Tagalog 1905

World English Bible

Psalms

103

1Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: at lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan.
1Praise Yahweh, my soul! All that is within me, praise his holy name!
2Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa.
2Praise Yahweh, my soul, and don’t forget all his benefits;
3Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan; na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit;
3who forgives all your sins; who heals all your diseases;
4Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak: na siyang nagpuputong sa iyo ng kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan:
4who redeems your life from destruction; who crowns you with loving kindness and tender mercies;
5Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay; Na anopa't ang iyong kabataan ay nababagong parang agila.
5who satisfies your desire with good things, so that your youth is renewed like the eagle’s.
6Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa, at ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi.
6Yahweh executes righteous acts, and justice for all who are oppressed.
7Kaniyang ipinabatid ang kaniyang mga daan kay Moises, ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel.
7He made known his ways to Moses, his deeds to the children of Israel.
8Ang Panginoon ay puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob.
8Yahweh is merciful and gracious, slow to anger, and abundant in loving kindness.
9Hindi siya makikipagkaalit na palagi; ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man.
9He will not always accuse; neither will he stay angry forever.
10Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan, ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan.
10He has not dealt with us according to our sins, nor repaid us for our iniquities.
11Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa, gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob sa kanila na nangatatakot sa kaniya.
11For as the heavens are high above the earth, so great is his loving kindness toward those who fear him.
12Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran, gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin.
12As far as the east is from the west, so far has he removed our transgressions from us.
13Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.
13Like a father has compassion on his children, so Yahweh has compassion on those who fear him.
14Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo; kaniyang inaalaala na tayo'y alabok.
14For he knows how we are made. He remembers that we are dust.
15Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo: kung paanong namumukadkad ang bulaklak sa parang ay gayon siya.
15As for man, his days are like grass. As a flower of the field, so he flourishes.
16Sapagka't dinadaanan ng hangin, at napaparam; at ang dako niyaon ay hindi na malalaman.
16For the wind passes over it, and it is gone. Its place remembers it no more.
17Nguni't ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya, at ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa mga anak ng mga anak;
17But Yahweh’s loving kindness is from everlasting to everlasting with those who fear him, his righteousness to children’s children;
18Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan, at sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin,
18to those who keep his covenant, to those who remember to obey his precepts.
19Itinatag ng Panginoon ang kaniyang luklukan sa mga langit; at ang kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat.
19Yahweh has established his throne in the heavens. His kingdom rules over all.
20Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong mga anghel niya: ninyong makapangyarihan sa kalakasan na gumaganap ng kaniyang salita, na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita.
20Praise Yahweh, you angels of his, who are mighty in strength, who fulfill his word, obeying the voice of his word.
21Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya; ninyong mga ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan.
21Praise Yahweh, all you armies of his, you servants of his, who do his pleasure.
22Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya, sa lahat na dako na kaniyang sakop; purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.
22Praise Yahweh, all you works of his, in all places of his dominion. Praise Yahweh, my soul!