1At ilapit mo sa iyo si Aarong iyong kapatid at ang kaniyang mga anak na kasama niya, mula sa gitna ng mga anak ni Israel, upang makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote, si Aaron, si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar, na mga anak ni Aaron.
1"จงนำอาโรนพี่ชายของเจ้ากับบุตรชายของเขาแยกออกมาจากหมู่ชนชาติอิสราเอลให้มาอยู่ใกล้เจ้า เพื่อจะให้ปรนนิบัติเราในตำแหน่งปุโรหิต คือทั้งอาโรนกับบุตรชายของอาโรน คือนาดับ อาบีฮู เอเลอาซาร์ กับอิธามาร์
2At igagawa mo ng mga banal na kasuutan si Aarong iyong kapatid sa ikaluluwalhati at ikagaganda.
2แล้วให้ทำเครื่องยศบริสุทธิ์สำหรับอาโรนพี่ชายของเจ้าให้สมเกียรติ และงดงาม
3At iyong sasalitain sa lahat ng matalino, na aking pinagpupuspos ng diwa ng karunungan, na kanilang gawin ang kasuutan ni Aaron, upang siya'y italaga, na siya'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
3ให้กล่าวแก่คนทั้งปวงผู้เฉลียวฉลาดซึ่งเราได้บันดาลให้เขามีจิตใจอันประกอบด้วยสติปัญญานั้น ให้เขาทำเครื่องยศสำหรับสถาปนาอาโรนให้ปรนนิบัติเราในตำแหน่งปุโรหิต
4At ito ang mga kasuutang kanilang gagawin; isang pektoral, at isang epod, at isang balabal, at isang tunika na tinahing guhitguhit na naaanyong pariparisukat, isang mitra at isang pamigkis: at kanilang igagawa ng mga banal na kasuutan si Aarong iyong kapatid, at ang kaniyang mga anak, upang makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
4ให้เขาทำเครื่องยศดังต่อไปนี้คือทับทรวง เสื้อเอโฟด เสื้อคลุม เสื้อตาสมุก ผ้ามาลาและรัดประคด และให้เขาทำเครื่องยศบริสุทธิ์สำหรับอาโรนพี่ชายของเจ้าและบุตรชายของเขา เพื่อจะให้ปรนนิบัติเราในตำแหน่งปุโรหิต
5At kukuha sila ng ginto, at ng kayong bughaw, at ng kulay-ube, at ng pula, at ng lino.
5ให้เขาเหล่านั้นรับเอาทองคำ ด้ายสีฟ้า สีม่วง สีแดงเข้ม และผ้าป่านเนื้อละเอียด
6At kanilang gagawin ang epod na ginto, at kayong bughaw, at kulay-ube, pula, at linong pinili, na yari ng bihasang mangbuburda.
6ให้เขาทำเอโฟดด้วยทองคำ ด้วยด้ายสีฟ้า สีม่วง สีแดงเข้มและผ้าป่านเนื้อละเอียด ตัดด้วยฝีมือช่างออกแบบ
7Magkakaroon ng dalawang pangbalikat na nagkakasugpong sa dalawang dulo niyaon; upang magkasugpong.
7แถบที่ผูกบ่าของเอโฟดนั้น ให้ติดกับริมตอนบนทั้งสองชิ้น เพื่อจะติดเป็นอันเดียวกัน
8At ang mainam na pagkayaring pamigkis na nasa ibabaw ng epod upang ibigkis, ay gagawing gaya ng pagkayari ng epod at kaputol, na ginto, kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.
8รัดประคดทออย่างประณีต สำหรับคาดทับเอโฟด ให้ทำด้วยฝีมืออย่างเดียวกัน และใช้วัตถุอย่างเดียวกับเอโฟด คือทำด้วยทองคำ ด้ายสีฟ้า สีม่วง สีแดงเข้ม และผ้าป่านเนื้อละเอียด
9At kukuha ka ng dalawang batong onix, at iyong iuukit na limbag sa ibabaw ng mga yaon ang mga pangalan ng mga anak ni Israel:
9แล้วให้ใช้พลอยสีน้ำข้าวสองแผ่น สำหรับจารึกชื่อบุตรของอิสราเอลไว้
10Anim sa kanilang mga pangalan ay sa isang bato, at ang mga pangalan ng anim na natitira ay sa isang bato, ayon sa kanilang kapanganakan.
10ที่พลอยแผ่นหนึ่งให้จารึกชื่อหกชื่อ และแผ่นที่สองก็ให้จารึกชื่อไว้อีกหกชื่อที่เหลืออยู่ตามกำเนิด
11Nayari ng manguukit sa bato, na gaya ng ukit ng isang panatak, iyong iuukit sa dalawang bato, ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel: iyong gagawing napamumutihan ng mga kalupkop na ginto.
11ให้ช่างแกะจารึกชื่อเหล่าบุตรอิสราเอลไว้ที่พลอยทั้งสองแผ่นนั้น เช่นอย่างแกะตราแล้วฝังไว้บนกระเปาะทองคำซึ่งมีลวดลายละเอียด
12At iyong ilalagay ang dalawang bato sa ibabaw ng pangbalikat ng epod, upang maging mga batong pinakaalaala sa ikagagaling ng mga anak ni Israel: at papasanin ni Aaron ang kanilang mga pangalan sa harap ng Panginoon, sa ibabaw ng kaniyang dalawang balikat, na pinakaalaala.
12พลอยทั้งสองแผ่นนั้นให้ติดไว้กับเอโฟดบนบ่าทั้งสองข้าง พลอยนั้นจะเป็นที่ระลึกถึงบรรดาบุตรแห่งอิสราเอล และอาโรนจะแบกชื่อเขาทั้งหลายไว้บนบ่าทั้งสองเฉพาะพระพักตร์พระเยโฮวาห์เป็นที่ระลึก
13At gagawa ka ng mga kalupkop na ginto:
13เจ้าจงทำกระเปาะทองคำมีลวดลายละเอียด
14At ng dalawang tanikalang taganas na ginto; parang pisi iyong gagawin na yaring pinili: at iyong ilalapat sa mga kalupkop ang mga tanikalang pinili.
14กับทำสร้อยสองสายด้วยทองคำบริสุทธิ์ เป็นสร้อยถักเกลียวแล้วติดไว้ที่กระเปาะนั้น
15At gagawin mo ang pektoral ng kahatulan, na gawa ng bihasang manggagawa; na gaya ng pagkayari ng epod iyong gagawin; gagawin mo na ginto, na bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.
15จงทำทับทรวงแห่งการพิพากษา ด้วยฝีมือช่างออกแบบฝีมือเหมือนทำเอโฟดคือทำด้วยทองคำ ด้ายสีฟ้า สีม่วง สีแดงเข้มและผ้าป่านเนื้อละเอียด
16Gagawing parisukat at nakatiklop; isang dangkal magkakaroon ang haba niyaon, at isang dangkal ang luwang niyaon.
16ให้ทำทับทรวงเป็นรูปสี่เหลี่ยมจัตุรัส พับทบกลาง ยาวคืบหนึ่ง กว้างคืบหนึ่ง
17At iyong kakalupkupan ng mga kalupkop na mga bato, apat na hanay na bato: isang hanay na sardio, topacio, at karbungko ang magiging unang hanay;
17จงฝังพลอยสี่แถวบนทับทรวงนั้น แถวที่หนึ่งฝังทับทิม บุษราคัมและพลอยสีแดงเข้ม
18At ang ikalawang hanay, ay isang esmeralda, isang zapiro, at isang diamante;
18แถวที่สองฝังมรกต ไพทูรย์ และเพชร
19At ang ikatlong hanay ay isang hasinto, isang agata, at isang amatista;
19แถวที่สามฝังนิล โมรา และพลอยสีม่วง
20At ang ikaapat na hanay ay isang berilo, isang onix, at isang haspe: pawang pamumutihan ng ginto sa kanilang mga kalupkop.
20แถวที่สี่ฝังพลอยเขียว พลอยสีน้ำข้าวและหยก พลอยทั้งหมดนี้ให้ฝังในลวดลายอันละเอียดที่ทำด้วยทองคำ
21At ang mga bato ay iaayos sa mga pangalan ng mga anak ni Israel; labingdalawa, ayon sa mga pangalan nila; gaya ng ukit ng isang panatak, bawa't isa'y ayon sa kanilang pangalan, na magiging ukol sa labing dalawang lipi.
21พลอยเหล่านั้นให้มีชื่อเหล่าบุตรอิสราเอลสิบสองชื่อจารึกไว้เหมือนแกะตรา จะมีชื่อตระกูลทุกตระกูลตามลำดับสิบสองตระกูล
22At gagawa ka sa ibabaw ng pektoral ng mga tanikalang parang pisi, yaring pinili, na taganas na ginto.
22และเจ้าจงทำสร้อยถักเกลียวด้วยทองคำบริสุทธิ์สำหรับทับทรวง
23At igagawa mo ang ibabaw ng pektoral ng dalawang singsing na ginto, at ilalagay mo ang dalawang singsing sa dalawang sulok ng itaas ng pektoral.
23และเจ้าจงทำห่วงทองคำสองห่วงติดไว้ที่มุมบนทั้งสองของทับทรวง
24At inyong ilalagay ang dalawang pinising tanikalang ginto sa dalawang singsing sa mga sulok ng pektoral.
24ส่วนสร้อยที่ทำด้วยทองคำนั้น ให้เกี่ยวด้วยห่วงที่มุมทับทรวง
25At ang dalawang dulo ng dalawang tanikala ng pinili ay iyong ilalapat sa dalawang kalupkop, at iyong mga ilalagay sa mga pangbalikat ng epod, sa harapan.
25และปลายสร้อยอีกสองข้าง ให้ติดกับกระเปาะที่มีลวดลายละเอียดทั้งสอง ให้ติดไว้ข้างหน้าที่แถบยึดเอโฟดทั้งสองข้างบนบ่า
26At gagawa ka ng dalawang singsing na ginto, at mga ilalagay mo sa dalawang sulok ng pektoral sa laylayan niyaon na nasa dakong kabaligtaran ng epod.
26จงทำห่วงทองคำสองอันติดไว้ที่มุมล่างทั้งสองข้างของทับทรวงข้างในที่ติดเอโฟด
27At gagawa ka ng dalawang singsing na ginto, at iyong mga ikakapit sa dalawang pangbalikat ng epod, sa dakong ibaba, sa harapan, na malapit sa pagkakasugpong sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod.
27จงทำห่วงสองอันด้วยทองคำใส่ไว้ริมเอโฟดเบื้องหน้า ใต้แถบที่ตะเข็บเหนือรัดประคดซึ่งทอด้วยฝีมือประณีตของเอโฟด
28At kanilang itatali ang pektoral sa pamamagitan ng mga singsing niyaon sa mga singsing ng epod ng isang taling bughaw, upang mamalagi sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod, at upang ang pektoral ay huwag makalag sa epod.
28ให้ผูกทับทรวงนั้นติดกับเอโฟดด้วย ใช้ด้ายถักสีฟ้าร้อยผูกที่ห่วง ให้ทับทรวงทับรัดประคดที่ทำด้วยฝีมือประณีตของเอโฟด เพื่อมิให้ทับทรวงหลุดไปจากเอโฟด
29At dadalhin ni Aaron sa kaniyang sinapupunan ang mga pangalan ng mga anak ni Israel na nasa pektoral ng kahatulan pagka siya'y pumapasok sa dakong banal, na pinakaalaala sa harap ng Panginoon, na palagi.
29อาโรนจึงจะมีชื่อเหล่าบุตรอิสราเอลจารึกไว้ที่ทับทรวงแห่งการพิพากษาติดไว้ที่หัวใจของตน ให้เป็นที่ระลึกต่อพระพักตร์พระเยโฮวาห์เสมอ เมื่อเขาเข้าไปในที่บริสุทธิ์นั้น
30At ilalagay mo sa pektoral ng kahatulan ang Urim at ang Tummim at mga ilalagay sa sinapupunan ni Aaron, pagka siya'y pumapasok sa harap ng Panginoon at dadalhing palagi ni Aaron sa harap ng Panginoon ang kahatulan sa mga anak ni Israel na nasa kaniyang sinapupunan.
30จงใส่อูริมและทูมมิมไว้ในทับทรวงแห่งการพิพากษา และของสองสิ่งนี้จะอยู่ที่หัวใจของอาโรนเมื่อเข้าเฝ้าพระเยโฮวาห์ อาโรนจะรับภาระการพิพากษาเหล่าบุตรอิสราเอลไว้ที่หัวใจของตนเสมอเฉพาะพระพักตร์พระเยโฮวาห์
31At gagawin mo ang balabal ng epod na taganas na bughaw.
31เจ้าจงทำเสื้อคลุมให้เข้าชุดกับเอโฟดด้วยผ้าสีฟ้าล้วน
32At magkakaroon ng isang pinakaleeg sa gitna niyaon: magkakaroon ito ng isang uriang tinahi sa palibot ng pinakaleeg, gaya ng butas ng isang koselete, upang huwag mapunit.
32ให้ทำช่องคอกลางผืนเสื้อ แล้วขลิบรอบคอด้วยผ้าทอ เช่นเดียวกับคอเสื้อทหาร เพื่อจะมิให้ขาด
33At ang saya niyaon ay igagawa mo ng mga granadang bughaw, at kulay-ube, at pula, sa palibot ng saya niyaon; at ng mga kampanilyang ginto sa gitna ng mga yaon sa palibot:
33ที่ชายล่างของเสื้อคลุมให้ปักรูปทับทิม ใช้ด้ายสีฟ้า สีม่วง สีแดงเข้มรอบชายเสื้อ และติดลูกพรวนทองคำสลับกับผลทับทิม
34Isang kampanilyang ginto at isang granada, isang kampanilyang ginto at isang granada sa saya sa ibaba ng balabal sa palibot.
34ลูกพรวนทองคำลูกหนึ่ง ผลทับทิมผลหนึ่ง ลูกพรวนทองคำอีกลูกหนึ่ง ผลทับทิมอีกผลหนึ่งรอบชายล่างของเสื้อคลุม
35At isusuot ni Aaron upang mangasiwa: at ang tunog niyao'y maririnig pagka siya'y pumapasok sa dakong banal sa harap ng Panginoon, at pagka siya'y lumalabas, upang siya'y huwag mamatay.
35อาโรนจะสวมเสื้อตัวนั้นเมื่อทำงานปรนนิบัติ และจะได้ยินเสียงลูกพรวนเมื่อเข้าเฝ้าพระเยโฮวาห์ในที่บริสุทธิ์ และเมื่อเดินออกมา ด้วยเกรงว่าเขาจะต้องตาย
36At gagawa ka ng isang laminang taganas na ginto, at doo'y isusulat mong ukit na ayon sa ukit ng isang panatak, Banal sa Panginoon.
36เจ้าจงทำแผ่นทองคำบริสุทธิ์จารึกคำว่า `บริสุทธิ์แด่พระเยโฮวาห์' ไว้เหมือนอย่างแกะตรา
37At iyong ilalagay sa isang listong bughaw, at malalagay sa ibabaw ng mitra; sa ibabaw ng harapan ng mitra malalagay.
37และเจ้าจงเอาด้ายถักสีฟ้า ผูกแผ่นทองคำนั้นไว้บนมาลาให้อยู่ที่ข้างมาลาด้านหน้า
38At malalagay sa noo ni Aaron, at dadalhin ni Aaron ang kasamaan ng mga banal na bagay, na pakakabanalin ng mga anak ni Israel sa lahat nilang mga banal na kaloob; at malalagay na palagi sa kaniyang noo, upang tanggapin sa harap ng Panginoon.
38แผ่นทองคำนั้นจะอยู่ที่หน้าผากของอาโรน และอาโรนจะรับความชั่วช้าอันเกิดแก่ชนชาติอิสราเอลเนื่องจากของถวายอันบริสุทธิ์ ซึ่งนำมาชำระให้เป็นของถวายอันบริสุทธิ์ และแผ่นทองคำนั้นให้อยู่ที่หน้าผากของอาโรนเสมอ เพื่อสิ่งของเหล่านั้นจะเป็นที่โปรดปรานต่อพระพักตร์พระเยโฮวาห์
39At iyong hahabihin ang kasuutan na anyong parisukat, na lino, at iyong gagawin ang mitra na lino, at iyong gagawin ang pamigkis na yari ng mangbuburda.
39จงทอเสื้อให้เป็นลวดลาย ด้วยป่านเนื้อละเอียด ส่วนผ้ามาลานั้น จงทำด้วยผ้าป่านเนื้อละเอียด และทำรัดประคดด้วยฝีมือช่างด้ายสี
40At iyong igagawa ang mga anak ni Aaron ng mga kasuutan, at iyong igagawa sila ng mga pamigkis, at iyong igagawa sila ng mga tiara sa ikaluluwalhati at ikagaganda.
40จงทำเสื้อ รัดประคดและมาลาสำหรับบุตรชายทั้งหลายของอาโรนให้สมเกียรติและงดงาม
41At iyong isusuot kay Aarong iyong kapatid at sa kaniyang mga anak na kasama niya; at iyong papahiran ng langis sila, at iyong itatalaga sila, at iyong papagbanalin sila, upang sila'y makapangasiwa sa akin, sa katungkulang saserdote.
41จงแต่งอาโรนพี่ชายของเจ้าและบุตรชายทั้งหลายของเขาด้วยเครื่องยศ แล้วเจิมและสถาปนาและชำระเขาให้บริสุทธิ์ เพื่อจะให้ปรนนิบัติเราในตำแหน่งปุโรหิต
42At iyong igagawa sila ng mga salawal na lino, upang takpan ang laman ng kanilang kahubaran; mula sa mga balakang hanggang sa mga hita aabot.
42จงเย็บกางเกงให้เขาเหล่านั้นด้วยผ้าป่านเพื่อจะปกปิดกายที่เปลือยของเขา ให้ยาวตั้งแต่เอวจนถึงต้นขา
43At isusuot ni Aaron at ng kaniyang mga anak, pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, o pagka sila'y lumalapit sa dambana upang mangasiwa sa dakong banal; upang sila'y huwag magdala ng kasamaan, at huwag mamatay: magiging isang palatuntunang walang hanggan sa kaniya at sa kaniyang binhi pagkamatay niya.
43ให้อาโรนกับบุตรชายทั้งหลายของเขาสวมเมื่อเข้าไปในพลับพลาแห่งชุมนุม และเมื่อเข้าใกล้แท่นจะปรนนิบัติ ณ ที่บริสุทธิ์ เกลือกว่าเขาจะก่อความชั่วช้าและถึงตาย เรื่องนี้ให้เป็นกฎเกณฑ์เนืองนิตย์ที่เขาและเชื้อสายของเขาที่มาภายหลังเขาจะต้องปฏิบัติตาม"