Tagalog 1905

Syriac: NT

Revelation

22

1At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero,
1ܘܚܘܝܢܝ ܢܗܪܐ ܕܡܝܐ ܚܝܐ ܕܟܝܐ ܐܦ ܢܗܝܪܐ ܐܝܟ ܓܠܝܕܐ ܘܢܦܩ ܡܢ ܟܘܪܤܝܗ ܕܐܠܗܐ ܘܕܐܡܪܐ ܀
2Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa.
2ܘܡܨܥܬ ܫܘܩܝܗ ܡܟܐ ܘܡܟܐ ܥܠ ܢܗܪܐ ܩܝܤܐ ܕܚܝܐ ܕܥܒܕ ܦܐܪܐ ܬܪܥܤܪ ܘܒܟܠ ܝܪܚ ܝܗܒ ܦܐܪܘܗܝ ܘܛܪܦܘܗܝ ܠܐܤܝܘܬܐ ܕܥܡܡܐ ܀
3At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya'y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin;
3ܘܟܠ ܚܪܡܐ ܠܐ ܢܗܘܐ ܬܡܢ ܘܟܘܪܤܝܗ ܕܐܠܗܐ ܘܕܐܡܪܐ ܒܗ ܢܗܘܐ ܘܥܒܕܘܗܝ ܢܫܡܫܘܢܝܗܝ ܀
4At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo.
4ܘܢܚܙܘܢ ܐܦܘܗܝ ܘܫܡܗ ܥܠ ܒܝܬ ܥܝܢܝܗܘܢ ܀
5At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man.
5ܘܠܠܝܐ ܠܐ ܢܗܘܐ ܬܡܢ ܘܠܐ ܢܬܒܥܐ ܠܗܘܢ ܢܘܗܪܐ ܘܫܪܓܐ ܘܢܘܗܪܗ ܕܫܡܫܐ ܡܛܠ ܕܡܪܝܐ ܐܠܗܐ ܡܢܗܪ ܠܗܘܢ ܘܡܠܟܗܘܢ ܠܥܠܡ ܥܠܡܝܢ ܀
6At sinabi niya sa akin, Ang mga salitang ito'y tapat at tunay, at ang Panginoon, ang Dios ng mga espiritu ng mga propeta, ay nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita sa kaniyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari madali.
6ܘܐܡܪ ܠܝ ܗܠܝܢ ܡܠܐ ܡܗܝܡܢܢ ܘܫܪܝܪܢ ܘܡܪܝܐ ܐܠܗܐ ܕܪܘܚܬܐ ܕܢܒܝܐ ܩܕܝܫܐ ܫܕܪ ܠܡܠܐܟܗ ܠܡܚܘܝܘ ܠܥܒܕܘܗܝ ܡܐ ܕܝܗܝܒ ܠܡܗܘܐ ܒܥܓܠ ܀
7At narito, ako'y madaling pumaparito. Mapalad ang tumutupad ng mga salita ng hula ng aklat na ito.
7ܘܗܐ ܐܬܐ ܐܢܐ ܒܥܓܠ ܛܘܒܘܗܝ ܠܡܢ ܕܢܛܪ ܡܠܐ ܕܢܒܝܘܬܐ ܕܟܬܒܐ ܗܢܐ ܀
8At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.
8ܐܢܐ ܝܘܚܢܢ ܕܚܙܐ ܘܫܡܥ ܗܠܝܢ ܘܟܕ ܚܙܝܬ ܘܫܡܥܬ ܢܦܠܬ ܠܡܤܓܕ ܩܕܡ ܪܓܠܘܗܝ ܕܡܠܐܟܐ ܕܡܚܘܐ ܠܝ ܗܠܝܢ ܀
9At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.
9ܘܐܡܪ ܠܝ ܚܙܝ ܠܐ ܟܢܬܟ ܐܝܬܝ ܘܕܐܚܝܟ ܢܒܝܐ ܘܕܐܝܠܝܢ ܕܢܛܪܝܢ ܗܠܝܢ ܡܠܐ ܕܟܬܒܐ ܗܢܐ ܠܐܠܗܐ ܤܓܘܕ ܀
10At sinasabi niya sa akin, Huwag mong tatakan ang mga salita ng hula ng aklat na ito; sapagka't malapit na ang panahon.
10ܘܐܡܪ ܠܝ ܠܐ ܬܚܬܘܡ ܡܠܐ ܕܢܒܝܘܬܐ ܕܟܬܒܐ ܗܢܐ ܙܒܢܐ ܓܝܪ ܩܪܒ ܀
11Ang liko, ay magpakaliko pa: at ang marumi, ay magpakarumi pa: at ang matuwid, ay magpakatuwid pa: at ang banal, ay magpakabanal pa.
11ܘܕܡܥܘܠ ܬܘܒ ܢܥܘܠ ܘܕܨܥ ܬܘܒ ܢܨܛܥܨܥ ܘܙܕܝܩܐ ܬܘܒ ܢܥܒܕ ܙܕܝܩܘܬܐ ܘܩܕܝܫܐ ܬܘܒ ܢܬܩܕܫ ܀
12Narito, ako'y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa't isa ayon sa kaniyang gawa.
12ܗܐ ܐܬܐ ܐܢܐ ܡܚܕܐ ܘܐܓܪܝ ܥܡܝ ܘܐܬܠ ܠܟܠܢܫ ܐܝܟ ܥܒܕܗ ܀
13Ako ang Alpha at ang Omega, at ang una at ang huli, ang pasimula at ang wakas.
13ܐܢܐ ܐܠܦ ܘܐܢܐ ܬܘ ܩܕܡܝܐ ܘܐܚܪܝܐ ܘܫܘܪܝܐ ܘܫܘܠܡܐ ܀
14Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.
14ܛܘܒܝܗܘܢ ܠܕܥܒܕܝܢ ܦܘܩܕܢܘܗܝ ܢܗܘܐ ܫܘܠܛܢܗܘܢ ܥܠ ܩܝܤܐ ܕܚܝܐ ܘܒܬܪܥܐ ܢܥܠܘܢ ܠܡܕܝܢܬܐ ܀
15Nangasa labas ang mga aso, at ang mga manggagaway, at ang mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa diosdiosan, at ang bawa't nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan.
15ܘܙܢܝܐ ܘܩܛܘܠܐ ܘܦܠܚܝ ܦܬܟܪܐ ܠܒܪ ܘܛܡܐܐ ܘܚܪܫܐ ܘܟܠ ܚܙܝܝ ܘܥܒܕܝ ܕܓܠܘܬܐ ܀
16Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.
16ܐܢܐ ܝܫܘܥ ܫܕܪܬ ܠܡܠܐܟܝ ܕܢܤܗܕ ܒܟܘܢ ܗܠܝܢ ܩܕܡ ܥܕܬܐ ܐܢܐ ܐܢܐ ܥܩܪܐ ܘܫܪܒܬܗ ܕܕܘܝܕ ܘܥܡܗ ܘܟܘܟܒ ܨܦܪܐ ܢܗܝܪܐ ܀
17At ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika. At ang nauuhaw, ay pumarito: ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.
17ܘܪܘܚܐ ܘܟܠܬܐ ܐܡܪܝܢ ܬܐ ܘܕܫܡܥ ܢܐܡܪ ܬܐ ܘܕܨܗܐ ܢܐܬܐ ܘܢܤܒ ܡܝܐ ܚܝܐ ܡܓܢ ܀
18Aking sinasaksihan sa bawa't taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito:
18ܡܤܗܕ ܐܢܐ ܠܟܠ ܕܫܡܥ ܡܠܬܐ ܕܢܒܝܘܬܐ ܕܟܬܒܐ ܗܢܐ ܕܐܝܢܐ ܕܢܤܝܡ ܥܠܝܗܝܢ ܢܤܝܡ ܥܠܘܗܝ ܐܠܗܐ ܡܚܘܬܐ ܕܟܬܝܒܢ ܒܟܬܒܐ ܗܢܐ ܀
19At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.
19ܘܐܝܢܐ ܕܡܒܨܪ ܡܢ ܡܠܐ ܕܟܬܒܐ ܕܢܒܝܘܬܐ ܗܕܐ ܢܒܨܪ ܐܠܗܐ ܡܢܬܗ ܡܢ ܩܝܤܐ ܕܚܝܐ ܘܡܢ ܡܕܝܢܬܐ ܩܕܝܫܬܐ ܐܝܠܝܢ ܕܟܬܝܒܢ ܒܟܬܒܐ ܗܢܐ ܀
20Ang sumasaksi sa mga bagay na ito ay nagsasabi, Oo: ako'y madaling pumaparito. Siya nawa: pumarito ka Panginoong Jesus.
20ܐܡܪ ܟܕ ܡܤܗܕ ܗܠܝܢ ܐܝܢ ܐܬܐ ܐܢܐ ܒܥܓܠ ܬܐ ܡܪܝܐ ܝܫܘܥ ܀
21Ang biyaya ng Panginoong Jesus ay mapasa mga banal nawa. Siya nawa.
21