1קרא נא היש עונך ואל מי מקדשים תפנה׃
1Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo? At sa kanino sa mga banal babalik ka?
2כי לאויל יהרג כעש ופתה תמית קנאה׃
2Sapagka't ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal, at ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang.
3אני ראיתי אויל משריש ואקוב נוהו פתאם׃
3Aking nakita ang hangal na umuunlad: nguni't agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan.
4ירחקו בניו מישע וידכאו בשער ואין מציל׃
4Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan, at sila'y mangapipisa sa pintuang-bayan, na wala mang magligtas sa kanila.
5אשר קצירו רעב יאכל ואל מצנים יקחהו ושאף צמים חילם׃
5Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom, at kinukuha na mula sa mga tinik, at ang silo ay nakabuka sa kanilang pag-aari.
6כי לא יצא מעפר און ומאדמה לא יצמח עמל׃
6Sapagka't ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok, ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan;
7כי אדם לעמל יולד ובני רשף יגביהו עוף׃
7Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan. Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas.
8אולם אני אדרש אל אל ואל אלהים אשים דברתי׃
8Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios, at sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap:
9עשה גדלות ואין חקר נפלאות עד אין מספר׃
9Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita; ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang:
10הנתן מטר על פני ארץ ושלח מים על פני חוצות׃
10Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa, at nagpapahatid ng tubig sa mga bukid;
11לשום שפלים למרום וקדרים שגבו ישע׃
11Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas yaong nangasa mababa; at yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan.
12מפר מחשבות ערומים ולא תעשינה ידיהם תושיה׃
12Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha, na anopa't hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala.
13לכד חכמים בערמם ועצת נפתלים נמהרה׃
13Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha: at ang payo ng suwail ay napapariwara.
14יומם יפגשו חשך וכלילה ימששו בצהרים׃
14Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw, at nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi.
15וישע מחרב מפיהם ומיד חזק אביון׃
15Nguni't kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig, sa makatuwid baga'y ang maralita sa kamay ng malakas.
16ותהי לדל תקוה ועלתה קפצה פיה׃
16Na anopa't ang dukha ay may pagasa, at ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig.
17הנה אשרי אנוש יוכחנו אלוה ומוסר שדי אל תמאס׃
17Narito, maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios: kaya't huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat.
18כי הוא יכאיב ויחבש ימחץ וידו תרפינה׃
18Sapagka't siya'y sumusugat, at nagtatapal; siya'y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay.
19בשש צרות יצילך ובשבע לא יגע בך רע׃
19Kaniyang ililigtas ka sa anim na kabagabagan. Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo.
20ברעב פדך ממות ובמלחמה מידי חרב׃
20Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan; at sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak.
21בשוט לשון תחבא ולא תירא משד כי יבוא׃
21Ikaw ay makukubli sa talas ng dila; na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating.
22לשד ולכפן תשחק ומחית הארץ אל תירא׃
22Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka; ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa.
23כי עם אבני השדה בריתך וחית השדה השלמה לך׃
23Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang; at ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo.
24וידעת כי שלום אהלך ופקדת נוך ולא תחטא׃
24At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan; at iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman.
25וידעת כי רב זרעך וצאצאיך כעשב הארץ׃
25Iyo rin namang makikilala na ang iyong binhi ay magiging dakila, at ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa.
26תבוא בכלח אלי קבר כעלות גדיש בעתו׃
26Ikaw ay darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan. Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan.
27הנה זאת חקרנוה כן היא שמענה ואתה דע לך׃
27Narito, aming siniyasat, at gayon nga; dinggin mo, at talastasin mo sa iyong ikabubuti.