Tagalog 1905

Syriac: NT

Revelation

6

1At nakita ko nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay, na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog, Halika.
1ܘܚܙܝܬ ܟܕ ܦܬܚ ܐܡܪܐ ܚܕ ܡܢ ܫܒܥܐ ܛܒܥܝܢ ܘܫܡܥܬ ܠܚܕܐ ܡܢ ܐܪܒܥ ܚܝܘܢ ܕܐܡܪܐ ܐܝܟ ܩܠܐ ܕܪܥܡܐ ܬܐ ܘܚܙܝ ܀
2At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog; at binigyan siya ng isang putong: at siya'y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay.
2ܘܫܡܥܬ ܘܚܙܝܬ ܘܗܐ ܤܘܤܝܐ ܚܘܪܐ ܘܕܝܬܒ ܥܠܘܗܝ ܐܝܬ ܠܗ ܩܫܬܐ ܘܐܬܝܗܒ ܠܗ ܟܠܝܠܐ ܘܢܦܩ ܙܟܝ ܘܙܟܐ ܘܕܢܙܟܐ ܀
3At nang buksan niya ang ikalawang tatak, ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay, na sinasabi, Halika.
3ܘܟܕ ܦܬܚ ܛܒܥܐ ܕܬܪܝܢ ܫܡܥܬ ܠܚܝܘܬܐ ܕܬܪܬܝܢ ܕܐܡܪܐ ܬܐ ܀
4At may lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa't isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak.
4ܘܢܦܩ ܤܘܤܝܐ ܤܘܡܩܐ ܘܠܕܝܬܒ ܥܠܘܗܝ ܐܬܝܗܒ ܠܗ ܠܡܤܒ ܫܠܡܐ ܡܢ ܐܪܥܐ ܕܠܚܕܕܐ ܢܢܟܤܘܢ ܘܐܬܝܗܒܬ ܠܗ ܚܪܒܐ ܪܒܬܐ ܀
5At nang buksan niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay.
5ܘܟܕ ܐܬܦܬܚ ܛܒܥܐ ܕܬܠܬܐ ܫܡܥܬ ܠܚܝܘܬܐ ܕܬܠܬ ܕܐܡܪܐ ܬܐ ܘܗܐ ܤܘܤܝܐ ܐܘܟܡܐ ܘܕܝܬܒ ܥܠܘܗܝ ܐܝܬ ܡܐܤܬܐ ܒܐܝܕܗ ܀
6At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada; at huwag mong ipahamak ang langis at ang alak.
6ܘܫܡܥܬ ܩܠܐ ܡܢ ܒܝܬ ܚܝܘܬܐ ܕܐܡܪ ܩܒܐ ܕܚܛܐ ܒܕܝܢܪܐ ܘܬܠܬܐ ܩܒܝܢ ܕܤܥܪܐ ܒܕܝܢܪܐ ܘܠܚܡܪܐ ܘܠܡܫܚܐ ܠܐ ܬܗܪ ܀
7At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika.
7ܘܟܕ ܦܬܚ ܛܒܥܐ ܕܐܪܒܥܐ ܫܡܥܬ ܩܠܐ ܕܚܝܘܬܐ ܕܐܡܪܐ ܬܐ ܀
8At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.
8ܘܚܙܝܬ ܤܘܤܝܐ ܝܘܪܩܐ ܘܫܡܗ ܕܗܘ ܕܝܬܒ ܥܠܘܗܝ ܡܘܬܐ ܘܫܝܘܠ ܢܩܝܦܐ ܠܗ ܘܐܬܝܗܒ ܠܗ ܫܘܠܛܢܐ ܥܠ ܪܘܒܥܗ ܕܐܪܥܐ ܕܢܩܛܠ ܒܚܪܒܐ ܘܒܟܦܢܐ ܘܒܡܘܬܐ ܘܒܚܝܘܬܐ ܕܐܪܥܐ ܀
9At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila:
9ܘܟܕ ܦܬܚ ܠܛܒܥܐ ܕܚܡܫܐ ܚܙܝܬ ܠܬܚܬ ܡܢ ܡܕܒܚܐ ܠܢܦܫܬܐ ܕܐܬܩܛܠ ܡܛܠ ܡܠܬܐ ܕܐܠܗܐ ܘܡܛܠ ܤܗܕܘܬܐ ܕܝܫܘܥ ܗܝ ܕܐܝܬ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܀
10At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa?
10ܘܩܥܘ ܒܩܠܐ ܪܒܐ ܘܐܡܪܝܢ ܥܕܡܐ ܠܐܡܬܝ ܡܪܝܐ ܩܕܝܫܐ ܘܫܪܝܪܐ ܠܐ ܕܝܢܬ ܘܬܒܥܬ ܕܡܢ ܡܢ ܥܡܘܪܝܗ ܕܐܪܥܐ ܀
11At binigyan ang bawa't isa sa kanila ng isang maputing balabal; at sa kanila'y sinabi, na mangagpahinga pa ng kaunting panahon, hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid, na mga papatayin namang gaya nila.
11ܘܐܬܝܗܒܬ ܠܟܠܚܕ ܚܕ ܡܢܗܘܢ ܐܤܛܠܐ ܚܘܪܬܐ ܘܐܬܐܡܪ ܕܢܬܬܢܝܚܘܢ ܥܕ ܥܕܢ ܙܒܢ ܙܥܘܪ ܥܕܡܐ ܕܡܫܬܡܠܝܢ ܐܦ ܟܢܘܬܗܘܢ ܘܐܚܝܗܘܢ ܐܝܠܝܢ ܕܥܬܝܕܝܢ ܠܡܬܩܛܠܘ ܐܝܟ ܕܐܦ ܗܢܘܢ ܀
12At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo;
12ܘܚܙܝܬ ܟܕ ܦܬܚ ܛܒܥܐ ܕܫܬܐ ܘܢܘܕܐ ܪܒܐ ܗܘܐ ܘܫܡܫܐ ܐܝܟ ܤܩܐ ܕܤܥܪܐ ܐܘܟܡ ܗܘܐ ܘܤܗܪܐ ܟܠܗ ܗܘܐ ܠܗ ܐܝܟ ܕܡܐ ܀
13At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin.
13ܘܟܘܟܒܐ ܕܫܡܝܐ ܢܦܠܘ ܥܠ ܐܪܥܐ ܐܝܟ ܬܬܐ ܕܫܕܝܐ ܦܩܘܥܝܗ ܡܢ ܪܘܚܐ ܥܫܝܢܬܐ ܡܐ ܕܡܬܬܙܝܥܐ ܀
14At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan.
14ܘܫܡܝܐ ܐܬܦܪܫ ܘܐܝܟ ܟܬܒܐ ܐܬܟܪܟܘ ܘܟܠ ܛܘܪ ܘܟܠ ܓܙܪܬܐ ܡܢ ܕܘܟܬܗܘܢ ܐܬܬܙܝܥܘ ܀
15At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok;
15ܘܡܠܟܐ ܕܐܪܥܐ ܘܪܘܪܒܢܐ ܘܪܝܫܝ ܐܠܦܐ ܘܥܬܝܪܐ ܘܚܝܠܘܬܐ ܘܟܠ ܥܒܕܐ ܘܒܢܝ ܚܐܪܐ ܛܫܝܘ ܢܦܫܗܘܢ ܒܡܥܪܐ ܘܒܫܘܥܐ ܕܛܘܪܐ ܀
16At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero:
16ܘܐܡܪܝܢ ܠܛܘܪܐ ܘܫܘܥܐ ܕܦܠܘ ܥܠܝܢ ܘܛܫܘ ܠܢ ܡܢ ܩܕܡ ܐܦܘܗܝ ܕܐܡܪܐ ܀
17Sapagka't dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?
17ܡܛܠ ܕܐܬܐ ܝܘܡܐ ܪܒܐ ܕܪܘܓܙܗܘܢ ܘܡܢܘ ܡܫܟܚ ܠܡܩܡ ܀