Tagalog 1905

Syriac: NT

Revelation

8

1At nang buksan niya ang ikapitong tatak, ay nagkaroon ng katahimikan sa langit na may kalahating oras.
1ܘܟܕ ܦܬܚ ܛܒܥܐ ܕܫܒܥܐ ܗܘܐ ܫܬܩܐ ܒܫܡܝܐ ܐܝܟ ܦܠܓܘܬ ܫܥܐ ܀
2At nakita ko ang pitong anghel na nangakatayo sa harapan ng Dios; at sila'y binigyan ng pitong pakakak.
2ܘܚܙܝܬ ܠܫܒܥܐ ܡܠܐܟܝܢ ܐܝܠܝܢ ܕܩܕܡ ܐܠܗܐ ܩܝܡܝܢ ܗܘܘ ܕܐܬܝܗܒܘ ܠܗܘܢ ܫܒܥܐ ܫܝܦܘܪܝܢ ܀
3At dumating ang ibang anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak na isang gintong pangsuob ng kamangyan; at binigyan siya ng maraming kamangyan, upang idagdag ito sa mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw ng dambanang ginto, na nasa harapan ng luklukan.
3ܘܐܚܪܢܐ ܡܠܐܟܐ ܐܬܐ ܘܩܡ ܥܠ ܡܕܒܚܐ ܘܐܝܬ ܠܗ ܦܝܪܡܐ ܕܕܗܒܐ ܘܐܬܝܗܒ ܠܗ ܒܤܡܐ ܤܓܝܐܐ ܕܢܬܠ ܒܨܠܘܬܐ ܕܟܠܗܘܢ ܩܕܝܫܐ ܥܠ ܡܕܒܚܐ ܕܩܕܡ ܟܘܪܤܝܐ ܀
4At ang usok ng kamangyan, kalakip ng mga panalangin ng mga banal, ay napailanglang mula sa kamay ng anghel, sa harapan ng Dios.
4ܘܤܠܩ ܥܛܪܐ ܕܒܤܡܐ ܒܨܠܘܬܐ ܕܩܕܝܫܐ ܡܢ ܝܕ ܡܠܐܟܐ ܩܕܡ ܐܠܗܐ ܀
5At kinuha ng anghel ang pangsuob ng kamangyan; at pinuno niya ng apoy ng dambana, at itinapon sa lupa: at nagkaroon ng mga kulog, at mga tinig, at mga kidlat, at ng isang lindol.
5ܘܢܤܒ ܡܠܐܟܐ ܠܦܝܪܡܐ ܘܡܠܝܗܝ ܡܢ ܢܘܪܐ ܕܥܠ ܡܕܒܚܐ ܘܐܪܡܝ ܥܠ ܐܪܥܐ ܘܗܘܘ ܪܥܡܐ ܘܩܠܐ ܘܒܪܩܐ ܘܢܘܕܐ ܀
6At ang pitong anghel na may pitong pakakak ay nagsihanda upang magsihihip.
6ܘܫܒܥܐ ܡܠܐܟܝܢ ܕܥܠܝܗܘܢ ܫܒܥܐ ܫܝܦܘܪܝܢ ܛܝܒܘ ܢܦܫܗܘܢ ܠܡܙܥܩܘ ܀
7At humihip ang una, at nagkaroon ng granizo at apoy, na may halong dugo, at itinapon sa lupa: at ang ikatlong bahagi ng lupa ay nasunog, at ang ikatlong bahagi ng mga punong kahoy ay nasunog, at ang lahat ng sariwang damo ay nasunog.
7ܘܗܘ ܩܕܡܝܐ ܐܙܥܩ ܘܗܘܐ ܒܪܕܐ ܘܢܘܪܐ ܕܦܬܝܟܝܢ ܒܡܝܐ ܘܐܬܪܡܝܘ ܥܠ ܐܪܥܐ ܘܬܘܠܬܗ ܕܐܪܥܐ ܝܩܕ ܘܬܘܠܬܐ ܕܐܝܠܢܐ ܝܩܕ ܘܟܠ ܥܤܒܐ ܕܐܪܥܐ ܝܩܕ ܀
8At humihip ang ikalawang anghel, at ang tulad sa isang malaking bundok na nagliliyab sa apoy ay nabulusok sa dagat: at ang ikatlong bahagi ng dagat ay naging dugo;
8ܘܕܬܪܝܢ ܙܥܩ ܘܗܘܐ ܐܝܟ ܛܘܪܐ ܪܒܐ ܕܝܩܕ ܢܦܠ ܒܝܡܐ ܘܗܘܐ ܬܘܠܬܗ ܕܝܡܐ ܕܡܐ ܀
9At namatay ang ikatlong bahagi ng mga nilalang na nasa dagat, na mga may buhay; at ang ikatlong bahagi sa mga daong ay nawalat.
9ܘܡܝܬ ܬܘܠܬܐ ܕܟܠ ܒܪܝܬܐ ܕܒܝܡܐ ܕܐܝܬ ܒܗ ܢܦܫܐ ܘܬܘܠܬܐ ܕܐܠܦܐ ܐܬܚܒܠ ܀
10At humihip ang ikatlong anghel, at nahulog mula sa langit ang isang malaking bituin, na nagliliyab na gaya ng isang sulo, at nahulog sa ikatlong bahagi ng mga ilog, at sa mga bukal ng tubig;
10ܘܕܬܠܬܐ ܙܥܩ ܘܢܦܠ ܡܢ ܫܡܝܐ ܟܘܟܒܐ ܪܒܐ ܕܝܩܕ ܐܝܟ ܫܠܗܒܝܬܐ ܘܢܦܠ ܥܠ ܬܘܠܬܐ ܕܢܗܪܘܬܐ ܘܥܠ ܥܝܢܬܐ ܕܡܝܐ ܀
11At ang pangalan ng bituin ay Ajenjo: at ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging ajenjo; at maraming tao ay nangamatay dahil sa tubig, sapagka't mapait ang tubig.
11ܘܫܡܗ ܕܟܘܟܒܐ ܡܬܐܡܪ ܐܦܤܝܬܢܐ ܘܗܘܐ ܬܘܠܬܗܘܢ ܕܡܝܐ ܐܝܟ ܐܦܤܢܬܝܢ ܘܤܘܓܐܐ ܕܒܢܝܢܫܐ ܡܝܬܘ ܡܛܠ ܕܐܬܡܪܡܪܘ ܡܝܐ ܀
12At humihip ang ikaapat na anghel, at nasugatan ang ikatlong bahagi ng araw, at ang ikatlong bahagi ng buwan, at ang ikatlong bahagi ng bituin; upang magdilim ang ikatlong bahagi nila, at upang ang ikatlong bahagi ng maghapon ay huwag lumiwanag, at gayon din naman ang gabi.
12ܘܕܐܪܒܥܐ ܙܥܩ ܘܒܠܥ ܬܘܠܬܗ ܕܫܡܫܐ ܘܬܘܠܬܗ ܕܤܗܪܐ ܘܬܘܠܬܐ ܕܟܘܟܒܐ ܘܚܫܟܘ ܬܘܠܬܗܘܢ ܘܝܘܡܐ ܠܐ ܚܘܝ ܬܘܠܬܗ ܘܠܠܝܐ ܗܟܘܬ ܀
13At nakita ko, at narinig ko ang isang anghel, na lumilipad sa pagitan ng langit, na nagsasabi ng malakas na tinig, Sa aba, sa aba, sa aba ng mga nananahan sa ibabaw ng lupa, dahil sa mga ibang tunog ng pakakak ng tatlong anghel, na magsisihihip pa.
13ܘܫܡܥܬ ܠܢܫܪܐ ܚܕ ܕܦܪܚ ܒܫܡܝܐ ܕܐܡܪ ܘܝ ܘܝ ܘܝ ܠܥܡܘܪܝܗ ܕܐܪܥܐ ܡܢ ܩܠܐ ܕܫܝܦܘܪܐ ܕܬܠܬܐ ܡܠܐܟܝܢ ܕܥܬܝܕܝܢ ܠܡܙܥܩܘ ܀