1ויען בלדד השחי ויאמר׃
1Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,
2עד אנה תשימון קנצי למלין תבינו ואחר נדבר׃
2Hanggang kailan manghuhuli kayo ng mga salita? Inyong bulayin, at pagkatapos ay magsasalita kami.
3מדוע נחשבנו כבהמה נטמינו בעיניכם׃
3Bakit kami nangabibilang na parang mga hayop, at naging marumi sa iyong paningin?
4טרף נפשו באפו הלמענך תעזב ארץ ויעתק צור ממקמו׃
4Ikaw na nagpapakabagbag sa iyong galit, pababayaan ba ang lupa dahil sa iyo? O babaguhin ba ang bato mula sa kinaroroonan?
5גם אור רשעים ידעך ולא יגה שביב אשו׃
5Oo, ang ilaw ng masama ay papatayin, at ang liyab ng kaniyang apoy ay hindi liliwanag.
6אור חשך באהלו ונרו עליו ידעך׃
6Ang ilaw ay magdidilim sa kaniyang tolda, at ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin.
7יצרו צעדי אונו ותשליכהו עצתו׃
7Ang mga hakbang ng kaniyang kalakasan ay mapipigil, at ang kaniyang sariling payo ang magbabagsak sa kaniya.
8כי שלח ברשת ברגליו ועל שבכה יתהלך׃
8Sapagka't siya'y inihagis sa lambat ng kaniyang sariling mga paa, at siya'y lumalakad sa mga silo.
9יאחז בעקב פח יחזק עליו צמים׃
9Isang panghuli ang huhuli sa kaniya sa mga sakong. At isang silo ay huhuli sa kaniya.
10טמון בארץ חבלו ומלכדתו עלי נתיב׃
10Ang panali ay nakakubli ukol sa kaniya sa lupa, at isang patibong na ukol sa kaniya ay nasa daan.
11סביב בעתהו בלהות והפיצהו לרגליו׃
11Mga kakilabutan ay tatakot sa kaniya sa lahat ng dako, at hahabol sa kaniya sa kaniyang mga sakong.
12יהי רעב אנו ואיד נכון לצלעו׃
12Ang kaniyang kalakasan ay manglalata sa gutom, at ang kapahamakan ay mahahanda sa kaniyang tagiliran.
13יאכל בדי עורו יאכל בדיו בכור מות׃
13Susupukin ang mga sangkap ng kaniyang katawan, Oo, lalamunin ng panganay ng kamatayan ang kaniyang mga sangkap.
14ינתק מאהלו מבטחו ותצעדהו למלך בלהות׃
14Siya'y ilalabas sa kaniyang tolda na kaniyang tinitiwalaan; at siya'y dadalhin sa hari ng mga kakilabutan.
15תשכון באהלו מבלי לו יזרה על נוהו גפרית׃
15Tatahan sa kaniyang tolda yaong di niya kaanoano: azufre ay makakalat sa kaniyang tahanan.
16מתחת שרשיו יבשו וממעל ימל קצירו׃
16Ang kaniyang mga ugat ay mangatutuyo sa ilalim, at sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang sanga.
17זכרו אבד מני ארץ ולא שם לו על פני חוץ׃
17Ang alaala sa kaniya ay mawawala sa lupa, at siya'y mawawalan ng pangalan sa lansangan.
18יהדפהו מאור אל חשך ומתבל ינדהו׃
18Siya'y ihahatid sa kadiliman mula sa liwanag, at itatapon sa labas ng sanglibutan.
19לא נין לו ולא נכד בעמו ואין שריד במגוריו׃
19Siya'y hindi magkakaroon kahit anak, ni anak man ng anak sa gitna ng kaniyang bayan, ni anomang nalabi sa kaniyang pinakipamayanan.
20על יומו נשמו אחרנים וקדמנים אחזו שער׃
20Silang nagsisidating pagkatapos ay mangatitigilan sa kaniyang kaarawan, gaya ng nangauna na nangatakot.
21אך אלה משכנות עול וזה מקום לא ידע אל׃
21Tunay na ganyan ang mga tahanan ng mga liko, at ito ang kalalagyan niya na hindi nakakakilala sa Dios.