Tagalog 1905

Ukranian: New Testament

Acts

27

1At nang ipasiya na kami ay lalayag na patungo sa Italia, ay ibinigay nila si Pablo at ang iba pang mga bilanggo sa isang senturion na nagngangalang Julio, sa pulutong ni Augusto.
1Якже присуджено, щоб плисти нам в Італию, то передано Павла і деяких инших вязників сотникові, на ймя Юдию, Августової роти.
2At sa paglulan namin sa isang daong Adrameto, na palayag sa mga dakong nasa baybayin ng Asia, ay nagsitulak kami, na kasama namin si Aristarco na isang taga Macedonia mula sa Tesalonica.
2І, ввійшовши в корабель Адрамицький, маючи плисти попри місця Азийські, пустились ми з Аристархом Македонцем із Солуня, що був з нами.
3At nang sumunod na araw ay nagsidaong kami sa Sidon: at pinagpakitaan ni Julio ng magandang-loob si Pablo, at pinahintulutan siyang pumaroon sa kaniyang mga kaibigan, at siya'y magpakaginhawa.
3А другого дня пристали в Сидонї. Й обходив ся Юлий ласкаво з Павлом, і дозволив ходити до другів, щоб дізнати їх піклування.
4At nang kami'y magsitulak buhat doon, ay nagsilayag kami na nagsipanganlong sa Chipre, sapagka't pasalunga ang hangin.
4А відчаливши звідтіля, поплили до Кипра; бо вітри були противні.
5At nang matawid na namin ang dagat na nasa tapat ng Cilicia at Pamfilia, ay nagsirating kami sa Mira, na isang bayan ng Licia.
5І, перепливши море, що проти Киликиї та ПамФилиї, прибули в Мири Ликийські.
6At nasumpungan doon ng senturion ang isang daong Alejandria na lumalayag na patungo sa Italia; at inilulan niya kami roon.
6А там знайшовши сотник корабель Александрииський, що плив в Італию, посадив нас на него.
7At nang makapaglayag na kaming marahan nang maraming mga araw, at may kahirapan kaming nakarating sa tapat ng Gnido, na hindi kami tinulutan ng hanging makasulong pa, ay nagsilayag kami na nagsipanganlong sa Creta, sa tapat ng Salmon;
7Многі ж днї помалу пливучи і ледві бувши проти Книда, тим що не допускав нас вітер, приплили ми під, Крит проти Салмона,
8At sa pamamaybay namin dito na may kahirapan ay nagsidating kami sa isang dako na tinatawag na Mabubuting Daongan; na malapit doon ang bayan ng Lasea.
8і, ледві минувши його, прибули на врочище Гарна пристань, від котрого був близько город Ласей.
9At nang magugol na ang mahabang panahon, at mapanganib na ang paglalayag, sapagka't nakalampas na ang Pagaayuno, ay pinamanhikan sila ni Pablo,
9Як же доволї часу минуло й було вже непевне плаваннє, тим що вже піст минув, то радив Павел,
10At sa kanila'y sinabi, Mga ginoo, nakikita ko na ang paglalayag na ito ay makapipinsala at magiging malaking kapahamakan, hindi lamang sa lulan at sa daong, kundi naman sa ating mga buhay.
10кажучи їм: Люде, я бачу, що з утратою і з великою шкодою, не тільки для тягару і для статку, та й для душ наших буде плаваннє.
11Datapuwa't may higit pang paniwala ang senturion sa piloto at sa may-ari ng daong, kay sa mga bagay na sinalita ni Pablo.
11Сотник же керманичеві і властителеві корабля довіряв більш, ніж тому, що сказав Павел.
12At sapagka't hindi bagay hintuan sa tagginaw ang daongan, ay ipinayo ng karamihan na tumulak mula roon, at baka sakaling sa anomang paraan ay makarating sila sa Fenix, at doon huminto sa tagginaw; na yao'y daungan ng Creta, na nasa dakong hilagang-silanganan at timugang-silanganan.
12Як же пристань не була вигідна на зимуваннє, то більше їх давали раду пуститись ізвідтіля, чи не можна. б як, добравшись до Финикиї, перезимувати в пристані Крицькій, що лежить між вітром полуденнім і західнїм.
13At nang marahang humihihip ang hanging timugan na inaakalang maisasagawa nila ang kanilang nasa, itinaas nila ang sinepete at namaybay sa baybayin ng Creta.
13Як же повіяв полуденнїй вітер, то, думаючи, що досягли свого заміру, знявшись поплили мимо Крита.
14Datapuwa't hindi nalaon at humampas na galing doon ang maunos na hangin, na tinatawag na Euraclidon:
14Та незабаром опісля настиг на них бурний вітер, званий Євроклидон.
15At nang ipadpad ang daong, at hindi makasalungat sa hangin, ay nangagpabaya na kami, at kami'y ipinadpad.
15Як же підхопило корабля і неможна було противитись вітрові, то віддались ми і носило нас.
16At sa pagtakbo ng daong na nanganganlong sa isang maliit na pulo na tinatawag na Clauda, ay may kahirapan naming maitaas ang bangka:
16На остров же якийсь набігши, званий Кдавда, на силу здолїли удержати човна,
17At nang maitaas na ito, ay nagsigamit sila ng mga lubid, na tinalian ang ibaba ng daong; at, sa takot na baka mapapadpad sa Sirte, ay ibinaba nila ang mga layag, at sa gayo'y napaanod sila.
17котрий стягнувши, усякого способу добирали, підвязуючи корабля; а боячись упасти в сирть (мілке місце), спустили парус, і так нас носило.
18At sapagka't lubhang nakikipaglaban kami sa bagyo, nang sumunod na araw ay nangagsimula silang magtapon ng lulan sa dagat;
18А що вельми буря нами кидала, то назавтра повикидали тягар.
19At nang ikatlong araw ay kanilang ipinagtatapon ng kanilang sariling mga kamay ang mga kasangkapan ng daong.
19А третього дня своїми руками надібє корабельне викидали.
20At nang hindi sumisikat sa amin ang araw ni ang mga bituin man nang maraming mga araw, at sumasa ibabaw namin ang isang hindi munting bagyo, ay nawala ang buong pagasa na kami'y makaliligtas.
20Як же нї сонце, ні зорі не являлись многі дні, і надягала немала буря, то на останок і вся надїя віднялась, щоб спасти ся нам.
21At nang maluwat nang hindi sila nagsisikain, ay tumayo nga si Pablo sa gitna nila, at sinabi, Mga ginoo, nangakinig sana kayo sa akin, at hindi umalis sa Creta, at nailagan ang kapinsalaang ito at kapahamakan.
21Як же довго не їли ми, то ставши Павел серед них, рече: Люде, треба було, послухавши мене, не відчалювати від Криту, (то) і не здобулись би такої втрати і шкоди.
22At ngayon ay ipinamamanhik ko sa inyo na inyong laksan ang inyong loob; sapagka't walang buhay na mapapahamak sa inyo, kundi ang daong lamang.
22А тепер благаю вас, бодріть ся; не буде бо погибелї нї одній душі з вас, окрім корабля.
23Sapagka't nang gabing ito ay tumayo sa tabi ko ang anghel ng Dios na may-ari sa akin, at siya ko namang pinaglilingkuran,
23Явив ся бо мені сієї ночи ангел Бога, до котрого я належу й котрому служу,
24Na nagsabi, Huwag kang matakot, Pablo; kailangang ikaw ay humarap kay Cesar: at narito, ipinagkaloob sa iyo ng Dios ang lahat ng kasama mo sa paglalayag.
24глаголючи: Не бійсь, Павле: ти мусиш стояти перед кесарем, і ось дарував тобі Бог усіх тих, що плинуть з тобою.
25Kaya nga, mga ginoo, laksan ninyo ang inyong loob: sapagka't ako'y sumasampalataya sa Dios, na mangyayari ayon sa sinalita sa akin.
25Тим бодріть ся, люде (добрі); вірую бо Богу, що так буде, як сказано мені.
26Datapuwa't tayo'y kailangang mapapadpad sa isang pulo.
26Мусимо бо до острова якогось пристати.
27Datapuwa't nang dumating ang ikalabingapat na gabi, samantalang kami'y ipinapadpad ng hangin sa magkabikabila ng Dagat ng Adriatico, nang maghahating gabi na ay sinasapantaha ng mga mangdaragat na sila'y nangalalapit na sa isang lupain.
27Як же настала чотирнайцята ніч, що носило нас по Адриятицькому морю, коло півночи постерегли корабельники, що близько від них якась земля;
28At kanilang tinarok, at nasumpungang may dalawangpung dipa; at pagkasulongsulong ng kaunti, ay tinarok nilang muli at nasumpungang may labinglimang dipa.
28і, змірявши глибиню, знайшли двайцять сяжнїв; трохи ж відпливши і знов змірявши, знайшли сяжнїв пятнайцять.
29At sa takot naming mapapadpad sa batuhan, ay nangaghulog sila ng apat na sinepete sa hulihan, at iniibig magumaga na.
29І, опасуючись, щоб не набігти на гостре місце, кинули з демена (керми) чотири якори і дожидали дня.
30At sa pagpipilit ng mga mangdaragat na mangagtanan sa daong, at nang maibaba na ang bangka sa dagat, na ang dinadahilan ay mangaghuhulog sila ng mga sinepete sa unahan,
30Як же корабельники шукали втїкти з корабля, спускаючи човна на море, роблячи вид, ніби хочуть кинути якоря з носу,
31Ay sinabi ni Pablo sa senturion at sa mga kawal, Maliban na magsipanatili ang mga ito sa daong, kayo'y hindi mangakaliligtas.
31сказав Павел сотникові й воїнам: Коли сї не зістануть ся на кораблї, то ви не можете спасти ся.
32Nang magkagayo'y pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangka, at pinabayaang mahulog.
32Тоді воїни пообтинали верівки в човна, та й дали йому впасти.
33At samantalang naguumaga, ay ipinamanhik ni Pablo sa lahat na magsikain, na sinasabi, Ang araw na ito ang ikalabingapat na araw na kayo'y nangaghihintay at nangagpapatuloy sa hindi pagkain, na walang kinakaing anoman.
33Як же почало днїти, благав Павел усїх прийняти їжи, говорячи: Сьогодні чотирнайцятий день ви, ждучи, постите, нічого не ївши.
34Kaya nga ipinamamanhik ko sa inyo na kayo'y magsikain: sapagka't ito'y sa ikaliligtas ninyo: sapagka't hindi mawawala kahit isang buhok sa ulo ng sinoman sa inyo.
34Тим же благаю вас, прийміть їжи; воно бо для вашого спасення; нї в кого бо з вас і волос не впаде з голови.
35At nang masabi na niya ito, at makadampot ng tinapay, ay nagpasalamat siya sa Dios sa harapan ng lahat; at kaniyang pinagputolputol, at pinasimulang kumain.
35Сказавши ж се і взявши хлїб, оддав Богу хвалу перед усіма, і переломивши почав їсти.
36Nang magkagayo'y nagsilakas ang loob ng lahat, at sila nama'y pawang nagsikain din.
36Тоді повеселішали всі, і вони прийняли їжу.
37At kaming lahat na nangasa daong ay dalawang daan at pitongpu't anim na kaluluwa.
37Було ж нас у кораблї всіх двісті сїмдесять і шість душ.
38At nang mangabusog na sila, ay pinagaan nila ang daong, na ipinagtatapon sa dagat ang trigo.
38А наситившись їжею, облегчили корабель, викидаючи пшеницю в море.
39At nang magumaga na, ay hindi nila makilala ang lupain; datapuwa't nababanaagan nila ang isang look ng dagat na may baybayin, at sila'y nangagsangusapan kung kanilang maisasadsad ang daong doon.
39Як же настав день, не пізнали землї, загледїли ж затоку якусь, що мала беріг, до котрого нарадились, коли можна, причалити кораблем.
40At inihulog ang mga sinepete, at kanilang pinabayaan sa dagat, samantalang kinakalag ang mga tali ng mga ugit; at nang maitaas na nila sa hangin ang layag sa unahan, ay nagsipatungo sila sa baybayin.
40І, витягши якорі, пустились морем, порозвязувавши завязї деменові і піднявши парусок по вітру, прямували до берега.
41Datapuwa't pagdating sa isang dako na pinagsasalubungan ng dalawang dagat, ay kanilang isinadsad ang daong; at ang unahan ng daong ay napabunggo at tumigil na hindi kumikilos, datapuwa't nagpasimulang magkawasakwasak ang hulihan sa kalakasan ng mga alon.
41Попавши ж на місце двоеморське, загрузилй корабля; і перед, застрявши, був нерухомий, а зад розбивало силою филь.
42At ang payo ng mga kawal ay pagpapatayin ang mga bilanggo, upang ang sinoma'y huwag makalangoy at makatanan.
42Між воїнами ж стала рада, щоб вязників повбивати, щоб которий випливши, не втік.
43Datapuwa't ang senturion, sa pagkaibig na iligtas si Pablo, ay pinigil sila sa kanilang balak; at ipinagutos na ang mga makalangoy ay magsitalon, at mangaunang magsidating sa lupa;
43Сотник же, хотівши спасти Павла, заборонив їм що загадали, і звелів, щоб ті, хто вміє плавати, перші скочили, і вийшли на землю,
44At sa mga naiwan, ang iba'y sa mga kahoy, at ang iba nama'y sa mga bagay na galing sa daong. At sa ganito nangyari, na ang lahat ay nangakatakas na ligtas hanggang sa lupa.
44а остальнї, - хто на дошках, а хто на чому з корабля. І сталось так, що всі спаслись на землю.