1נבחר שם מעשר רב מכסף ומזהב חן טוב׃
1Ang mabuting pangalan ay maiging piliin, kay sa malaking kayamanan, at ang magandang kalooban, kay sa pilak at ginto.
2עשיר ורש נפגשו עשה כלם יהוה׃
2Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapuwa: ang Panginoon ang May-lalang sa kanilang lahat.
3ערום ראה רעה ויסתר ופתיים עברו ונענשו׃
3Ang mabait na tao ay nakakakita ng kasamaan at nagkukubli: nguni't dinadaanan ng musmos at nagtitiis.
4עקב ענוה יראת יהוה עשר וכבוד וחיים׃
4Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon ay kayamanan, at karangalan, at buhay.
5צנים פחים בדרך עקש שומר נפשו ירחק מהם׃
5Mga tinik at mga silo ay nangasa daan ng magdaraya: ang nagiingat ng kaniyang kaluluwa ay lalayo sa mga yaon.
6חנך לנער על פי דרכו גם כי יזקין לא יסור ממנה׃
6Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.
7עשיר ברשים ימשול ועבד לוה לאיש מלוה׃
7Ang mayaman ay magpupuno sa dukha, at ang manghihiram ay alipin ng nagpapahiram.
8זורע עולה יקצור און ושבט עברתו יכלה׃
8Siyang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan; at ang pamalo ng kaniyang poot ay maglilikat.
9טוב עין הוא יברך כי נתן מלחמו לדל׃
9Ang may magandang-loob na mata ay pagpapalain: sapagka't nagbibigay ng kaniyang tinapay sa dukha.
10גרש לץ ויצא מדון וישבת דין וקלון׃
10Itaboy mo ang manglilibak, at ang pagtatalo ay maalis; Oo, ang pagkakaalit at pagduwahagi ay matitigil.
11אהב טהור לב חן שפתיו רעהו מלך׃
11Siyang umiibig ng kalinisan ng puso, dahil sa biyaya ng kaniyang mga labi ay magiging kaniyang kaibigan ang hari.
12עיני יהוה נצרו דעת ויסלף דברי בגד׃
12Ang mga mata ng Panginoon ay nagiingat sa maalam: nguni't kaniyang ibinabagsak ang mga salita ng taksil.
13אמר עצל ארי בחוץ בתוך רחבות ארצח׃
13Sinasabi ng tamad, may leon sa labas: mapapatay ako sa mga lansangan.
14שוחה עמקה פי זרות זעום יהוה יפול שם׃
14Ang bibig ng masasamang babae ay isang malalim na lungaw: siyang nayayamot sa Panginoon ay mabubuwal doon.
15אולת קשורה בלב נער שבט מוסר ירחיקנה ממנו׃
15Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng bata; nguni't ilalayo sa kaniya ng pamalong pangsaway.
16עשק דל להרבות לו נתן לעשיר אך למחסור׃
16Ang pumipighati sa dukha upang magpalago ng kaniyang pakinabang, at ang nagbibigay sa mayaman, ay humahangga sa pangangailangan lamang.
17הט אזנך ושמע דברי חכמים ולבך תשית לדעתי׃
17Ikiling mo ang iyong pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng pantas, at ihilig mo ang iyong puso sa aking kaalaman.
18כי נעים כי תשמרם בבטנך יכנו יחדו על שפתיך׃
18Sapagka't maligayang bagay kung iyong ingatan sa loob mo, kung mangatatatag na magkakasama sa iyong mga labi.
19להיות ביהוה מבטחך הודעתיך היום אף אתה׃
19Upang ang iyong tiwala ay malagak sa Panginoon, aking ipinakilala sa iyo sa kaarawang ito, oo, sa iyo.
20הלא כתבתי לך שלשום במועצות ודעת׃
20Hindi ba ako sumulat sa iyo ng mga marilag na bagay na mga payo at kaalaman;
21להודיעך קשט אמרי אמת להשיב אמרים אמת לשלחיך׃
21Upang ipakilala sa iyo ang katunayan ng mga salitang katotohanan, upang iyong maibalik ang mga salita ng katotohanan sa kanila na nagsusugo sa iyo?
22אל תגזל דל כי דל הוא ואל תדכא עני בשער׃
22Huwag kang magnakaw sa dukha, sapagka't siya'y dukha, ni pumighati man sa nagdadalamhati sa pintuang-bayan:
23כי יהוה יריב ריבם וקבע את קבעיהם נפש׃
23Sapagka't ipakikipaglaban ng Panginoon ang kanilang usap, at sasamsaman ng buhay yaong nagsisisamsam sa kanila.
24אל תתרע את בעל אף ואת איש חמות לא תבוא׃
24Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama:
25פן תאלף ארחתו ולקחת מוקש לנפשך׃
25Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad, at magtamo ng silo sa iyong kaluluwa.
26אל תהי בתקעי כף בערבים משאות׃
26Huwag kang maging isa sa kanila na nakikikamay, o sa kanila na mangananagot sa mga utang:
27אם אין לך לשלם למה יקח משכבך מתחתיך׃
27Kung wala kang ikabayad, bakit kaniyang kukunin sa iyo ang iyong higaan?
28אל תסג גבול עולם אשר עשו אבותיך׃
28Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa, na inilagay ng iyong mga magulang.
29חזית איש מהיר במלאכתו לפני מלכים יתיצב בל יתיצב לפני חשכים׃
29Nakikita mo ba ang taong masipag sa kaniyang gawain? siya'y tatayo sa harap ng mga hari: hindi siya tatayo sa harap ng mga taong hamak.