1Wine is a mocker, and beer is a brawler. Whoever is led astray by them is not wise.
1Ang alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo; at sinomang napaliligaw sa kaniya ay hindi pantas.
2The terror of a king is like the roaring of a lion. He who provokes him to anger forfeits his own life.
2Ang kakilabutan ng hari ay parang ungal ng leon: ang namumungkahi sa kaniya sa galit ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling buhay.
3It is an honor for a man to keep aloof from strife; but every fool will be quarreling.
3Karangalan sa tao ang magingat sa pakikipagkaalit: nguni't bawa't mangmang ay magiging palaaway.
4The sluggard will not plow by reason of the winter; therefore he shall beg in harvest, and have nothing.
4Ang tamad ay hindi magaararo dahil sa tagginaw; kaya't siya'y magpapalimos sa pagaani, at wala anoman.
5Counsel in the heart of man is like deep water; but a man of understanding will draw it out.
5Payo sa puso ng tao ay parang malalim na tubig; nguni't iibigin ng taong naguunawa.
6Many men claim to be men of unfailing love, but who can find a faithful man?
6Maraming tao ay magtatanyag bawa't isa ng kaniyang sariling kagandahang-loob: nguni't sinong makakasumpong sa taong tapat?
7A righteous man walks in integrity. Blessed are his children after him.
7Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, mapapalad ang kaniyang mga anak na susunod sa kaniya.
8A king who sits on the throne of judgment scatters away all evil with his eyes.
8Ang hari na nauupo sa luklukan ng kahatulan pinananabog ng kaniyang mga mata ang lahat na kasamaan.
9Who can say, “I have made my heart pure. I am clean and without sin?”
9Sinong makapagsasabi, nilinis ko ang aking puso, ako'y dalisay sa aking kasalanan?
10Differing weights and differing measures, both of them alike are an abomination to Yahweh.
10Mga iba't ibang panimbang, at mga iba't ibang takalan, kapuwa mga karumaldumal sa Panginoon.
11Even a child makes himself known by his doings, whether his work is pure, and whether it is right.
11Ang bata man ay nagpapakilala sa kaniyang mga gawa, kung ang kaniyang gawa ay magiging malinis, at kung magiging matuwid.
12The hearing ear, and the seeing eye, Yahweh has made even both of them.
12Ang nakikinig na tainga, at ang nakakakitang mata, kapuwa ginawa ng Panginoon.
13Don’t love sleep, lest you come to poverty. Open your eyes, and you shall be satisfied with bread.
13Huwag mong ibigin ang pagtulog, baka ka madukha; idilat mo ang iyong mga mata, at mabubusog ka ng tinapay.
14“It’s no good, it’s no good,” says the buyer; but when he is gone his way, then he boasts.
14Walang halaga, walang halaga, sabi ng mamimili: nguni't pagka nakalayo siya, naghahambog nga.
15There is gold and abundance of rubies; but the lips of knowledge are a rare jewel.
15May ginto, at saganang mga rubi: nguni't ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas.
16Take the garment of one who puts up collateral for a stranger; and hold him in pledge for a wayward woman.
16Kunin mo ang kaniyang suot na nananagot sa di kilala; at tanggapan mo ng sanla ang nananagot sa mga di kilala.
17Fraudulent food is sweet to a man, but afterwards his mouth is filled with gravel.
17Tinapay ng kasinungalingan ay matamis sa tao: nguni't pagkatapos ay mabubusog ang kaniyang bibig ng batong lapok.
18Plans are established by advice; by wise guidance you wage war!
18Bawa't panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo: at sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka.
19He who goes about as a tale-bearer reveals secrets; therefore don’t keep company with him who opens wide his lips.
19Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: kaya't huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi.
20Whoever curses his father or his mother, his lamp shall be put out in blackness of darkness.
20Siyang sumusumpa sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, ang kaniyang ilawan ay papatayin sa salimuot na kadiliman.
21An inheritance quickly gained at the beginning, won’t be blessed in the end.
21Ang mana ay matatamong madali sa pasimula; nguni't ang wakas niyao'y hindi pagpapalain.
22Don’t say, “I will pay back evil.” Wait for Yahweh, and he will save you.
22Huwag mong sabihin, ako'y gaganti ng kasamaan: maghintay ka sa Panginoon, at kaniyang ililigtas ka.
23Yahweh detests differing weights, and dishonest scales are not pleasing.
23Mga iba't ibang panimbang ay karumaldumal sa Panginoon; at ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti.
24A man’s steps are from Yahweh; how then can man understand his way?
24Ang mga lakad ng tao ay sa Panginoon; paano ngang mauunawa ng tao ang kaniyang lakad?
25It is a snare to a man to make a rash dedication, then later to consider his vows.
25Silo nga sa tao ang magsabi ng walang pakundangan, banal nga, at magsiyasat pagkatapos ng mga panata.
26A wise king winnows out the wicked, and drives the threshing wheel over them.
26Ang pantas na hari ay nagpapapanabog ng masama. At dinadala sa kanila ang gulong na panggiik.
27The spirit of man is Yahweh’s lamp, searching all his innermost parts.
27Ang diwa ng tao ay ilawan ng Panginoon, na sumisiyasat ng mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.
28Love and faithfulness keep the king safe. His throne is sustained by love.
28Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapalagi sa hari: at ang kaniyang luklukan ay inaalalayan ng kagandahang-loob.
29The glory of young men is their strength. The splendor of old men is their gray hair.
29Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan: at ang kagandahan ng matanda ay ang ulong may uban.
30Wounding blows cleanse away evil, and beatings purge the innermost parts.
30Ang mga latay na sumasakit ay lumilinis ng kasamaan: at ang mga hampas ay dinaramdam sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.