Tagalog 1905

Syriac: NT

Revelation

21

1At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.
1ܘܚܙܝܬ ܫܡܝܐ ܚܕܬܬܐ ܘܐܪܥܐ ܚܕܬܐ ܫܡܝܐ ܓܝܪ ܩܕܡܝܬܐ ܘܐܪܥܐ ܩܕܡܝܬܐ ܐܙܠܘ ܘܝܡܐ ܠܝܬܘܗܝ ܬܘܒ ܀
2At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.
2ܘܠܡܕܝܢܬܐ ܩܕܝܫܬܐ ܐܘܪܫܠܡ ܚܕܬܐ ܚܙܝܬܗ ܕܢܚܬܐ ܡܢ ܫܡܝܐ ܡܢ ܨܝܕ ܐܠܗܐ ܕܡܛܝܒܐ ܐܝܟ ܟܠܬܐ ܡܨܒܬܬܐ ܠܒܥܠܗ ܀
3At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:
3ܘܫܡܥܬ ܩܠܐ ܪܒܐ ܡܢ ܫܡܝܐ ܕܐܡܪ ܗܐ ܡܫܪܝܐ ܕܐܠܗܐ ܥܡ ܒܢܝܢܫܐ ܘܫܪܐ ܥܡܗܘܢ ܘܗܢܘܢ ܥܡܐ ܕܝܠܗ ܢܗܘܘܢ ܘܗܘ ܐܠܗܐ ܥܡܗܘܢ ܘܢܗܘܐ ܠܗܘܢ ܐܠܗܐ ܀
4At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.
4ܘܗܘ ܢܠܚܐ ܟܠ ܕܡܥܐ ܡܢ ܥܝܢܝܗܘܢ ܘܡܘܬܐ ܠܐ ܢܗܘܐ ܡܟܝܠ ܘܠܐ ܐܒܠܐ ܘܠܐ ܪܘܒܐ ܘܠܐ ܟܐܒܐ ܬܘܒ ܢܗܘܐ ܥܠ ܐܦܝܗ ܀
5At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: sapagka't ang mga salitang ito ay tapat at tunay.
5ܘܐܙܠܬ ܘܐܡܪ ܠܝ ܕܝܬܒ ܥܠ ܟܘܪܤܝܐ ܗܐ ܚܕܬܐ ܥܒܕ ܐܢܐ ܟܠ ܘܐܡܪ ܠܝ ܟܬܘܒ ܗܠܝܢ ܡܠܐ ܡܗܝܡܢܬܐ ܘܫܪܝܪܬܐ ܐܝܬܝܗܝܢ ܀
6At sinabi niya sa akin, Nagawa na. Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay.
6ܘܐܡܪ ܠܝ ܗܘܝ ܐܢܐ ܐܠܦ ܘܐܢܐ ܬܘ ܪܝܫܝܬܐ ܘܫܘܠܡܐ ܠܕܨܗܐ ܐܢܐ ܐܬܠ ܡܢ ܥܝܢܐ ܕܡܝܐ ܚܝܐ ܡܓܢ ܀
7Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako'y magiging Dios niya, at siya'y magiging anak ko.
7ܘܕܙܟܐ ܗܘ ܢܐܪܬ ܗܠܝܢ ܘܐܗܘܐ ܠܗ ܐܠܗܐ ܘܢܗܘܐ ܠܝ ܒܪܐ ܀
8Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.
8ܠܩܢܘܛܬܢܐ ܕܝܢ ܘܠܐ ܡܗܝܡܢܐ ܘܥܘܠܐ ܘܡܤܝܒܐ ܘܩܛܘܠܐ ܘܚܪܫܐ ܘܙܢܝܐ ܘܦܠܚܝ ܦܬܟܪܐ ܘܟܠܗܘܢ ܕܓܠܐ ܡܢܬܗܘܢ ܒܝܡܬܐ ܝܩܕܬܐ ܕܢܘܪܐ ܘܟܒܪܝܬܐ ܐܝܕܐ ܕܐܝܬܝܗ ܡܘܬܐ ܬܢܝܢܐ ܀
9At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, na mga puno ng pitong huling salot; at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Halika, ipakikita ko sa iyo ang babaing kasintahan, ang asawa ng Cordero.
9ܘܐܬܐ ܚܕ ܡܢ ܫܒܥܐ ܡܠܐܟܝܢ ܐܝܠܝܢ ܕܐܝܬ ܥܠܝܗܘܢ ܫܒܥ ܙܒܘܪܝܢ ܕܡܠܝܢ ܫܒܥ ܡܚܘܬܐ ܐܚܪܝܬܐ ܘܡܠܠ ܥܡܝ ܠܡܐܡܪ ܬܐ ܐܚܘܝܟ ܠܟܠܬܐ ܐܢܬܬܗ ܕܐܡܪܐ ܀
10At dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang bayang banal na Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios,
10ܘܐܘܒܠܢܝ ܒܪܘܚ ܠܛܘܪܐ ܪܒܐ ܘܪܡܐ ܘܚܘܝܢܝ ܠܡܕܝܢܬܐ ܩܕܝܫܬܐ ܐܘܪܫܠܡ ܕܢܚܬܐ ܡܢ ܫܡܝܐ ܡܢ ܨܝܕ ܐܠܗܐ ܀
11Na may kaluwalhatian ng Dios: ang kaniyang ilaw ay katulad ng isang totoong mahalagang bato, na gaya ng batong jaspe, na malinaw na gaya ng salamin:
11ܘܐܝܬ ܠܗ ܬܫܒܘܚܬܐ ܕܐܠܗܐ ܘܢܘܗܪܗ ܐܝܟ ܕܡܘܬܐ ܕܟܐܦܐ ܝܩܝܪܬܐ ܐܝܟ ܝܫܦܗ ܐܝܟ ܕܘܡܝܐ ܕܩܪܘܤܛܠܘܤ ܀
12Na may isang malaki at mataas na kuta; na may labingdalawang pintuan, at sa mga pintuan ay labingdalawang anghel; at may mga pangalang nakasulat sa mga yaon, na siyang sa labingdalawang angkan ng mga anak ng Israel:
12ܘܐܝܬ ܠܗ ܫܘܪܐ ܪܒܐ ܘܪܡܐ ܘܐܝܬ ܠܗ ܬܪܥܐ ܬܪܥܤܪ ܘܥܠ ܬܪܥܐ ܡܠܐܟܐ ܬܪܥܤܪ ܘܫܡܗܝܗܘܢ ܟܬܝܒܐ ܐܝܠܝܢ ܕܐܝܬܝܗܘܢ ܫܡܗܐ ܕܬܪܥܤܪ ܫܒܛܐ ܕܐܝܤܪܝܠ ܀
13Sa silanganan ay may tatlong pintuan; at sa hilagaan ay may tatlong pintuan; at sa timugan ay may tatlong pintuan; at sa kalunuran ay may tatlong pintuan.
13ܡܢ ܡܕܢܚܐ ܬܪܥܐ ܬܠܬܐ ܘܡܢ ܓܪܒܝܐ ܬܪܥܐ ܬܠܬܐ ܘܡܢ ܬܝܡܢܐ ܬܪܥܐ ܬܠܬܐ ܘܡܢ ܡܥܪܒܐ ܬܪܥܐ ܬܠܬܐ ܀
14At ang kuta ng bayan ay may labingdalawang pinagsasaligan, at sa mga ito'y ang labingdalawang pangalan ng labingdalawang apostol ng Cordero.
14ܘܫܘܪܐ ܕܡܕܝܢܬܐ ܐܝܬ ܠܗ ܫܬܐܤܐ ܬܪܬܥܤܪܐ ܘܥܠܝܗܝܢ ܬܪܥܤܪ ܫܡܗܐ ܕܫܠܝܚܘܗܝ ܕܒܪܐ ܀
15At ang nakikipagusap sa akin ay may panukat na tambong ginto upang sukatin ang bayan, at ang mga pintuan nito, at ang kuta nito.
15ܘܗܘ ܕܡܡܠܠ ܗܘܐ ܥܡܝ ܐܝܬ ܗܘܐ ܥܠܘܗܝ ܩܢܝܐ ܕܡܫܘܚܬܐ ܕܕܗܒܐ ܠܡܡܫܚܗ ܠܡܕܝܢܬܐ ܘܠܫܘܪܗ ܀
16At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang: at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang libong estadio: ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat.
16ܘܡܕܝܢܬܐ ܡܪܒܥܐܝܬ ܤܝܡܐ ܘܐܘܪܟܗ ܐܝܟ ܦܬܝܗ ܘܡܫܚܗ ܠܡܕܝܢܬܐ ܒܩܢܝܐ ܥܠ ܬܪܥܤܪ ܐܠܦܝܢ ܐܤܛܕܘܬܐ ܐܘܪܟܗ ܘܦܬܝܗ ܘܪܘܡܗ ܫܘܝܢ ܐܢܘܢ ܀
17At sinukat niya ang kuta nito, ay isang daan at apat na pu't apat na siko, ayon sa sukat ng tao, sa makatuwid baga'y ng isang anghel.
17ܘܡܫܚܗ ܠܫܘܪܗ ܡܐܐ ܘܐܪܒܥܝܢ ܘܐܪܒܥ ܐܡܝܢ ܒܡܫܘܚܬܐ ܕܐܢܫܐ ܐܝܕܐ ܕܐܝܬܝܗ ܕܡܠܐܟܐ ܀
18At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe: at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog.
18ܘܕܘܡܤܐ ܕܫܘܪܗ ܝܫܦܗ ܘܡܕܝܢܬܐ ܕܕܗܒܐ ܕܟܝܐ ܒܕܡܘܬܐ ܕܙܓܘܓܝܬܐ ܕܟܝܬܐ ܀
19Ang mga pinagsasaligan ng kuta ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe; ang ikalawa ay zafiro; ang ikatlo ay calcedonia; ang ikaapat ay esmeralda;
19ܘܫܬܐܤܐ ܕܫܘܪܐ ܕܡܕܝܢܬܐ ܒܟܐܦܐ ܝܩܝܪܬܐ ܡܨܒܬܢ ܘܫܬܐܤܬܐ ܩܕܡܝܬܐ ܝܫܦܗ ܘܕܬܪܬܝܢ ܤܦܝܠܐ ܘܕܬܠܬ ܩܪܟܕܢܐ ܘܕܐܪܒܥ ܙܡܪܓܕܐ ܀
20Ang ikalima ay sardonica; ang ikaanim ay sardio; ang ikapito ay crisolito; ang ikawalo ay berilo; ang ikasiyam ay topacio; ang ikasangpu ay crisopasio; ang ikalabingisa ay jacinto; ang ikalabingdalawa ay amatista.
20ܘܕܚܡܫ ܤܪܕܘܢ ܘܛܦܪܐ ܘܕܫܬ ܤܪܕܘܢ ܘܕܫܒܥ ܟܐܦ ܕܗܒܐ ܘܕܬܡܢܐ ܒܪܘܠܐ ܘܕܬܫܥ ܛܘܦܢܕܝܘܢ ܘܕܥܤܪ ܟܪܘܤܦܪܤܐ ܕܚܕܥܤܪܐ ܝܘܟܢܬܘܤ ܕܬܪܬܥܤܪܐ ܐܡܘܬܤܤ ܀
21At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang perlas; at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog.
21ܘܬܪܥܤܪ ܬܪܥܐ ܘܬܪܬܥܤܪܐ ܡܪܓܢܝܬܐ ܚܕܐ ܠܚܕܐ ܘܟܠܚܕ ܡܢ ܬܪܥܐ ܐܝܬ ܗܘܐ ܡܢ ܚܕܐ ܡܪܓܢܝܬܐ ܘܫܘܩܐ ܕܝܢ ܕܡܕܝܢܬܐ ܕܕܗܒܐ ܕܟܝܐ ܐܝܟ ܙܓܘܓܝܬܐ ܐܝܬ ܒܗ ܀
22At hindi ako nakakita ng templo doon: sapagka't ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon.
22ܘܗܝܟܠܐ ܠܐ ܚܙܝܬ ܒܗ ܡܪܝܐ ܓܝܪ ܐܠܗܐ ܐܚܝܕ ܟܠ ܗܘ ܐܝܬܘܗܝ ܗܝܟܠܗ ܀
23At ang bayan ay hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiwanag sa kaniya: sapagka't nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios, at ang ilaw doon ay ang Cordero.
23ܘܠܐܡܪܐ ܘܠܡܕܝܢܬܐ ܠܐ ܡܬܒܥܐ ܫܡܫܐ ܘܠܐ ܤܗܪܐ ܕܢܢܗܪܘܢ ܠܗ ܬܫܒܘܚܬܗ ܓܝܪ ܕܐܠܗܐ ܐܢܗܪܬܗ ܘܫܪܓܗ ܐܝܬܘܗܝ ܐܡܪܐ ܀
24At ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito: at ang mga hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon.
24ܘܡܗܠܟܝܢ ܥܡܡܐ ܒܢܘܗܪܗ ܘܡܠܟܐ ܕܐܪܥܐ ܡܝܬܝܢ ܠܗ ܬܫܒܘܚܬܐ ܀
25At ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa araw (sapagka't hindi magkakaroon doon ng gabi):
25ܘܬܪܥܝܗ ܠܐ ܢܬܬܚܕܘܢ ܒܐܝܡܡܐ ܠܠܝܐ ܓܝܪ ܠܐ ܢܗܘܐ ܬܡܢ ܀
26At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa:
26ܘܢܝܬܘܢ ܠܗ ܬܫܒܘܚܬܐ ܘܐܝܩܪܐ ܕܥܡܡܐ ܀
27At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero.
27ܘܠܐ ܢܗܘܐ ܬܡܢ ܟܠ ܛܡܐ ܘܕܥܒܕ ܡܤܝܒܘܬܐ ܘܕܓܠܘܬܐ ܐܠܐ ܐܢ ܐܝܠܝܢ ܕܟܬܝܒܢ ܒܟܬܒܗ ܕܐܡܪܐ ܀