Tagalog 1905

Syriac: NT

Revelation

5

1At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.
1ܘܚܙܝܬ ܥܠ ܝܡܝܢܗ ܕܗܘ ܕܝܬܒ ܥܠ ܟܘܪܤܝܐ ܟܬܒܐ ܕܪܫܝܡ ܡܢ ܠܓܘ ܘܡܢ ܠܒܪ ܘܛܒܝܥ ܛܒܥܐ ܫܒܥܐ ܀
2At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito?
2ܘܚܙܝܬ ܐܚܪܢܐ ܡܠܐܟܐ ܚܝܠܬܢܐ ܕܡܟܪܙ ܒܩܠܐ ܪܡܐ ܡܢ ܫܘܐ ܠܡܦܬܚ ܟܬܒܐ ܘܠܡܫܪܐ ܛܒܥܘܗܝ ܀
3At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man.
3ܘܠܝܬ ܕܐܬܡܨܝ ܒܫܡܝܐ ܘܠܐ ܒܐܪܥܐ ܘܠܐ ܕܠܬܚܬ ܡܢ ܐܪܥܐ ܠܡܦܬܚ ܠܟܬܒܐ ܘܠܡܫܪܐ ܛܒܥܘܗܝ ܘܠܡܚܙܝܗ ܀
4At ako'y umiyak na mainam, sapagka't hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man:
4ܘܒܟܐ ܗܘܝܬ ܤܓܝ ܡܛܠ ܕܠܝܬ ܕܐܫܬܟܚ ܕܫܘܐ ܠܡܦܬܚ ܠܟܬܒܐ ܘܠܡܫܪܐ ܛܒܥܘܗܝ ܀
5At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.
5ܘܚܕ ܡܢ ܩܫܝܫܐ ܐܡܪ ܠܝ ܠܐ ܬܒܟܐ ܗܐ ܙܟܐ ܐܪܝܐ ܡܢ ܫܒܛܐ ܕܝܗܘܕܐ ܥܩܪܐ ܕܕܘܝܕ ܢܦܬܚ ܟܬܒܐ ܘܛܒܥܘܗܝ ܀
6At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa.
6ܘܚܙܝܬ ܒܡܨܥܬ ܟܘܪܤܝܐ ܘܕܐܪܒܥ ܚܝܘܢ ܘܕܩܫܝܫܐ ܐܡܪܐ ܕܩܐܡ ܐܝܟ ܢܟܝܤܐ ܘܐܝܬ ܠܗ ܩܪܢܬܐ ܫܒܥ ܘܥܝܢܐ ܫܒܥ ܐܝܠܝܢ ܕܐܝܬܝܗܝܢ ܫܒܥ ܪܘܚܐ ܕܐܠܗܐ ܕܡܫܬܕܪܢ ܠܟܠܗ ܐܪܥܐ ܀
7At siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan.
7ܘܐܬܐ ܘܢܤܒ ܟܬܒܐ ܡܢ ܐܝܕܗ ܕܗܘ ܕܝܬܒ ܥܠ ܟܘܪܤܝܐ ܀
8At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.
8ܘܟܕ ܫܩܠܗ ܠܟܬܒܐ ܐܪܒܥ ܚܝܘܢ ܘܥܤܪܝܢ ܘܐܪܒܥܐ ܩܫܝܫܝܢ ܢܦܠܘ ܩܕܡܘܗܝ ܕܐܡܪܐ ܟܕ ܐܝܬ ܠܟܠܚܕ ܚܕ ܡܢܗܘܢ ܩܝܬܪܐ ܘܙܒܘܪܐ ܕܕܗܒܐ ܕܡܠܝܐ ܒܤܡܐ ܐܝܠܝܢ ܕܐܝܬܝܗܝܢ ܨܠܘܬܐ ܕܩܕܝܫܐ ܀
9At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.
9ܕܡܫܒܚܝܢ ܬܫܒܘܚܬܐ ܚܕܬܐ ܘܐܡܪܝܢ ܫܘܝܬ ܗܘ ܠܡܤܒܝܘܗܝ ܠܟܬܒܐ ܘܠܡܫܪܐ ܛܒܥܘܗܝ ܥܠ ܕܐܬܢܟܤܬ ܘܙܒܢܬܢ ܒܕܡܟ ܠܐܠܗܐ ܡܢ ܟܠ ܫܪܒܬܐ ܘܥܡܡܐ ܘܐܡܘܬܐ ܀
10At sila'y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.
10ܘܥܒܕܬ ܐܢܘܢ ܠܐܠܗܢ ܡܠܟܘܬܐ ܘܟܗܢܐ ܘܡܠܟܐ ܘܢܡܠܟܘܢ ܥܠ ܐܪܥܐ ܀
11At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo;
11ܘܚܙܝܬ ܘܫܡܥܬ ܐܝܟ ܩܠܐ ܕܡܠܐܟܐ ܤܓܝܐܐ ܚܕܪܝ ܟܘܪܤܝܐ ܘܕܚܝܘܬܐ ܘܕܩܫܝܫܐ ܘܐܝܬܘܗܝ ܗܘܐ ܡܢܝܢܗܘܢ ܪܒܘ ܪܒܘܢ ܘܐܠܦ ܐܠܦܝܢ ܀
12Na nangagsasabi ng malakas na tinig, Karapatdapat ang Cordero na pinatay upang tumanggap ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala.
12ܘܐܡܪܝܢ ܒܩܠܐ ܪܡܐ ܫܘܝܬ ܗܘ ܐܡܪܐ ܢܟܝܤܐ ܠܡܤܒ ܚܝܠܐ ܘܥܘܬܪܐ ܘܚܟܡܬܐ ܘܥܘܫܢܐ ܘܐܝܩܪܐ ܘܬܫܒܘܚܬܐ ܘܒܘܪܟܬܐ ܀
13At ang bawa't bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi, Sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man.
13ܘܟܠ ܒܪܝܬܐ ܕܒܫܡܝܐ ܘܒܐܪܥܐ ܘܕܠܬܚܬ ܡܢ ܐܪܥܐ ܘܕܒܝܡܐ ܐܝܬܝܗ ܘܟܠ ܕܒܗܘܢ ܘܫܡܥܬ ܕܐܡܪܝܢ ܠܕܝܬܒ ܥܠ ܟܘܪܤܝܐ ܘܠܐܡܪܐ ܕܒܘܪܟܬܐ ܘܐܝܩܪܐ ܘܬܫܒܘܚܬܐ ܘܐܘܚܕܢܐ ܠܥܠܡ ܥܠܡܝܢ ܀
14At ang apat na nilalang na buhay ay nagsabi, Siya nawa. At ang matatanda ay nangagpatirapa at nangagsisamba.
14ܘܐܪܒܥ ܚܝܘܢ ܕܐܡܪܢ ܐܡܝܢ ܘܩܫܝܫܐ ܢܦܠܘ ܘܤܓܕܘ ܀