1At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.
1ܘܡܢ ܒܬܪ ܗܕܐ ܚܙܝܬ ܐܪܒܥܐ ܡܠܐܟܝܢ ܩܝܡܝܢ ܥܠ ܐܪܒܥ ܙܘܝܬܗ ܕܐܪܥܐ ܘܐܚܝܕܝܢ ܠܐܪܒܥܬ ܪܘܚܐ ܕܠܐ ܢܫܒ ܪܘܚܐ ܥܠ ܐܪܥܐ ܘܠܐ ܥܠ ܝܡܐ ܘܠܐ ܥܠ ܟܠ ܐܝܠܢ ܀
2At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat,
2ܘܚܙܝܬ ܐܚܪܢܐ ܡܠܐܟܐ ܕܤܠܩ ܡܢ ܡܕܢܚܝ ܫܡܫܐ ܘܐܝܬ ܠܗ ܚܬܡܐ ܕܐܠܗܐ ܚܝܐ ܘܩܥܐ ܒܩܠܐ ܪܡܐ ܠܐܪܒܥܐ ܡܠܐܟܐ ܗܢܘܢ ܕܐܬܝܗܒ ܠܗܘܢ ܕܢܗܪܘܢ ܠܐܪܥܐ ܘܠܝܡܐ ܀
3Na nagsasabi, Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.
3ܘܐܡܪ ܠܐ ܬܗܪܘܢ ܠܐܪܥܐ ܘܠܐ ܠܝܡܐ ܘܐܦܠܐ ܠܐܝܠܢܐ ܥܕܡܐ ܕܢܚܬܘܡ ܠܥܒܕܘܗܝ ܕܐܠܗܐ ܒܝܬ ܥܝܢܝܗܘܢ ܀
4At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na isang daan at apat na pu't apat na libo, na natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel:
4ܘܫܡܥܬ ܡܢܝܢܐ ܕܚܬܝܡܐ ܡܐܐ ܘܐܪܒܥܝܢ ܘܐܪܒܥܐ ܐܠܦܝܢ ܡܢ ܟܠ ܫܪܒܢ ܕܐܝܤܪܐܝܠ ܀
5Sa angkan ni Juda ay labingdalawang libo ang tinatakan; Sa angkan ni Ruben ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Gad ay labingdalawang libo;
5ܡܢ ܫܪܒܬܗ ܕܝܗܘܕܐ ܬܪܥܤܪ ܐܠܦܝܢ ܡܢ ܫܪܒܬܗ ܕܪܘܒܝܠ ܬܪܥܤܪ ܐܠܦܝܢ ܡܢ ܫܪܒܬܗ ܕܓܕ ܬܪܥܤܪ ܐܠܦܝܢ ܀
6Sa angkan ni Aser ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Neftali ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Manases ay labingdalawang libo;
6ܡܢ ܫܪܒܬܗ ܕܐܫܝܪ ܬܪܥܤܪ ܐܠܦܝܢ ܡܢ ܫܪܒܬܗ ܕܢܦܬܠܝ ܬܪܥܤܪ ܐܠܦܝܢ ܡܢ ܫܪܒܬܗ ܕܡܢܫܐ ܬܪܥܤܪ ܐܠܦܝܢ ܀
7Sa angkan ni Simeon ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Levi ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Isacar ay labingdalawang libo;
7ܡܢ ܫܪܒܬܗ ܕܫܡܥܘܢ ܬܪܥܤܪ ܐܠܦܝܢ ܡܢ ܫܪܒܬܗ ܕܐܝܤܟܪ ܬܪܥܤܪ ܐܠܦܝܢ ܡܢ ܫܪܒܬܗ ܕܠܘܝ ܬܪܥܤܪ ܐܠܦܝܢ ܀
8Sa angkan ni Zabulon ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Jose ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Benjamin ay labingdalawang libo ang tinatakan.
8ܡܢ ܫܪܒܬܗ ܕܙܒܘܠܘܢ ܬܪܥܤܪ ܐܠܦܝܢ ܡܢ ܫܪܒܬܗ ܕܝܘܤܦ ܬܪܥܤܪ ܐܠܦܝܢ ܡܢ ܫܪܒܬܗ ܕܒܢܝܡܝܢ ܬܪܥܤܪ ܐܠܦܝܢ ܚܬܝܡܐ ܀
9Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay;
9ܒܬܪܟܢ ܚܙܝܬ ܟܢܫܐ ܤܓܝܐܐ ܐܝܢܐ ܕܠܡܢܝܢܗ ܠܝܬ ܕܡܨܐ ܗܘܐ ܡܢ ܟܠ ܥܡ ܘܫܪܒܐ ܘܐܡܘܢ ܘܠܫܢܝܢ ܕܩܝܡܝܢ ܩܕܡ ܟܘܪܤܝܐ ܘܩܕܡܘܗܝ ܕܐܡܪܐ ܘܡܥܛܦܝܢ ܐܤܛܠܐ ܚܘܪܬܐ ܘܒܐܝܕܝܗܘܢ ܕܩܠܐ ܀
10At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi, Ang pagliligtas ay sumaaming Dios na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero.
10ܘܩܥܝܢ ܒܩܠܐ ܪܒܐ ܘܐܡܪܝܢ ܦܘܪܩܢܐ ܠܐܠܗܢ ܘܠܕܝܬܒ ܥܠ ܟܘܪܤܝܐ ܘܠܐܡܪܐ ܀
11At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay; at sila'y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan, at nangagsisamba sa Dios,
11ܘܟܠܗܘܢ ܡܠܐܟܐ ܩܝܡܝܢ ܗܘܘ ܚܕܪܘܗܝ ܕܟܘܪܤܝܐ ܘܕܩܫܝܫܐ ܘܕܐܪܒܥ ܚܝܘܢ ܘܢܦܠܘ ܩܕܡ ܟܘܪܤܝܐ ܥܠ ܐܦܝܗܘܢ ܀
12Na nangagsasabi, Siya nawa: Pagpapala at kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man. Siya nawa.
12ܟܕ ܐܡܪܝܢ ܐܡܝܢ ܬܫܒܘܚܬܐ ܘܒܘܪܟܬܐ ܘܚܟܡܬܐ ܘܩܘܒܠ ܛܝܒܘܬܐ ܘܐܝܩܪܐ ܘܚܝܠܐ ܘܥܘܫܢܐ ܠܐܠܗܢ ܠܥܠܡ ܥܠܡܝܢ ܐܡܝܢ ܀
13At sumagot ang isa sa matatanda na, nagsasabi sa akin, Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit, ay sino-sino at saan nagsipanggaling?
13ܘܥܢܐ ܚܕ ܡܢ ܩܫܝܫܐ ܘܐܡܪ ܠܝ ܗܠܝܢ ܕܥܛܝܦܝܢ ܐܤܛܠܐ ܚܘܪܬܐ ܡܢ ܐܢܘܢ ܘܡܢ ܐܝܟܐ ܐܬܘ ܀
14At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.
14ܘܐܡܪܬ ܠܗ ܡܪܝ ܐܢܬ ܝܕܥ ܐܢܬ ܘܐܡܪ ܠܝ ܗܠܝܢ ܐܢܘܢ ܐܝܠܝܢ ܕܐܬܘ ܡܢ ܐܘܠܨܢܐ ܪܒܐ ܘܚܠܠܘ ܐܤܛܠܝܗܘܢ ܘܚܘܪܘ ܐܢܝܢ ܒܕܡܐ ܕܐܡܪܐ ܀
15Kaya't sila'y nasa harapan ng luklukan ng Dios; at nangaglilingkod sa kaniya araw at gabi sa kaniyang templo: at siyang nakaupo sa luklukan, ay lulukuban sila ng kaniyang tabernakulo.
15ܡܛܠ ܗܢܐ ܐܝܬܝܗܘܢ ܩܕܡ ܟܘܪܤܝܐ ܕܐܠܗܐ ܘܡܫܡܫܝܢ ܠܗ ܐܝܡܡܐ ܘܠܠܝܐ ܒܗܝܟܠܗ ܘܕܝܬܒ ܥܠ ܟܘܪܤܝܐ ܢܓܢ ܥܠܝܗܘܢ ܀
16Sila'y hindi na magugutom pa, ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init:
16ܠܐ ܢܟܦܢܘܢ ܘܠܐ ܢܨܗܘܢ ܘܫܡܫܐ ܥܠܝܗܘܢ ܠܐ ܢܦܠ ܘܠܐ ܟܠ ܫܘܒܐ ܀
17Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging pastor nila, at sila'y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at papahirin ng Dios ang bawa't luha ng kanilang mga mata.
17ܡܛܠ ܕܐܡܪܐ ܕܒܡܨܥܬ ܟܘܪܤܝܐ ܢܪܥܐ ܐܢܘܢ ܘܢܫܒܠ ܐܢܘܢ ܨܝܕ ܚܝܐ ܘܨܝܕ ܥܝܢܬܐ ܕܡܝܐ ܘܢܠܚܐ ܟܠ ܕܡܥܐ ܡܢ ܥܝܢܝܗܘܢ ܀