1At nang kami'y mangakatakas na, nang magkagayo'y napagtalastas namin na ang pulo'y tinatawag na Melita.
1Спасши ся ж довідались, що остров зветь ся Мелит.
2At pinagpakitaan kami ng hindi karaniwang kagandahang-loob ng mga barbaro: sapagka't sila'y nagsiga, at tinanggap kaming lahat, dahil sa ulan niyaon, at dahil sa ginaw.
2Чужоземці ж показали нам не мале милосерде: розложнвши бо багатте, прийняли всіх нас задля дощу, що йшов, і задля холоду.
3Datapuwa't pagkapagtipon ni Pablo ng isang bigkis na kahoy at mailagay sa apoy, ay lumabas ang isang ulupong dahil sa init, at kumapit sa kaniyang kamay.
3Як же набрав Павел оберемок хворосту і положив на огнище, вибігши від жару гадина, почепилась на руцї в него.
4At nang makita ng mga barbaro ang makamandag na hayop na nakabitin sa kaniyang kamay, ay nagsabi ang isa sa iba, Walang salang mamamatay-tao ang taong ito, na, bagama't siya'y nakatakas sa dagat, gayon ma'y hindi siya pinabayaang mabuhay ng Katarungan.
4Побачивши чужоземці, що зьвірюка висіла з руки його, говорили між собою: Певно сей чоловік убийця, що спас ся з моря, та суд (богів) не дав йому жити.
5Gayon ma'y ipinagpag niya ang hayop sa apoy, at siya'y hindi nasaktan.
5Він же, струснувши гадюку в огонь, не дізнав ніякого лиха.
6Nguni't kanilang hinihintay na siya'y mamaga, o biglang mabuwal na patay: datapuwa't nang maluwat na silang makapaghintay, at makitang walang nangyari sa kaniyang anoman, ay nangagbago sila ng akala, at nangagsabing siya'y isang dios.
6Вони ж дожидали, що він мав опухнути або зараз упаде мертвий; як же довго дожидались і бачили, що ніякого лиха йому не сталось, перемінивши думки, казали, що се Бог.
7At sa mga kalapit ng dakong yao'y may mga lupain ang pangulo sa pulong yaon, na nagngangalang Publio; na tumanggap sa amin, at nagkupkop sa aming tatlong araw na may kagandahang-loob.
7Навкруги ж сього місця були землі першого на острові, на ймя Публия. Він, прийнявши нас, три дні поприятельски гостив.
8At nangyari, nararatay ang ama ni Publio na may-sakit na lagnat at iti: at pinasok siya ni Pablo, at nanalangin, at nang maipatong sa kaniya ang kaniyang mga kamay ay siya'y pinagaling.
8І сталось, що батько Публиїв лежав, болїючи на пропасницю та на живіт. Приступивши до него Павел, помоливсь і, положивши руки на него, сцїлив його.
9At nang magawa na ito, ay nagsiparoon naman ang mga ibang maysakit sa pulo, at pawang pinagaling:
9Як се стало ся, то й инші на острові, що мали недуги, приходили та й сцїлялись.
10Kami nama'y kanilang pinarangalan ng maraming pagpaparangal; at nang magsilayag kami, ay kanilang inilulan sa daong ang mga bagay na kinakailangan namin.
10Вони і великою честю пошанували нас, а як ми відпливали, надавали, чого нам треба (було).
11At nang makaraan ang tatlong buwan ay nagsilayag kami sa isang daong Alejandria na tumigil ng tagginaw sa pulo, na ang sagisag ay Ang Magkapatid na Kambal.
11По трох же місяцях одвезлись ми кораблем Александрийським, надписаним Диоскур, що зимував на острові,
12At nang dumaong kami sa Siracusa, ay nagsitigil kami roong tatlong araw.
12і припливши в Сиракузу, пробули (там) три дні.
13At mula doo'y nagsiligid kami, at nagsirating sa Regio: at pagkaraan ng isang araw ay humihip ang timugan, at nang ikalawang araw ay nagsirating kami sa Puteoli;
13А звідтіля відпливши, прибули в Регию, і за один день, як настав полуденний вітер, прийшли другого дня в Путеоли,
14Na doo'y nakasumpong kami ng mga kapatid, at kami'y pinakiusapang matira sa kanilang pitong araw: at sa gayo'y nagsirating kami sa Roma.
14де знайшовши братів, ублагані були від них перебути у них сім день; і так прийшли в Рим.
15At buhat doo'y pagkabalita ng mga kapatid, ay sinalubong kami sa Pamilihan ng Appio at sa Tatlong Bahay-Tuluyan; na nang sila'y makita ni Pablo, ay nagpasalamat sa Dios, at lumakas ang loob.
15Звідтіля, почувши брати про нас, повиходили назустріч нам аж до Апиєвого торгу та Трох Гостинниць. Побачивши їх Павел і подякувавши Богу, набрав ся сьмілости.
16At nang mangakapasok kami sa Roma, si Pablo ay pinahintulutang mamahay na magisa na kasama ng kawal na sa kaniya'y nagbabantay.
16Як же прийшли ми в Рим, сотник передав вязнику воїводї; Павлу ж дозволено жити окреме з воїном, що стеріг його.
17At nangyari, na nang makaraan ang tatlong araw ay tinipon niya yaong mga pangulo sa mga Judio: at nang sila'y mangagkatipon na, ay sinabi niya sa kanila, Ako, mga kapatid, bagaman wala akong ginawang anoman laban sa bayan, o sa mga kaugalian ng ating mga magulang, ay ibinigay akong bilanggo buhat sa Jerusalem sa mga kamay ng mga taga Roma:
17Стало ся ж по трох днях, скликав Павел первих із Жидів, і, як посходились вони, рече до них: Мужі брати, нічого не зробивши противного народові або звичаям отцївським, передай я, яко вязник, у рука Римлянам.
18Na, nang ako'y kanilang masulit na, ay ibig sana nila akong palayain, sapagka't wala sa aking anomang kadahilanang marapat sa kamatayan.
18Розпитавши вони мене, хотїли випустити, бо ніякої вини смерти не було в мені.
19Datapuwa't nang magsalita laban dito ang mga Judio, ay napilitan akong maghabol hanggang kay Cesar; hindi dahil sa mayroon akong anomang sukat na maisakdal laban sa aking bansa.
19Як же противились Жиди, був я змушений покликатись до кесаря, не яко би мав чим обвинувати нарід мій.
20Sanhi sa dahilang ito tinawag ko kayo upang makipagkita at makipagusap sa akin: sapagka't dahil sa pagasa ng Israel ay nagagapos ako ng tanikalang ito.
20Тим же скликав я вас, щоб побачити вас та поговорити, бо за надію Ізраїлеву залізом сим оковано мене.
21At sinabi nila sa kaniya, Kami'y hindi nagsitanggap ng mga sulat na galing sa Judea tungkol sa iyo, ni naparito man ang sinomang kapatid na magbalita o magsalita ng anomang masama tungkol sa iyo.
21Вони ж промовили до него: Ми анї письма про тебе не одержували з Юдеї, анї прийшовши хто з братів, звістив або сказав про тебе що лихе.
22Datapuwa't ibig naming marinig sa iyo kung ano ang iyong iniisip: sapagka't tungkol sa sektang ito'y talastas naming sa lahat ng mga dako ay laban dito ang mga salitaan.
22Та бажаємо від тебе чути, що ти думаєш; бо про сю єресь відоме нам, що всюди противлять ся їй.
23At nang mataningan na nila siya ng isang araw, ay nagsiparoon ang lubhang marami sa kaniyang tinutuluyan; at sa kanila'y kaniyang ipinaliwanag ang bagay, na sinasaksihan ang kaharian ng Dios, at sila'y hinihikayat tungkol kay Jesus, sa pamamagitan ng kautusan ni Moises at gayon din sa pamamagitan ng mga propeta, buhat sa umaga hanggang sa gabi.
23Призначивши ж йому день, поприходили до него в оселю многі, і викладував він їм, сьвідкуючи про царство Боже, і впевняючи їх про Ісуса й з закону Мойсеевого й з пророків, од ранку до вечера.
24At ang mga iba'y nagsipaniwala sa mga bagay na sinabi, at ang mga iba'y hindi nagsipaniwala.
24І деякі увірували в слова його, а инші не увірували.
25At nang sila'y hindi mangagkaisa, ay nangagsialis pagkasabi ni Pablo ng isang salita, Mabuti ang pagkasalita ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng propeta Isaias sa inyong mga magulang,
25І, будучи в незгоді між собою, розійшлись, як промовив Павел одно слово: що добре промовив сьвятий Дух через Ісаїю пророка до батьків ваших,
26Na sinasabi, Pumaroon ka sa bayang ito, at sabihin mo, Sa pakikinig ay inyong mapapakinggan, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa; At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas:
26глаголючи: Йди до людей сих та скажи: Слухом будете слухати, та й не зрозумієте, і дивлячись будете дивитись, та й не побачите:
27Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito, At mahirap na makarinig ang kanilang mga tainga, At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, At mangakarinig ng kanilang mga tainga, At mangakaunawa ng kanilang puso, At muling mangagbalik-loob, At sila'y aking pagalingin.
27бо серце сього народу затверділо, й ушима тяжко чують, і очі свої позаплющували, щоб не виділи очима, і ушима не чули, і серцем не розуміли, і не навернулись, щоб я сцїлив їх.
28Maging hayag nawa sa inyo, na ang kaligtasang ito ng Dios ay ipinadala sa mga Gentil: sila'y makikinig naman.
28Відоме ж нехай вам буде, що послане поганам спасенне Боже вони чути муть.
29At nang masabi na niya ang mga salitang ito'y nagsialis ang mga Judio, at sila-sila'y nangagtatalong mainam.
29І, як промовив сї слова, пійшли Жиди, маючи велике змаганнє між собою.
30At tumahan si Pablo na dalawang taong ganap sa kaniyang tahanang inuupahan, at tinatanggap ang lahat ng sa kaniya'y nagsisipagsadya,
30Пробував же Павел цїлих два роки в найнятій хаті своїй, і приймав усїх, хто приходив до него,
31Na ipinangangaral ang kaharian ng Dios, at itinuturo ang mga bagay na nauukol sa Panginoong Jesucristo ng buong katapangan, wala sinomang nagbabawal sa kaniya.
31проповідуючи царство Боже і навчаючи про Господа Ісуса Христа з усією сьміливостю, без заборони.