1Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,
1And Bildad the Shuhite answereth and saith: —
2Hanggang kailan magsasalita ka ng mga bagay na ito? At hanggang kailan magiging gaya ng makapangyarihang hangin ang mga salita ng iyong bibig?
2Till when dost thou speak these things? And a strong wind — sayings of thy mouth?
3Nagliliko ba ng kahatulan ang Dios? O nagliliko ba ang Makapangyarihan sa lahat ng kaganapan?
3Doth God pervert judgment? And doth the Mighty One pervert justice?
4Kung ang iyong mga anak ay nangagkasala laban sa kaniya, at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng kanilang pagkasalangsang:
4If thy sons have sinned before Him, And He doth send them away, By the hand of their transgression,
5Kung hanapin mong mainam ang Dios, at iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat;
5If thou dost seek early unto God, And unto the Mighty makest supplication,
6Kung ikaw ay malinis at matuwid; walang pagsalang ngayo'y gigising siya dahil sa iyo. At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran.
6If pure and upright thou [art], Surely now He waketh for thee, And hath completed The habitation of thy righteousness.
7At bagaman ang iyong pasimula ay maliit, gayon ma'y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam.
7And thy beginning hath been small, And thy latter end is very great.
8Sapagka't ikaw ay magsisiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon, at pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang:
8For, ask I pray thee of a former generation, And prepare to a search of their fathers,
9(Sapagka't tayo'y kahapon lamang, at walang nalalaman, sapagka't ang ating mga kaarawan sa lupa ay anino:)
9(For of yesterday we [are], and we know not, For a shadow [are] our days on earth.)
10Hindi ka ba nila tuturuan, at sasaysayin sa iyo, at mangagsasalita ng mga salita mula sa kanilang puso?
10Do they not shew thee — speak to thee, And from their heart bring forth words?
11Makatataas ba ang yantok ng walang putik? Tutubo ba ang tambo ng walang tubig?
11`Doth a rush wise without mire? A reed increase without water?
12Samantalang nasa kasariwaan, at hindi pinuputol, natutuyong una kay sa alin mang damo.
12While it [is] in its budding — uncropt, Even before any herb it withereth.
13Gayon ang mga landas ng lahat na nagsisilimot sa Dios; at ang pagasa ng di banal ay mawawala:
13So [are] the paths of all forgetting God, And the hope of the profane doth perish,
14Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam, at ang kaniyang tiwala ay isang bahay gagamba.
14Whose confidence is loathsome, And the house of a spider his trust.
15Siya'y sasandal sa kaniyang bahay, nguni't hindi tatayo; siya'y pipigil na mahigpit dito, nguni't hindi makapagmamatigas.
15He leaneth on his house — and it standeth not: He taketh hold on it — and it abideth not.
16Siya'y sariwa sa harap ng araw, at ang kaniyang mga suwi ay sumisibol sa kaniyang halamanan.
16Green he [is] before the sun, And over his garden his branch goeth out.
17Ang kaniyang mga ugat ay nagkakapitan sa palibot ng bunton, kaniyang minamasdan ang dako ng mga bato.
17By a heap his roots are wrapped, A house of stones he looketh for.
18Kung siya'y magiba sa kaniyang dako, kung magkagayo'y itatakuwil niya siya, na sinasabi: Hindi kita nakita.
18If [one] doth destroy him from his place, Then it hath feigned concerning him, I have not seen thee!
19Narito, ito ang kagalakan ng kaniyang lakad, at mula sa lupa ay sisibol ang mga iba.
19Lo, this [is] the joy of his way, And from the dust others spring up.`
20Narito, hindi itatakuwil ng Dios ang sakdal na tao, ni aalalayan man niya ang mga manggagawa ng kasamaan.
20Lo, God doth not reject the perfect, Nor taketh hold on the hand of evil doers.
21Kaniya namang pupunuin ang iyong bibig ng pagtawa, at ang iyong mga labi ng paghiyaw.
21While he filleth with laughter thy mouth, And thy lips with shouting,
22Silang nangapopoot sa iyo ay mabibihisan ng pagkahiya; at ang tolda ng masama ay mawawala.
22Those hating thee do put on shame, And the tent of the wicked is not!