1At humihip ang ikalimang anghel, at nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa mula sa langit: at sa kaniya'y ibinigay ang susi ng hukay ng kalaliman.
1ܘܕܚܡܫܐ ܙܥܩ ܘܚܙܝܬ ܟܘܟܒܐ ܕܢܦܠ ܡܢ ܫܡܝܐ ܥܠ ܐܪܥܐ ܘܐܬܝܗܒ ܠܗ ܩܠܝܕܐ ܕܒܐܪܘܗܝ ܕܬܗܘܡܐ ܀
2At binuksan niya ang balon ng kalaliman; at napailanglang ang usok mula sa hukay, na gaya ng usok ng isang malaking lutuang-bakal; at nagdilim ang araw at ang himpapawid dahil sa usok ng hukay.
2ܘܤܠܩ ܬܢܢܐ ܡܢ ܒܐܪܐ ܐܝܟ ܬܢܢܐ ܕܐܬܘܢܐ ܪܒܐ ܕܡܫܬܓܪ ܘܚܫܟ ܫܡܫܐ ܘܐܐܪ ܡܢ ܬܢܢܐ ܕܒܐܪܐ ܀
3At nangagsilabas sa usok ang mga balang sa lupa; at binigyan sila ng kapangyarihan, na gaya ng mga alakdan sa lupa na may kapangyarihan.
3ܘܡܢ ܬܢܢܐ ܢܦܩܘ ܩܡܨܐ ܥܠ ܐܪܥܐ ܘܐܬܝܗܒ ܠܗܘܢ ܫܘܠܛܢܐ ܕܐܝܬ ܠܥܩܪܒܐ ܕܐܪܥܐ ܀
4At sinabi sa kanila na huwag ipahamak ang damo sa lupa, ni ang anomang bagay na sariwa, ni ang anomang punong kahoy, kundi ang mga tao lamang na walang tatak ng Dios sa kanilang mga noo.
4ܘܐܬܐܡܪ ܠܗܘܢ ܕܠܐ ܢܗܪܘܢ ܠܥܤܒܗ ܕܐܪܥܐ ܘܠܟܠ ܝܘܪܩ ܐܦܠܐ ܠܐܝܠܢܐ ܐܠܐ ܐܢ ܠܒܢܝܢܫܐ ܐܝܠܝܢ ܕܠܝܬ ܠܗܘܢ ܚܬܡܐ ܕܐܠܗܐ ܒܝܬ ܥܝܢܝܗܘܢ ܀
5At pinagkalooban silang huwag patayin ang mga ito, kundi pahirapan nilang limang buwan: at ang kanilang pahirap ay gaya ng pahirap ng alakdan kung kumakagat sa isang tao.
5ܘܐܬܝܗܒ ܠܗܘܢ ܕܠܐ ܢܩܛܠܘܢ ܐܢܘܢ ܐܠܐ ܢܫܬܢܩܘܢ ܝܪܚܐ ܚܡܫܐ ܘܬܫܢܝܩܗܘܢ ܐܝܟ ܬܫܢܝܩܐ ܕܥܩܪܒܐ ܡܐ ܕܢܦܠܐ ܥܠ ܐܢܫ ܀
6At sa mga araw na yaon ay hahanapin ng mga tao ang kamatayan, at sa anomang paraa'y hindi nila masusumpungan; at mangagnanasang mamatay, at ang kamatayan ay tatakas sa kanila.
6ܘܒܝܘܡܬܐ ܗܢܘܢ ܢܒܥܘܢ ܒܢܝܢܫܐ ܠܡܘܬܐ ܘܠܐ ܢܫܟܚܘܢܝܗܝ ܘܢܬܪܓܪܓܘܢ ܠܡܡܬ ܘܢܥܪܘܩ ܡܘܬܐ ܡܢܗܘܢ ܀
7At ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong nahahanda sa pagbabaka; at sa kanilang mga ulo ay gaya ng mga putong na katulad ng ginto, at ang kanilang mga mukha ay gaya ng mga mukha ng mga tao.
7ܘܕܡܘܬܐ ܕܩܡܨܐ ܐܝܟ ܕܡܘܬܐ ܕܪܟܫܐ ܕܡܛܝܒܝܢ ܠܩܪܒܐ ܘܥܠ ܪܫܝܗܘܢ ܐܝܟ ܟܠܝܠܐ ܕܕܡܘܬܐ ܕܕܗܒܐ ܘܐܦܝܗܘܢ ܐܝܟ ܐܦܐ ܕܐܢܫܐ ܀
8At sila'y may buhok na gaya ng buhok ng mga babae, at ang kanilang mga ngipin ay gaya ng sa mga leon.
8ܘܤܥܪܐ ܐܝܬ ܠܗܘܢ ܐܝܟ ܤܥܪܐ ܕܢܫܐ ܘܫܢܝܗܘܢ ܐܝܟ ܕܐܪܝܘܬܐ ܀
9At sila'y may mga baluti, na gaya ng baluting bakal; at ang ugong ng kanilang mga pakpak ay gaya ng ugong ng mga karro, at ng maraming kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka.
9ܘܐܝܬ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܫܪܝܢܐ ܐܝܟ ܫܪܝܢܐ ܕܦܪܙܠܐ ܘܩܠܐ ܕܓܦܝܗܘܢ ܐܝܟ ܩܠܐ ܕܡܪܟܒܬܐ ܕܪܟܫܐ ܤܓܝܐܐ ܕܪܗܛܝܢ ܠܩܪܒܐ ܀
10At sila'y may mga buntot na gaya ng sa mga alakdan, at mga tibo; at sa kanilang mga buntot naroroon ang kanilang kapangyarihan upang ipahamak ang mga taong limang buwan.
10ܘܐܝܬ ܠܗܘܢ ܕܘܢܒܝܬܐ ܐܝܟ ܕܡܘܬܐ ܕܥܩܪܒܐ ܘܥܘܩܤܐ ܕܝܢ ܒܕܘܢܒܝܬܗܘܢ ܘܫܘܠܛܢܗܘܢ ܠܡܗܪܘ ܠܒܢܝܢܫܐ ܝܪܚܐ ܚܡܫܐ ܀
11Sila'y may pinakahari na anghel ng kalaliman: ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abaddon, at sa Griego ay may pangalan siyang Apolyon.
11ܘܐܝܬ ܥܠܝܗܘܢ ܡܠܟܐ ܡܠܐܟܗ ܕܬܗܘܡܐ ܕܫܡܗ ܥܒܪܐܝܬ ܥܒܕܘ ܘܐܪܡܐܝܬ ܫܡܐ ܠܗ ܐܝܬ ܫܪܐ ܀
12Ang unang Pagkaaba ay nakaraan na: narito, darating pa ang dalawang Pagkaaba sa haharapin.
12ܘܝ ܚܕ ܐܙܠ ܗܐ ܬܘܒ ܐܬܝܢ ܬܪܝܢ ܘܝ ܀
13At humihip ang ikaanim na anghel, at narinig ko ang isang tinig mula sa mga sungay ng dambanang ginto na nasa harapan ng Dios,
13ܒܬܪ ܗܠܝܢ ܡܠܐܟܐ ܕܫܬܐ ܙܥܩ ܘܫܡܥܬ ܩܠܐ ܚܕ ܡܢ ܐܪܒܥ ܩܪܢܬܗ ܕܡܕܒܚܐ ܕܕܗܒܐ ܕܩܕܡ ܐܠܗܐ ܀
14Na nagsasabi sa ikaanim na anghel na may pakakak, Kalagan mo ang apat na anghel na nagagapos sa malaking ilog ng Eufrates.
14ܕܐܡܪ ܠܡܠܐܟܐ ܫܬܝܬܝܐ ܕܐܝܬ ܠܗ ܫܝܦܘܪܐ ܫܪܝ ܠܐܪܒܥܐ ܡܠܐܟܐ ܕܐܤܝܪܝܢ ܥܠ ܢܗܪܐ ܪܒܐ ܦܪܬ ܀
15At kinalagan ang apat na anghel, na nangahahanda sa oras at araw at buwan at taon upang patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao.
15ܘܐܫܬܪܝܘ ܐܪܒܥܐ ܡܠܐܟܝܢ ܐܝܠܝܢ ܕܡܛܝܒܝܢ ܠܫܥܬܐ ܘܠܝܘܡܐ ܘܠܝܪܚܐ ܘܠܫܢܬܐ ܕܢܩܛܠܘܢ ܬܘܠܬܐ ܕܒܢܝܢܫܐ ܀
16At ang bilang ng mga hukbong nangangabayo ay makalawang sangpunglibong tigsasangpung libo: aking narinig ang bilang nila.
16ܘܡܢܝܢܐ ܕܚܝܠܘܬܐ ܕܦܪܫܐ ܬܪܬܝܢ ܪܒܘ ܪܒܘܢ ܫܡܥܬ ܡܢܝܢܗܘܢ ܀
17At nakita kong sa pangitain ang mga kabayo, at ang mga nakasakay dito, na may mga baluting gaya ng apoy at ng jacinto at ng asupre: at ang mga ulo ng mga kabayo ay gaya ng mga ulo ng mga leon; at sa kanilang mga bibig ay lumalabas ang apoy at usok at asupre.
17ܘܗܟܢܐ ܚܙܝܬ ܪܟܫܐ ܒܚܙܘܐ ܘܠܕܝܬܒܝܢ ܥܠܝܗܘܢ ܐܝܬ ܫܪܝܢܐ ܕܢܘܪܐ ܘܩܪܟܕܢܐ ܕܟܒܪܝܬܐ ܘܩܪܩܦܬܐ ܕܪܟܫܗܘܢ ܐܝܟ ܩܪܩܦܬܐ ܕܐܪܝܘܬܐ ܘܡܢ ܦܘܡܗܘܢ ܢܦܩܐ ܢܘܪܐ ܘܟܒܪܝܬܐ ܘܬܢܢܐ ܀
18Sa pamamagitan ng tatlong salot na ito ay napatay ang ikatlong bahagi ng mga tao, sa pamamagitan ng apoy at ng usok at ng asupre, na nangagsisilabas sa kanilang mga bibig.
18ܘܡܢ ܗܠܝܢ ܬܠܬ ܡܚܘܢ ܐܬܩܛܠܘ ܬܘܠܬܐ ܕܒܢܝܢܫܐ ܘܡܢ ܢܘܪܐ ܘܡܢ ܟܒܪܝܬܐ ܘܡܢ ܬܢܢܐ ܕܢܦܩ ܡܢ ܦܘܡܗܘܢ ܀
19Sapagka't ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang bibig, at nasa kanilang mga buntot; sapagka't ang kanilang mga buntot ay kawangis ng mga ahas, at may mga ulo; at siya nilang ipinananakit.
19ܡܛܠ ܕܫܘܠܛܢܐ ܕܪܟܫܐ ܒܦܘܡܗܘܢ ܘܐܦ ܒܕܘܢܒܝܬܗܘܢ ܀
20At ang nalabi sa mga tao, na hindi napatay sa mga salot na ito, ay hindi nagsipagsisi sa mga gawa ng kanilang mga kamay, upang huwag sumamba sa mga demonio, at sa mga diosdiosang ginto, at pilak, at tanso, at bato, at kahoy; na hindi nangakakakita, ni nangakaririnig man, ni nangakalalakad man.
20ܘܫܪܟܐ ܕܒܢܝܢܫܐ ܕܠܐ ܐܬܩܛܠܘ ܒܡܚܘܬܐ ܗܠܝܢ ܘܠܐ ܬܒܘ ܡܢ ܥܒܕ ܐܝܕܝܗܘܢ ܕܠܐ ܢܤܓܕܘܢ ܠܕܝܘܐ ܘܠܦܬܟܪܐ ܕܕܗܒܐ ܘܕܤܐܡܐ ܘܕܢܚܫܐ ܘܕܩܝܤܐ ܘܕܟܐܦܐ ܐܝܠܝܢ ܕܠܐ ܠܡܚܙܐ ܘܠܐ ܠܡܫܡܥ ܡܨܝܢ ܐܘ ܠܡܗܠܟܘ ܀
21At sila'y hindi nagsipagsisi sa kanilang mga pagpatay, kahit man sa kanilang panggagaway, kahit man sa kanilang pakikiapid, kahit man sa kanilang pagnanakaw.
21ܘܠܐ ܬܒܘ ܡܢ ܩܛܠܝܗܘܢ ܘܡܢ ܚܪܫܝܗܘܢ ܘܡܢ ܙܢܝܘܬܗܘܢ ܀