Tagalog 1905

World English Bible

Proverbs

14

1Bawa't pantas na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay: nguni't binubunot ng mangmang, ng kaniyang sariling mga kamay.
1Every wise woman builds her house, but the foolish one tears it down with her own hands.
2Siyang lumalakad sa kaniyang katuwiran ay natatakot sa Panginoon: nguni't siyang suwail sa kaniyang mga lakad ay humahamak sa kaniya.
2He who walks in his uprightness fears Yahweh, but he who is perverse in his ways despises him.
3Sa bibig ng mangmang ay may tungkod ng kapalaluan: nguni't ang mga labi ng pantas ay mangagiingat ng mga yaon.
3The fool’s talk brings a rod to his back, but the lips of the wise protect them.
4Kung saan walang baka, ang bangan ay malinis: nguni't ang karamihan ng bunga ay nasa kalakasan ng baka.
4Where no oxen are, the crib is clean, but much increase is by the strength of the ox.
5Ang tapat na saksi ay hindi magbubulaan: nguni't ang sinungaling na saksi ay nagbabadya ng mga kasinungalingan.
5A truthful witness will not lie, but a false witness pours out lies.
6Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan: nguni't ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa.
6A scoffer seeks wisdom, and doesn’t find it, but knowledge comes easily to a discerning person.
7Paroon ka sa harapan ng taong mangmang, at hindi mo mamamalas sa kaniya ang mga labi ng kaalaman:
7Stay away from a foolish man, for you won’t find knowledge on his lips.
8Ang karunungan ng mabait ay makaunawa ng kaniyang lakad: nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay karayaan.
8The wisdom of the prudent is to think about his way, but the folly of fools is deceit.
9Ang mangmang ay tumutuya sa sala: nguni't sa matuwid ay may mabuting kalooban.
9Fools mock at making atonement for sins, but among the upright there is good will.
10Nalalaman ng puso ang kaniyang sariling kapaitan; at ang tagaibang lupa ay hindi nakikialam ng kaniyang kagalakan.
10The heart knows its own bitterness and joy; he will not share these with a stranger.
11Ang bahay ng masama ay mababagsak: nguni't ang tolda ng matuwid ay mamumukadkad.
11The house of the wicked will be overthrown, but the tent of the upright will flourish.
12May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.
12There is a way which seems right to a man, but in the end it leads to death.
13Maging sa pagtawa man ang puso ay nagiging mapanglaw; at ang wakas ng kasayahan ay kabigatan ng loob.
13Even in laughter the heart may be sorrowful, and mirth may end in heaviness.
14Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog ng kaniyang sariling mga lakad: at masisiyahang loob ang taong mabuti.
14The unfaithful will be repaid for his own ways; likewise a good man will be rewarded for his ways.
15Pinaniniwalaan ng musmos ang bawa't salita: nguni't ang mabait ay tumitinging mabuti sa kaniyang paglakad.
15A simple man believes everything, but the prudent man carefully considers his ways.
16Ang pantas ay natatakot at humihiwalay sa kasamaan: nguni't ang mangmang ay nagpapakilalang palalo, at timawa.
16A wise man fears, and shuns evil, but the fool is hotheaded and reckless.
17Siyang nagagalit na madali ay gagawang may kamangmangan: at ang taong may masamang katha ay ipagtatanim.
17He who is quick to become angry will commit folly, and a crafty man is hated.
18Ang musmos ay nagmamana ng kamangmangan: nguni't ang mabait ay puputungan ng kaalaman.
18The simple inherit folly, but the prudent are crowned with knowledge.
19Ang masama ay yumuyukod sa harap ng mabuti; at ang masama ay sa mga pintuang-daan ng matuwid.
19The evil bow down before the good, and the wicked at the gates of the righteous.
20Ipinagtatanim ang dukha maging ng kaniyang kapuwa: nguni't ang mayaman ay maraming kaibigan.
20The poor person is shunned even by his own neighbor, but the rich person has many friends.
21Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala: nguni't siyang naaawa sa dukha ay mapalad siya.
21He who despises his neighbor sins, but blessed is he who has pity on the poor.
22Hindi ba sila nagkakamali na kumakatha ng kasamaan? Nguni't kaawaan at katotohanan ay sasa kanila na nagsisikatha ng mabuti.
22Don’t they go astray who plot evil? But love and faithfulness belong to those who plan good.
23Sa lahat ng gawain ay may pakinabang: nguni't ang tabil ng mga labi ay naghahatid sa karalitaan.
23In all hard work there is profit, but the talk of the lips leads only to poverty.
24Ang putong ng mga pantas ay ang kanilang mga kayamanan: nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay kamangmangan lamang.
24The crown of the wise is their riches, but the folly of fools crowns them with folly.
25Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga tao: nguni't siyang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay nagdaraya.
25A truthful witness saves souls, but a false witness is deceitful.
26Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala: at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan.
26In the fear of Yahweh is a secure fortress, and he will be a refuge for his children.
27Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan, upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan.
27The fear of Yahweh is a fountain of life, turning people from the snares of death.
28Nasa karamihan ng bayan ang kaluwalhatian ng hari: nguni't na sa pangangailangan ng bayan ang kapahamakan ng pangulo.
28In the multitude of people is the king’s glory, but in the lack of people is the destruction of the prince.
29Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa: nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan.
29He who is slow to anger has great understanding, but he who has a quick temper displays folly.
30Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan: nguni't ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto.
30The life of the body is a heart at peace, but envy rots the bones.
31Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa Maylalang sa kaniya. Nguni't siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya.
31He who oppresses the poor shows contempt for his Maker, but he who is kind to the needy honors him.
32Ang masama ay manahagis sa kaniyang masamang gawa: nguni't ang matuwid ay may kanlungan sa kaniyang kamatayan.
32The wicked is brought down in his calamity, but in death, the righteous has a refuge.
33Karunungan ay nagpapahinga sa puso niya na may paguunawa: nguni't ang nasa loob ng mga mangmang ay nalalaman.
33Wisdom rests in the heart of one who has understanding, and is even made known in the inward part of fools.
34Ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa: nguni't ang kasalanan ay kakutyaan sa alinmang bayan.
34Righteousness exalts a nation, but sin is a disgrace to any people.
35Ang lingap ng hari ay sa lingkod na gumagawa na may kapantasan: nguni't ang kaniyang poot ay magiging laban sa nakahihiya.
35The king’s favor is toward a servant who deals wisely, but his wrath is toward one who causes shame.