1Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian.
1ܘܡܢ ܒܬܪ ܗܠܝܢ ܚܙܝܬ ܐܚܪܢܐ ܡܠܐܟܐ ܕܢܚܬ ܡܢ ܫܡܝܐ ܕܐܝܬ ܠܗ ܫܘܠܛܢܐ ܪܒܐ ܘܐܪܥܐ ܢܗܪܬ ܡܢ ܬܫܒܘܚܬܗ ܀
2At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.
2ܘܩܥܐ ܒܩܠܐ ܪܒܐ ܢܦܠܬ ܢܦܠܬ ܒܒܝܠ ܪܒܬܐ ܘܗܘܬ ܡܥܡܪܐ ܠܫܐܕܐ ܘܢܛܘܪܬܐ ܠܟܠ ܪܘܚܐ ܠܐ ܕܟܝܬܐ ܘܤܢܝܬܐ ܀
3Sapagka't dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan.
3ܡܛܠ ܕܡܢ ܚܡܪܐ ܕܙܢܝܘܬܗ ܡܙܓܬ ܠܟܠܗܘܢ ܥܡܡܐ ܘܡܠܟܝܗ ܕܐܪܥܐ ܥܡܗ ܙܢܝܘ ܘܬܓܪܐ ܕܐܪܥܐ ܡܢ ܚܝܠܐ ܕܫܢܝܗ ܥܬܪܘ ܀
4At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot:
4ܘܫܡܥܬ ܐܚܪܢܐ ܩܠܐ ܡܢ ܫܡܝܐ ܕܐܡܪ ܦܘܩܘ ܡܢ ܓܘܗ ܥܡܝ ܕܠܐ ܬܫܬܘܬܦܘܢ ܒܚܛܗܝܗ ܕܠܡܐ ܬܤܒܘܢ ܡܢ ܡܚܘܬܗ ܀
5Sapagka't ang kaniyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kaniyang mga katampalasanan.
5ܡܛܠ ܕܕܒܩܘ ܒܗ ܚܛܗܐ ܥܕܡܐ ܠܫܡܝܐ ܘܐܬܕܟܪ ܐܠܗܐ ܥܘܠܝܗ ܀
6Ibigay din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo, at ibayuhin ninyo ng ibayo sa kaniyang mga gawa: sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo.
6ܦܘܪܥܘܗ ܐܝܟܢܐ ܕܐܦ ܗܝ ܦܪܥܬ ܘܥܘܦܘ ܠܗ ܐܥܦܐ ܥܠ ܥܒܕܝܗ ܒܟܤܐ ܗܘ ܕܡܙܓܬ ܡܙܘܓܘ ܠܗ ܐܥܦܐ ܀
7Kung gaano ang pagkakapagmapuri, at pagkapamuhay na malayaw, ay gayon din naman ang ibigay ninyo sa kaniyang pahirap at pagluluksa: sapagka't sinasabi niya sa kaniyang puso, Ako'y nakaupong reina, at hindi ako bao, at hindi ko makikita kailan man ang pagluluksa.
7ܥܠ ܡܕܡ ܕܫܒܚܬ ܢܦܫܗ ܘܐܫܬܥܠܝܬ ܕܐܝܟ ܗܟܢ ܫܘܢܩܐ ܘܐܒܠܐ ܡܛܠ ܕܒܠܒܗ ܐܡܪܐ ܕܝܬܒܐ ܐܢܐ ܡܠܟܬܐ ܘܐܪܡܠܬܐ ܠܝܬܝ ܘܐܒܠܐ ܠܐ ܐܚܙܐ ܀
8Kaya't darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya, kamatayan at pagluluksa, at gutom; at siya'y lubos na susunugin sa apoy; sapagka't malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya.
8ܡܛܠܗܢܐ ܒܚܕ ܝܘܡܐ ܢܐܬܝܢ ܥܠܝܗ ܡܚܘܬܐ ܡܘܬܐ ܘܐܒܠܐ ܘܟܦܢܐ ܘܒܢܘܪܐ ܬܐܩܕ ܡܛܠ ܕܚܝܠܬܢ ܡܪܝܐ ܕܕܢܗ ܀
9At ang mga hari sa lupa, na nangakiapid at nangabuhay na malayaw na kasama niya, ay mangagsisiiyak at mangagsisitaghoy tungkol sa kaniya, pagkakita nila ng usok ng kaniyang pagkasunog,
9ܘܢܒܟܘܢܗ ܘܢܪܩܕܘܢ ܥܠܝܗ ܡܠܟܝܗ ܕܐܪܥܐ ܗܢܘܢ ܕܙܢܝܘ ܥܡܗ ܘܐܫܬܥܠܝܘ ܡܐ ܕܚܙܝܢ ܬܢܢܐ ܕܝܩܕܢܗ ܀
10At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.
10ܟܕ ܩܝܡܝܢ ܡܢ ܩܒܘܠ ܡܢ ܕܚܠܬܐ ܕܬܫܢܝܩܗ ܘܢܐܡܪܘܢ ܘܝ ܘܝ ܘܝ ܡܕܝܢܬܐ ܪܒܬܐ ܒܒܝܠ ܡܕܝܢܬܐ ܥܫܝܢܬܐ ܡܛܠ ܕܒܚܕܐ ܫܥܐ ܐܬܐ ܕܝܢܟܝ ܀
11At ang mga mangangalakal sa lupa ay mangagsisiiyak at mangagluluksa tungkol sa kaniya, sapagka't wala nang bibili pa ng kaniyang kalakal;
11ܘܬܓܪܐ ܕܐܪܥܐ ܢܒܟܘܢ ܘܢܬܐܒܠܘܢ ܥܠܝܗ ܘܡܘܒܠܗܘܢ ܠܝܬ ܕܙܒܢ ܬܘܒ ܀
12Ng kalakal na ginto at pilak, at mahalagang bato, at mga perlas, at mainam na lino, at kayong kulay ube, at sutla, at kayong pula; at sarisaring mababangong kahoy, at bawa't kasangkapang garing, at bawa't kasangkapang mahalagang kahoy, at tanso, at bakal, at marmol;
12ܡܘܒܠܐ ܕܕܗܒܐ ܘܕܤܐܡܐ ܘܕܟܐܦܐ ܝܩܝܪܬܐ ܘܕܡܪܓܢܝܬܐ ܘܕܒܘܨܐ ܘܕܐܪܓܘܢܐ ܘܫܐܪܝܐ ܕܙܚܘܪܝܬܐ ܘܟܠ ܩܝܤ ܕܒܤܡܐ ܘܟܠ ܡܐܢ ܕܫܢܐ ܘܟܠ ܡܐܢ ܕܩܝܤܐ ܝܩܝܪܐ ܘܢܚܫܐ ܘܦܪܙܠܐ ܘܫܝܫܐ ܀
13At kanela, at especias, at incienso, at ungguento, at kamangyan, at alak, at langis, at mainam na harina, at trigo, at mga baka, at mga tupa; at kalakal na mga kabayo at mga karo, at mga alipin; at mga kaluluwa ng mga tao.
13ܘܩܘܢܝܡܘܢ ܘܒܤܡܐ ܘܡܘܪܘܢ ܘܠܒܘܢܬܐ ܘܚܡܪܐ ܘܡܫܚܐ ܘܤܡܝܕܐ ܘܥܪܒܐ ܘܪܟܫܐ ܘܡܪܟܒܬܐ ܘܦܓܪܐ ܘܢܦܫܬܐ ܕܒܢܝܢܫܐ ܀
14At ang mga bungang pinipita mo ay nangapalayo sa iyo, at lahat ng mga bagay na maiinam at mariringal ay nangalipol sa iyo, at hindi na mangasusumpungan pa.
14ܘܐܒܟܝ ܪܓܬܐ ܕܢܦܫܟܝ ܐܙܠ ܡܢܟܝ ܘܟܠ ܕܫܡܝܢ ܘܫܒܝܚ ܐܙܠ ܡܢܟܝ ܘܠܐ ܬܘܒ ܬܚܙܝܢ ܐܢܘܢ ܀
15Ang mga mangangalakal ng mga bagay na ito, na nangagsiyaman dahil sa kaniya, ay mangagsisitayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nagsisiiyak at nagsisipagluksa;
15ܘܠܐ ܢܫܟܚܘܢ ܐܢܘܢ ܬܓܪܐ ܕܗܠܝܢ ܕܥܬܪܘ ܡܢܗ ܡܢ ܩܒܘܠ ܢܩܘܡܘܢ ܡܢ ܕܚܠܬܐ ܕܫܘܢܩܗ ܟܕ ܒܟܝܢ ܘܐܒܝܠܝܢ ܀
16Na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, niyaong dakilang bayan, siya na nararamtan ng mahalagang lino at ng kayong kulay ube, at pula, at napapalamutihan ng ginto at ng mahalagang bato at ng perlas!
16ܘܐܡܪܝܢ ܘܝ ܘܝ ܡܕܝܢܬܐ ܪܒܬܐ ܕܡܥܛܦܐ ܒܘܨܐ ܘܐܪܓܘܢܐ ܘܙܚܘܪܝܬܐ ܕܡܕܗܒܢ ܒܕܗܒܐ ܘܟܐܦܐ ܝܩܝܪܬܐ ܘܡܪܓܢܝܬܐ ܀
17Sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan. At bawa't pinunong daong, at bawa't naglalayag saan mang dako, at ang mga mangdaragat, at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat, ay nangakatayo sa malayo,
17ܡܛܠ ܕܒܚܕܐ ܫܥܐ ܐܤܬܪܩ ܥܘܬܪܐ ܕܐܝܟ ܗܢܐ ܘܟܠ ܡܕܒܪܝ ܐܠܦܐ ܘܟܠ ܐܙܠܝ ܒܐܠܦܐ ܠܕܘܟܝܬܐ ܘܐܠܦܪܐ ܘܟܠ ܕܒܝܡܐ ܦܠܚܝܢ ܡܢ ܪܘܚܩܐ ܩܡܘ ܀
18At nangagsisisigaw pagkakita sa usok ng kaniyang pagkasunog, na nangagsasabi, Anong bayan ang katulad ng dakilang bayan?
18ܘܒܟܐܘܗ ܟܕ ܚܙܝܢ ܬܢܢܐ ܕܝܩܕܢܗ ܘܐܡܪܝܢ ܡܢ ܗܝ ܕܕܡܝܐ ܠܡܕܝܢܬܐ ܪܒܬܐ ܀
19At sila'y nangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, at nagsisigawan, na nagiiyakan at nagtataghuyan, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, ang dakilang bayan, na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan! sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol.
19ܘܐܪܡܝܘ ܥܦܪܐ ܥܠ ܪܝܫܝܗܘܢ ܘܩܥܘ ܟܕ ܒܟܝܢ ܘܐܒܝܠܝܢ ܘܐܡܪܝܢ ܘܝ ܘܝ ܡܕܝܢܬܐ ܪܒܬܐ ܐܝܕܐ ܕܒܗ ܥܬܪܘ ܐܝܠܝܢ ܕܐܝܬ ܠܗܘܢ ܐܠܦܐ ܒܝܡܐ ܡܢ ܐܝܩܪܗ ܕܒܚܕܐ ܫܥܐ ܚܪܒܬ ܀
20Magalak ka tungkol sa kaniya, Oh langit, at kayong mga banal, at kayong mga apostol, at kayong mga propeta; sapagka't inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya.
20ܐܬܦܨܚܘ ܥܠܝܗ ܫܡܝܐ ܘܩܕܝܫܐ ܘܫܠܝܚܐ ܘܢܒܝܐ ܡܛܠ ܕܕܢ ܐܠܗܐ ܕܝܢܟܘܢ ܡܢܗ ܀
21At dinampot ng isang anghel na malakas ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat, na sinasabi, Gayon sa isang kakilakilabot na pagkahulog, igigiba ang Babilonia, ang dakilang bayan, at hindi na masusumpungan pa.
21ܘܫܩܠ ܚܕ ܡܢ ܡܠܐܟܐ ܚܝܠܬܢܐ ܟܐܦܐ ܪܒܬܐ ܐܝܟ ܪܚܝܐ ܘܐܪܡܝ ܒܝܡܐ ܘܐܡܪ ܗܟܢܐ ܒܚܐܦܐ ܬܫܬܕܐ ܒܒܝܠ ܡܕܝܢܬܐ ܪܒܬܐ ܘܠܐ ܬܫܟܚ ܬܘܒ ܀
22At ang tinig ng mga manunugtog ng alpa, at ng mga musiko at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng pakakak ay hindi na maririnig pa sa iyo; at wala nang manggagawa ng anomang gawa ay masusumpungan pa sa iyo; at ang ugong ng gilingan ay hindi na maririnig pa sa iyo;
22ܘܩܠܐ ܕܩܝܬܪܐ ܘܕܫܝܦܘܪܐ ܘܕܙܢܝ ܙܡܪܐ ܘܕܡܙܥܘܩܐ ܠܐ ܢܫܬܡܥ ܒܟܝ ܬܘܒ ܀
23At ang ilaw ng ilawan ay hindi na liliwanag pa sa iyo, at ang tinig ng kasintahang lalake at ng kasintahang babae ay hindi na maririnig pa sa iyo; sapagka't ang mga mangangalakal mo ay naging mga pangulo sa lupa; sapagka't dinaya ng iyong panggagaway ang lahat ng mga bansa.
23ܘܢܘܗܪܐ ܕܫܪܓܐ ܠܐ ܢܬܚܙܐ ܠܟܝ ܬܘܒ ܘܩܠܐ ܕܚܬܢܐ ܘܩܠܐ ܕܟܠܬܐ ܠܐ ܢܫܬܡܥ ܒܟܝ ܬܘܒ ܡܛܠ ܕܬܓܪܝܟܝ ܐܝܬ ܗܘܘ ܪܘܪܒܢܝܗ ܕܐܪܥܐ ܡܛܠ ܕܒܚܪܫܝܟܝ ܐܛܥܝܬܝ ܠܟܠܗܘܢ ܥܡܡܐ ܀
24At nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.
24ܘܒܗ ܐܫܬܟܚ ܕܡܐ ܕܢܒܝܐ ܘܩܕܝܫܐ ܕܩܛܝܠܝܢ ܥܠ ܐܪܥܐ ܀