Tagalog 1905

Thai King James Version

Exodus

27

1At gagawin mong kahoy ng akasia ang dambana, na limang siko ang haba at limang siko ang luwang; ang dambana ay gagawing parisukat: at ang taas ay magkakaroon ng tatlong siko.
1"เจ้าจงทำแท่นบูชาด้วยไม้กระถินเทศให้ยาวห้าศอก กว้างห้าศอก ให้เป็นแท่นสี่เหลี่ยมจัตุรัส สูงสามศอก
2At gagawin mo ang mga anyong sungay sa ibabaw ng apat na sulok niyaon: ang mga anyong sungay ay kaputol din, at iyong babalutin ng tanso.
2จงทำเชิงงอนติดไว้ทั้งสี่มุมของแท่น ให้เป็นชิ้นเดียวกันกับแท่น และจงหุ้มแท่นด้วยทองสัมฤทธิ์
3At igagawa mo ng kaniyang mga kawa upang magalis ng mga abo, at ng mga pala, at ng mga mangkok, at ng mga pangalawit at ng mga suuban: lahat ng mga kasangkapa'y gagawin mong tanso.
3เจ้าจงทำหม้อสำหรับใส่ขี้เถ้า พลั่ว ชาม ขอเกี่ยวเนื้อและถาดรองไฟ คือเครื่องใช้สำหรับแท่นทั้งหมด เจ้าจงทำด้วยทองสัมฤทธิ์
4At igagawa mo ng isang salang tanso na tila lambat ang yari, at ang ibabaw ng nilambat ay igagawa mo ng apat na argolyang tanso sa apat na sulok niyaon.
4แล้วเอาทองสัมฤทธิ์ทำตาข่ายประดับแท่นนั้น กับทำห่วงทองสัมฤทธิ์ติดที่มุมทั้งสี่ของตาข่าย
5At ilalagay mo sa ibaba ng gilid ng dambana, sa dakong ibaba, upang ang nilambat ay umabot hanggang sa kalahatian ng dambana.
5ตาข่ายนั้นให้อยู่ใต้กระจังของแท่น และให้ห้อยอยู่ตั้งแต่กลางแท่นลงมา
6At igagawa mo ng mga pingga ang dambana, mga pinggang kahoy na akasia at babalutin mo ng tanso.
6ไม้คานหามแท่นให้ทำด้วยไม้กระถินเทศและหุ้มด้วยทองสัมฤทธิ์
7At ang mga pingga niyao'y isusuot sa mga argolya, at ang mga pingga ay ilalagay sa dalawang tagiliran ng dambana, pagka dinadala.
7ไม้คานนั้นให้สอดไว้ในห่วง ในเวลาหามไม้คานจะอยู่ข้างแท่นข้างละอัน
8Gagawin mo ang dambana na kuluong sa pamamagitan ng mga tabla kung paano ang ipinakita sa iyo sa bundok, ay gayon gagawin nila.
8แท่นนั้นทำด้วยไม้กระดาน แต่ข้างในแท่นกลวงตามแบบที่แจ้งแก่เจ้าแล้วที่ภูเขา จงให้เขาทำอย่างนั้น
9At iyong gagawin ang looban ng tabernakulo: sa tagilirang timugan na dakong timugan ay magkakaroon ng mga tabing sa looban na linong pinili, na may isang daang siko ang haba sa isang tagiliran:
9เจ้าจงสร้างลานพลับพลา ให้รั้วด้านใต้มีผ้าบังลานนั้นทำด้วยผ้าป่านเนื้อละเอียดยาวหนึ่งร้อยศอก
10At ang ihahaligi doo'y dalawang pu, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawang pu na tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete niyaon ay pilak.
10ให้มีเสายี่สิบต้นกับฐานทองสัมฤทธิ์รองรับเสายี่สิบฐาน ขอติดเสาและราวยึดเสานั้น ให้ทำด้วยเงิน
11At gayon din sa tagilirang dakong hilagaan, sa kahabaan ay magkakaroon ng mga tabing na may isang daang siko ang haba, at ang mga haligi ng mga yaon ay dalawangpu, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawangpu na tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ng mga yaon ay pilak.
11ทำนองเดียวกัน ด้านทิศเหนือให้มีผ้าบังยาวร้อยศอก เหมือนกันกับเสายี่สิบต้น และฐานทองสัมฤทธิ์ยี่สิบฐาน ขอติดเสาและราวยึดเสานั้น ให้ทำด้วยเงิน
12At sa kaluwangan ng looban sa kalunuran ay magkakaroon ng mga tabing na may limangpung siko: ang haligi ng mga yaon ay sangpu at ang mga tungtungan ng mga yaon ay sangpu.
12ตามส่วนกว้างของลานด้านตะวันตก ให้มีผ้าบังยาวห้าสิบศอก กับเสาสิบต้น และฐานรองรับเสาสิบฐาน
13At sa kaluwangan ng looban sa dakong silanganan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay magkakaroon ng limangpung siko.
13ส่วนกว้างของลานด้านตะวันออก ให้ยาวห้าสิบศอก
14Ang mga tabing sa isang dako ng pintuang-daan ay magkakaroon ng labinglimang siko: ang mga haligi ng mga yaon ay tatlo, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay tatlo rin.
14ผ้าบังด้านริมประตูข้างหนึ่งให้ยาวสิบห้าศอก มีเสาสามต้น และฐานรองรับเสาสามฐาน
15At sa kabilang dako'y magkakaroon ng mga tabing na ma'y labing limang siko: ang mga haligi ng mga yao'y tatlo, at ang mga tungtungan ng mga yao'y tatlo.
15อีกข้างหนึ่งให้มีผ้าบังยาวสิบห้าศอก มีเสาสามต้น และฐานรองรับเสาสามฐาน
16At sa pintuan ng looban ay magkakaroon ng isang tabing na may dalawang pung siko, na ang kayo'y bughaw, at kulay-ube, at pula, at kayong linong pinili, na yari ng mangbuburda: ang mga haligi ng mga yao'y apat, at ang mga tungtungan ng mga yao'y apat.
16ให้มีผ้าบังตาที่ประตูลานยาวยี่สิบศอก ผ้าสีฟ้า สีม่วง สีแดงเข้ม และผ้าป่านเนื้อละเอียด ประกอบด้วยฝีมือของช่างด้ายสี กับเสาสี่ต้นและฐานรองรับเสาสี่ฐาน
17Lahat ng haligi sa palibot ng looban ay pagsusugpungin ng mga pileteng pilak; ang mga sima ng mga yaon ay pilak, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay tanso.
17เสาล้อมรอบลานทั้งหมด ให้มีราวสำหรับยึดเสาให้ติดต่อกันทำด้วยเงิน และให้ทำขอด้วยเงิน ฐานรองรับเสานั้นทำด้วยทองสัมฤทธิ์
18Ang haba ng looban ay magkakaroon ng isang daang siko, at ang luwang ay limang pu magpasaan man, at ang taas ay limang siko, kayong linong pinili, at ang mga tuntungan ay tanso.
18ด้านยาวของลานนั้นจะเป็นร้อยศอก ด้านกว้างห้าสิบศอก สูงห้าศอก กั้นด้วยผ้าป่านเนื้อละเอียด และมีฐานทองสัมฤทธิ์
19Lahat ng mga kasangkapan ng tabernakulo, sa buong paglilingkod doon, at lahat ng mga tulos niyaon, at lahat ng mga tulos ng looban ay tanso.
19เครื่องใช้สอยทั้งปวงของพลับพลาพร้อมทั้งหลักหมุดของพลับพลา กับหลักหมุดสำหรับรั้วที่กั้นลานทั้งหมด ให้ทำด้วยทองสัมฤทธิ์
20At iyong iuutos sa mga anak ni Israel na sila'y magdala sa iyo ng taganas na langis ng binayong oliba na pangilawan, upang papagningasing palagi ang ilawan.
20เจ้าจงสั่งชนชาติอิสราเอลให้นำน้ำมันมะกอกเทศบริสุทธิ์ที่คั้นไว้นั้นมาสำหรับเติมประทีป เพื่อจะให้ประทีปนั้นส่องสว่างอยู่เสมอ
21Sa tabernakulo ng kapisanan sa labas ng lambong na nasa harap ng kaban ng patotoo, ay aayusin yaon ni Aaron at ng kaniyang mga anak mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: magiging palatuntunan sa buong panahon ng kanilang lahi sa ikagagaling ng mga anak ni Israel.
21ในพลับพลาแห่งชุมนุมข้างนอกม่านซึ่งอยู่หน้าหีบพระโอวาท ให้อาโรนและบุตรชายของอาโรน ดูแลประทีปนั้นอยู่เฉพาะพระพักตร์พระเยโฮวาห์ ตั้งแต่เวลาพลบค่ำจนถึงรุ่งเช้า ให้เป็นกฎเกณฑ์เนืองนิตย์ที่ชนชาติอิสราเอลต้องปฏิบัติตามชั่วอายุของเขา"