1力言人生是短暂且可悲
1Taong ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan.
2他生长如花,又遭割下;他飞去如影,并不停留。
2Siya'y umuusli na gaya ng bulaklak, at nalalagas: siya rin nama'y tumatakas na gaya ng anino, at hindi namamalagi.
3这样的人你还睁眼看他,又把他带到你跟前受审吗?
3At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, at ipinagsasama mo ako upang hatulan mo?
4谁能使洁净出于污秽呢?无人有此本事。
4Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala.
5人的日子既然被限定,他的月数亦在乎你,你也定下他的界限,使他不能越过。
5Yayamang ang kaniyang mga kaarawan ay nangapasiyahan, ang bilang ng kaniyang mga buwan ay talastas mo, at iyong hinanggahan ang kaniyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;
6就求你转眼不看他,使他得歇息,直等到他像雇工一样享受他的日子。
6Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin, upang siya'y makapagpahinga, hanggang sa maganap niya, na gaya ng isang magpapaupa, ang kaniyang araw.
7树木常有希望,树木若被砍下,也会再发芽,嫩枝仍生长不息。
7Sapagka't may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito'y putulin, ay sisibol uli, at ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat.
8虽然树根衰老在地里,树干也枯死在土中,
8Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa, at ang puno niyao'y mamatay sa lupa;
9一有水气,就会萌芽,又生长枝条如新栽的树一样。
9Gayon ma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol, at magsasanga na gaya ng pananim.
10人死了,就化为乌有;人一气绝就不在了。
10Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw; Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?
11海洋中的水消失,江河枯竭干涸,
11Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat, at ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
12人也是这样一躺下去,就不再起来,直到天都没有了还不醒过来,也不能从睡眠中被唤醒。
12Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.
13但愿你把我藏在阴间,把我隐藏,直到你的怒气过去;愿你为我定一个期限,好记念我。
13Oh ikubli mo nawa ako sa Sheol. Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan, na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at iyong alalahanin ako!
14人若死了,怎能再活呢?我要在我一切劳苦的日子等待,等到我得释放的时候来到。
14Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya? Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako, hanggang sa dumating ang pagbabago.
15你一呼叫,我就回答你,你必渴慕你手所作的。
15Ikaw ay tatawag, at ako'y sasagot sa iyo: ikaw ay magtataglay ng nasa sa gawa ng iyong mga kamay.
16但现在你数点我的脚步,必不再鉴察我的罪过,
16Nguni't ngayo'y binibilang mo ang aking mga hakbang: hindi mo ba pinapansin ang aking kasalanan?
17我的过犯被你封在囊中,我的罪孽你以灰泥遮盖了。
17Ang aking pagsalangsang ay natatatakan sa isang supot, at iyong inilalapat ang aking kasamaan.
18山崩下坠,岩石挪开原处;
18At tunay na ang bundok na natitibag, ay nawawala, at ang bato ay napababago mula sa kinaroroonan niyaon;
19流水磨蚀石头,水的泛溢冲去地上的尘土,你也这样灭绝人的指望。
19Inuukit ng tubig ang mga bato; tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa: sa gayon iyong sinisira ang pagasa ng tao.
20你永远胜过人,人就去世,你改变他的容貌,把他遣走。
20Ikaw ay nananaig kailan man laban sa kaniya at siya'y pumapanaw; iyong pinapagbabago ang kaniyang mukha, at iyong pinayayaon siya.
21他的儿女得尊荣,他并不晓得,他们降为卑,他也不觉得,
21Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan, at hindi niya nalalaman; at sila'y ibinababa, nguni't hindi niya nahahalata sila.
22只觉自己身上的痛苦,为自己悲哀。”
22Nguni't ang kaniyang laman sa kaniya ay masakit, at ang kaniyang kaluluwa sa loob niya ay namamanglaw.