1Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.
1遵行 神律例是有福的行为完全,遵行耶和华律法的,都是有福的。
2Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.
2谨守他的法度,全心寻求他的,都是有福的。
3Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.
3他们不作不义的事;他们遵行他的道。
4Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap.
4你曾把你的训词吩咐我们,要我们殷勤遵守。
5Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo!
5但愿我的道路坚定,为要遵守你的律例。
6Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.
6我重视你的一切诫命,就不至于羞愧。
7Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.
7我学会了你公义的法则,就以正直的心称谢你。
8Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos.
8我必遵守你的律例,求你不要把我弃绝。
9Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
9谨守 神的话可免犯罪少年人用什么洁净自己的行为呢?就是要遵守你的话。
10Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.
10我一心寻求你,求你不要容我偏离你的诫命。
11Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
11我把你的话藏在心里,免得我得罪你。
12Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
12耶和华啊!你是该受称颂的;求你把你的律例教导我。
13Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
13我用嘴唇传扬从你口中所出的一切典章。
14Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan.
14我喜欢你法度定下的道路,如同喜欢一切财富。
15Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan.
15我要默想你的训词,重视你的道路。
16Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita.
16我喜爱你的律例,我不会忘记你的话。
17Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.
17爱慕 神典章必有喜乐求你恩待你的仆人,使我可以活着,也可以谨守你的话。
18Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.
18求你开我的眼睛,使我能看出你律法的奇妙。
19Ako'y nakikipamayan sa lupa: huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.
19我是在世上作寄居的,求你不要向我隐瞒你的命令。
20Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.
20我常常切慕你的典章,以致我心力交瘁。
21Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.
21那些受咒诅的傲慢人,和那些偏离了你诫命的人,你必斥责他们。
22Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.
22求你除去我所受的羞辱和藐视,因为我遵守你的法度。
23Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.
23虽有作领袖的坐着毁谤我,你的仆人却默想你的律例。
24Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo.
24你的法度是我的喜乐,是我的谋士。
25Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
25恳求 神教导明白律法我快要归回尘土,求你按着你的话把我救活过来。
26Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
26我陈明我所行的,你就应允了我;求你把你的律例教导我。
27Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
27求你使我明白你的训词,我就默想你的奇妙。
28Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: iyong palakasin ako ayon sa iyong salita.
28我因愁苦而流泪,求你照着你的话使我坚强。
29Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.
29求你使我离开虚谎的路,施恩把你的律法赐给我。
30Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.
30我拣选了信实的道路,我把你的典章摆在我面前。
31Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.
31我紧守你的法度,耶和华啊!求你不要使我蒙羞。
32Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso.
32因为你使我的心舒畅,我就跑在你诫命的路上。
33Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas.
33立志一心遵守 神诫命耶和华啊!求你把你的律例指教我,我必遵守到底。
34Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso.
34求你赐我悟性,我好遵守你的律法,我必一心谨守。
35Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagka't siya kong kinaaliwan.
35求你领我走在你诫命的路上,因为这是我喜悦的。
36Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman.
36求你使我的心倾向你的法度,不倾向不义之财。
37Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan.
37求你使我转眼不看虚空的事;又使我在你的道中存活。
38Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo.
38求你向你的仆人实践你的诺言,就是你向敬畏你的人所应许的。
39Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.
39求你使我所怕的羞辱离开我,因为你的典章都是美好的。
40Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran.
40我切慕你的训词,求你使我活在你的公义中。
41Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.
41信靠 神应许必不蒙羞耶和华啊!愿你照着你的应许,使你的慈爱、你的救恩临到我。
42Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita.
42我就有话回答那羞辱我的,因为我倚靠你的话。
43At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan.
43求你使真理的话总不离开我的口,因为我仰望你的典章。
44Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man.
44我要常常谨守你的律法,直到永远。
45At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.
45我必行在宽阔之处,因为我一向寻求你的训词。
46Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, at hindi ako mapapahiya.
46我在君王面前讲论你的法度,也不以为耻。
47At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, na aking iniibig.
47我要以你的诫命为乐,这些诫命是我所爱的。
48Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.
48我又要向你的诫命举手,这些诫命是我所爱的;我也要默想你的律例。
49Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod, na doo'y iyong pinaasa ako.
49 神的话满有盼望安慰求你记念你向你仆人应许的话,因为你使我有盼望。
50Ito'y aking kaaliwan sa aking pagkapighati: sapagka't binuhay ako ng iyong salita.
50你的应许使我存活;这就是我在困苦中的安慰。
51Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin: gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.
51骄傲的人苛刻地讥诮我,我却没有偏离你的律法。
52Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon, at ako'y nagaliw sa sarili.
52耶和华啊!我思念你在古时赐下的典章,我就得了安慰。
53Maalab na galit ang humawak sa akin, dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan.
53因为恶人离弃你的律法,我就非常忿怒。
54Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit sa bahay ng aking pangingibang bayan.
54在我寄居的住所里,你的律例成了我的诗歌。
55Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon, at sinunod ko ang iyong kautusan.
55耶和华啊!我在夜间记念你的名,我要谨守你的律法。
56Ito ang tinamo ko, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
56我这样作,是因为我遵守你的训词。
57Ang Panginoon ay aking bahagi: aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.
57谨守 神的话不敢忘记耶和华啊!你是我的业分,我曾说我要谨守你的话。
58Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso: magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.
58我曾一心向你乞恩,愿你照着你的应许恩待我。
59Ako'y nagiisip sa aking mga lakad, at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.
59我思想我所行的道路,就转回脚步归向你的法度。
60Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, na sundin ang iyong mga utos.
60我赶快谨守你的命令,不敢耽延。
61Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.
61恶人的绳索虽然捆绑我,我却不忘记你的律法。
62Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
62因你公义的典章,我半夜起来称谢你。
63Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo, at ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.
63凡是敬畏你,谨守你训词的,我都与他们为友。
64Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno ng iyong kagandahang-loob: ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
64耶和华啊!你的慈爱遍满大地;求你把你的律例教导我。
65Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
65苦难使人学习 神律例耶和华啊!你向来照着你的话,善待你的仆人。
66Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman; sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos.
66求你把聪明和知识指教我,因为我信靠你的命令。
67Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.
67我受苦以先,犯了错误;现在我谨守你的话。
68Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
68你本是良善的,你所行的也是良善的;求你把你的律例教导我。
69Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin: aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.
69傲慢人用谎言中伤我,我却一心遵守你的训词。
70Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo; nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.
70他们的心麻木如同脂油,我却喜欢你的律法。
71Mabuti sa akin na ako'y napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.
71我受苦是对我有益的,为要使我学习你的律例。
72Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak.
72你口中的律法对我有益,胜过千千万万的金银。
73Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay: bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.
73仰望 神的话必得安慰你的手造了我,建立了我;求你使我有悟性,可以学习你的命令。
74Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa; sapagka't ako'y umasa sa iyong salita;
74愿敬畏你的人看见我就欢喜,因为我仰望你的话。
75Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid, at sa pagtatapat, iyo akong dinalamhati.
75耶和华啊!我知道你的判语是公义的,为了你的信实,你使我受苦。
76Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob, ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.
76求你按着你给你仆人的应许,以你的慈爱安慰我。
77Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay: sapagka't ang kautusan mo'y aking kaaliwan.
77愿你的怜悯临到我,使我活着,因为我喜欢你的律法。
78Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan: nguni't ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin.
78愿傲慢人蒙羞,因为他们以诡诈诬蔑我;至于我,我却要默想你的训词。
79Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo, at silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo.
79愿敬畏你、知道你法度的人,都归向我;
80Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan; upang huwag akong mapahiya.
80愿我的心在你的律例上无可指摘,使我不至蒙羞。
81Pinanglulupaypayan ng aking kaluluwa ang iyong pagliligtas: nguni't umaasa ako sa iyong salita.
81逼迫中仍谨记 神律例我渴望你的救恩以致心力衰竭,但我仍仰望你的话。
82Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita, samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin?
82我仰望你的应许以致眼睛昏花,我说:“你什么时候才安慰我呢?”
83Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan.
83我虽然好像烟熏的皮袋,我却没有忘记你的律例。
84Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod? Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin?
84你仆人的日子还有多少?你什么时候才向那些逼迫我的人施行审判呢?
85Inihukay ako ng palalo ng mga lungaw na hindi mga ayon sa iyong kautusan.
85傲慢人为我掘了坑,他们就是那些不按着你律法而行的人。
86Lahat mong mga utos ay tapat. Kanilang inuusig ako na may kamalian; tulungan mo ako.
86你的一切命令都是可信靠的;他们以诡诈逼迫我,求你帮助我。
87Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa; nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo.
87他们几乎把我从世上除灭了;至于我,我却没有离弃你的训词。
88Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob; sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig.
88求你照着你的慈爱使我存活,我就必谨守你口中的法度。
89Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit.
89 神的话永远坚立长存耶和华啊!你的话存到永远,坚立在天上。
90Ang iyong pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi: iyong itinatag ang lupa, at lumalagi.
90你的信实存到万代;你坚立了地,地就长存。
91Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin; sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo.
91天地照着你的安排存到今日,因为万有都是你的仆役。
92Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan, namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian.
92如果我不是喜欢你的律法,就早已在苦难中灭亡了。
93Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo; sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako.
93我永远不会忘记你的训词,因为你用这些训词使我存活。
94Ako'y iyo, iligtas mo ako, sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo,
94我是属于你的,求你拯救我,因为我寻求你的训词。
95Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin; nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo.
95恶人等待着要把我毁灭,我却思考你的法度。
96Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan; nguni't ang utos mo'y totoong malawak.
96我看一切圆满的事都有尽头,只有你的命令是广阔无边的。
97Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw.
97 神训词使人明白事理我多么爱慕你的律法,终日不住地默想。
98Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; sapagka't mga laging sumasa akin.
98你的命令使我比我的仇敌更有智慧,因为你的命令常存在我里面。
99Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko.
99我比我所有的老师明智,因为我默想你的法度。
100Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
100我比老年人更明理,因为我遵守你的训词。
101Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, upang aking masunod ang salita mo.
101我制止我的脚不走任何邪恶的路,为要谨守你的话。
102Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan; sapagka't iyong tinuruan ako.
102我没有偏离你的典章,因为你亲自教导了我。
103Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
103你的话语在我的上膛多么甜美,在我的口中比蜂蜜更甜。
104Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.
104我借着你的训词,得以明白事理;因此,我恨恶一切虚谎的道。
105Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.
105立誓专心遵行 神律例你的话是我脚前的灯,是我路上的光。
106Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
106我曾起誓,并且坚守誓言,我必遵守你公义的典章。
107Ako'y nagdadalamhating mainam: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
107我受苦极重;耶和华啊!求你照着你的应许使我存活。
108Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
108耶和华啊!求你悦纳我口中的甘心祭,又把你的典章教导我。
109Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
109我的性命常在危险中,我却没有忘记你的律法。
110Ipinaglagay ako ng silo ng masama; gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
110恶人虽然设下陷阱要害我,我却没有偏离你的训词。
111Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman; sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso.
111我以你的法度为我永远的产业;因为它们是我心中的喜乐。
112Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo, magpakailan man, sa makatuwid baga'y hanggang sa wakas.
112我专心遵行你的律例,永不改变,遵行到底。
113Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip; nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.
113重视 神律例必蒙扶持我恨恶心怀二意的人,我却喜爱你的律法。
114Ikaw ang kublihan kong dako at kalasag ko: ako'y umaasa sa iyong salita.
114你是我的避难所,我的盾牌;我仰望你的话。
115Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan; upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.
115作恶的人哪!你们离开我吧,好让我遵守我 神的命令。
116Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay; at huwag mo akong hiyain sa aking pagasa.
116求你照着你的应许扶持我,使我存活;不要使我因仰望你而蒙羞。
117Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas, at magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.
117求你扶持我,我就必得救;我必常常重视你的律例。
118Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan; sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.
118偏离你的律例的,你都把他们弃绝;他们的诡诈是徒然的。
119Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal; kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo.
119世上所有的恶人,你都把他们除灭,如同除去渣滓,因此我喜爱你的法度。
120Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo; at ako'y takot sa iyong mga kahatulan.
120我因惧怕你而战栗;我畏惧你的审判。
121Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan: huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.
121秉行 神律法确保福乐我曾秉公行义;求你不要把我撇下,交给欺压我的人。
122Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti: huwag mong ipapighati ako sa palalo.
122求你作你仆人的保证人,确保我的好处;不要容傲慢人欺压我。
123Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, at ang iyong matuwid na salita.
123因盼望你的救恩和你公义的应许,我的眼睛都昏花了。
124Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob, at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
124求你按着你的慈爱待你的仆人,把你的律例教导我。
125Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa; upang aking maalaman ang mga patotoo mo,
125我是你的仆人,求你赐我悟性,使我可以明白你的法度。
126Kapanahunan sa Panginoon na gumawa; sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.
126现在是耶和华行动的时候;因为人都违犯了你的律法。
127Kaya't aking iniibig ang mga utos mo ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
127因此我爱你的命令,胜过金子,甚至胜过精金。
128Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay; at ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.
128在一切事上,你所有的训词我都视为正直;我恨恶一切虚谎的道。
129Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas; kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa.
129切慕 神命令,祈愿遵行你的法度奇妙,所以我必遵守你的法度,
130Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.
130你的话一解开,就发出亮光,使愚人有悟性。
131Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga; sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo.
131我张口喘气,因为我切慕你的命令。
132Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin, gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan.
132求你转向我,恩待我;像你素常对待那些爱你名的人那样。
133Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan.
133求你用你的话引导我的脚步,不容什么罪孽辖制我。
134Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao: sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.
134求你救赎我脱离人的欺压,好让我谨守你的训词。
135Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod; at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
135求你用你的脸光照你的仆人,把你的律例教导我。
136Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig; sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo.
136我的眼泪像河水涌流,因为人都不谨守你的律法。
137Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo.
137 神的话正直可信可靠耶和华啊!你是公义的,你的判词也是正直的。
138Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat.
138你以公义和至诚,命定了你的法度。
139Tinunaw ako ng aking sikap, sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.
139我心中迫切如同火烧,因为我的敌人忘记了你的话。
140Ang salita mo'y totoong malinis; kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.
140你的话语十分精炼,因此你的仆人喜爱你的话语。
141Ako'y maliit at hinahamak: gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.
141我虽然微小,被人藐视,我却没有忘记你的训词。
142Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan.
142你的公义是永远的公义,你的律法是可信可靠的。
143Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan.
143我遭遇患难和困苦,但你的命令仍是我欢喜的。
144Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.
144你的法度永远是公义的,求你赐我悟性,好让我存活。
145Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.
145仰望 神的话,祈求救助耶和华啊!我一心呼求你,求你应允我;我必遵守你的律例。
146Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako, at aking tutuparin ang mga patotoo mo.
146我向你呼求,求你救我;我必谨守你的法度。
147Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako: ako'y umasa sa iyong mga salita.
147天还未亮我就呼求救助,我所仰望的就是你的话。
148Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi, upang aking magunita ang salita mo.
148我整夜睁开眼睛,为要默想你的话语。
149Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan.
149耶和华啊!求你照着你的慈爱垂听我的声音,求你按着你的公正使我存活。
150Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit; sila'y malayo sa iyong kautusan.
150追求奸恶的人临近了,他们远离你的律法。
151Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; at lahat mong utos ay katotohanan.
151耶和华啊!你和我十分接近,你的一切命令都是可信可靠的。
152Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, na iyong pinamalagi magpakailan man.
152我从你的法度早已知道,这些法度是你立定,存到永远的。
153Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan.
153苦难中仍喜爱 神训词求你察看我的苦难,搭救我;因为我没有忘记你的律法。
154Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
154求你为我的案件申辩,救赎我;按着你的应许使我存活。
155Kaligtasan ay malayo sa masama; sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.
155救恩远离恶人,因为他们不寻求你的律例。
156Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon: buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan.
156耶和华啊!你的怜悯浩大;求你照着你的公正使我存活。
157Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko; gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo.
157逼迫我的和敌挡我的很多,但我没有偏离你的法度。
158Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at ako'y namanglaw; sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo.
158我看见诡诈的人就讨厌,因为他们不遵守你的话语。
159Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob.
159你看我多么爱你的训词;耶和华啊!求你按着你的慈爱使我存活。
160Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; at bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.
160你的话的总纲就是真理,你一切公义的典章要存到永远。
161Inusig ako ng mga pangulo ng walang kadahilanan; nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita.
161喜爱 神律法必享安乐领袖们无缘无故迫害我,我的心却畏惧你的话。
162Ako'y nagagalak sa iyong salita, na parang nakakasumpong ng malaking samsam.
162我因你的话语欢喜,像得了许多战利品的人一样。
163Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling; nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.
163虚伪是我憎恨厌恶的,你的律法却是我所爱的。
164Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo, dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.
164我因你公义的典章,一天七次赞美你。
165Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.
165喜爱你律法的必有丰盛的平安,什么都不能绊倒他们。
166Ako'y umasa sa iyong pagliligtas, Oh Panginoon. At ginawa ko ang mga utos mo.
166耶和华啊!我要等候你的救恩,我要遵行你的命令。
167Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo; at iniibig kong mainam,
167我的心谨守你的法度,这些法度是我热爱的。
168Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo; sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.
168我谨守你的训词和法度,因我所行的一切都在你面前。
169Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon: bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.
169祈愿 神按应许施拯救耶和华啊!愿我的呼求达到你面前;求你照着你的话赐我悟性。
170Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
170愿我的恳求达到你面前;求你照着你的应许拯救我。
171Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
171愿我的嘴唇涌出赞美的话,因为你把你的律例教导了我。
172Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.
172愿我的舌头歌唱你的话语,因为你的一切命令都是公义的。
173Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin.
173愿你的手帮助我,因为我选择了你的训词。
174Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon: at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan.
174耶和华啊!我渴慕你的救恩,我喜欢你的律法。
175Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo; at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.
175求你容我活着,可以赞美你;愿你的典章帮助我。
176Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.
176我像亡羊走迷了路;求你寻找你的仆人,因为我没有忘记你的命令。