐܝܬܝܗܘܢ ܀
16At ang sangpung sungay na iyong nakita, at ang hayop, ay siyang nangapopoot sa patutot, at siya'y pababayaan at huhubaran, at kakanin ang kaniyang laman, at siya'y lubos na susupukin ng apoy.
16ܘܥܤܪ ܩܪܢܬܐ ܕܚܙܝܬ ܠܚܝܘܬܐ ܗܠܝܢ ܢܤܢܝܢ ܠܙܢܝܬܐ ܘܚܪܒܬܐ ܘܥܪܛܠܝܬܐ ܢܥܒܕܘܢܗ ܘܒܤܪܗ ܢܐܟܠܘܢ ܘܢܘܩܕܘܢܗ ܒܢܘܪܐ ܀
17Sapagka't inilagay ng Dios sa kanilang mga puso na gawin ang kaniyang kaisipan, at mangagkaisa ng kaisipan, at ibigay ang kanilang kaharian sa hayop, hanggang sa maganap ang mga salita ng Dios.
17ܐܠܗܐ ܓܝܪ ܝܗܒ ܒܠܒܘܬܗܘܢ ܕܢܥܒܕܘܢ ܨܒܝܢܗ ܘܢܥܒܕܘܢ ܨܒܝܢܗܘܢ ܚܕ ܘܢܬܠܘܢ ܡܠܟܘܬܗܘܢ ܠܚܝܘܬܐ ܗܝ ܥܕܡܐ ܕܢܫܬܡܠܝܢ ܡܠܘܗܝ ܕܐܠܗܐ ܀
18At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang bayan, na naghahari sa mga hari sa lupa.
18ܘܐܢܬܬܐ ܐܝܕܐ ܕܚܙܝܬ ܡܕܝܢܬܐ ܪܒܬܐ ܐܝܕܐ ܕܐܝܬ ܠܗ ܡܠܟܘܬܐ ܥܠ ܡܠܟܝܗ ܕܐܪܥܐ ܀